Professional Documents
Culture Documents
PANANALIKSIK
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik o riserts ay ang makaagham na pagkuha at pagpapalaganap ng mga tala upang
masubok ang teorya nang sa gayon ay malutas ang isang suliranin. Dito ay lubbos na kailangan ang
pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng mga kinakailangang datos upang matiyak na matatanggap ang
mga impormasyon o datos na nalikom upang mapatotohanan ang teoryang kasangkot sa pananaliksik.
Isang mahalagang aspeto ng pag-aaral sa kolehiyo ang kaalaman ng mag –aaral sa pananaliksi.
Itinatadhana ng mga CMO mula sa Commission on Higher Education para sa iba’t ibang kurso at
larangang pang-akademiko ang pagkakaroon ng mga komponent ng pananaliksik o riserts upang
lubusang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa gawang ito.
Binigyang-kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, emperikal
at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal.
Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa
pagtukoy sa suliranin sa mga umiiral na teorya, pagngangalap ng datos, pagbuo ng kongklusyon, at
pagsasanib ng mga kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na sinasaliksik.
Tunay na mahirap na gawain ang sulating pananaliksik. Ang isang mahusay na mananaliksik ay
kailangang magtaglay ng sumusunod na mga katangian:
1. Masipag at matiyaga. Kailangan ang walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin
sa pananaliksik. Kailangan din ang tiyaga at lubos na pasensiya, malawak na pang-unawa sa mga
nakakasalamuhang tao habang nangangalap ng datos.
2. Maingat. Kinakailangang maingat niyang maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan
sa kanyang ginagawang sulating pananaliksik. Kailangan din niyang mabigyan ng angkop na
pagkilala ang mga tao, awtor, at iba ang pinagkunan niya ng datos at maingat niya itong
maisama sa kanyang inihahandang sulatin.