Sa Likod NG Face Mask

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa Likod ng Face Mask

Ni John Danemark Tinte

Kay sarap balikan ang mga panahon kung saan ng tuwa ay bakas sa mukha ng mga taong iyong
nakakasalamuha. Ang mga araw na lumilipas kung saan mababanaag sa mukha ng bawat Juan ang tuwa,
lungkot , pagkagulat at iba pang ekspresiyon habang ika’y naglalakad sa pasilyo, sa eskinita at sa kalye.
Ang mga ito’y tila natakpan na ng face mask na bahagi na ng New Normal kung ituring ng ating
henerasyon na humaharap sa pandemiyang hindi natin nakikita, ni anino’y hindi mo maaninag, at suntok
sa buwan na akala mo’y abot mo at sa huli ika’y magwawagi. Oo, matindi ang dulot ng pandemiyang ito
dahil nabago ang takbuhin at tunguhin ng bawat nilalang saan mang dako ng daigdig.

Balikan ang nakaraan, sa larangan ng medisina ito’y kanilang normal na kasuotan pero tila ba ito’y
tanikala na nakasubaybay sa bawat taong humihinga at patuloy na umaasa sa isang magandang bukas.
Mga tao’y dati masaya sa iba’t ibang aspeto ng buhay ngiting sasambulat sa iyo ay nakagagaan ng
pakiramdam, lungkot na naipipinta ng labi at mata dahil sa bigat ng dinadala, at mga ekspresyong akala
mo’y puno ng galak, dalangin, pagsusumamo, at pangarap. Sa banta ng COVID-19 ito’y nagsilbing
proteksiyon sa atin at sa taong iyong nakakasalamuha. Pero sa likod ng face mask na ito tila ba
maraming katanungan ang bumabalot sa iyong isipan. Ano ba ang pakiramdam ng isa, siya ba’y masaya
o malungkot? may problema o wala ? pangit o may itsura ? at kung may dilim o liwanag sa isang Juan na
iyong nakakasama? Hindi na ito simpleng kasuotan ngunit ito na ang ating buhay na dala-dala kung saan-
saan. Makalimutan mo na ang lahat ‘wag lang ang face mask na nagsilbing kadugtong ng iyong buhay.
Nariyan ang mga alituntunin ng pamahalaan “no face mask, no ride, bawal pumasok kung walang face
mask,social distancing at maghugas ng kamay”, ilan lamang ito sa mga tulong na nagagawa ng lipunan
para mailayo tayo sa banta ng kaaway. Bagaman ito’y hindi habambuhay o hindi natin nakasanayan
tayo’y kailangang kumilos at isuot ang ekspresyong iligtas ang sarili, ang kapwa, at mga nakakasalamuha.

Disiplina ay pairalin para lahat ng Juan ay maging masaya sa kabila ng pagtahak sa landasing puno ng
mala-delubyong hindi mo nakikita. Ekspresiyon ng bawat isa ay importante pero nakahihigit pa rin ang
pakiramdam na darating ang araw na tayong lahat ay magkakasama. Maipadadama ang pakiramdam na
sulit at sapat dahil ito’y nakikita mismo ng iyong dalawang mata kasabay ng mga ngiting itinago ng
kaaway. Di magtatagal ay makakaalpas din tayo sa pandemyang ito. Muling sisikat ang araw at muling
masisilayan ang mga ngiting itinago ng face mask.

You might also like