Professional Documents
Culture Documents
Modyul 4-Gec 11
Modyul 4-Gec 11
GEC 11
MODYUL 4
Panitikan sa Iba’t ibang Panahon
(Panahon ng Katutubo)
A. Panimula
Pokus ng modyul na ito ang talakayin ang panitikan ng Pilipinas sa panahon ng katutubo panahon bago
dumating ang mag Kastila. Naglalayon itong maipabatid sa mga mag-aaral ang panitikang sariling atin at
wala pang anumang impluwensya ng mga dayuhang mananakop.
B. Layunin
Inaasahan ng guro na matatamo ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na layunin;
1. Naiisa isa ang mga panitikang mayroon ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila.
3. Naipaliliwanag ng maayos ang mga natutunan sa aralin gamit ang concept mapping.
C. Nilalaman ng Talakayan
Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod, pag-aralan at makiisa sa mga online na pagkaklase
ng guro kaugnay ng mga nilalaman ng modyl na ito. Pagkatapos pag-aralan ay may mga inihandang surpresa
ang guro sa lalong ikauunlad ng pang-unawa at dunong ng mga mag-aaral.
Kaligirang Pangkasaysayan
Noon pa mang hindi pa dumarating ang mga Kastila sa ating kapuluan, at maging ang iba pang
mga dayuhan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng
ating lahi.
Mayroon na rin ang ating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang
ginagamit na dinala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata - ang abakadang kahawig ng Malayo-
Polinesyo, na unang ginagamit ng ating ninuno.
Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay sinunog lahat ng mga naturang pari sa
paniniwalang ang mga iyon ay likha ng Diyablo. Maliban sa katuwirang ‘yun, nabuo sa kanilang
sarili na magiging sagabal ang mga talang nakuha nila sa madaling pagpapalaganap ng
pananampalatayang Katoliko.
May ilang mga tala na hindi nasunog isa na rito ang mga kantahing bayan na nagasalin-salin sa
bibig ng mga katutubong mamamayan hanggang sa dumating ang mga palimbagan na nagkaroon
ng interes na ipalimbag ang mga napulot na talang pampanitikan ng matatandang Pilipino.
Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga ng niyog, at dahon at
balat ng mga punongkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay matutulis na kawayan o kahoy,
dulo ng lanseta, matutulis na bato at bakal. Kahit ang bumbong ng pansalok ay tinatalaan nila ng
mahahalagang pangyayari sa buhay.
Pinatutunayan ng mga Kastilang manankop na ang ating mga ninuno ay mahihilig sa mga tula,
awit, kuwento, bugtong at palaisipan na magpahanggang ngayon ay nagdudulot pa sa atin ng
kasiyahan at naging tagapagbadya sa salinlahi ng tunay na kalinangan at kultura ng ating lahi.
Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino bago dumating ang mga Kastila
Ang Alamat
o Isang uri ito ng panitikang tuluyan, na karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng
pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
o Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang isip lamang, salat sa
katotothanan at tunay na di-kapanipaniwala.
o Ang mga matatandang kaugalian ay masasalamin sa akdang ito. At layunin
nito ay manlibang. Narito ang halimbawa ng isang alamat.
Alamat ng mga Tagalog
Kuwentong Bayan
o Ang mga kuwentong bayan ay madalas na nangyayari sa loob at labas n
gating lugar.
o Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga ta kung kaya’t ang katotohanan sa
likod ng kuwentong ito ay mahirap tukuyin.
o May mga manunulat tayo sa kasalukuyan na kung hindi hango ang kuwento
sa matandang kunwentong bayan ay likha lamang ng kanilang malilikot na
imahinasyon
o Ang mga kuwentong bayan ay binuo ng mga kuwento tungkol sa buahay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan at katatawanan na kapupullutan
ng mga aral sa buhay.
o Ang dulot nito sa atin ay totoong kapakipakinabang, sapagkat nakatutulong
ito upang mapahalagahan an gating kapaligiran, masuri ang ating katauhan
at pagbabago ng ating pananaw sa buhay. Narito ang isang halimbawa.
Si Bulan at si Adlaw
(Kuwentong bayan ng mga Tinggiyan)
Epiko
o Napakaraming epiko ang nagsilitaw ng panahong ito, subalit walang
sinumang makapagsabi kung alin sa mga ito ang pinakamatanda sapagkat
maging sa Ingles at Kastila at sa iba pang wika ang pagkakasalin nito ay
hindi pa naluluma.
o Ang panahon ng pagkakasulat nito ay hindi rin tukoy at maaaring hula-hula
lamang nang ayon sa nasasalig na panahon ng pangyayaring isinalaysay ng
epiko.
o Sinasabing ang “Hudhud” at “Alim ” daw ng mga Ipugaw ay maaaring sa
panahon pa nang ang bakal ay hind pa nakikilala ng tao.
o Ang “Ibalon” ng Bikol na natutungkol sa mga unang tao sa kabikulan ay
ipinalalagay na nangyari bago pa mag –Dilubyo.
