Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 40

GORA: ETHNOGRAPIYA ANG METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK

(ang kanilang pagsilip sa kalagayang sosyo-kultural na paksain)

Ng:

SECTION ___

2nd Sem, S.Y. 2020-2019

Para sa kahingian ng Asignaturang

Filipino sa Iba't Ibang Disiplina (FILDIS)

Global Reciprocal Colleges

Gracepark, Caloocan City

February 2021
PAGHAHANDOG:

Ang Ethnograpiyang ito ay malugod na inihahandog unang-una sa Panginooon na may lalang ng


lahat ng bagay sa daigdig at naging dahilan ng pag-iral ng sangkatauhan,

Sa mga magulang ng bawat isa, na laging nariyan upang sumuporta sa amin, sa pinansyal, sa
pisikal at sa malawak na pang-unawa at pagmamahal,

Sa Global Reciprocal Colleges

Gracepark, Caloocan na aming paaralan, at sa bawat guro namin na matyagang nagtuturo,


naghuhubog sa aming kaalaman at naglalaan ng kanilang mahabang pasensya sa bawat
estudyante,

Sa aming kamag-aral, na naging kabahagi sa bawat karanasan -lalo na sa pagbuo ng


ethnograpiyang ito, na nakasama namin sa panahon ng pag-oobserba at sa panahon ng
paglalapat nito sa papel,

Sa mga taong naging kabahagi ng aming paksa, mga nagpaunlak na maging pokus ng
ethnograpiya ng bawat grupo, mga nakapanayam at malugod na nagbigay ng kanilang
kaalaman, pahayag at opinyon,

Sa mga susunod pang mag-aaral na gagawa ng ethnoggrapiya -sana'y maging ehemplo ito sa
inyo -bagama't alam naming maraming pang dapat na isaayos upang mapaunlad ang
kakayahang magsaliksik at magsulat,

Gayunpaman, sa lahat... para sa inyo po ito.

-Mga Mananaliksik
PASASALAMAT:

Lubos naming pinasasalamatan ang dakilang Diyos na makapangyarihan, na puno't dulo


ng lahat sa daigdig at patuloy na nagbibigay ng pagkakataon sa bawat nilalang na masaksihan
ang kagandahan ng kanyang nilikha,

Salamat sa aming mga magulang na hindi nagsasawang gumabay sa amin, at sumuporta sa


amin sa aspeto ng pinansyal, pisikal at sa kanilang pag-unawa, at pagmamahal na hindi
matatawaran,

Salamat din sa Global Reciprocal Colleges

Gracepark, Caloocan na aming paaralan na aming lunduyan ng katalinuhan at karunungan, at


sa bawat gurong naririto na naghahandog ng kanilang kahusayan sa kanilang larangan,
naglalaan ng kanilang oras, buhay at di matatawarang dedikasyon sa pagtuturo at paghubog sa
aming kaalaman, salamat po mga mahal naming guro,

Salamat sa aming mga kamag-aaral, na nakasama namin sa proyektong ito, naging kabahagi ng
ng bawat karanasang nabuo dahil sa etnograpiyang ito,

sa mga taong nagpaunlak sa amin na makapanayam at maging kabahagi ng aming pananaliksik,


maraming salamat po.

-Mga Mananaliksik
PANIMULA

Ang Etnoggrapiyang ito ay isang metodolohiya ng pananaliksik na ang layunin ay tingnan


ang kultural na kalagayan, kaugalian at kalikasan ng isang paksa -ang tao – kung saan ang
pagtingin ay sa pamamagitan ng pag-oobserba at pagpapartisipa sa paksain.

Gayundin, ito ay tumatalakay sa biyolohikal, sosyal at kultural na kaligiran na pangunahing


talakayin sa “Antropolohiya” -bagamat naging popular na rin sa mga Agham-Panlipunan sa
pangkalahatan ang gawaing ito. Sa madaling sabi, ang ethnograpiya ay isang proseso ng pag-
oobserba, pagtingin, pagsipat at pagbibigay ng analohikal na pag-unawa sa pamamagitan ng
pagpapartisipa sa isang tiyak na paksa -grupo ng tao o indibidwal man. Inaasahan namin na
makatulong ang gawaing ito upang maunawaan ang gawi o kalikasan ng isang henerasyon o ng
iba pang grupo ng tao na nakasasalamuha natin sa araw-araw.

Sa kadahilanang iba na ang takbo ng lipunan sa ngayon, at napakalaking pagbabago ang nagawa
ng teknolohiya sa sangkatauhan. Isipin pa na pinapatakbo na ng makina, at teknolohiya ang
buhay ng tao. Oo, na naglunsad ito ng sinasabing pag-unlad at mabilisang paglikha ng mga
bagay-bagay sa lipunan ngunit hindi natin napapansin na may dulot din ito ng hindi maganda sa
bawat isa sa atin.

Mahirap na ang panlipunang pagtingin -lalo na sa mga kabataan- dahil sa epekto ng


teknolohiya, nagiging makasarili ang ilan, at nawawalan na nang konsepto ng pakikipagkapwa.
Ano nga ba ang pakialam natin sa hindi natin kauri, o ng iba sa atin? Bakit pa kailangang
pansinin ang kalagayan ng iba, lalo na sa mga tinatawag nating nasa marginal society, o mga
hindi napapansin sa lipunan?

Isa sa katotohanan, nasa paligid natin sila at nakakasalamuha sa araw-araw, gaya din nating
nakikipagsapalaran sa buhay para umiral, ano man ang kanilang kalagayan:

Kaya nga, sinisikap ng ethnograpiyang ito na magamit ang sosyo-kultural na pananaw ng mga
mag-aaral, upang maunawaan at makakuha ng aral sa buhay -hindi lamang sa pang-akademya
kundi sa personal na pag-unlad, pakikipagkapwa, pagiging matulungin, maunawain at
mapagmahal sa lahat ng nilalang ng Panginoon.
Nag-obserba at nagpartisipa ang mga mananaliksik batay sa kani-kanilang inihaing paksain,
gamit ang kakayahan sa pag-unawa, at limang pandama: isinulat ng mga mananaliksik ang
anumang kanilang narinig, nakita, nahawakan, nadama, o naamoy man o nalasan, maging ang
sariling pagtingin sa naobserbahang kalagayan, anuman ang kanilang paksain: pagtingin sa
kalagayan ng pag-inom ng alak ng mga kabataan? Ang kalagayan ng isang working student.
Pagtingin sa kalagayan ng mga street vendor – sa kung paano kaya kung ikaw ang nasa
kalagayan nila? Na buong maghapong nakatayo, nagtitinda, naghahanap ng perang
maipangtatawid sa nagugutom na tiyan, na iuuwi sa kanilang pamilya -na paano kung hindi
sapat ang kinitang pera? paano kung wala talagang nabenta?? at iba pa.

Sa pag-aaral na ito, na may pamagat na ETHNOGRAPIYA: ISANG METODOLOHIYA SA


PANANALIKSIK (ang kanilang pagsilip sa kalagayang sosyo-kultural na paksain), tapat ang
hangarin ng mga mananaliksik na maipakita, sa pamamagitan ng paglalarawan at pagsasalaysay
ng kanilang karanasan upang maintindihan ang pagtinging sosyo-kultural, kritikal na pagsusuri,
at kakayahang makaunawa sa kalagayan ng lipunan. Semi-pormal ang pagkakasulat ng bawat
kwento, free style o malayang istilo ng pagsulat ang ginamit ng bawat pangkat upang mas
mailahad nang matapat, magaan basahin (na di gaya ng mga nakakahong sistema ng pagsulat
na hindi mo na makitaan ng pagkamalikhain, at ng kritikal na pagtingin). Gayunpaman,
paumanhin sa mga mambabasa, kung makitaan man nang butas, pagkakamali, at kakulangan
ang pananaliksik na ito - patunay lamang na dapat na magpatuloy ang ating pag-aaral at
kaalaman, lalo na sa pagsipat sa tama at mali, sa kakulangan, at kasapatan ng isang gawain.

Sa wakas, masayang pagbabasa.

G. Reymond S. Cuison

Filipino Instructor

1. Booksale: Pagbasa sa Espasyong Tambakan ng mga Tinintahang Papel

(Ethnograpiya)
“Reading makes a full man; conference a ready man and writing an exact man”

-Francis Bacon

Hindi raw mahilig magbasa ng libro ang mga Pilipino. Kung may nagbabasa man, minsan ay
pabaliktad pa”, ayon kay Bob Ong sa kanyang aklat na ‘Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga
Pilipino’. Pabaliktad man o hindi, anong uri man ng babasahin ang binabasa? ang mahalaga ay
nagbabasa parin ang mga Pilipino. Nagbabasa nga ba?

Napamura ako sa unang pasok ko sa kung tawagin ko’y espasyong tambakan ng mga
ibinibentang aklat o tinintahang papel, mula sa pabalat ng libro, nakadiket ang itiketa (tag
price) na nagkakahalaga ng P5.00. May kakapalan din ang libro at matigas (hardbound) ang
pabalat. Tiningnan ko ang iba pang libro, may mga nagkakahalaga ng P10.00, P20.00, P25.00,
P40.00 pataas. Naalala ko bigla ang mga nabili kong libro sa ilang kilalang bookstore: Merriam
and Webster Bookstore, C&E Publishing House, National Bookstore at iba pa. Sa lahat ng ito,
walang bababa sa P150.00 at ang pinakamahal na yatang nabili kong libro ay nagkakahalaga ng
P750.00. Nakaramdam ako ng panghihinayang, mahilig ako sa libro at pinag-iipunan ko ito,
mula sa baon kong P100.00, nagtitira pa ko kahit P10.00 o P5.00. Kung tutuusin pwede kong
sabihing kolektor ako ng libro, pero yung mga trip o gusto ko lang bilihin at syempre yung mga
librong kakasya sa aking budget.

Kumanta tuloy sa isip ko ang paboritong mang-aawit, “Bakit ngayon ka lang, Bakit ngayon kung
kelan ang aking bulsa’y, ubos na ang laman…” natawa tuloy ako at nanghinayang pang lalo,
kung bakit kailan lang ipinakilala sa akin ang espasyong tambakan na ito na kung tawagin ay
“Booksale”. Salamat sa aking ‘kritikong guro’ (na kolektor din yata ng libro at mahilig magbasa)
nang minsan niya akong isama rito. Kung noon pa, malamang magiging tambakan na rin ng libro
ang aking silid, mabubulunan ang mga estante ng libro sa aking munting kabinet, kung
susumahin ko ang nabili kong pagkamahal-mahal na libro noon at ibibili ngayon ng mga
mumurahing libro sa “Booksale”.

Napansin kong iisa ang mukha o pwesto ng bawat espasyong tambakan, walang
masyadong pinag-iba sa iba pang branches ng Booksale. Puno ng libro, nasa maayos na
lalagyang hile-helera, may kanya-kayang estante, magkakasama ang magkakaparehas na
kategorya, textbooks, Magazines, pocket books, Medicinal books, religious books, drawing
books, alamanac, dictionaries, comics at iba pa. May roon ding ilang mga school supplies:
notebooks, pencil, ballpens, paper pads, clips at iba pa. Ang lahat ay nasa mas mababang halaga
kumpara sa ibang bilihan. Kaya nga siguro Booksale ang pangalan ng store, sapagkat sale na ang
lahat ng produktong naririto.
Tuwing maiisipan kong bumili sa “Booksale”, marami akong napapansing mga pumipili,
tumitingin-tingin, nagbabasa-basa at bumibili, matanda, bata, binata, dalaga, empleyado,
estudyante at iba pang uri ng tao, na waring labis rin ang kanilang tuwang nararamdaman (gaya
ko) sa paghahalukay ng mga mumurahing libro sa espasyong tambakan na iyon, ang “Booksale”,
sa branch ng SM Novaliches. Patunay lamang na marami rin talaga ang nagbabasa.

Mas madalas ako sa branch na ito ng Booksale sa SM Novaliches sapagkat mas malapit
ito sa aking pinapasukang paaralan sa QCPU kung saan ako ay Student Teacher, nagtuturo ng
asignaturang “Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik”, bagamat napapadpad din ako sa iba
pang mga branch ng Booksale sa Maynila. Kung tutuusin may mga pagkakaiba rin ang bawat
branches sa aspeto ng layo ng lugar, dami at ganda ng libro at maging sa pagkakaiba-iba ng mga
presyo. Halimbawa, ang Booksale sa Farmers Cubao ang pinakaayoko, dahil bihira akong
makakita nang mas murang libro doon, kakaunti lang ang mga may presyong sampu, bente
pesos o mas mababa pa doon. Karamihan ay P50.00 pesos pataas, at minsan ay wala akong
nakikitang magagandang libro na magugustuhan ko. Maaaring dahil sa kakaunti lang ang
nagagawi sa branch na ito, at ibinabagsak dito ang ilang napu-pull-out na librong hindi
nabibenta sa ibang branch. Gaya ng sinabi ni kuyang salesman ng Booksale sa branch ng Sm
Novaliches nang minsang naitanong ko kung bakit may mga branch na ganito,

“depende rin sa dagsa ng tao, gaya dito…” paliwanag niya sa akin.

“at dito nagrerequest talaga ako nang mas maraming mura, P10.00, P20.00, P40.00, kasi
maraming estudyante ang bumibili at karaniwang kunukuha nila’y mga ganitong halaga.”

Minsan nakadepende rin pala sa mga mamimili ang mga ibinibenta nila, gaya na lamang siguro
ng sa akin, kalahati ng mga nabili kong libro ay sa branch ng Sm Novaliches nabili dahil nga doon
ay mas maraming mas mura. Subalit napansin ko rin na umiikot lang ang mga libro sa iba’t
ibang branch, kapag napagpilian na, matagal nang hindi nabbibili at dapat nang i-pull-out,
ibabagsak ito sa ibang branch. Kaya minsan parang magkakamukha ang mga nakikita kong libro.
Parang dati ko nang nabasa pero hindi nabili, o nabili ko na pero hindi ko lang nababasa kaya
bibilihin ko ulit at malalaman kong nakabili na pala ako nang ganoon ding libro.

