Ang Katipunan at Ang Hangarin NG Paglaya Sa Espanya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG KATIPUNAN AT ANG HANGARIN NG PAGLAYA SA ESPANYA

KKK (Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan)

 Itinatag noong Hulyo 7, 1892


 Itinatag sa isang bahay sa 72 Cafle Azcarraga Tondo, Maynila
 Dito pinagusapan ang mga layunin ng samahan:
1. Casaysayan – paghihiwalay ng Espanya dahil sa pang-aabuso nito, pagpapataw ng mataas
na buwis, hindi pagsama sa mga Pilipino sa gawaing political at pagbalewala sa mga ito.
2. Pinagcasundoan – tuluyang paglaya ng Pilipinas mula sa Espanya.
 Paraang Hasik (Patatsulok) - ginamit ang paraang ito upang makakalap ng kasapi sa
samahan. Maghihikayat ang isang kasapi ng dalawang tao na hindi magkakilala upang gawing
miyembro. Isinasagawa ito upang matiyak na hindi maisuplong lahat ng kasapi kung sakaling
malantad ang samahan.

orihinal na kasapi ng samahan

nahikayat na miyembro nahikayat na miyembro

Makikita nyo na naka-front yung mga


nahikayat na miyembro. Malantad man
ang samahan, hindi yung orihinal na
kasapi ang unang mahuhuli.

 Noong 1895, binuwag ang paraang hasik at naging bukas na lamang ang samahan sa mga
karapat-dapat na miyembro nito.
 Bayani – pinuno ng samahan
 Kawal – katipon na nakapag-hikayat ng bagong kasapi.
 Katipon – bagong kasapi
 Marina Dizon, Gregoria De Jesus, Josefa Rizal, Trinidad Tecson at Angelica Lopez –
kababaihang miyembro ng Katipunan. Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapag-hatid ng mga
liham na dokumento.
ORGANISASYON NG KATIPUNAN

 Kataas-taasang Sanggunian – nagtitiyak na maayos ang pamamahala sa samahan.


Binubuo ng: pinuno, kalihim, ingat yaman at taga-usig.
Kataas-taasang Sanggunian Sangguniang Bayan Sangguniang Balangay
 Hindi naging masigasig sa pagpapalaki ng katipunan ang naunang dalawang pinuno na sina
Deodato Arellano at Roman Basa kaya noong 1895 nahalal sina Andres Bonifacio
(pinuno), Pio Valenzuela (piskal), Emilio Jacinto (kalihim). Sa ilalim ng pamamahala nila
lumawig ang samahan ng katipunan.

ANG PAGLAKI NG KATIPUNAN

 Dahil sa bagong pamumuno nila Bonifacio, nakapaglimbag ang samahan ng pahayagan na


tinawag na “Ang Kalayaan”. Noong Enero 18, 1896 nailathala din nila ang mga sumusunod:
1. Pagibig sa Tinubuang Lupa (Bonifacio)
2. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog (Bonifacio)
3. Katuiran (Velenzuela)
4. Manifesto (Jacinto)

Sa tulong ng mga lathala na ito ay nakapaghikayat pa sila ng 30 000 miyembro sa kanilang


samahan.

 Emilio Jacinto – utak ng katipunan


- ipinanganak sa Trozo Maynila noong Dec. 15, 1895
- miyembro ng Katipunan
- may akda ng: Kartilya, Ang Kalayaan, Liwanag at Dilim, A La Patria

ANG KATIPUNAN AT SI RIZAL

 Mayo 1, 1896 – nagpatawag ng pulong si Bonifacio sa Pasig upang ipabatid na alam na ng


mga Espanyol ang kanilang samahan at kailangan na nila magsagawa ng Rebolusyon habang
hindi pa nakakapaghanda ang kalabang hukbo.
 Ginamit ni Pio Valenzuela si Raymundo Mata upang magpanggap na magpapakonsulta kay
Rizal. Ng makarating sa Dapitan, ipinayo ni Rizal na kinakailangan nila ng armas sa pag-aalsa
at kailangan nila hingin ang tulong ni Antonio Luna para dito.
 Nabigo ang lahat ng paghahanda na ginawa nila mula sa paghingi ng tulong kay Luna, sa mga
mayayamang Pilipino at Imperyong Hapon.
PAGKABUNYAG SA KATIPUNAN

 Nalantad ang katipunan dahil sa dalawang kasapi nito: Teodoro Patino at Apolonio Dela
Cruz. Sa pagkakatalo ni Patino at sama ng loob, ikinuwento niya sa kanyang kapatid ang
lihim na samahan.

Padre Mariano Gil


Teodoro Patino kapatid Mother leader

 Agosto 18, 1896 sinamahan ni Patino ang mga guwardiya sibil upang mangalap ng ebidensya.
Sa mga nasamsam na gamit sa palimbagan ng Diario de Manila nabatid nila ang mga pinuno
at kasapi ng Katipunan.
 Ang naging desisyon ng mga Katipunero sa pagkakatuklas ng kanilang samahan ay ituloy ang
pag-aalsa kasabay ng pagsigaw ng “Mabuhay ang Katagalugan”! Ito ang tinaguriang “Sigaw
ng Pugad Lawin” kung saan pinunit nila ang kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa mga
Espanyol.

