Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Laus, Leonesa A.

April 6, 2020
Manipesto ng Isang Dayo
1. Ano ang manipesto? Ano ang ibig sbaihin nito batay sa pagkakagamit sa tula?

Ang manipesto ay isang lantarang nakasulat na pagpapahayag ng saloobin o damdamin. Ang


manipesto sa tula ay pagsiwalat o pagbahagi ng persona sa kanyang karansan sa buhay.

2. Sino ang mga persona o ang mga nagsasalita sa tula?Ilarawan siya.

Ang persona sa tula ay isang manggagawa o isang OFW. Isa siyang ama na pursigidong
maghanap buhay para matustusan ang kaniyang pamilya pero siya ay nakaranas ng
diskriminasyon, panlalait at malmig ng pagtanggap sa kanya.

3. Ano ang tono ng may- akda sa tula? Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?

Ang tono ng may- akda sa tula ay pangungulila sa mga mahal sa buhay dahil malayo ito
sa kanila, nasasaktan na pinili pero ibang napakapait na hamon naman ang hinarap.
Nakaramdam siya ng galit, takot, pangamba, pangungulila at lungkot.

4. Ano ang tema ng tula? Ano ang nais sabihin ng may akda nito?

Ang tulang “Manipesto ng isang dayo” ay pinapahayag ang kalagayan ng isang


manggagawang Pilipino sa ibang bansa kung paano nila tratuhin ng hindi maganda, pang-
aalipusta, at walang katapusang diskriminasyon na natatanggap nila sa mga taong may kaya sa
buhay. Pero sinalaysay din dito na kahit anong pait ang dinanas niya buong lakas siya tumayo
para masuportahan ang kaniyang pamilya. Ipinapakita lamang sa akda na hahamakin ang lahat
at tatangapin ag anumang hamon ng buhay kung para sa pamilya walang aatrasan.

5. Tukuyin ang ibat ibang isyung tinatalaky sa tula.

Ang maraming pagsabog, ang lantarang katiwalian, ang dayaan ng eleksyon, ang
pagmamaltrato sa mga bata, matanda at kasambahay, ang abot- langit na pamumulitika, ang
labanang muslim at military, ang pagbagsak ng ekkonomiya at ang pagkalgas ng mga militanteng
bayani sa lansangan.

6. Ano-ano ang mga simbolismong gingamit sa tula? Ano ang sinisimbolo ng bawat isa?

Dolyar- sinisimbolo dito na ang persona ay nasa ibang bansa. Sumisimbolo na siya isang OFW.
Rebulto- dito nila inihalintulad ang mga bayaga na parang walang paki alam sa kanilang kapwa
tao. Kumbaga sila ay nagbubulagan, nag- bibingihan at nag- pipihan at higit sa lahat walang
pakiramdam.

7. Suriin ang pagkakasulat ng tula. Ano-ano ang mabubuting katangian nito? Ipaliwanag

Naipakita sa tula ang pangunahing diwa o emosyon na gustong iparating sa mga


mambabasa. At wasto ang paggamit ng matatalinhagang salita sa tula.

You might also like