Marami na kong nabiling libro na karamihan o halos lahat ay galing ng Booksale.


Karamihan nilulumot na o inaanay na dahil sa tagal nang nakatambak sa bahay, at sa wala pang
panahon para pag-ukulan ng oras sa pagbabasa. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Stephen king
“kung wala kang panahon sa pagbabasa, wala ka ring panahon at kagamitan sa pagsulat.”
Magkaakibat ang dalawang kasanayan na ito sa bawat pagkakataon. Di ka makakapagbasa kung
walang nakasulat at paano makakapagsulat kung wala ang pagbabasa (ng mga simbolo at
kaganapan sa kapaligiran). Sa ganang ito, waring nasagot ko na rin ang tanong ko sa isip na
“nagbabasa nga ba ng libro ang mga Pilipino?”. Papaanong magbabasa ang mga Pilipino, kung
wala namang mga libro (partikular sa Filipino). Pansinin ang mga bookshelves (estante ng libro
sa National Bookstore o sa iba pang bookstore) dominante ng librong Ingles, librong gawang
banyaga. Kung may lokal na akda man nasa wikang Ingles rin, na gawa ng mga Pilipinong
nagsusulat sa wikang Ingles. Kung may nasa wikang Filipino naman ay asahang may kamahalan
ang presyo. Kung may mura man, ito yung mga maliliit na librong may temang “magpakilig”,
ang mga Pocket books Kung tawagin. Nakalulungkot isipin na sa Booksale mismo, wala akong
mahagilap, mahanap na librong nakalimbag sa Filipino. Hindi ko tuloy maiwasang mangarap na
sana dumating ang araw na sumikhay ang paglilimbag ng mga aklat sa Pilipinas na nakasulat sa
wikang Filipino. At sa Booksale, ang mga lokal na libro ang nakikita, mabibili nang mura.

Sa tapik ni kuyang salesman, nagulat ako. Nalaglag ang hawak kong libro. At doon
nagbalik ako sa realidad na nasa loob ako ng Booksale. Napangiti ako sa sinabi ni kuyang
Salesman, “ pasensya na, bawal po ang private reading…” Pinulot ko ang nalaglag na libro at
agad ibinalik sa pinagkuhanan kasama ng iba pang nakahanay na mga libro. Bawal ang private
reading. Kapag napansin ka ng bantay, na 20 minuto ka nang nagbabasa sa iisang librong
hawak, sisitahin ka. Ilang beses na kong nakaranas na masita at masabihang “bawal po ang
private reading”. May ilan akong napansin na dahilan ng mga nagpa-private reading. Una: may
mga librong makakakuha ng atensyon ng isang bumibili, babasahin niya ang ilang pahina,
magagandahan, titingnan ang itiketa sa pabalat, mahal ang libro at hindi kasya ang budget.
Kung hindi niya mabibili ngayon, ay tiyak may makakakuha nito, ngunit hindi talaga mabibili
dahil sa walang sapat na pera, kaya babasahin na lang niya ang ilan pang pahina, hanggang sa
masita siya. (nangyari ito sakin noong nakaraang linggo) Pangalawa: gaya ng napansin kong
binata, mga 15 minuto na ang nakakalipas ay hawak lang niya ang iisang libro na iyon. Lihim
kong pinagmamasdan ang kanyang kilos at ayos, nasa isang sulok lang siya, at sa pwestong
walang masyadong nagagawi, sa bawat paglipat niya ng pahina’y mapapansin kong mapapangiti
siya, mangingisi, manlalaki nang bahagya ang mga mata, pinagpapawisan rin siya (bagamat
malamig naman ang lugar, dahil nasa loob ito ng mall ) ,ano kaya ang kanyang binabasa.
pumunta ako sa kanyang pwesto, at nang masilip ko’y nalaman kong ito pala ay “Photograph
Magazine” ng mga nakahubad na babae. Nakaramdam ang binata, ibinaba ang hawak, ibinalik
sa kinuhanan at lumabas rin agad ng Booksale. Ikatlo: May napansin naman akong nagtetext
habang tangan ang isang libro, ilang minuto na rin na tangan niya ang iisang libro na iyon, akala
ko’y may katext siya. Nang mapalapit ako sa kanya, at sinadyang patagong sumilip sa kanyang
selpown, nakumpirma kong hindi nga siya nagtetext para magpadala ng mensahe, kundi
isinusulat niya ang mga quotes na nasa librong iyon.

Nakarating na ko sa Dumpsite sa Payatas, sa tambakan ng basurang pinagpipyestahan ng


mga langaw, bangaw at mga nangangalakal. Ang larawang ito’y sumagi sa aking balintataw
nang marinig ko ang nag-uusap na dalawang lalaki na naghahalukay rin ng mga libro.

“Basura na ‘to sa ibang bansa, binibili pa rin natin…” ,anas ng isang binatang naka-uniporme.

“Gago ‘pre ginto yan!”, wika naman ng kasama nito.

“Ou nga! May ginto sa basura”

“hehe.. limampisong ginto o!”, wika niya sabay tawanan ang dalawa.
Nangamoy ang ideyang ito sa marupok kong bunbunan, sadyang masinop ang mga
Pilipino. Napapakinabangan nga natin ang mga bagay na tinatapon ng iba. Ngunit, isang malaki
nga bang tambakan ng basura ng ibang bansa ang Pilipinas? Naalala ko, nang nilagdaan ni
Manuel L. Quezon ang Bill Trade Act, matapos ang WWII, itinuring ng mga Pilipino na isa itong
regalo ng bansang Estados Unidos, ang pagbubukas ng kalakal ng ibang bansa nang walang
taripa o buwis upang makabangon (daw) ang Pilipinas sa malawak na pagkawasak. Matapos ang
50 taon, sa pagtatapos ng kasunduang ito, walang pasubaling pinirmahan naman ng “amboy”
na si Manuel Roxas ang Parity Right na nagsasaad na bukas na kalakalan sa ibang bansa nang
walang taripa o buwis at sa habang panahon. Kaya nga’t nagdatingan ang mga Surplus, o
sobrang produkto ng ibang bansa, minsan ay mga basura na nila ay pinapadala sa Pilipinas at
tayo naman ang kukonsumo. Gaya ng mga librong ito, 2nd hand na halos, bagamit maayos pa
naman, ang mahalaga nito nagagamit ito nang Pilipinong mahilig magbasa.

Ang kailangan lang marunong kang pumili nang aklat. Tuwing kasama ko ang aking
Kritikong guro, napapansin ko kung paano siya pumipili ng libro, bawat sulok ay sinusuyod niya,
maging ang mga librong nasa pinakailalim na o mga natatabunan na. Binabasa, sinisipat niya
ang pabalat ng aklat, ang titulo at sub-titulo ay mahalaga para malaman agad ang paksain ng
isang libro. Minsan ay dapat din daw na dumipende sa kung ano ang kinahihiligan mo, para
tiyak na magagamit at masusulit mo talaga ang librong nabili mo. Lahat naman ng tema at
paksain ay makikita mo, lamang kung matututo kang maghalungkat at magtyaga. Sabi nga kung
may tyaga may librong makukuha na medyo medyo pa lang ang pagkaluma. Kahit ano pa man,
salamat sa Booksale, at sa pagkakataong nakakalusot sa pagpa-private reading.

Maikwento ko lang, may isa akong kalokohan na nagawa sa Booksale noon, may
magandang libro akong nakita ngunit nagkakahalaga ng P125.00, gustong-gusto ko ang libro,
pero nakakainis dahil sa sobrang mahal nito. Nakakita ako ng isang libro na may mababang
presyo, tinanggal ko ang presyo at dali-daling ipinalit sa nais kong libro. Binayaran ko lang ng
P20.00, nakalusot ako. Sa bus papauwi, habang nanabik na basahin ang libro pagnakauwi na sa
bahay, malas namang nakatulog ako at nagising na lang sa bus na laslas na ang aking suot na
pantalon, nilaslas yata gamit ang blade ng kung sinumang walang hiya! nawala na ang aking
wallet na may lamang P200.00, at naputol pa ang aking I.D lace. Mura ang nabili kong libro!
Mura!Mura!! Mura!!! Mura!!!!

2. “Sikyo: Buhay ng Tagapagbantay ng Buhay at Hanap-buhay”

“Good morning sir/maam” iyan ang kadalasang bati sa atin ng taong


nagbabantay sa mga pasukan ng isang gusali. Mga security guard ang
sumasalubong sa atin para inspeksyonin ang ating mga dalang kagamitan.
Ang mga security guard o mas kilala sa tawag na “sikyo ” ay mga taong
binabayaran upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga kagamitan,
importanteng mga bagay at mga tao. Sila ay kadalasang kinukuha sa mga
ahensya o kaya naman ay pribadong inuupahan. Sila ay nagbabantay ng
nasasakupan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malaking sakop na abot
ng kanilang mata. Sila ay nag-oobserba, nagpapatrol at nagmamasid ng
mga kilos gamit ang mga makabagong teknolohiya kagaya ng CCTV, alarm
system, radio, atbp. Sila ay hindi kailangan mang-aresto ng mga tao, pero
mayroon silang awtoridad na gawin ang mga ginagawa ng isang opisyal ng
batas kagaya ng pulis at sundalo ng may pahintulot sa mga mataas na
awtoridad ng batas.Sila ay sinasanay para magampanan nila ang kanilang
mga espesyal na tungkulin katulad ng pag-aresto, paggamit ng mga
“emergency equipments”, pagbibigay ng agarang lunas o “first aid ” sa mga
hindi inaasahang pagkakataon, nagtatala ng mga eksaktong pangyayari at
detalyadong ulat na kailangan ng kanilang pinagtrabahuang institusyon.
Karamihan sa kanila ay kailangan ng karagdagang kasanayan paggamit ng
mga armas kagaya ng batuta at baril. Sa mga nakaraang taon, dahil sa
banta ng terorismo, ay kailangan na din nilang magsanay tungkol sa mga
“bomb threat” na kadalasan ay nangyayari sa mga pampublikong lugar
katulad ng malls, paaralan at mga lugar kung saan ay maraming tao.Ito ay
ilan lamang sa mga tungkulin at resposibilidad ng isang sikyo.

Saan nga ba nagsimula ang mga sikyo? May posibilidad na nagsimula


ang mga sikyo sa sinaunang tsina. Noong unang panahon, sa kalagitnaan ng
3rd and 11th century BC, ang mga opisyales ng gobyerno na kung tawagin ay
“Prefects”ay inatasan para mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng bansa.
Mayroon silang sariling sekretarya, kawani at mga tauhan na pinapaalam
ang kanilang mga nalalaman o nasasaksihan sa mga mahistrado ng bansa.
Makalipas ang ilang taon ay kumalat ang sistemang ito sa mga karatig bansa
sa asya. Sa sinaunang griyego, ang mga alipin ay ginagawang mga sikyo.
Kagaya ngayon sa modernong panahon, sila ay binabayaran para mamahala
sa mga matataong lugar at mga pagtitipon, manghuli at magbantay ng mga
preso. Sa kabilang banda, si Augustus, na unang emperador ng roma, ay
nagdulot ng pagbabago sa kapitolyo ng roma na kung saan ay nag-recruit
siya. Ang terminong “Bouncer” ay nagsimula noong 19 thcentury. Sa panahon
ng mga “saloon-keeper” at “brothel” ay umaaarkela sila ng mga tao para
protektahan ang kanilang gusali laban sa mga masasamang parokyano. Ang
mga bouncer ay kadalasang nagbabantay sa mga kainan at bar. Patungo sa
modernong panahon, noong 1800s nagsimula ang unang armoured car
service sa US para sa mga pribadong kumpanya. Nagkalat sa panahong ito
ang sikyo sa paligid ng lansangan. Nagtratrabaho sila sa mga daungan ng
barko, lapagan ng eroplano, hotel, museo, nightclubs, laban ng football,
mall, atbp.
Napag-alaman namin na si Eddie Vedder na lead vocalist ng bandang
Pearl Jam ay minsan nang naging isang sikyo sa La Valencia Hotel sa
California. Si Shad Gaspard na isa namang propesyonal na wrestler ay
naging bodyguard ng ilan sa mga kilalang rapper at artista kagaya ni Puff
Daddy, Britney Spears, Cuba Gooding Jr. at Mike Tyson. Ang sikat na si
Bruce Willis, pagkatapos grumaduate ng high school ay naging sikyo sa
Salem Nuclear Power Plant sa New Jersey at nagtrabaho din bilang isang
imbestigador bago siya naging isang artista.

Napili namin na maging paksa ng aming etnograpiya ang mga sikyo


dahil sila ang madalas naming nakikita papasok ng paaralan. Nakuha ng
aming atensyon ang kanilang busy na trabaho. Layunin ng aming pag-aaral
na malaman ang mga pisikal, pinansyal at emosyonal na aspeto na
nangyayari sa buhay ng isang sikyo. Ito ay tutulong para maintindihan at
malaman natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang security guard.
Nais naming makakuha ng mga impormasyon o mga datus na puwedeng
makatulong sa pagpapaunlad ng serbisyo ng isang sikyo.

Ang metodolohiyang ginamit namin para makakuha ng impormasyon


ay ang pagmamasid(observation) at pakikipanayam sa kanila. Naranasan
namin ang pakiramdam ng pagbabantay sa isang bagay tuwing gabi, sa
pamamagitan ng isang eksperimentong hindi pagtulog sa gabi, para mas lalo
naming maintindihan ang pakiramdam ng aming etnograpiya. Sinimulan
namin ang aming pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isang
guwardiyang aming inoobserbahan para mas mapadali at maging
komportable ang guwardiya sa amin. Naging kaibigan namin ang guwardiya
na nagbigay tiwala sa amin. Ginamit namin ang stratehiyang pakikipanayam
sa guwardiya sa pamamagitan ng pagiging malapit sa kanya na para bang
tunay na kaibigan kapag kausap. Natapos namin ang aming pananaliksik
noong matapos ang mahal na araw.

