Article On Ap 2nd QT

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Nalaganap ang pinakamaimpluwensiya at laganap na relihiyong

Kristiyanismo. Si Hesus ang kinilalang isa sa pinakatanyag na tauhan sa


kasaysayan ng daigdig at tinagurian din siyang “Messiah” o “tagapagligtas”, at
“Hari ng mga Hudyo” noong siya’y dumating sa Jerusalem. Ipinanganak siya sa
bayan ng Bethlehem. Namuhay siya bilang isang payak na karpintero sa bayan
ng Nazareth. Nagsimula siyang mangaral ng Salita ng Diyos nang siya 30 taong
gulang. Dumarami na ang tagasunod niya at pangunahin ang 12 na apostol niya
na sina Simon Peter, Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, Thomas,
Matthew, James, Thaddaeus, Simon the Zealot at Judas Iscariot. Ngunit siya’y
pinahirapan ni Poncio Pilato (gobernador ng Imperyong Roman sa Judea) at
pinarusahan ng kamatayan dahil sa hindi paniniwala sa kanyang mga ginagawa.
Naging patunay na siya ay tunay na tagapagligtas nang siya’y nabuhay matapos
ng 3 araw sa kanyang kamatayan.
Ikinagalit ng mga Roman ang pagtanggi ng mga Kristiyano na sumamba sa
emperador bilang diyos kaya ipinagutos ni Emperador Nero na paslangin ang
mga Kristiyano bilang kaparusahan at ipinagutos ni Emperador Decius na mag-
alay ng mga sakripisyo. Ang ibang Kristiyano ay pinili ang kamatayan kaysa
talikuran ang pananampalataya sa diyos.
(Ayon sa alamat) nagdasal si Consantine sa Diyos para sa tagumpay ng
kaniyang hukbo sa digmaan. Inumpisahan niya ang salitang in hoc signo vinces
na ibig sabihin ay “Gamit ang simbolong ito, makakamit mo ang tagumpay”. Ito
ang pinaniwalaang nagdala sa kanila ng tagumpay sa Labanan sa Milvan Bridge.
Dahil dito, nagging tagapagtanggol ng Kristiyanismo si Constantine.
Siya ang gumawa ni Edict of Milan na nagpapahintulot sa mga
mamamayang pumili ng kanilang relihiyon. Ginawa naman ni Emperador
Theodosius and Edict of Thessalonica na opisyal na relihiyon ng imperyo ang
Kristiyanismo at ipinagbawal ang tradisyonal na mga paniniwalang Roman.
Obispo ang tawag sa mga relihiyonal na pinuno ng simbahan. Ang Ama ng
Simbahan ang nagakda tungkol sa Kristiyanismo at ang papa ang pinakamataas
na opisyal ng Simbahang Katoliko.

You might also like