Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangarap Ko, Aking Aabutin

Ang pagkahilig ko sa larangan ng siyensiya ang nagtutulak sa akin na maging isang doktor.
Simula pagkabata’y nakatanim na sa aking isipan ang aking pangarap-Pangarap na magbibigay sa
akin ng direksiyon kung ano ang nais ko sa buhay.Makakamit ko ang aking pangarap dadagdagan ko
ang aking kaalaman sa araw-araw na pagpasok sa paaralan-sa pakikinig sa aking mga guro,sa patuloy
na pagbabasa at paglinang sa kakayahan sa pagsulat.Dapat magkaroon din ako ng disiplina sa sarili at
pokus sa pag-aaral.

Alam kong malayo pa ang aking tatahaking landas, marami pang pagsubok na haharapin
pero alam kong makakaya kong harapin sa paggabay ng aking mga magulang, at paghubog sa akin
ng aking mga guro-maabot ko ang aking pangarap sa buhay.

Naniniwala akong tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran at nakasalalay sa ating mga
kamay kung sino at ano tayo sa susunod na mga araw.

Higit sa lahat, humihingi ako ng tulong at nananalig ako sa Poong Maykapal na tulungan ako
at gabayan ako upang maabot ko ang aking pangarap sa buhay.Sa pamamagitan nito, makakatulong
ako sa aking pamilya at sa aking kapwa tao.

Germina Victoria N. Addatu

7-Au

You might also like