Ang benepisyo ng aming pag-aaral sa aming sarili ay para mas lalo


naming maintindihan kung bakit ginagawa ng mga sikyo ang mga bagay
katulad ng pag-iinspect, pagtatanong, at pagmamasid sa nasasakupan.
Maari din naming malaman ang iniisip ng isang sikyo para mas madaling
makasalamuha ang mga ito dahil madalas namin silang nakakasama sa loob
ng paaralan. Ang mga benepisyo ng etnograpiyang ito sa publiko ay ang
pagsuporta sa trabaho ng isang sikyo. Upang matuto din silang respetohin
ng mga tao, at huwag tignan ng mababa bagkus malaman ang kahalagahan
nila sa seguridad ng publiko.

Bawat isa sa amin ay may mga personal na karanasan sa mga sikyo.


Noong bata pa ako (Rhessan Mamoransing) ay takot na takot ako pag
nakakakita ako ng mga guwardiya. Madalas kasi akong takutin ng aking
yaya na kapag suwail ako ay kukunin ako ng mga sikyo. Simula noon ay lagi
na akong umiiwas sa mga sikyong nakakasalubong ko. Noong nag-aaral na
ako sa mababang paaralan ay unti-unting nawala ang takot ko sa mga sikyo
dahil sa madalas akong nasisita dahil sa aking incomplete uniform. Mahilig
kasi ako noong mag suot ng black rubber shoes na dapat ay leather kaya
madalas akong sitahin ng sikyo ng aming paaralan. Simula noon ay naging
immune na ako sa aking takot. Madalas akong nakikipaglaro sa kanila dahil
madalas late dumating ang aking service sa oras ng aking uwian.
Pinagtritripan ko ang kanilang mga gamit katulad ng pag-ihip sa kanilang
pito at pagkuha sa kanilang chapa. Noong tumagal, nang ako ’y naging high
school, hindi ko na gaano napapansin ang mga sikyo kahit madalas ko silang
nakikitang umiikot sa paaralan. Para na silang mga ordinaryong tao sa
paningin ko na nandiyan lang. Noong nag college ako sa FEU, isang
technique sa aming paaralan ay kaibiganin mo ang mga sikyo para
makaiwas sa DO(Discipline Office). Madalas kasi kami naka sibilyan sa
pagpasok at dumadaan kami sa “backdoor” ng aming paaralan para
makapasok sa eskwelahan.

Noong lumipat na ako ng paaralan at nag-aral sa AMA, mayroon akong


naging kaaway na sikyo, isang araw sa aking normal na pagpasok. Pumunta
nang maaga ang tatay ko para ibigay ang pambayad ng aking tuition fee.
Hinanap ako ng tatay ko sa sikyo ng AMA. Hinanap naman ako ng sikyo sa
loob ng paaralan. Ang oras ng pasok ko noon ay 10:00am pero dumating
ang tatay ko ng 9:00am. Hindi pa naman alam ng tatay ko ang oras ng
aking pasukan. Hinanap ako ng sikyo sa faculty na kung saan ay pinapunta
siya sa aking section na pinapasukan ngunit wala ako doon. Sinabi ng sikyo
sa tatay ko na hindi daw ako pumasok na ikinagalit ng aking tatay.
Tinawagan ako ng tatay ko at pasigaw na sinabing, “HINDI KA PUMASOK!! ”.
Nagulat ako sa sinabi ng tatay ko. Papasok pa lang ako ng paaralan noon at
nasa biyahe. Nagtataka ako kung bakit niya sinabing hindi ako pumasok.
Pagdating ko sa AMA ay nakasalubong ko kaagad ang aking tatay sa harap
ng paaralan at dali-dali kong pinuntahan. Kitang-kita mo sa mukha niya ang
galit na awra. Namumula sa galit ang kanyang mukha na para bang
nasaniban. “Anong hindi pumasok? Eh ngayon pa lang magsisimula ang
klase ko.”, ang sabi ko. “Sabi ng guard ay hindi ka daw pumasok ”, sabi ng
tatay ko. “Sinong guard iyan? Tara puntahan natin at papatunayan kong
ngayon lang ang pasok ko. Ihahampas ko sa kanya yung COR ko ”, sabi ko.
Pinuntahan namin ang sikyo na nagsabi sa tatay ko. Umiinit na ang ulo ko at
kumukulo na ang dugo. Sabay sabi ko sa pagalit na tono, “Anong
pinagsasabi mo sa tatay ko na hindi ako pumasok. Sino nagsabi sa iyo
noon?”, sabi ko. “Sabi ng mga kaklase mo hindi ka daw pumasok ”, sabi ng
sikyo. “Natural hindi ako papasok kasi wala akong pasok sa oras na iyon ”,
sabi ko. Umamin ng pagkakamali ang sikyo at humingi ng paumanhin.
Natunganga na lang ang tatay ko na parang nahihiya sa akin. Siyempre
dahil tatay ka, hindi ka dapat humingi ng paumanhin sa anak mo
pagnagkamali ka. At ganoon ang ginawa ng tatay ko, hindi nga siya nag
sorry. Pero okay na din yun atleast napatunayan kong inosente ako. Kinuha
ko ang pera ko sa tatay ko at diretsong pumasok sa aking klase. Pero bago
iyon ay pasigaw kong pinarinig sa sikyo ang mga salitang “Ayusin mo ang
trabaho mo ah. Hindi kasi ikaw ang naaagrabyado”.

Hindi ako makaconcentrate sa tinuturo ng aking guro. Nakokonsenya


ako sa mga nasabi ko sa sikyo. Hindi naman niya kasalanan na nagalit ang
tatay ko dahil choice ng tatay ko na magalit. Nag-uulat lang naman siya sa
tatay ko. Malay ba niya na hindi pala ako naka-enrolled sa klaseng
pinuntahan niya. Pagkatapos ng klase ko ay dali-dali kong pinuntahan at
hinanap ang sikyo na aking nasigawan. Nakita ko siya at lumapit ako para
humingi ng tawad sa aking mga nasabi. Linagay ko ang aking kamay sa
kanyang balikat para masabi kong nagsisisi talaga ako sa nagawa ko.
“Kalimutan mo na iyon. Okay lang iyon.”, ang sabi ng sikyo sa akin. Medyo
gumaan ang loob ko sa aking narinig at pumunta na ako sa susunod ko na
klase. Simula noon ay maganda na ang aking pakikitungo sa mga sikyo sa
kahit anong gusali na aking pasukan.

Si Princess naman ay may ibang experience sa mga sikyo. Isang araw


sa lobby ng AMA Fairview, magaan ang kanyang pagpanaog sa loob ng
campus dahil sa ngiti ng guwardiyang nakatalaga dito. Umupo siya sa isang
sulok na kung saan ay mapagmamasdan niya ang mga guwardiya ng
paaralan. Dumating siya ng 9:13am sa paaralan at 9:30am niya sinimulang
obserbahan ang mga sikyo. Napansin niya na habang nag-aantay ang mga
sikyo ng estudyanteng papasok ay palakad lakad sila na parang hindi
mapakali. Nakita niyang tumitingin ang mga sikyo sa CCTV, tingin sa kaliwa,
tingin sa kanan. Napansin niya na kapag may pumasok na estudyante ay
unang tinitignan ng mga sikyo ang ID. Sumunod, ang kasuotan ng
estudyante kung naaayon ba ito sa panuntunan ng paaralan. Naalala niya
ang nangyari sa kanya noong ika-19 ng Marso kung saan ay pumasok siyang
suot ang kanyang sandals na walang takong. Sinita siya ng sikyo dahil sa
suot niya. “Dapat may takong ang sandals mo at dapat “close shoes ”, sabi
ng sikyo sa kanya. “Ilang buwan ko na itong suot ngayon lang ako sinita. ”,
sabi ni Princess. Dali-dali umiwas ng tingin si Princess sa sikyo at umalis na.
Talagang hindi niya makalimutan ang mga pangyayaring iyon dahil
nagtataka siya sa sinabi ng sikyo sa kanya.

Si Erna naman ay nagkaroon ng kaibigan na sikyo. Unang tingin daw


niya sa sikyo ay mabait at mapagkakatiwalaang tao. Magaan ang loob niya
sa sikyo kahit hindi pa niya lubos na kilala ang mga ito. Napapansin ni Erna
na laging ngumingiti at bumabati sa mga nagdaraang mag-aaral ang mga
sikyo. Napagmasdan niya ang mga gawain ng mga sikyo. Isa sa mga gawain
ng sikyo na nakita ni Erna ay magpatawid ng mga estudyante. Minsan ay
nakita niya na maiging nagmamasid ang sikyo at nag-iinspek ng mga gamit
ng mga estudyante. Isang araw ay nakausap niya ang sikyo at nalaman niya
na parehas pala sila ng relihiyon (Iglesia ni Kristo). Kaya pala kapansin
pansin ang gaan ng loob niya sa sikyo. Nalaman din niya na parehas silang
mang-aawit sa koro. Kinuwento ng sikyo sa kanya ang mga karanasan niya.
Masaya siya sa kanilang pag-uusap dahil sobrang gaan ng pakiramdam niya
na parang kausap lang niya ang kanyang kapatid. Napansin niya na
madaling lapitan ang sikyo at talagang maasahan. Simula noon, bawat araw
na pumapasok siya sa paaralan ay binabati at nginingitian siya ng sikyo.
Kahit wala siya sa mood o badtrip ay napapangiti siya nito. Gustong-gusto
kasi niya na may bumabati sa kanya sa umaga. Simula noon ay gumaan ang
loob niya sa mga sikyo.

Kakaiba naman ang naging karanasan ni Jhir. Minsan ay papunta siya


sa mall para bumili ng gamit para sa paaralan. Pormadong-pormado siya sa
araw na iyon. Papunta siya sa entrance ng mall. Sa malayo pa lang ay
natatanaw na niya ang haba ng pila sa pasukan ng mall. Medyo hindi
maganda sa paningin niya ang mga mahahabang pila lalo na ’t maganda ang
kanyang porma. Pagpapawisan lang siya sa labas at gusto na niya kaagad
pumasok. Inantay niya ang limang minutong pagpila para lang inspeksyunin
ang kanilang mga kagamitan. Dumating siya sa unahan at turn na niya para
inspeksyunin. Binuksan niya ang kanyang bag para ma-inspek ng sikyo.
Sinilip at binusisi ng sikyo ang laman ng bag niya na parang may hinahanap
na bagay. Nailang siya dahil parang hinahanapan talaga siya ng butas.
Matapos tignan ang bag ay kinapkapan naman siya ng sikyo. Todo ang pag
kapkap ng sikyo sa kanya. Paulit ulit sa pagkapkap na parang nanghihipo
lalo na sa parteng likod ng katawan. Lalong nailang si Jhir sa mga ito at
tinitigan ng masama. Simula noon ay may hindi na siya magandang
pagtingin sa mga sikyo lalo na sa mga sikyong nasa pasukan ng mga mall.

Istorbo at abala naman ang pananaw ni Dheyjem sa mga sikyo.


Madalas naiisip niya na istorbo at abala lang ang mga guard. Kasi nga
naman, papasok pa lang siya ng paaralan ay kailangan pa ipabukas ang bag
at i-tse-check daw ng mga sikyo ang gamit niya, e samantalang, tutusukin
lang naman nila ng stick yung bag. Pakiramdam niya na kinakapkapan siya
na parang hinihipuan siya ng sikyo. Sinisita siya kapag wala siyang I.D.
Naiinis siya kapag nasisita ng sikyo ang kanyang damit. Pinapahinto siya
kahit late na siya sa kanyang klase. Minsan ay pumasok siya at sobrang late
na niya sa first class niya, hinarang pa siya para sitahin ang kanyang suot.
Sabi ni dheyjem, “Kuya mamaya mo nalang ako sitahin. LATE NA KO! ”,
sabay takbo. Tapos pagbalik niya ay nginitian niya na lang ang sikyo sabay
sabing “Oo kuya. Ito na uuwi na ko”. Pero nag-SM lang talaga siya tapos
noong bumalik na siya sa school, ganoon pa din yung suot niya malamang
pero inilingan na lang siya ng guard. Para sa kanya ay may pagkakataon din
na nakakatulong ang mga guard, hindi lang sa kaligtasan natin pero pag
minsan naliligaw na tayo at di mahanap ang isang lugar, sa mga sikyo tayo
madalas nagtatanong. Minsan noong naligaw sila ng bestfriend niya sa mall
kasi parehas silang aanga-anga, di nila mahanap yung ATM machine at
nagtanong na sila sa sikyo na umiikot sa lugar kung saan makakakita ng
mga ATM. Sa sobrang bait noong sikyo, hinatid pa talaga sila doon sa
mismong lugar.

