Alamat NG Saging Ver 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Saging (Ver.

1)

May isang dalagang hinahangaan sa angkin niyang kagandahan. Mariang


Maganda ang tawag sa kaniya. Siya ay may harding puno ng sariwang halaman.
Marami dito ang namumulaklak. May rosal, kamya at santan dito. Mayroon ding
sampaguila, eadena de amor at ehampaea. Nakikipagtagisan ng ganda ang
dalaga sa bawat bulaklak na dito ay makikita.

Parang kabubukadkad na bulaklak pa lang si Maria. Siya ay batang-bata pa.


Bagamat marami nang aali-aligid na nanliligaw ay wala pa siyang mapili isa man.

Kay Maria, hindi mahalaga kung sino ka. Ang tanging basehan niya sa pagsinta ay
kung gusto ba niya ang binatang sa kanya ay nagmamahal.

Isang hapong namumupol siya ng mga bulaklak ay may isang makisig na


binatang bumaba sa isang karwahe. Natiyak ni Mariang galing sa isang marangal
na pamilya ang ginoo. Ipinagtanong ng binata kung saan daw ba makikita ang
plaza. Itinuro ni Maria ang tamang daan. Nagpasalamat na may ngiti sa mga labi
ang binata. Hindi alam ni Mariang gusto lang palang makipagkilala ng ginoo
kaya ito bumaba sa tarangkahan ng hardin nila.

Magmula noon, buwan-buwan nang dumadalaw sa hardin ang binatang


nakakarwahe na nagpakilala sa pangalang Aging. Nang makasiguro si Maria sa
matapat na saloobin ng binata ay sinagot ito ng dalaga.

Isang hapon ay nagulat si Maria nang humahangos na dumating ang kasintahan.

“Ikinalulungkot ko Maria. Sa lalong madaling panahon ay isasama kita sa aming


daigdig. Natatakot akong baka hindi ko na matutunan ang daan papunta sa
inyong sangkalupaan. Unti-unti nang napapansin ng aking mga kalipi ang lagi
kong pagkawala sa aming daigdig.”

Nahintakutan ang dalaga na baka mawala na sa kaniyang paningin ang tanging


binatang nakapagpatibok sa puso niya.
Sa sobrang pagkalito ay lalong dumiin ang pagkakakapit ni Maria sa mga kamay
ni Aging nang magpapaalam na ito.

Nakaalis at nakaalis ang nagmamadaling binata ay di napansin ng humahagulgol


na dalaga na lalong humigpit ang tangan niya sa naputol na mga kamay ni Aging
na inaagusan ng sariwang dugo.

Sa matinding takot ay ibinaon ni Maria ang dalawang putol na kamay sa kanyang


hardin.

Tulad ng pangamba ni Maria ay di na nga nakabalik pa si Aging. Makalipas ang


mga araw ay napansin ng dalaga na may sumibol na halaman sa lugar na
kanyang pinagbaunan. Lumaki ang halaman.

Naging malusog na puno ito at namunga. Nagtataka si Mariang kahawig ng mga


bunga nito ang mga daliri ni Aging. Ilang linggo pa ay sumulpot naman ang
animo puso nitong kulay pula sa labis na pagmamahal. Kahit hindi na nakabalik
pa ang kasintahan ay masaya na rin si Maria na may panahong isang dakilang
mangingibig ang nagmahal sa kanya. Pero tuwing sasagi sa isip ng dalaga ang
matagal na pinagsamahan nila ay napapaluha rin ito at sinasambit-sambit ang
pangalang Aging… Aging.

Ang pangalang Aging ay naging Saging. Yan ang alamat ng unang saging.

You might also like