Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Asignatura: FILIPINO 6

Tampok/Nilalaman ng Modyul: ANG TAGAK AT ANG BUWAYA at MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT
Itinakdang Araw: Aug. 24 -27, 2020
Paglalarawan:

- Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtakay sa isang halimbawa ng pabula at sa taglay nitong aral.
Nakapaloob din dito ang paksa tungkol sa mga uri ng pangungusap na naglalayong magsilbing gabay upang
mas mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa pakikipagtalastasan at
pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat.

Mga Layunin Pampagkatuto:

 Nakikilala ang Pabula bilang uri ng panitikan.


 Napahahalagahan ang aral na taglay ng kuwento.
 Natutukoy ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.
 Nakabubuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap kaugnay ng binasang pabula.

MGA GAWAING KAUGNAY NG ARALIN:

A. Pagtuklas

 Basahin ang akdang Ang Tagak at ang Buwaya na matatagpuan sa mga pahina 51-53 ng inyong aklat.

 Sagutan ang mga sumusunod na tanong:

- Bakit noong una’y wala ni isang hayop ang nais makipagkaibigan kay Gardong Buwaya?

- Mahalaga ba ang panlabas na kaanyuan bilang basehan kung sino ang iyong dapat kaibiganin?
Ipaliwanag.

- Masasabi mo bang tunay ang hangarin ni Lornang Tagak sa pakikipagkaibigan nito kay Gardong
Buwaya? Ipaliwanag.

- Bilang indibidwal, ano-ano ang iyong mga batayan sa pagpili ng isang kaibigan?

B. Paglinang

 Basahin at unawain ang tala patungkol sa Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit na makikita sa pahina
59 ng inyong aklat.
 Gawin ang pagsasanay.

A. Sumulat ng tig-dadalawang halimbawa ng pangungusap base sa uri nito kaugnay ng akdang “Ang Tagak
at ang Buwaya”. (dalawang puntos bawat isa)

1.
PASALAYSAY 2.
3.
PATANONG 4.
5.
PADAMDAM 6.
7.
PAUTOS 8.
9.
PAKIUSAP 10.
Rubrik:

2 – Angkop ang pagkakabuo ng pangungusap batay sa uri nito at nagtataglay din ito ng
buong diwa kauganay na may kaugnayan sa binasang pabula.
1 – Nakabuo ng pangungusap ngunit halos walang kaugnayan sa binasang pabula.
0 – Walang naisulat na kahit ano.

 I-send o ipasa sa messenger account/email address ng guro ang ginawang pagsasanay bago mag-12:00 ng tanghali
ng Aug. 25,2020.
 Matapos ma-check ng guro ang iyong papel, ito ay ibabalik sa iyo upang makita mo kung saang bahagi ka
nagkamali. Bilang paglilinaw, malaya kang makapagtatanong sa iyong guro kung paano at bakit naging mali ang
iyong sagot o mga sagot.
 Ang pagtatanong sa guro ay maaari lamang gawin sa inilaang araw at oras ng pagsangguni ng mag-aaral.

C. Pagpapalalim

 Sumangguni sa guro para sa itinakdang araw at oras ng maikling pagsusulit kaugnay ng mga sumusunod na
paksa:

- Sanaysay
- Pabula
- Bahagi at mga Uri ng Pangungusap

Inilaang araw at oras ng pagsangguni sa guro: WEDNESDAY at 2:20-3:20 pm

Email: marvinteoxon@stbridgetschool-qc.edu.ph

Messenger: Marvin Teoxon

Talasanggunian:

 Raflores, Ester V. (2019) Pinagyamang Edisyon BINHI 6. Valenzuela City. JO-ES Publishing House, Inc.

You might also like