Ayon naman sa mga karanasan ni Reygan sa isang sikyo, maayos


naman at wala namang problema kaso minsan talaga ay parang OA na ang
kanilang ginagawa. Isang araw nagmamadali na siyang pumasok dahil late
na siya sa kanyang unang subject. Nang makarating na siya sa school ay
hinarang siya ng guard dahil i-tse-check niya ang bag. Sa isip-isip niya, “Ang
liit na nga lang ng bag ko tapos i-tse-check pa, isang binder nga lang kasya
dun e”. Nang binuksan na niya ang kanyang bag, tsine-check na ng sikyo,
tapos ang tagal pa mag-check ng sikyo. Halos wala naman laman yung bag
niya.Pagkatapos nun kinapkapan pa siya. Sa sobrang tagal naisip niya tuloy,
“Mukha ba kong magdadala ng bomba? Kasi ang tagal talaga ”. Nang maka
alis na siya, nilingon niya yung guard tapos ang sama ng tingin sa kanya.
Pagdating niya sa room nila, kakatapos lang mag-lecture ng kanilang
professor. “Ang saya diba. Absent na naman tuloy ako ”, sabi ni Reygan. Pero
naisip niya na siguro ay ginagawa lang talaga ng mga sikyo yung trabaho
nila para narin sa ika-aayos ng binabantayan nila.
Madami nang lugar na napuntahan si Almira na hindi talaga nawawala
ang security guards. Iba’t–ibang pamamaraan at ito ang mga ilang
halimbawa ng mga naranasan niya. Sa isang mall, napansing niya ang mga
sikyu dito ay nakafloral pattern na uniforms at may katerno pang summer
hat kadalasan. “Ang mga sikyu dito ay kunwari lang nag-tse-check ng bag”,
sabi ni Mira. Ang ibig sabihin, dito ay itutusok lang nila ang hawak hawak
nilang matulis na kahoy sa loob ng iyong bag sabay pwede ka ng dumaan.
“Ang galing diba”, sabi ni Mira. Minsan pa nga, dahil abalang-abala na
nakikipagchismisan ang babaeng sikyo sa kapwa sikyo niya eh sesenyasan
ka na lamang niya na pumasok. Sana pala hindi na niya binuksan ang bag
niyang sobrang bigat. Bigla niyang naisip, “Kung masamang tao ako at may
masama akong intensyon ay matagal na akong nakalusot ”. Pero sabay
binawi niya din naman agad na sana hindi mangyari ang naisip niya dahil
kawawa naman ang mabibiktima.

Sunod naman ang pinakakinaiinisan niya, ang kanyang pinapasukang


kolehiyo. Araw-araw siya tinatanong ng mga sikyo kung may laptop ba
siyang dala o wala, halata naman sa kanilang mukha na nang-iinis sila kaya
ang ginagawa niya ay inaabot niya ang kanyang bag sa kanila para buhatin
nila kung may laptop ba silang nararamdaman. Pinagbabawal kasi sa
paaralan ang laptop na hindi nakarehistro sa Maintenance Department.
Ngingiti ang mga sikyo at sabay sabi, “Ito, meron oh! ” Kaya mapipilitan
siyang buksan ang kanyang bag. Nahalata niya na hindi talaga nila tinitignan
kung may ipinagbabawal akong kagamitan na dala. Kung hindi ay inuusisa
nila kung ano ang nilalaman ng kanyang bag. Natataon lagi na nangyayari
ito kapag late na siya sa aming klase. “Ang galing ulit. ”, pabirong sabi niya.
At ang huli ay ang tinatawag niyang“sensational bodyguards ” na laging sanhi
ng kanyang pagkabigla sa kadahilanang napakabusisi nilang magkapkap na
halos nahahaplos na ng sikyo ang kanyang ibabang likuran. Kung may
nagawa mang mali ang mga bodyguards na ito, inilulugar niya ang kanyang
sarili sa kalagayan nila, napakahirap dahil ilang oras kang nakatayo at
paulit-ulit na routine. Boring. Pero iyon ang trabaho nila eh. “Irespesto na
lamang natin iyon. Yun na lamang ang magagawa natin. ”, sabi niya. Hindi
lang pala iyon, mas matutulungan at mapapadali natin ang trabaho nila
kapag binuksan natin kaagad ang ating mga bag para ipakita sa gwardiya
ang loob nito, na sa tingin niya ay ginagawa naman ng lahat. At ang huli
para kay Mira ay, wag magtulakan sa pila. “Di aalis iyang papasukan natin.
Kalma lang.”, sabi ni Mira.
Si Adrian naman ay may kaparehong karanasan sa security guard.
Minsan naiinis siya sa mga sikyo. Lalo na sa oras na siya ay nagmamadali sa
AMA nang si guard ay kailangang harangan siya at sasabihin sa kanya na
isabit muna ang ID para makapasok. Isusuot niya naman, sadyang
nagmamadali lang siya. Isa pang napansin niya ay kapag papasok
napakabagal mag check ng bag. Hindi naman siya mukhang magnanakaw at
magdadala ng bomba upang pasabugin ang AMA.

Dumating ang araw na kelangan naming magmasid sa paligid ng


aming paksa gamit ang aming mga senses. Ang lugar ng aming sikyo ay
matatagpuan sa AMA Fairview. Ilang araw kaming nag-obserba at nagmasid
sa lugar na pinagtratrabahuan ng aming sikyo. Malaki ang gusaling iniikot ng
aming sikyo. Ang gusali ay may apat na palapag at may malawak na sakop
ng lupa. Mapapansin na ang gusali ay nasa corner lot ng dalawang daanan
na madaming sasakyan. May maluwag na parking ang harap ng gusali.
Madaming nakaparadang mga sasakyan sa harap pagdating ng tanghali. Sa
gilid naman ay madaming motor na nakaparada. Mainit ang labas ng gusali
pagdating ng mga 9am hanggang 4pm. Kaunti ang mga tindahan sa paligid
ng gusali. Maraming mga sasakyan at tao ang dumadaan dito kaya
mapapansin ang ingay ng paligid. Maliwanag at maaliwalas ang loob ng
gusali dahil sa mga see-through na salamin nito. May kainitan ang loob lalo
na kapag madaming tao. Mapapansin din ang location ng check point o
pasukan ng gusali na nakatapat sa araw kapag tanghali. Mapapansin na
walang elevator ang gusali at maliliit ang hakbang ng mga hagdan. Talagang
pagod ka kapag umakyat ka papuntang 4th floor. Bawat palapag ng gusali ay
may hindi bababa sa apat na silid-aralan. Hindi maganda ang amoy ng
polusyon ng mga usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Malinis ang
paligid ng gusali kaya wala kang maamoy na basura. Maamoy mo ang mga
halo-halong pabango na naiwan sa pasukan ng gusali sa umaga. May mga
amoy shampoo, pabango, deodorant, putok, atbp. Mapapansin mo na
sobrang panghi ng mga palikuran. Kahit anong floor pa ang piliin mo,
mapanghi ang mga palikuran. Napansin namin na habang tumatagal ang
oras ay nag-iiba ang amoy sa loob ng gusali. Nakadepende din ang amoy ng
loob ng gusali sa klima. Malupit ang amoy kapag mainit ang panahon dahil
maamoy mo ang mga amoy warrior na pawis ng mga tao sa loob.

Maririnig mo ang mga ingay ng sasakyan sa labas ng gusali. Mga


busina, tunog ng makina at mga andar ng gulong sa mainit na sementong
daan ang kadalasang maririnig mo sa labas. Idagdag mo na din ang mga
taong nag-uusap at nagsisigawan. Maingay ang loob ng gusali kapag
tanghali at kada oras dahil sa paglipat ng mga estudyante. Kakaiba ang
panlasa ng hangin sa loob kapag tanghali. Para itong maasim na mangga.

Napansin namin na ang aming sikyo na malinis sa katawan. Puting-


puti ang uniporme na parang nalabhan sa Surf. Makinang ang mga chapa at
mga bling-bling na nakasabit sa damit ng sikyo. Malinis ang gupit or clean
cut ang laging gupit ng sikyo. Makikita mo na lagi siyang naglalagay ng gel
sa ayos ng buhok niya. Medyo maputi ang aming sikyo at matangkad dahil
sa haba ng kanyang pantalon. Makinang at laging nakashine ang kanyang
mga sapatos at malinis ang medyas. Mapapansin mo na may nakasabit na
lumang baril sa gilid nito. May mga tattoo siyang nakatago sa mga braso at
kamay na parang may sinalihang fraternity. Mapapansin mong hawak lagi
ang kanyang radio at nakikipag usap. Kapag nasa labas siya ay dala niya
ang kanyang log book para ilista ang mga pumaparada at umaalis na mga
sasakyan at motor. Bihira namin siyang makitang rumonda sa loob ng
paaralan at madalas nasa may pasukan lang siya. Kausap palagi ang mga
kapwa sikyo kapag walang gaanong tao. Mabango ang sikyo at may downy
na amoy ang damit. Hindi palasalita ang sikyo sa mga estudyante at pinipili
lang ang mga kinakausap na estudyante. Hindi namin sila nakikitang
nagbre-break o kumakain man lang. Lagi niyang pinagmamasdan ang
kanilang alarm system o ang LCD na may video ng mga paligid ng paaralan.
Mapapansin mong malinis sa katawan, mabango at tahimik ang aming sikyo.

Isang araw bago magsimula ang mahal na araw. Nakaupo kami sa


lobby ng AMA at nagmamasid sa aming sikyo na napili. Naghahanap kami ng
tiyempo para magtanong at humingi ng interview sa kanya. Napansin namin
na lumabas siya para magcheck ng mga nasa log book niya. Pinuntahan
namin ang sikyo at kunwaring nakatambay lang sa labas. “Manong ang init
noh”, sabi namin. “Oo nga e, pinagpapawisan na ako. ”, sabi ng sikyo. “Kailan
kaya magkaka-snow dito sa pinas?”, pabirong sabi ni Adrian. Napangiti ang
sikyo at tumingin uli sa log book para magcheck. Dahil kakilala ni Erna yung
sikyo, siya ang naging middleman namin para magawa namin ang interview.
Nakipag-usap si Erna sa sikyo at nangamusta. “Kailan ang tupad (pagtupad
o pagganap ng tungkulin bilang mang-aawit) mo?”, sabi ni Erna. “Mamaya
pagtapos ng duty ko”, sagot naman ng sikyo. “Hanggang anong oras ka ba
manong?”, tanung ni Erna. “Hanggang alas tres lang. Pagtapos noon diretso
na ako sa kapilya.”, sagot ng sikyo. “Saan ka nakatira manong? ”, tanong
namin. “Sa may Bulacan pa ako.”, sagot niya. “Ang layo naman ng sa inyo
manong. Buti hindi ka nahihirapan sa biyahe?”, sabi namin. “Hindi naman.
Tanghali naman ang uwi ko kaya ayos lang. Walang gaanong tao sa biyahe.
Mainit lang.” sagot naman ng sikyo. Tinanong namin ang kanyang pangalan
at ito naman ay kanyang binigay. Pinanatili naming lihim ang kanyang
pangalan para maprotektahan ang kanyang trabaho. Tawagin na lang nating
ang sikyo sa pangalang “Nocete”. Medyo nakuha namin ang loob ni Nocete.
Dahil malapit na ang kanyang uwian at pinagpabukas na namin ang pag-
interview.