ANG UNANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KALAYAAN

 Hindi naisakatuparan ang estratehiyang palibutan ang lungsod ng Maynila upang maihiwalay
ito sa mga kalapit na lungsod at madali itong masalakay. Kaya itinuon nalang ni Bonifacio at
kanyang hukbo ang pagsalakay sa El Polvorin (gunpowder depot) sa dalawang kadahilanan:
1. Makuha ang armas at pulburang nakaimbok doon.
2. Makontrol ang kalapit na El Doposito kung saan nakaimbak ang tubig na sinusuplay
sa Maynila.

Ngunit hindi rin sila nagtagumpay kaya marami ang nasawi at nahuli. Agosto 30 ng ihayag ni
Gobernador-Heneral Ramon Blanco ang pagpapatupad ng Batas Militar sa walong lalawigan:
Maynila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac at
Nueva Ecija (8 sinag ng araw sa watawat).

ANG REBOLUSYON SA MGA LALAWIGAN

 Nagpakita ng husay ang ilang pinuno tulad ni Mariano Llanera sa taktikang hit and run.
 Hit and run tactic – paraan ng pakikidigma na ang tuon ay magdala ng pinsala sa mga
pagmamay-ari ng kalaban, kunin ang kanilang armas at yaman pagkatapos ay aatras at
magkukuta sa ibang lugar.
 Zone of Operation ng mga Pinuno:

Mariana Llanera – Nueva Ecija at Miguel Malvar – Batangas


Bulacan Licero Geronimo – San Mateo
Francisco Makabulos – Tarlac at
Pampanga
ANG REBOLUSYON SA CAVITE

 Gumamit rin hit and run tactic ang Katipunan ng Cavite sa pagsalakay ng casa real,
guwardiya sibil at mga simbahan.
 Natalo ng hukbo ni Pio del Pilar ang mga Espanyol at naging kontrolado ng dalawang
sangguniang bayan ng Katipunan ang Magdalo at Magdiwang (malaking bahagi ng Cavite)
 Cabo ranchero – naghahanap ng pagkain para sa mga kasapi ng katipunan
 Sombrerong gawa sa buri – pagkakakilanlan ng mga kawal

TUGON NG PAMAHALAANG KOLONYAL


 Paraan upang matigil ang rebolusyon: paghuli, pagkulong at paglitis sa mga
pinaghihinalaang miyembro ng Katipunan.
 Quince martires – 15 bicolano na nahatulan ng kamatayan
 Hinatulan rin ng kamatayan si Jose Rizal noong Dec. 10, 1896 dahil sa akusasyon ng mga
Espanyol na pakikisabwat sa paghihimagsik at pagkakaroon nito ng kaugnayan sa Katipunan.

ANG SUPREMO AT ANG HIDWAAN SA CAVITE


 Baldomero Aguinaldo – pinuno ng Magdalo
 Mariano Alvarez – pinuno ng Magdiwang
Ayon sa plano ni Gobernador-Heneral Camilo Polavieja, inilipat niya ang cazador (hunters) sa
Cavite upang labanan ang rebolusyonaryo doon. Nais nila palibutan ang Cavite sa apat na
pwersa:
Heneral Galbis – hilaga (las pinas)
Heneral Lachambre – silangan (laguna)
Heneral Jaramilla – timog (batangas)
Hukbong pandagat ng espanya – kanluran
Naging matagumpay ang mga Espanyol sa pagsalakay sa Cavite dahil nakahihigit sila sa armas. Isa
pa sa dahilan ng pagkaka-tagumpay ng Espanyol ay ang hating pamamahala sa Cavite (divided
leadership) ng Magdalo at Magdiwang.
 Kumbensiyon sa Tejeros – pagpupulong ng Magdalo at Magdiwang na naglalayong
pagusapan ang depensa ng Cavite.

Emilio Aguinaldo – pangulo


Mariano Trias – pangalawang pangulo
Artemio Ricarte – kapitan-heneral
Emiliano Riego de Dios – director ng digmaan
Andres Bonifacio – direktor ng interyor

Resulta ng Halalan sa Kumbensiyon sa Ttejeros


Tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Bonifacio bilang direktor ng interyor at sinabing
wala syang kakayahan para sa posisyon na ito.

 Acta de Tejeros – mga dahilan ng pagtutol ni Bonifacio at kanyang mga taga-suporta sa


resulta ng halalan.
 Kasunduang Militar sa Naic – bagong hukbo sa pamumuno ni Pio del Pilar.
 Pamahalaan Sangkatagalugan – pamahalaan ng mga pinuno ng Magdalo at Magdiwang.
 Kasunduan ng Biak-na-Bato – kasunduan ng paghihinto ng pakikipaglaban hanggat
maisakatuparan ng dalawang panig ang napagkasunduang gawin.

GOOD LUCK, MGA ANAK! NANINIWALA AKONG KAYA NYO YAN. 

T. Erika

You might also like