Professional Documents
Culture Documents
Artikulasyon NG Katutubong Pilosopiya
Artikulasyon NG Katutubong Pilosopiya
Kahulugan ng Kultura
- Kabuuan ng mga katauhan, mga gawain, katutubong wika o wikanin, mga pagpapahalaga,
kaalaman at mga pananaw, at mga natuturuhang huwaran ng pag-uugali o asal panlipunan at
paraan ng paumuhaysa isang takdang panahon ng isang lahi o ng mga tao.
- Mga pangunahing galamay ng kultura: pamilya, pamayanan, pamahalaan, paaralan,
pananampalataya, at midya
- Pamilya: instrumento ng kultura, at bawal tao ay isinilang sa kultura
- Magulang: pangunahing tagalipat ng kultura galing sa kanilang magulang tungo sa kanilang
anak.
- Kultura at pinagmana-manahang proseso ng pamumuhay at mga pagpapahalaga ng mga tao
sa isang takdang lugar o panahon
- Ito magpapatuloy sa henerasyon ng pamilya habang may tao sa mundo
- Kauna-unahang tao: natutong mabuhay laban sa malupit na kalamidad at mababangis na
hayop. Gumawa siya ng paraan ng pamumuhay upang mapawi ang kanyang gutom at
mapahaba ng kanyang buhay. Ito ang kanyang kultura na ipinamana niya sa kanyang mga
anak. Tayo ngayon ang naging bunga ng kulturang minana natin, o ‘di kaya’y ng natutuhan
natin mula sa ating pag-aaral at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa-tao.
2 Uri ng kultura
1. Kinagisnan natin - kaalaman ng lahi na nakapaloob sa panitikan at pasalitang tradisyon ng
taumbayan (pisikal at ispirituwal)
2. Kasalukuyang pang isinasagawa natin - mga ginagawa, isinusulat at binabalangkas sa
kasalukuyan na magiging bahagi ng kinamulatan nating kalinangan
1. Tambalang Yin-Yang
- Dalawang pansanlibutang pwersang nananaig sa buhay, kalikasan at daigdig: Yin
(negatibong prinsipyo, dilim/gabi) at Yang (Positibong prinsipyo, liwanag/araw)
- Ang dalawa ay likas na magkatambal at hindi magkasalungat
- Ang kanilang paguugnayan at interaksyon = nagsilitaw ang mga bagay sa daigdig
- Buhay = kamatayan
- Hindi sila mahihiwalay sa isa’t isa dahil sila ang nagbibigay ng harmony sa daigdig
- Tinatanggap nila ang positibo at negatibong aspeto ng buhay ng walang daim
- Para sa mga tsino, ito ang likas na takbo/landas ng buhay
- Tinatanggap nila ang lahat ng sitwasyon bilang bahagi ng kanilang tao (kabiguan at
tagumpay, ng walang pagsisisi at pananakit)
- Bumabalangkas sa mga tsino; gabay at sukatan ng pangunawa at pagpapaliwanag ng
mga pangyayari sa kanilang buhay
2. Konsepto ng Nirvana
- “Liberated from existence”
- Pagpapaliwanag tungkol sa kahiwagaan ng buhay tao (isilang, mamatay, at muling
pagsilang matapos mamatay)
- Ang puspos na kaligayahan ay nakasalalay sa Nirvana
- Siyang huling yugto ng buhay matapos makalaya ang kaluluwang tao mula sa tanikala
na paulit ulit na pagsilang at pagkamatay
- Naniniwala ang mga hindu na matapos mamatay ng isang tao, mayroon pa rin silang
dungis o kasalanan. Ang kaluluwa ay maglalakbay upang papasok sa katawan ng
bagong silang na tao/hayop upang bayaran ang kaniyang mga “utang” sa nagawa
niyang kasalanan
- Nabuhay ang kaluluwa = lalong naghihirap; kaya ang impyerno para sa mga hindu: ang
kasalukuyang mundo
- Budha: ang katandaan, pagkakasakit, kamatayan, pagkakasubo sa anong hindi
magustuhan, pagkawalay sa pinahahalagahan, ang pagkabigo makamtan ang nais na
makuha ay PAGDURUSA
- Kaya kinakailangan makaiwas ang tao sa mundo sa lalong madaling panahon
- Ngunit, hangga’t sa hindi pa natutubos ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang kasalanan
= reincarnation (muling pagsilang ng kaluluwa sa bagong katawan). Kapag malinis na
ang kanyang kaluluwa, iyon na ang kanyang paglaya sa siklo ng reincarnation =
NIRVANA.
- Ang kaluluwang tao ay makakaisa na sa brahman o puspos na kaligayahan.
Paglalagom at Konklusyon
Aristotle: “Ang pagkauhaw sa karunungan ay hindi monopolyo/pag-aari ng isang piling pangkat ng tao.
Ito ay para sa lahat dahil likas sa tao ang mag-usisa, mamilosopiya, at magnasa makaalam.
- Ang kaalaman at pilosopiya ay hindi namimili ng lahi, kasarian, kultura, o wika. Ito ay para sa
lahat.
- Ang pilosopiya ay bumubukal mula sa karanasang tao.
- Ang pilipino ay may sariling katutubong karanasan na matutunghayan at nakakubli sa literatura.
- Ang pilosopiya ng tao ay nakapaloob sa kani-kanilang kultura
- Ang istilo o hugis ng pag-iisip ng isang tao sa iba’t ibang kultura ay nakahabi sa kanilang wikang
sinasalita/ginagamit na tahasang iginigiit ng mga dalubwika at pantas
- Ang wika ang siyang tagapagdala ng isip
- Sapat nang maging tao na may katutubong karanasan, kultura at wika upang mamilosopo.
- Ang kalagayan ng Pilosopiyang Pilipino ay kinakailangan ng matinding intelektwalisasyon at
malalimang artikulasyon ng mga pantas na Pilipino upang umunlad ang katutubong pag-iisip
- Sa pamamagitan ng taong nag-iisip, mas lalong lumalawak ang kaniyang iniisip (what a phrase)
- Ang pilosopiya ay nagsisimula sa isang payak o simpleng ideya o konsepto na nagiging
pananaw na maaaring balangkasin upang mabuo ang isang uri ng pilosopiya.
- Dapat natin mag-isip gamit ang sarili nating isip at hindi pag-iisip ng iba; dapat tayong
mamilosopiya gamit ang ating sariling pilosopiya at hindi pilosopiya ng ibang lahi.
- Habang pinayayaman at pinapalawak natin ang ating katutubong isip, yumayaman at
lumalawak din ang ating wika, kultura, at pagkatao bilang mamamayang Pilipino
- Mahalang ma-preserve/mapanatili ang Pilosopiyang Pilipino, kultura, at wika dahil ito ang
pagkakakilanlan natin bilang Pilipino
- Kapag nawala ang tao, mawawala ang kultura at wika
- Mahalagang tanong: “Ano ang kulturang nakapaloob sa wikang ito?”
- Ito ay dahil laging magkaugnay ang kultura, wika, at lipunan.
- Responsibilidad ng Pilipino na nasa akademya ang pagaralan ay ipamana sa susunod na
panahon sa pagp-preserve sa kulturang mayroon tayo.