De La O Nobena - 3rd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAM SA NUESTRA SEÑORA DE LA O

Ang Pagtanggap ni Maria bilang Ina ng Magkakatawang-taong Diyos

Panalangin

O aming Pintakasi, Nuestra Señora de la O, tunay kang hinirang ng Diyos upang maging ina ng
magkakatawang taong Anak ng Diyos, ang ating Panginoong Hesukristo.
Samahan mo po kaming tanggapin si Hesus sa aming buhay gaya ng iyong maluwalhati at
walang pag-alinlangang pagtanggap sa Kanya bilang iyong Anak at Panginoon na tagapagligtas
ng sanlibutan.

Akayin mo kami at tanglawan patungo sa Diyos upang maganap nawa sa aming buhay ang
Kanyang kalooban. Itinataas namin sa Anak mong si Hesukristo ang lahat ng aming suliranin,
kahinaan at karamdamang nararanasan at kamaliang aming nagawa. At kung Inyo pong
mamarapatin, ang lahat ng ito’y tuluyang maglaho at kapatawaran ang aming samo at dalangin.
Alam po naming ang mga pagsubok na ito sa aming buhay ang maghahatid sa amin upang mas
lalo pa naming palalimin ang aming pananampalataya sa Diyos.

Ang lahat ng ito’y aming inilalapit sa iyo, Mahal na Virgen De La O, at kami’y samahang
manalangin at angkinin ang pagpapala at pagpapatawad na nagmumula sa anak mong si Hesus,
aming kalakasan, kagalingan at tagapagligtas. Amen.

Mabuting Balita - Lucas 1:26-38

Pagninilay

Maraming pagkakataon na sinusubok tayo ng mga suliraning lubhang mahirap at halos walang
solusyon. Minsan pa nga masasabi nating imposible. Iniiwanan tayo ng Panginoon ng mga
tanong at agam-agam na sobra nating ikinababahala ngunit binibigyan din Niya tayo ng
pangakong ipagkatiwala sa Kanya ang ating mga sarili kagaya ng ginawa ng Mahal na Birheng
Maria ng bisitahin siya ng anghel Gabriel upang ibalita na siya’y hinirang ng Diyos upang
maging ina ng ating tagapagligtas na si Hesus. At ito ay kanyang tinanggap ng buong
pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.

Ang hamon sa atin ng Panginoon, kaya ba nating yakapin at tanggapin ang kanyang kalooban ng
walang pag-alinlangan kagaya ng pagtanggap ni Maria – pagtanggap na may pananampalataya
at pag-ibig? Kung ito ay ating gagawin, ang Panginoon ang magbabalik sa atin at magpapadaloy
ng Kanyang walang hanggang biyaya. Pananatilihin Niya ang kaluwalhatian ng kanyang pag-
ibig sa atin upang tayo’y manalig pa ng walang pag-aalinlangan at lalong hubugin ang ating
kaluluwa upang maipamalas natin ang ating wagas na pananampalataya sa Kanya.

Kaya’t tanggapin natin ang Panginoong Hesus ng buong puso at pananampalaya kagaya ng
pagtanggap ni Maria. Simulan na natin ngayon ang pagbabago sa ating buhay at angkinin na
natin ang pagpapala ng Diyos dahil walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.

You might also like