Kinabukasan ay nakatambay kami uli sa lobby para magmasid kay


Nocete. Nakita si Erna sabay ngiti sa amin. Sinubukan naming lumapit sa
kanya para mangamusta. Habang nag-tse-check siya ng bag ay linilibang
namin siya sa pakikipagkwentuhan. Maganda ang aming nasimulang
kwentuhan at napatanong kami kung ano ang gagawin niya sa bakasyon.
Sabi ni Nocete ay may duty daw siya sa mga araw na iyon. Walang mga
bakasyon sa mga security guard sabi niya. Nakahanap kami ng butas para
makonekta namin ang aming mga tanong. “Edi paano yan habang bakasyon
na ng ibang tao ikaw naman ay nag-iisa lang na nagbabantay? Hindi ka ba
nalulungkot?”, tanong naming kay Nocete. “Siyempre nakakalungkot dahil
nagsasaya ang ibang mga tao sa paligid mo, mga pamilya mo, pero nasa
duty ka at nakatunganga para magbantay.”, sabi niya. “Ano ang mga
pumapasok sa isip mo kapag nag-duduty ka na mag-isa ka lang? ”, tanong
namin. Makikita mo sa mukha ang pag-aalinlangan para sagutin ang tanong
namin kaya nag-follow up question kaagad kami. “Noong pasko naka-duty
ka din ba?”, tanong namin. “Hindi, day-off ko noong pasko ”, sagot niya. “Edi
masaya noong araw na iyon. Nasubukan niyo na po ba na magpasko sa
duty?”, sunod na tanong namin. “Nasubukan na, maraming beses na
siguro.”, sagot niya. “Edi ang lungkot nun ”, tugon namin. “Oo malungkot
pero kailangang kumayod para sa pamilya.”, sagot niya. Napansin namin na
naging malungkot ang mukha ni Nocete at nagcheck ng mga bag para ma-
divert ang nararamdaman. Mapapansin namin na medyo sensitibo si Nocete
sa mga tanong kapag tungkol sa mga holiday na may duty siya. “May
pamilya na po ba kayo?”, tanung namin. “Mayroon. Dalawa yung anak ko
parehong babae. Nandun sila sa misis ko sa may Pangasinan. ”, sagot niya.
“Ang layo mo naman sa kanila manong. Paano ang ginagawa ninyo kapag
namimiss ninyo sila?”, tanong namin. “Minsan tinatawagan ko sila sa gabi.
Iyong bunso ko nga magbibirthday sa april 2 kaya baka lumuwas ako. ”,
sagot niya. “Edi madami kayong dalang regalo pag-uwi ninyo ”, sabi namin.
“Siyempre. Understood na iyon!”, sabi niya. “Paano ninyo pinapadala ang
sahod niyo?”, sabi namin. “Minsan pinapadala, minsan naman umuuwi ako at
ako na nagbibigay”, sagot niya. “Buti kasya naman sa inyo yung kinikita
ninyo?”, sabi namin. “Napagkakasya naman kahit papaano ”, sagot niya. “Ilan
taon na po ba ang mga anak ninyo? At si misis po ba nagtratrabaho? ”,
tanong namin. “Yung panganay ko ay magha-highschool na sa pasukan at
yung bunso ay mag-ge-grade 5 sa april 2. Si misis naman ay tumutulong sa
mga tiyahin magbenta ng mga tocino at longanisa. ”, sagot niya. “May
insurance po ba kayo katulad ng mga pulis? ”, tanong namin. “Meron din.
Death insurance at medical insurance. Kasama sa ahente namin yun. Lahat
naman siguro ng guard may ganoon”, sagot niya. Biglang natanong namin
ang mga maseselan na tanong kay Nocete. “Paano po kung may aksidenteng
nangyari sa inyo? Hindi po ba kayo natatakot mamatay? ”, tanong namin.
“Wag naman sana mauwi sa ganoon. Maliliit pa yung mga anak ko. ”, sagot
niya. Kitang-kita mo ang takot sa kanyang mga mata na kung may mangyari
sa kanya ay paano na ang kanyang pamilya. Bigla siyang nakahawak sa
kanyang ulo at nag-ayos ng buhok na parang hindi inaasan ang ganoong
tanong. “May karanasan na po ba kayong ganoon na kung saan nalagay ang
buhay ninyo sa peligro dahil sa pagbabantay?”, tanung namin. “Wala pa pero
yung isang kasamahan ko muntik ng namatay sa saksak sa tagiliran. ”, sagot
niya. “Bakit po? Maari ninyo po bang maikwento sa amin? ”, pakiusap namin.
“Guard kasi iyon sa isang village sa may banawe ave. Habang nasa guard
house siya ay may dalawang tao na umaaligid sa tapat ng gate ng village.
Sinita niya yung dalawang tao at pinuntahan kasi kahina-hinala silang mga
tao. May inaantay lang daw yung dalawang tao na kakilala nila sa loob ng
village na lumabas. Bumalik siya sa kanyang post at pinagmamasdan lang
yung dalawang tao. Nakaraan ang ilang minuto napansin niya na nagtetext
yung dalawang lalaki at dali-dali pumulot ng bato at pinagbabato ang gate
ng village. Pinuntahan ng kaibigan ko yung dalawang tao at pinagsasabihan.
Hindi pa rin huminto sa pagbabato ng gate at nag-iingay na sa tapat. Tila
may hinahanap na tao sa loob ng village. Pinuntahan na ng kaibigan ko yung
dalawang tao at binantaan na tatawag ng barangay kung mangugulo uli sila.
Habang pabalik sa guard house ang kaibigan ko at nakatalikod sa kanila,
nasaksak ang kaibigan ko sa tagiliran. Biglang tumakbo sila at nawala na
parang bula. Buti nakita siya ng isang may-ari ng village na pinaglilingkuran
niya sa gitna ng daan sa entrance ng village. Dali-dali siyang dinala sa
ospital at nakaligtas sa kamatayan.”, kuwento niya. “Grabe naman po ang
nangyari sa kaibigan ninyo. Kayo po kunwari may nangyari parang ganun
dito sa school. May nag-aamok na tao sa labas. Handa na po ba kayong mag
buwis ng buhay para lang sa mga binabantayang gusali at estudyante? ”,
tanong namin. Napaisip ng matagal si Nocete sabay lagay ng kamay sa
bulsa. “Siyempre naman. Madami ang buhay ang pwedeng mawala at
kawawa ang mga bata. Trabaho namin na protektahan ang mga tao dito.
Kaya pag dumating ang pangyayaring iyon ay baka magaya din ako sa
kaibigan ko.”, sagot niya. Mahirap na sinagot ni Nocete madaming tanong at
damang dama mo sa kanya ang pag-iisip niya sa kanyang pamilya. Habang
dumadami ang mga estudyanteng pumapasok, nagpasya na kami na ihinto
na ang pagtatanong dahil madami ang nakakarinig sa aming mga pinag-
uusapan. Nagpasalamat kami kay Nocete sa kwetuhan namin at sa oras na
binigay niya para sa amin kahit hindi niya alam na interview na pala ang
ginagawa namin.
Matapos naming magawa ang interview, napagpasiyahan namin na
pag-usapan ang aming paksa pagkatapos ng mahal na araw ay kailangan
namin magbigay ng mga opinion namin sa isa’t-isa. Nalaman namin sa
aming pakikipanayam kay Nocete na mahirap ang buhay ng isang security
guard. Mahirap ang ginagawa nila sa pang araw-araw. Mapapansin natin na
magalang, mabait, palangiti at madaling lapitan ang mga sikyo pero para
silang mga nakamaskara na tinatago ang mga nararamdaman sa loob ng
damdamin ng isang sikyo. Kahit lagi silang nandiyan para mag bigay ng
tulong o impormasyon tungkol sa gusaling papasukan dadating ang oras na
magiging mag-isa na lang sila sa loob ng isang napakalaking gusali. Walang
makausap at walang kasama, nagagawa nilang tumagal ng ilang oras na
nagbabantay ng kanilang nasasakupan. Kahit antok-antok na sila ay pilit
nilang dinidilat ang kanilang mga mata sa oras ng duty. Kahit malungkot o
may dinaramdam ay dapat magampanan ang trabaho ng 100%. Ang mga
sikyo ay mga normal na tao rin kagaya natin. Kahit akala natin na para
silang mga sundalo na matigas at matatapang, para silang mga sanggol na
naghahanap ng kasama, umiiyak pagnalulungkot, nagugutom at nag-iisa.
Naaapektuhan din sila ng kanilang mga emosyon at nararamdaman lalong
lalo na kapag ang pamilya nila ang kanilang naiisip. Karamihan ay
nahihiwalay sa pamilya para lang matustusan ang mga gastusin at
pangangailangan ng pamilya. May iba naman na milya o mga pulo ang
pagitan ang agwat nila sa kanilang pamilya. Wala silang ibang paraan kung
hindi makipag-usap sa cellphone o mag-text. Kadalasan ay buhay ang
nakataya sa pagbabantay ng isang sikyo. Hindi maiwasan na may mga
masasamang loob ang gumagawa ng mga illegal na aksyon sa lugar ng
sinasakupan ng mga sikyo. Mga magnanakaw, bandido, masamang tao o
kriminal ang naiinkwentro ng isang sikyo. At kadalasan, buhay nila ang
nasasakripisyo para lang mapangalagaan ang kanilang binabantayan.

Sa panahong ngayon, lalo na sa Pilipinas mapapansin na mahirap ang


buhay ng mga sikyo. Kadalasan ay buhay nila ang nalalagay sa peligro.
Halimbawa nito ay mga nasa balita na ang mga sikyo ay naiipit sa ginta. Sila
ay pinapatay o kaya naman peligrong nasusugatan sa mga engkwentro sa
mga masasamang loob na gumagawa ng mga illegal na bagay sa lugar ng
sinasakupan. Kung ikaw ba naman ang kriminal at may masama kang balak
sa isang lugar, siyempre kelangan mong siguraduhin na mapatumba mo ang
mga guwardiya sa paligid pa maayos na magawa mo ang masamang plano
mo. Minsan naman ay baliktad ang nagiging pangyayari, imbes na ang mga
sikyo ang tumutulong sa mga tao, sila pa ang nakakapagpahamak sa mga
ito. Halimbawa nito ang trahedyang nangyari sa Paco Manila kung saan ay
binaril at pinatay ng dalawang sikyo ang isang businesswoman dahil sa
perang dala nito. Hindi lahat ng sikyo ay mabubuti, mayroon din mga ibang
gumagamit ng dahas at kapangyarihan dahil sa kumakalam na sikmura.
Kaya dapat mapanatili natin ang kalidad ng pagsasanay sa mga sikyo. Ang
bata ng RA 5487 na nag sasaad “An act to regulate the organization and
operation of private detective, watchmen or security guards agencies.
Sinasabi ng batas ang mga karapatan, requirements o pangangailangan ng
isang sikyo. Masasabi nating kulang ang mga binibigay ng batas. Kelangan
ng mga insurance o tulong pinansyal ng mga sikyo dahil sa kaliitan ng mga
sweldo. Ayon sa Jobstreets, ang sweldo ng mga security guard ay umaabot
sa P10,000 hanggang P15,000 depende sa binabantayan. Ang seguridad ng
isang bagay ay puwede maging asset ng isang nagmamayari ditto. Kaya
kelangan pag tuonan ng pansin ang mga bagay katulad ng seguridad.

Paano ba masosolusyonan ang problemang pinansyal ng mga sikyo?


Maaring maging solusyon dito ay ang pagtaas ng sahod. Alam natin na
mahirap ang trabaho ng isang sikyo. Para lang silang mga magsasaka na
kumakayod sa bukid, napapagod, nahihirapan, naalipusta, napapahamak at
nasasaktan. Kaya kelangan din natin silang pangalagaan. Sila ang nagpo-
protekta ng mga kagamitan natin at nagpapanatili ng seguridad sa lugar.
Minsan nakalulungkot isipin na dahil sa kawalan ng pera ay nagagawa nilang
gumamit ng dahas gamit ang mga bagay na pinagkatiwala sa kanila katulad
ng mga armas at mga pangproteksyon na mga gamit. Kung maari lamang
gumawa ng batas na nakahiwalay at nag tatalakay lamang sa mga sikyo. I
prioritize ng batas na ito ang mga benepisyo, seguridad sa trabaho,
insurance at mga tulong pinansyal sa mga sikyo.

Natutunan namin sa pag-aaral na ito na hindi lang pisikal ang hirap na


nadarama ng isang sikyo kundi emosyonal at pinansyal din. Natutunan
namin ang mga bagay na umiikot sa mundo ng isang sikyo. Nalaman namin
ang mga basic knowledge na kelangan ng isang sikyo para maprotektahan
ang binabantayan. Nalaman namin na ang mga sikyo ay dumaraan sa isang
mahirap na pagsasanay para mapanatili at magampanan nang maayos ang
kanilang mga trabaho. Ang mga pagsasanay na ito ay dumadaan sa isang
masusing traing kung paano ang gagawin sa mga oras ng mga emergency.
Nalaman din namin na ang mga sikyo ay kadalasang nagiging emosyonal sa
mga panahon ng mga okasyon lalu na’t nawawalay sila sa kanilang pamilya.
Madalas ay namimiss nila ang kanilang mga pamilya sa mga oras na ito.
Natuklasan din namin ang mga karapatan ng isang sikyo na nakasaad sa
batas. Nais namin na matulungan ang mga sikyo na nahihirapan sa mga
lugar na kanilang binabantayan na hindi komportable sa isang tao. Ito ay
para magampanan nila ang kanilang trabaho nang hindi nagkakasakit at
walang lakas na nasasayang.
Malaking epekto sa aming buhay ang pag-aaral na ito dahil tumaas
ang aming respeto sa mga sikyo na nakakasalubong namin. Naiisip namin
ang kanilang mga sakripisyo para sa pamilya. Maituturing na mga
modernong bayani ang mga sikyo dahil pinapahalagahan nila at
binabantayan mabuti ang mga bagay na kanilang naatasang bantayan.

Isang araw sa pagpasok namin sa paaralan, nagulat kami na iba na


ang guwardiya na nagbabantay at tumitingin ng mga gamit. Tinanong
naming kung nasaan na si Nocete. Nagpalit na daw ng ahensya ang paaralan
kaya lumipat na si Nocete ng lugar. Lungkot ang naramdaman namin dahil
ilang linggo lang ang makalipas nang matapos namin ang aming
etnograpiya. Kung kailan namin mas na-appreciate si Nocete bigla naman
siya mawawala. Hindi mawawala sa mga isip namin ang buhay ni Nocete. At
sa tuwing makakasalubong kami ng guwardiya ay respeto at pang-unawa
ang aming mararamdaman dahil sa isang tao na handog ng kuwento ng
kanyang buhay. Kung nasaan man si Nocete ngayon ay mapalad ang
kanyang mga binabantayan dahil matapang at mabait ito. Balang araw ay
makikita din namin siya at masasabing “Saludo kami sayo, sir!”.

ISANG ETNOGRAPIYANG TUMATALAKAY SA BUHAY NG ISANG


GUWARDIYA

AMA COMPUTER COLLEGE

FAIRVIEW CAMPUS

IPINASA KAY: G. Raymond cuison

Ipinasa nina: Mamoransing, Rhessan Jan R. ; Poquiz, Princess Mae C.


;Almendarez, Edjhir M. ;Fabia, Almira Diora M. ;De Guzman, Dheyjem; Liquiran,
Ernalene Q.; Pugal, Reygan Jay; Casanova, Adrian

Abril 2013

Sangunian:

 www.lawphil.net
 www.wikipedia.com
 www.guardnow.com
 Google translate
 www.ehow.com
 www.gmanetwork.com
 www.jezebel.com
 www.jobstreet.com.ph

(3) "Tatang X : Pirata ka ba? o sadyang Pilipino ka lang?”

Dapat bang ipagbawal ang pagbebenta ng mga pirated DVD’s kung


dito lang nakasalalay ang pamumuhay ng iilan nating kababayan? Kung ang
tawag sa mga gumagawa at nagtitinda ng mga pirated na DVD’s ay mga
‘namimirata’ ano naman ang tawag sating mamimili? Pirata ba? Tama bang
idahilan natin na kaya tayo bumibili ng mga piniratang gamit ay dahil tayo
ay sadyang Pilipino na praktikal lamang?

Ang layunin naming magkakagrupo sa etnograpiyang ito ay


makapaglahad ng aming mga naobserbahan tungkol sa aming paksa upang
mabuksan namin ang mga bulag na mata, bingi na tenga, at tulog na
kaisipan ng ating mga kababayan. Gusto namin na mabigyan ng pansin ang
mga mahihirap nating kababayan na gustong magkaroon ng trabaho, ang
nangyayari kasi ngayon ay marami sa ating mga kababayang mahihirap ay
kumakapit sa illegal na trabaho dahil kulang ang mga oportunidad sa
trabaho dito sa ating bansa. Gusto din namin ipakita sa etnograpiyang ito na
hindi lahat ng mga nagbebenta ng mga illegal na bagay ay masasamang tao,
ang iba ay sadyang wala ng iba pang mapagkakakitaan pa dahil sa hirap
maghanap ng trabaho; ang iba naman ay matatanda na, at yun nalang ang
kaya nilang pagkakitaan, katulad nalang ng aming paksa na si ‘tatang x ’.

Sa umpisa palang, alam naming magkakagrupo na ang pag-gawa ng


isang written documentary o etnograpiya ay isang mahirap na bagay. Alam
din namin na marami kaming haharaping mga problema sa pagkuha o
pagkalap ng impormasyon sa aming paksa at sa pagbuo nito.