o Ang “Maragtas” ng mga Bisaya ay malinaw na naglalahad na panahon na
Kristo nang manyari.
o Bukod sa mga nabanggit na epiko, marami pang kahawig ng mga ito ang
maaaring mabasa at mapag-aralan tulad ng mga sumusunod;
a. Bidasari-epiko ng Moro
b. Biag ni Lam Ang-epiko ng Iloko
c. Maragtas
d. Haraya
Epiko ng Bisaya
e. Lagda
f. Hari sa Bukid
g. Kumintang-epiko ng Tagalog
h. Parang Sabir-epiko ng Moro
i. Dagoy at Sudsod-epiko ng mga Tagbanua
j. Tatuang-epiko ng mga Bagobo
k. Idarapatra at Sulayman-epiko ng mga Muslim
l. Bantugan
m. Daramoke-A-Babay
Awiting Bayan
o Ang witing bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na
lumitaw bago dumating ang mga Kastila.
o Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan ng ating tinalikdang panahon.
Karamihan sa mga ito ay may lalabindalawahing pantig. Narito ang mga
halimbawa.
Kundiman
(Awit ng Pag-ibig)
Kumintang o Tagumpay
(Awit ng Pandigma)
Tulog na bunso’
Ang ina mo ay malayo
Di ka niya masundo
Pagkat ang daan ay maputik at mabalaho.
Diona
(Awit sa Kasal)
Suliranin
(Awit ng Manggagawa)
Talindaw
(Awit sa pamamangka)
Karunungang Bayan
o Mayamang mayaman tayo sa mga karunungang bayan bago pa dumating ang
mga Kastila. Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan at mga kawikaan.
Halimbawa:
1. Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.
2. Ang maniwala sa sabi-sabi
Walang bait sa sarili.
3. Hamak mang basahan, May
panahong kailangan
4. Kung mayroon kang ibinitin mayroon
kang titingalain.
5. Sa paghahangad ng kagitna
Isang salop ang nawala.
6. Kung sino ang matiyaga
Siyang nagtatamong pala.
7. Hanggang maiksi ang kumot’
Magtiis kang mamaluktot
8. May tainga ang lupa,
May pakpak ang balita.
9. Ang masama sa iyo,
Huwag mong gawin sa kapwa mo.
10. Kahoy na babad sa tubig
Sa apoy huwag ilapit,
Pag nadarang sa init,
Sapilitang magdirikit.
11. Ang buhay ng tao ay parang gulong
Magulungan at makagulong.
12. Ang walang pagod magtipon,
Walang hinayang magtapon.
7. Ang kasipagan
Ay kapatid ng kariwasaan.
D. Mga Katanungan
HANAY A HANAY B
_______1. Awit ng pag-ibig A. Ibalon
_______2. Awit sa pagkakasal B. Salawikain
_______3. Awit sa pakikidigma C. Sawikain
_______4. Awit sa pamamangka D. Kundiman
_______5. Awit sa pagpapatulog ng bata E. Maragtas
_______6. Awit sa diyos-diyosan ng mga F. Suliranin
Bisaya.
_______7. Awit ng mga manggagawa. G. Dalit o Imno
_______8. Mga kasabihang walang natatagong H. Diona
kahulugan.
_______9. Mga kasabihang may natatagong I. Tantuang
kahulugan.
_______10. Epiko ng mga Moro. J. Oyayi
_______11. Epiko ng Tagalog. K. Talindaw
_______12. Ginagamit na pangkulam. L. Tagumpay o Kumintang
_______13. Epiko ng mga Bagobo. M. Kumintang
_______14. Epiko ng Bisaya. N. Bulong
_______15. Epiko ng Bikol. O. Bidasari
E. Pagtataya
Panuto: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng concept map ayon sa mga ideyang makukuha sa sagot
sa mga tanong sa ibaba. Pagkatapos na gumawa ay ipaliliwanag naman ito sa paraang pasanaysay.
Ang kopya ng ginawa ay ipapasa ng mga mag-aaral sa google classroom na mayroon ang klase.
Makikita rin sa ibaba kung paano bibigyang puntos ng guro ang mga ginawa ng mga mag-aaral.
1. Patunayan na ang ating ninuno ay mayroon nang sariling panitikan bago pa dumating ang mga
kastila.
2. Anu-anong mga bagay ang ginamit ng ating mga ninuno bilang sulatan?
3. Anu-ano ang mga bahagi ng paniikan na nakahiligan ng ating mga ninuno ng panahong ito?
4. Ano ang alamat? Magbigay ng halimbawa.
5. Ano ang kuwentong bayan? Paano ito naiiba sa alamant? Magbigay ng halimbawa at isalaysay.
6. Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa at isalaysay?
7. Ano ang katangian ng mga awiting bayan? Magbigay ng mga halimbawa ng uring ito ng panitikan at
turan kung saan inaawit?