Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

E.

Teoritikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

Tamang Paggamit Ng Bagong Teknolohiya

Lubhang masuwerte ang kabataan sa ngayon dahil marami na


silang pagkukuhanan ng impormasyon di tulad noong unang
panahon. Ngayon miski sa loob lamang ng kanilang mga silid ay
maari na nilang makuha ang impormasyon o makisalimuha sa
maraming tao gamit lamang ang kanilang computer at internet.
Kaya hindi nakakapagtaka na ang kabataan ngayon ay kabataan
na ng mundo dahil sa lawak ng kanilang nararating gamit
lamang ang internet at ang kanilang computer.

Ngunit sa kanilang paggamit ng makabagong teknolohiya na ito


ay maraming maaring mangyari. Malaking responsibilidad ang
naka atang sa kanilang mga balikat na kung hindi sila lubhang
mag-iingat ay maari silang mailagay sa kapahamakan. Kaya sa
kanilang pang
araw-araw na paggamit ng makabagong teknolohiyang ito dapat
nilang maisapuso ang mga sumusunod:
1. Isipin mo muna bago ka magpost – dapat maintindihan ng
kabataan na kung ano man ang kanilang ilalagay sa internet ay
hindi na nila ito mababawi at maaring magkaroon ng problema
sa hinaharap. Ang paglalagay ng litroto at pagsusulat ng mga
ibat ibang bagay na ilalagay sa internet ay may kasamang
malaking responsibilidad dahil ito ay makakaapekto sa pagkilala
at sa pagkatao ng gumagawa nito.
2. Huwag magbigay o maglagay ng personal na impormasyon
sa mga websites o sa mga taong hindi mo kakilala – maaring
magamit ng mga taong masama ang hangarin upang
makapanloko o malaman ang iyong kinaroronan upang
biktimahin ka.
3. Mag ingat sa mga taong iyong makikilala gamit ang
makabagong teknolohiya – marami sa kabataan ay may mga
kaibigan na hindi pa nila nakikita ng personal dahil ang mga ito
ay nakilala lamang nila sa paggamit ng internet at pakikipag
textmate. May posibilidad na nagpapanggap ang mga taong ito
upang makuha ang iyong tiwala at maari ka nilang pagtangkaan
ng masama.
4. Higit sa lahat tumangging makipagkita sa mga taong hindi
mo kilala - ang hilig hilig ng mga kabataan natin ngayon
makipag “eyeball” sa mga taong nakilala lang nila gamit ang
internet o cellphone. Kung hindi mo naman talaga kilala ang
taong iyong makaka “eyeball” mas maigi na huwag mo na lang
ituloy ito para ikaw ay hindi mapahamak.
Kabanata II-Metodolohiya ng Pamamaraan
A.Disenyo

104,000,000

102,000,000

100,000,000

98,000,000
Gumagamit ng Cellphone
96,000,000
Hindi gumagamit ng Cellphone
94,000,000

92,000,000

90,000,000

88,000,000

86,000,000
Teknolohiya

You might also like