Ang aming propesor ay nagpagawa ng isang aktibidades sa kada


grupo, dapat daw namin isulat sa papel kung ano sa tingin namin ang
magiging hadlang; kung ano ang mga inaasahan naming makuha
pagkatapos naming magawa ang aming etnograpiya; kung saan dapat kami
pumokus; at kung ano ang mga bigat o hirap na aming dadanasin sa pag-
gawa ng etnograpiya. Nagtipon-tipon kaming magkakagrupo upang pag-
usapan ang tungkol sa mga bagay na ito. Mas madali kasing matapos ang
activity na ito kung kaming magkakagrupo ay magbibigay ng kanya-kanyang
mga ideya tungkol sa mga bagay na ito.

Inuna naming pag-usapan ang tungkol sa mga takip o hadlang sa


gagawin naming etnograpiya. Para sa amin, ang pinakahadlang sa lahat
ay ang oras, bakit? Ika nga ng karamihan ‘Time is Gold ’. Para sa amin, ang
oras ay isa sa mga mahirap tantiyahin, kailangan munang magplano ng
maayos bago gawin ang isang bagay upang hindi ito masayang ang oras.
Kami ay mga estudyante, pumapasok kami simula lunes hanggang sabado
at nag-uumpisa ang aming klase nang maaga at matatapos ito nang tanghali
at minsan naman ay hapon. Konti lang na oras ang natitira sa amin, paano
pa kung may mga takdang-aralin o proyekto o report saamin na ibinigay?
Mas mahirap iyon, dahil baka kulangin kami ng oras sa paggawa ng
etnograpiya namin dahil kailangan naming gawin ang mga proyektong
naatas sa amin. Sabihin na nating pagkulang ang oras, kaunting
impormasyon lang ang makukuha; pagkulang ang oras, hindi agad
matatapos ang mga bagay na dapat tapusin. Kung ang oras ay sapat mas
mapapadaling gawin ang isang bagay, hindi ba? Isa din sa mga hadlang ay
ang lugar, ang lugar ay kaugnay ng oras. Pag malayo ang lugar ng aming
paksa, kakain ito ng oras dahil sa byahe; Pag malayo ang lugar ng aming
paksa, sigurado ang iba saamin ay hindi na makakasama dahil sa hindi sila
pinayagan ng kanilang mga magulang. Isa din sa mga hadlang ay ang
panahon. Kung sakaling may itinakdang araw na kami ng obserbasyon
namin para sa aming paksa tapos biglang magsusungit ang panahon
(bagyo), maaring hindi ito matuloy dahil sa delikado ito higit sa lahat,
mahihirapan kaming sumakay: papunta sa lugar kung saan kami mag-
oobserba at pabalik ng aming bahay. Kung sakali mang matuloy, ay maaring
kokonti lang kami at baka hindi kami makapokus nang husto dahil ang isip
namin ay nakatuon kung pano ang aming pag-uwi sa aming mga bahay, at
kung maayos lang ba ang kalagayan ng aming mga pamilya. Yan ang mga
hadlang sa ginagawa naming etnograpiya.

Pinag-usapan din namin ang tungkol sa bagay na pwede naming


makuha pagnatapos namin itong etnograpiyang ito. May mga bagay kami na
inaasahan na magiging kapalit ng aming paghihirap. Aminin natin na sa
lahat ng ating mga ginagawa ay meron tayong mga kapal o inaasahang
makuha. Ano nga ba ang inaasahan namin na makuha dito sa ginagawa
naming etnograpiya? Inaasahan namin na marami kaming malalaman na
dahilan kung bakit pa nagtitinda si tatang na kahit matanda na siya, ay sige
pa rin siya sa pagtitinda at paglalako ng mga DVD’s at kung bakit iyon ang
napili niyang hanap-buhay sa kabila ng pagiging illegal nito. Inaasahan din
namin na makakapulot kami ng maraming aral dito sa
gagawin/ginagawa naming etnograpiya. Gusto namin na magkaroon ng
ideya kung papaano namumuhay ngayon ang ating mga kababayang
mahihirap; gusto naming marinig kung ano ba ang kanilang mga hinanakit,
upang mabuksan ang mga diwa o isipan naming sarado o bulag at bingi;
gusto naming marinig kung ano ang kanilang mga pananaw sa buhay upang
kahit papano, mai-apply namin yun sa aming mga sarili. Higit sa lahat,
inaasahan namin na magkakaroon kami na sapat na grade base sa aming
ginawang etnograpiya. Kami ay mga estudyante, at alam naman nating
lahat na, lahat ng estudyante ay naghahangad na makakuha ng sapat na
grade sa bawat effort na ginagawa nila. Umaasa kami na makakakuha kami
ng sapat na grade sa aming ginagawang etnograpiya para kahit papano,
mapawi at masuklian ang aming mga paghihirap sa paggawa nito.

Ang taas ay pokus ng paksa. Ang pokus ay ‘limitasyon ’. Sa aming


etnograpiyang ginagawa, kami ay pumopokus sa aming paksa. Inilalagay
lang namin ang aming tuon sa aming paksa upang ito ay hindi mapunta sa
kung saan-saan na bagay. Ang aming paksa ay ‘Tatang X’ dapat ito ay
tungkol sa isang matandang nagtitinda ng mga pirated dvd ’s; dapat ito ay
tungkol sa buhay niya lamang, hindi dapat mapunta ang kwento tungkol sa
alaga niyang namatay (kung meron man) hindi ba? masyadong malayo na
kasi iyon sa paksa. Hindi na din dapat na halukayin pa namin ng husto ang
buhay ni tatang, di na naming kailangan pang itanong kung ilan ang naging
‘girlfriend’ niya nung kabataan o kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng
kaniyang asawa, dahil iyon ay masyado ng pribado at sakaniya na lamang
iyon at tiyaka hindi naman iyon konektado sa aming paksa.

Ang paggawa ng isang written documentary ay hindi madali. Kailangan


itong punan ng mga makatotohanang mga bagay tungkol sa isang paksa.
Kung gagawa ka ng isang etnograpiya, dapat ikaw ay pursigido at
pasensyoso. Bakit? Kasi alam mong mayroon kang mga problemang
susuungin matapos lang ito, parang kami, alam namin na isang mabigat na
pasanin itong ginagawa namin kaya hinahabaan namin ang aming mga
pasensya upang matapos namin ito ng maayos at kami ay nagpupursigidong
matapos ito upang mailahad namin ang lahat ng mga bagay na aming
naobserbahan sa aming paksa.

Sa bigat makikita kung gaano kami nagkakaisa bilang isang grupo.


Dito kasi makikita kung paano namin bubuhatin ang mga mahihirap na
bagay. Para sa amin, ang isa sa mabibigat na bagay sa aming ginagawang
written documentary ay ang pera. Alam nating lahat na ang pag-iipon ng
pera ay hindi madali at alam nating halos lahat ng bagay ay kailangan ng
pera. Ang paggawa ng isang etnograpiya ay nangangailangan ng pera, dahil
sa pagpunta pa lamang sa lugar na aming oobserbahan ay kailangan namin
ng pamasahe diba? Ang kada print ng aming ginagawang etnograpiya na na
ipinapasa namin sa aming propesor, kailangan pa din ng pera diba? Ang
pag-interview kay tatang, kailangan namin siyang bigyan kahit papano ng
pabuya bilang isang pasasalamat dahil pinayagan niya kaming makapanayan
siya, pera pa din. Sadyang para sa amin ang pera ay isa sa bigat sa amin
dahil halos kaming magkakagrupo ay ibinabawas na lamang ang mga
gastusin sa aming mga baon upang hindi na masyadong makadagdag sa
matrikula sa aming mga magulang. Isa din sa bigat ay ang pagsabay-
sabay ng mga proyekto. Pwede kasing mahati ang oras namin kung
sabay-sabay ang proyekto na aming gagawin, katulad ngayon, malapit na
ang pasahan ng proyekto namin sa isang subject, ayan tuloy naghahabol
kami ngayon sa oras. Kaming magkakagrupo ay hindi masyado nagkakaisa
ngayon dahil may kaniya-kaniya kaming ginagawang proyekto, kaya ang
nangyayari ngayon ay hindi mabilis ang paggawa ng aming written
documentary.

Bago namin ilahad ang aming mga naobserbahan at ang mga


impormasyon na nakuha namin sa pakikipagpanayam kay tatang nais muna
naming ilahad ang mga bagay na aming napredik bago namin kapanayamin
at obserbahan si tatang. Hindi naman talaga mawawala ang prediksyon o
mga inaasahang mangyari sa kada gagawing proyekto hindi ba? Bago kami
gumawa ng aming obserbasyon para sa aming etnograpiya, nagkaroon kami
ng mga inaasahang mga bagay at prediksyon ukol dito.

Una, kami ay mahihirapang mag-obserba tungkol sa aming paksa na si


tatang dahil hindi kami sigurado kung kailan namin siya pwedeng
maobserbahan o mainterview, kung saan-saan kasi siya naglalako ng mga
pirated DVD’s kaya mahirap siyang tyempuhan.
Pangalawa, kami ay kukulangin sa oras na makapanayam si tatang
dahil sa haba at tagal ng aming byahe. Ang epekto nito ay mahihirapan
kaming makakuha pa ng maraming impormasyon tungkol sa aming paksa at
malamang kokonti ang aming maoobserbang mga bagay-bagay na
konektado sa aming paksa.

Pangatlo, napredik namin na magkakahiyaan kaming magkakagrupo at


ni tatang habang nangyayari ang pag-iinterview dahil sa hindi pa kami
magkakakilalang lubusan.

Pang-apat, inaasahan naming magkakagrupo na hindi lahat ng


kaniyang nadanasan sa buhay ay maikwekwento niya at hindi lahat ng
tanong namin sa kaniya ay masasagot niya ng maayos.

Panglima, inaasahan namin na maraming mga bagay-bagay ang


maituturo sa amin ni tatang tungkol sa pamumuhay dito sa mundong
ibabaw; at marami kaming makukuhang aral tungkol sa kaniyang buhay na
base sa kanyang experience.

At huli sa lahat, napredik namin na ang aming gagawing etnograpiya


ay magiging maayos dahil kaming magkakagrupo ay magtutulungan sa
pag-obserba sa aming paksa at sa paggawa nito. Inaasahan din namin na
makakuha ng sapat na grado base sa aming ginawang etnograpiya.

Napagtanto namin na ang iba sa mga napredik at mga inaasahan


naming mga bagay-bagay na mangyayari bago ang aming obserbasyon, ay
nagkatotoo. Ngayon, ilalahad na namin ang mga naobserbahan at nakuha
naming impormasyon tungkol sa aming paksa.

Ano nga ba ang pinagka iba ng orihinal na DVD ’s/CD ’s sa piniratang


DVD’s/CD’s? Ang pinirata kung sa kalidad ng palabas. Ito ay kadalasang
malabo, merong sakto lamang ang kalidad ng video, at kung magkakaroon
man ng malinaw o halos katulad ng sa orihinal ay bibihira o tsambahan
lamang. Kahit na iyong sabihin na depende sa may ari ng bala , ang
piniratang CD ay mas mabilis masira kung iyong ikukumpara sa orihinal na
kopya ng CD. Sa aking palagay ang ikinaganda lang talaga ng mga
piniratang CD ay mas mababa ang presyo nito kaysa sa talagang presyo ng
orihinal na CD. Ngunit ngayon hindi na lamang palabas ang kanilang mga
pinipirata o binebenta sapagkat maski mga anti-virus , games , OS at iba
pang mga application o gamit na pwedeng mai-install sa pc ay kanila na ring
nagawan ng mga pekeng kopya o piniratang mga CD na halos o minsan ay
kasingtulad na talaga ng isang tunay o orihinal na kopya. Ang mga Pilipino
ay sadyang matipid kaya’t kung ito ay kanilang mapapakinabangan at kung
maiintindihan o mapapanuod naman ng maayos ang kanilang biniling CD na
kahit pa ito ay pinirata lamang ay kanilang mas pipiliing bumili ng pirata
upang sila ay mapamura o mapababa ang presyong kanilang babayaran.

Ang pagbebenta ng piniratang CD ay isang trabahong mababa man


ang iyong makukuha ay mas maganda na sapagkat ito ay kadalasang mas
tinatangkilik ng iba dahil ito ay mura lang kung iyong ikukumpara sa mga
orihinal na kopya. Sa aming palagay, dalawa ang uri ng paraan na kanilang
ginagawa sa pagtitinda ng mga piniratang DVD’s at CD ’s. Ang una ay ang
pagtitinda na may pwesto at ang isa naman ay ang pagtitinda sa kalsada
habang naglalakad at naglalako.

Ang una kong ilalahad ay ang aming obserbasyon sa mga nagtitinda


na may pwesto. Ang lugar na pinakapinagpe-pwestuhan ng mga nagbebenta
ng piniratang CD ay ang palengke kung saan marami ang tao na
nagtutungo. Kahit na sa kalagitnaan man ng init ng panahon o panahong
maulan, kahit na roon ay may maalisangsang na amoy, mausok na hangin,
maduming kapaligiran at kahit na dito ay maraming gulo at maingay. Sila ay
patuloy na nagtitinda ng kanilang binebentang mga CD upang sila ay
magkaroon ng kita na panggastos sa araw-araw. May mga araw akong
nakitang maraming nagtutungo sa kanila upang bumili ng mga CD pero may
mga araw rin namang matumal o kakaunti lamang ang tumitingin o bumibili
sa kanila gayunman mas madalas pa rin naman ang araw na marami ang sa
kanila’y nagpupunta at bumibili sa kanilang mga binebentang CD. Base sa
aking alam at naririnig-rinig ang presyo ng isang CD sa bangketa ay 35
pesos at minsan ay meron pang mga offer na 3 for 100 pesos o tatlong CD
sa isangdaang piso kung saan ay makakatipid ka ng konti kahit papaano.
Ang mahirap lang sa may pwesto ay ang dahil kapag ang pwesto ay hindi
sakanila at kanila pang nirerentahan ay naibabawas pa sa kanilang kita at
minsan ay nagkakaroon pa ng hulihan sa mga palengke na kadalasan ay
pinaka maraming nag-bebenta ng mga piniratang CD kung saan sila ay
nagmamadali upang sila ay hindi mahuli at hindi makumpiska ang kanilang
mga binebenta. Bukod sa mga katunggali nilang ibang vendor din ng
piniratang CD, isa pa sa pinaka-kalaban nila ay ang ibang mga pulis na
nanghuhuli sakanila at kinukumpiska ang kanilang mga CD at ang iba
naman ay hindi nga hinuhuli nangongotong naman o minsan ay nanghihingi
ng libreng CD upang sila ay hindi hulihin. Kahit na ganoon sila ay bumabalik
at patuloy parin na nag-aantay na may lumapit sa kanilang pwesto at bumili
ng kanilang mga tinitindang piniratang CD at nang sila ay may maiuwing
pera sa kani-kanilang mga bahay.

