Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pia Kate P. Buhay.

Ako at Ang Aking Pamilya

Ako at ang aking pamilya, Masaya kaming palaging nag titipon saaming munting tahanan, mahal
naming ang isa’t isa at walang makakapag hiwalay saaming pamilya. Sa tuwing naaalala ko ang
pag aalaga at pag-aruga saamin ni nanay, tila may ngiti na masisilayan saaking mukha, bakas ang
kasiyahan na nadarama sa tuwing naaalala ang mga sandali na kami ay magkakasama. Si Tatay,
siya ang nag tatrabaho para saaming pamilya at palagi nyang sinisigurado ang aming kaligtasan.
Si tatay na palagi kaming nilalambing at pinapatawa, handang gawin ang lahat ni tatay upang
maging Masaya at hindi kami mag kakalayo ng pamilya, sila ni nanay ang umaagapay at nag
bubuklod saamin mapanatili lang na Masaya at matatag ang pamilya. Si Ate na palagi akong
tinutulungan sa mga takdang aralin at proyekto ko sa paaralan, palagi siyang nasa tabi ko para
akoy tulungan sa tuwing nahihirapan, sila ni nanay ang nag tutulungan para lang maintindihan ko
ang mga dapat pag aralan, hindi nila ako iniwan kailanman sa tuwing sila’y kinakailangan. Si
lolo at si lola, pinapanatili nilang matatag ang kanilang pagsasama, Masaya ako dahil Masaya
sila sa isat isa, bakas sa kanilang mga mukha ang saya na naidudulot ng bawat isa, sila ang nag
patunay na kahit tumanda man ay mananaig parin ang pagmamahalan sa bawat isa. Ang pamilya
ko ang aking kalakasan at sandalan sa bawat problemang kinakaharap namin ngayon, gaano man
kahirap basta buo ang pamilya hinding hindi kami matitibag ng anuman. Ako at Ang Aking
Pamilya ay mananatiling matatag at buo umaraw man o bumagyo kami’y hindi mag hihiwalay.

You might also like