Ang pangalawa namang uri ng pagtitinda ng pirated DVD’s/CD’s ay ang


paglalako sa kalsada o matatawag natin ito sa ingles na ‘walking bazaar ’.
Meron kaming nakita na isang matanda na nagtitinda ng mga pirated
DVD’s/CD’s at siya ang aming inobserbahan.

Isang mainit at matirik na araw ang sumalubong sa amin nang


matapos namin ang aming pagsusulit sa unang araw ng exam namin.
Nararamdaman ko na ang tagaktak na pawis na tumutulo sa aming mukha
papunta sa aking leeg. Maaga namin natapos ang pagsusulit namin kaya
napagdesisyunan namin na yun na lang din ang araw na makakapanayam
namin si tatang at sinabi na rin ng aming mga propesor na wala na kaming
klase kinabukasan.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Bagong Silang na kung


saan ay doon namin makakausap at makakapanayam si tatang ay
mapapansin sa mga mukha ng aking mga kasama ang excitement at
kasiyahan na para bang ngayon lamang nakasakay at nakasama sa
pagsakay sa pampublikong sasakyan.

Pagdating sa Maligaya, ay marami ng pasahero ang mga sumakay at


tila para ba kaming mukhang sardinas na nagsisiksikan sa loob ng jeep at
humihirit pa ang driver ng “5 pa”. Mabute na lamang at payat ang aking mga
katabi para mapagkasya ang mga hindi pa nakakaupo. Doon mas
naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga pawis na kung iimagine-nin mo
ang mga mukha namin ay kamukha na namin ang mga basang sisiw.
Natatawa na nga lang ako sa aking kinauupuan habang tinitingnan ko ang
aking mga kamag-aral dahil sa mga daan na tinatahak namin. May mga
daan na maayos pero may nadadaanan din kaming lubak lubak, dahil doon
ay para kaming nasa circus na lumulundag sa aming kinauupuan. At mas
malala pa ay may parte sa aming kinauupuan ang may nakalitaw na pako at
may parte rin na lubog, mabuti na lamang at nakapwesto ako sa parteng
malambot kung hindi ay iiyak ang aking pwet sa kakataas baba ng aming
katawan. Pero kahit ganoon ay di namin alintana yun dahil mas matimbang
ang halakhak na maririnig mo sa aming mga bibig. Nang makababa na kami
sa jeep, na kung saan ay sa tapat ng paaralan ng elementarya ay
mapapansin na ang iba sa kanila ay pauwi na sa kanilang mga tirahan at
ang iba naman ay papasok pa lamang kasabay ng kanilang mga magulang.
Napansin ko na marami ang mga tindahan sa gilid ng paaralan na tila naging
kolorete na sa paligid dahil sa mga iba’t ibang kulay ng kanilang mga
paninda. May mga tindahan ng school supplies at may iilan ding tindahan ng
mga pagkain lalo na ang mga tumatambay talaga na kariton sa harap ng
paaralan. Nang malapit na kami sa bahay nila Era, ay napansin ko na sila ay
payuko kung maglakad. Nung tumingin din ako sa baba, ay muntikan na
akong makaapak ng di kanais nais na bagay na nilabas ng mga aspin/askal
na nagkakalat sa kanilang lugar. Tila pinababayaan na lamang ito ng mga
tao doon na magkalat ng mga dumi ang mga aso doon. Kaya
nagmumukhang palamuti na ang mga dumi doon at napapansin ko na
walang nagkukusa upang linisin ito. Siguro kung may maglilinis man,
magsisilbi itong bayani sa kanilang lugar. Alas dos na ng tanghali nang
marating namin ang bahay nila Era ngunit wala pa doon ang aming puntirya.

Habang nag-aantay kami, kinulit ko muna ang nakababatang kapatid


ni Era na si Ryu tutal mahilig ako makipagharutan sa mga bata. Gusto rin
naman ni Ryu dahil wala rin sya kalaro kaya binabato nya ako ng bola at
binabato ko rin sya ng bola. Mabuti na lamang at hindi pamatay sa
kasiyahan si Ryu, kung hindi kanina pa sya umiyak sa lakas ng bato ko sa
kanya sa ulo. Siguro nakaramdam na ng pagod si Ryu kaya kinuha nya ang
remote control ng kanilang telebisyon at niyaya niya ko manuod nalang
kaysa magbatuhan ng bola. May inaabangan siyang palabas ngunit napaaga
ata yung bukas nya. Kaya wala siyang magagawa kundi mag-antay na
lamang. Sumunod na rin ang iba kong kasama dahil wala rin silang ibang
mapagkaabalahan. Ang palabas ay isang talk show tungkol sa kanilang mga
kinahihiligan na koleksyon. Napansin ko na ang mga bisita doon ay mukha
mayayaman at ang kanilang mga koleksyon ay siguradong mahal.
Nagtanong ang tv host sa kanyang mga bisita kung orihinal ba lahat ng
kanilang mga koleksyon, sagot naman ng isa ay “Oo naman, hindi ako
bumibili ng mga peke dahil mababa ang kalidad ng mga telang ginagamit
nila at madali lang ito masira.” Sa isip isip ko ay may punto naman siya sa
mga sinabi nya pero paano naman ang mga mahihirap na di ito kayang
bilhin? Habambuhay na ba sila makakaranas ng puro peke ang mga gamit
na ginagamit nila? Siguro nga silang mayayaman kayang bumili ng kanilang
mga gusto at mga kinahihiligan dahil may sapat silang kayaman para bumili
ng mga ito. May isa pang humirit na galing din sa mga bisita nya “Kung
mangongloketa ka rin naman ng pansarili mong kinahihiligan ay dapat yung
hindi na peke”.
Napatigil na lamang ang pagtuon ko sa aking pinanunuod nang
sumigaw ang nanay ni Era. “Nandyan na si Tatang sa ibaba! Dali-dalian mo
at tawagin na sya baka lumagpas na naman sya. ” Ang sambit nya na may
halong pagmamadali at pagtataranta. Agad din namang sumagot si Era “Opo
ma!” na agad-agad na humakbang sa hagdan. Kami namang tatlo ay dali
dali naghanda ng aming mga kwaderno at panulat at agad na ring sumunod
kay Era sa ibaba.

Unang pansin ko kay Tatang ay may kakaibang aura na di mo makikita


sa ordinaryong vendor na naglalako rin sa mga kalye. Ngunit dala na rin ng
sobrang dami ng problema na nararanasan natin araw-araw ay makikita mo
rin kay tatang ang katatagan ng loob sa mga pagsubok na kinakaharap niya
lalo na siya lang mag-isa ang kumakayod sa kaniyang pamilya.

May halong kaba at pag-aalinlangan ang nadama ko tungkol sa mga


usapan na magaganap dahil ngayon lamang ako makakaranas ng isang
panayam na ni minsan ay hindi man lamang namin ito kilala. Pero hindi ko
ugaling isang tingin lang ay alam mo na agad ang ugali ng isang tao.
Binugad namin sya ng isang ngiti at pagsambit ng pangangamusta. Ngiti rin
naman ang kanyang naging kasagutan at ilang sandali ay sinabi rin nang
marahan “Okay lang naman ako.” Halata sa kanyang boses ang kapaguran
ngunit itinatago lamang ng ngiting pinakikita sa amin ni tatang. Marahil
napansin ng kapatid ni Era na wala na siyang kasama doon manuod at
sumunod ito sa ibaba at tinawag niya ang aking pangalan nang pasigaw.
Bigla naman akong napalingon at bigla na lang ngumiti ang aking mga labi.
Ewan ko ba at masyado akong malapitin sa mga bata na kahit minsan ay
kinaiinisan ko ito dahil sa sobrang kakulitan nila o baka depende na rin sa
nagiging mood ko. Agad ko namang narinig ang isang matinis na boses na
galing sa ina ni Era, “Ryu wag ka dyan! May ginagawa sila ate, halika dito at
manuod ka nalang ng cartoons. Malapit na lumabas yung inaantay mo oh!
Oh eto na yung Thomas and Friends.” Dahil doon ay agad na pumanhik si
Ryu at sinabihan akong “Ate pagkatapos mo dyan, nood tayo sa taas ha? ”.
Syempre bilang matanda at ugaling mang uto ng mga bata ay sinabi ko na
lamang ay “ Oo sige ba basta antayin mo lang ako doon ha? Bibilisan namin
tapos laro tayo ng batuhan ulit ha?” sabay tawa. Ang sagot na lamang ni
Ryu nang makatuntong na sya sa itaas ay “Opo ate” na may halong tuwa ng
sinabi nya iyon.

Umakyat si Era para kunin ang camera para maumpisahan na namin


ang unang araw ng pakikipanayam kay tatang. Habang inaantay namin si
Era na kunin ang kanyang camera, ay tinitigan ko si tatang. Ang kanyang
kutis na tila kasing kulay ng isang tangkay ng puno na di naman maitatago
dahil sa araw-araw na paglalako nya sa ilalim ng sikat ng araw. Sa kanyang
mukha ay mapapansin ang kulubot ng kanyang balat at balbas sarado na
aabot hanggang sa kanyang patilya. Sino ba naman ang hindi mangingitim
kung araw araw ba naman nagtitinda at ang kanyang panangga lamang ay
ang kanyang sumbrero, maikling manggas at pantalon na kupas.

Sa kanyang paa na isa sa mahalagang kasangkapan upang


makahanap sila ng mapagkakakitaan pang araw-araw. Saplot na goma
lamang ang tanging nagsisilbing proteksyon nito sa matinding init ng singaw
na nagmumula sa kalsada. May dala dala ring backpack si tatang na kung
saan ay doon nya inilalagay ang mga DVD at CD na ibinebenta sa mga
nagiging suki nya

Pagkababa ni Era mula sa kanyang silid, agad na namin inayos ang


mga upuan at pinaupo na si tatang. Halata sa mga kilos ni tatang na medyo
naiilang pa sya sa amin dahil nga ito ang una naming pagkikita. Agad naman
nagtanong si Aprill nang may halong pagkuha ng loob ni tatang ng “ano po
buong pangalan nyo tatang?” sabay ngiti. “Ang buong pangalan ko ay Rufino
a.k.a “ROPENG” Nedroda.” Dahan-dahan nyang sambit. Sinundan ng tanong
ni Aprill na kung ilang taon na siya, at ang sagot lang ni tatang ay “Magse-
72 na ako sa july 10.” Napaisip na lamang ako na sa ganyang edad ay iilan
na lamang ang may kakayahang magtrabaho pa rin kahit na matanda na
sila. Si tatang ay may asawa na at may anim na anak sa huli niyang asawa.
Siguro nga kaya may “huling asawa” ay baka marami na siyang
napagdaanan na di maganda sa kanyang nakaraan. At mabuti ng wag
nalang natin iyong alamin dahil masyado na iyong pribado. Mayroon siyang
Labintatlong apo mula sa kanyang anim (6) na anak.

Hanggang sa nagkwento na si tatang ang kanyang naging buhay bago pa


sya napunta sa pagiging vendor ng isang piniratang DVD at CD sa kalye.

Umabot siya ng sampung taon sa pagiging ‘head checker ’ sa North


Harbor sa isang barko na kung saan ay naging maganda ang takbo ng
kanyang buhay. Nag desisyon lang siya na mag-resign sa kaniyang trabaho
noon dahil sa binenta ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya ang barko
kung saan siya naka-assign bilang isang head checker; at dahil din sa hindi
na niya nakayanan ang pang-gigipit ng mga empleyado sa kanilang opisina.
Naikuwento nya ng pagmamalaki na kahit hindi siya tapos sa sekondarya ay
siya pa rin ang napili sa mataas na posisyon. Dagdag niya pa kung bakit siya
ang napili imbis na yung mga nakatapos na ng pag-aaral at may kaya sa
buhay ay dahil mayroon siyang kakayanan na ipakita sa kanila na kahit hindi
siya tapos ng pag-aaral ay mayroon siyang determinasyon at pagpapakita
ng kagalingan sa kanilang trabaho. Nagsimula na siyang maging vendor ng
ice cream (Magnolia) ngunit di rin iyong nagtagal dahil hindi ito tinangkilik
ng mga tao. Hindi kasi sapat ang kinikita niya sa paglalako ng ice cream
kaya hininto niya na lamang ito.

May isang kaibigan ang nag-alok kay tatang ropeng na pumasok sa


pagtitinda ng mga piniratang DVD at CD. Siya naman ay pumayag na
magtinda nito, sa kadahilanang wala na siyang mahahanap pang trabaho na
tutugma sa kaniyang edad at sa kadahilanang wala ng ibang maasahan sa
pamilya niya kung hindi siya lamang. Hanggang sa ngayon, ay patuloy pa
din si tatang sa pagtitinda ng mga pirated DVD’s at CD’s dahil ito daw ay isa
sa mabilis na paraan upang kumita ng pera upang matustusan ang
pangangailangan nilang magkakapamilya sa pang araw-araw.

Lingid sa ating kaalaman na ipinagbabawal talaga ang pamimirata at


pamemeke ng mga kagamitan. Ngunit maraming tao ang gumagawa nito at
sumasakay sa hamon ng buhay, gaya na lamang ni tatang na na-
engganyong subukin ito dahil hindi ganoon kahirap ang paglalako ng mga
produktong gaya ng mga ito. Minsan naisip din ni tatang Roping na bumalik
ulit sa dati niyang trabaho kung bibigyan pa siya ng pagkakataon upang mas
guminhawa ang kanilang buhay dahil sa aming pakikipag-panayam sa kanya
sinabi niyang “malakas pa ako, at kaya ko pang magbanat ng buto kung
papalarin ulit akong makapagtrabahong muli sa barko ay iiwan ko na ang
paghahango ng mga piniratang mga DVD at CD”. Pumukaw sa aming
damdamin ang mga binitawang mga salita ni tatang dahil ramdam namin
ang mga paghihirap niya upang maitaguyod lamang ng maayos at ginhawa
ang kanyang pinakamamahal na pamilya. Sa dami ng kanyang anak na hindi
rin nakapagtapos ng pag-aaral gaya nilang mag-asawa dahil sa hirap ng
buhay ay mas pinili na lamang na magtrabaho ng maaga sa kanyang
murang edad ay natutuhan ni tatang ang kapalit ng mga bagay na hindi niya
naranasan noong siya’y binata pa. Ang mga kasiyahan sa pag-aaral tulad na
lamang ng “JS prom”, mga paligsahan, at ang pinaka masayang parte ay
ang “field trip” at “foundation day” kung saan ginaganap ang selebrasyon ng
pagtaguyod ng eskwelahan at mga aktibidades na ipinapagawa ng mga guro
kapag nasa huling baitang na ng sekondarya gaya na lamang ng
pagsasaliksiko pag-iinterbyu sa iba’t ibang tao, ang mga ito ay parte lamang
ng karaniwang estudyante. Sa kaso ni tatang, kabaliktaran ang kanyang
mga karanasan sa buhay. Mas marami ang hirap na pinagdaanan nito ngunit
sa kabila ng mga dagok sa kanyang buhay ay nalampasan naman niya ang
mga ito. Maghapon man siyang maglako ng kanyang mga hinango para
sakanya ay mas marangal naman ito. Sa aking palagay mas maganda
naman ang kanyang hangarin sa buhay, kung ikukumpara mo ito sa mga
masasamang taong walang halang ang mga kaluluwa na gaya ng mga
holdaper, snatcher, at iba pang mga gawaing sangkot ang pananakit at
pagpatay sa mga kababayan natin. Hindi naman porket nagtinda ng mga
piratang plaka ay masama na siyang tao. Masama nga marahil ang
pagtitinda ng mga ganitong produkto sa mata ng batas, ngunit sa mata ng
mga nakararaming dukhang gaya natin ay marangal pa rin ang ganitong
Gawain. Walang ibang pagpipilian si tatang kundi tanggapin ang inalok sa
kanyang trabaho ng kanyang kaibigan. Sana ay makita rin ng ating
gobyerno na ang kanilang mga repormang ipinaglalaban senado ay hindi
ganoon kakumbinsido sa mga gaya ni tatang upang maging maginhawa ang
pamumuhay. Dahil kung tutuusin ay hindi naman biro ang katayuan ni
tatang ngayon at ng kanyang pamilya. Isa pang panayam ni tatang ang
tama na tumatak sa gaya naming mag-aaral na “dapat sinusuportahan at
pinag-aaral nila ang anak ng mga mahihirap na gaya namin, dahil wala pa
rin pagbabago sa bansa natin, ang mga mayayaman lamang ang lubos na
nakikinabang at payaman nang payaman samantalang ang gaya ko ay
mahirap pa rin at ‘di umuusad ang sistema ng pamumuhay. Hindi pa namin
ramdam ang sinasabing pag-unlad ng bansa sabi ng pangulo nating si P-noy.
Sana ay maipaabot sakanila ang hinaing ng tulad kong kapos sa kita. ”

Ibinahagi sa amin ni tatang ang listahan ng kanyang kadalasang kita


sa paghahango ng mga piratang plaka sa iba ’t –ibang parte ng kalookan.
Pinaka mataas tuwing papalapit na ang pasko ay 500, pinakamababa 200.
Minsan sapat kadalasan hindi.

Binahagi din ni tatang ang kanyang sikreto upang mapanatili niyang


suki ang mamimili sa kanya, na sa tuwing my bibili sa kanya ay binabalikan
niya ang mga ito at binibigyan ng discount pakunswelo at pinapalitan ang
mga my depektong mga plaka. Nakakapagod man ang kanyang trabaho ay
hindi na ito iniinda ni tatang sapagkat sanay na siya sa ganitong ikot ng
kanyang pamumuhay. Di alintana ang saya kapag siya ay nagkakaroon ng
kalakihang kita sa paglalako bunga ng kanyang dugo at pawis. Sa kalagayan
ni tatang ngayon ay kuntento na siya dito. Di man katulad ng laki ng kita
niya sa dating trabaho sa barko ay nakakasama naman niya ang kanyang
pamilya sa araw-araw. Ang kanyang asawa naman ay nangangamuhan sa
San Juan bilang isang kasambahay na isa o dalawang beses sa isang linggo
kung ito ay umuwi. Ang mahalaga kay tatang ay naibabahagi niya parin ang
kanyang kita sa kanyang mga apo kahit na kapos sa buhay ay nabibigyan
niya parin ang mga ito ng kaunting grasya na may kasiyahan sa kanya sa
tuwing makikita niya ang mga ngiti sa mga labi ng mga ito. Balewala ang
hirap niya kung ito naman ang kapalit ng kanyang mga pagsisikap. Ibinahagi
din ni tatang na mahilig siyang tumaya ng lotto araw-araw kung may
pagkakataon at nagbabakasali din siyang mabago pa ang katayuan nila. Na
kung papalarin man na tumama ang kanyang mga taya ay siyempre ay
bibitawan na niya ang ganitong hanap buhay at magsisimula ng panibagong
maganda at legal na negosyo. Biniro namin siya ng kaunti na kung siya ay
palarin na manalo sa lotto ay gugustuhin niya pa bang pumunta sa ibang
bansa? Ito ang sagot niya sa kanyang panayam “ay siyempre, gusto kong
pumunta dun at pangarap ko yun kasama ko ang aking pamilya. At
ibabahagi ang iba sa mga kamag-anak ko, at sa aking nanay ”. Sinabi niya
din sa amin na kapag nakauwi siya sa kanilang lugar na kinalakhan ay
hinihiling ng kanyang ina na pagawan ito ng kabaong at himlayan sa
paghahanda ng kanyang nalalapit na pakikipaloob sa poong Diyos na
maykapal. Sa mukha ni tatang ay mababakas ang kasiyahan sa
pagkukwento tungkol sa kanyang buhay at siyempre ay lingid din naman sa
aming kaalaman na nahihirapan siya siguro ay dala na din ng kanyang edad.
Madami siyang pangarap sa buhay. At hanggang ngayon ay patuloy parin
naman siyang nangangarap sa maginhawang buhay. Naibahagi din niya na
kung may pagkakataon pa ay gusto naman niyang tapusin ang kanyang
pag-aaral ngunit nahihiya na siya sa kanyang makakasama dahil malayo ang
agwat ng edad ng mga batang nag-aaral sa sekondaryng di niya natapos.
Nagsisilbing mabuting mamamayan parin si tatang dahil ang kanyang isip ay
nakatuon pa din sa pagpapaunlad ng pamumuhay nila.

Sa aming pangalawang araw ng pakikipanayam kay tatang ay di na


alintana ang kaba o takot na naramdaman niya di tulad noong una naming
siyang nakapanayam ay naiilang pa siyang magkwento dahil na rin siguro
nakikiramdam siya sa mga taong kaharap niya. Sa pangalawang
pagkakataon ay ikinuwento niya ng buo ang kanyang mga karanasan sa
buhay na walang pag-aalinlangan na muntik na niyang ibulalas sa amin ang
buong kwento ng kanyang buhay pag-ibig ngunit siyempre ito ay pribado na
kaya’t hinayaan na naming itago niya iyon. Kung tutuusin ay maprinsipyo
parin si tatang dahil busilak ang kanyang puso na walang masamang
hangarin sa ibang tao. Kundi magtrabaho o magbanat lamang ng buto.
Masaya ang aming naging karanasan sa aming pakikipagpanayam kay
tatang. Noong una ay kinailangan talaga naming magtanong ng magtanong
upang magsalita si tatang dahil kabado pa ito sa amin. Ngunit sa huling
araw ng aming pakikipagpanayam ay nakapalagayang loob na namin siya
nang lubusan. Nakikipagtawanan na siya ng walang ilang at magkwento ng
kusa ngunit, di rin naman maiiwasang magtanong kami sa kanya kapag wala
na siyang masabi tungkol sa kanyang mga naranasan.

Natanong namin sakaniya kung ano ang kaniyang motto. Sabi niya
ang kanyang motto ay ‘time is gold’ wala siyang dapat sayangin na oras sa
pagtatrabaho dahil kung hindi siya magbabanat ng buto ay magugutom ang
kaniyang pamilya. Kami ay napasang-ayon sa kaniyang motto, totoo naman
kasi ang kaniyang sinabi.

Bago matapos ang aming panayam kay tatang, humingi kami ng


kaniyang opinyon tungkol sa ating ekonomiya ngayon. Ang sinabi niya ay:

“Sabi ng iba, tumino daw ang ekonomiya ngayon. Para sakin, hindi naman
ramdam ng mga mahihirap na katulad ko ang pagkatino ng ekonomiya. Ang
mayayaman lang palagi ang nakakaramdam sa unti-unting pagkatino ng
ekonomiya. Kumbaga, sila lang palagi ang nakikinabang sa mga benepisyo,
yung mga lebel nila Henry Sy, yan lang lagi. Kung tatanggalin lang siguro sa
ating sistema ang mga taong (opisyales) corrupt; kung tutuunan lang talaga
ng pansin ng ating gobyerno ang edukasyon sa ating bansa; kung
magbibigay lang sila ng maraming oportunidad para magkatrabaho; kung
tataasan lang ang mga sahod ng mga manggagawa marahil maramdaman
naming mahihirap ang pagkaganda ng ekonomiya.”

Kung tutuusin, totoo ang mga sinabi ni tatang. Palaging merong


limitasyon ang pagbibigay benepisyo ng gobyerno sa mga mahihirap. Kung
gusto talaga nilang i-angat o tulungan ang mga mahihirap, dapat gumawa
sila ng paraan hindi yung hanggang pangako na lamang, hindi ba?

Binigyan din niya kami ng payo, kaming mga kabataan:

“Bilang estudyante, dapat magsikap at mag-aral kayo ng mabuti dahil ito


ang magiging paraan upang maging mas maginhawa ang inyong
pamumuhay sa darating na panahon at sa inyong pagtanda, ito ay
magsisilbing bahagi ng inyong alaala na kayo ay nagtagumpay sa isang
bahagi ng inyong pagkatao, at ito rin ang magsisilbing pabuya sa inyong
mga magulang kapag kayo ay nakapagtapos ng pag-aaral o magsisilbing
sukli sa hirap ng pagpapalaki sa inyo ng inyong mga magulang. Dapat mas
maging matatag pa kayo sa hamon ng buhay. Dahil umpisa pa lamang ito ng
inyong pakikisalamuha sa mga taong mas nakataas. Huwag kayong basta-
basta magpapaakit sa tukso dahil iyon ang makakasira sa inyong mga
pangarap. Tandaan niyo lang lagi na ang lahat ng bagay ay
makakapaghintay.”

Pagkatapos ng aming panayam kay tatang, Nagbigay kami ng


kaunting pakunswelo sa kaniya at bumili din kami ng mga DVD sakanya
upang magsilbing pasasalamat at tulong na din sa kanya dahil
pinahintulutan niya kaming makapanayam siya.

Ano nga ba ang pinagkatulad ng dalawang uri ng pagtinda ng pirated


DVDs at CDs? Ang kanilang pinagkatulad ay ang ginaganawa nila ito upang
sila ay magkaroon ng maipangkakain at maipantugon sa kanilang mga
kailangan sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya o sa kanilang bahay. Kahit
na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga piratang CD ay patuloy parin nila
itong ginagawa dahil sa ito ay isa sa mga pinakamadaling trabaho na
makukuha at hindi mo kakailanganin ng masyadong malaking kapital o
puhunan at hindi namimili ng kung sino ang magtatrabaho.

Talagang laganap na sa ating bansa ang mga piniratang mga gamit at


sadyang tinatangkilik natin itong mga ito kahit alam natin na ito ay illegal.
Hindi naman siguro tayo masisi kung patuloy nating tangkilikin ang mga ito,
sino ba naman ang bibili ng mga gamit na pagkamahal-mahal kung pwede
naman makabili non sa mura o abot kayang paraan? Ika nga nating mga
Pilipino,"Maging praktikal tayo sa lahat ng oras" at yun na nga ang
nangyayari ngayon, sa sobrang praktikal ng mga pinoy, ang mga gamit ng
karamihan sa atin ay puro pirata na. Matatawag pa ba natin na pagiging
'Pilipino' lang ang mga pagbili natin ng mga pirated na bagay o dapat siguro
ang itawag nalang saatin ay mga 'Pirata'?

Ikaw, 'Pirata ka ba? o sadyang Pilipino ka lang?'

AMA Computer College


Fairview Campus

Ipinasa nina: Laxamana, Rochelle Anne May O.; Delos Santos, Aprill Marie R.; Origines, Patrick
Brendonn; Mediavillio, Reybiezon B.; Garcia, Era Nikka F.; Bustalinio, Joshua; Paraiso, Audrey;
Olesco, Micko

NILALAMAN

1. Booksale: Pagbasa sa Espasyong Tambakan ng mga Tinintahang Papel

2. “Sikyo: Buhay ng Tagapagbantay ng Buhay at Hanap-buhay”

3. Tatang X : Pirata ka ba? o sadyang Pilipino ka lang?

4.

You might also like