Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8

Pangalan: _________________________________________ Iskor: _________________


Taon: _____________________________________________ Petsa: _________________

PANLAHAT NA PANUTO: Basahin ang mga panuto. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa
sagutang papel ang titik.

A. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.


1. Nang nasa harapan na ni Florante ang dalawang leon, siya ay _________________.
a. Kinabahan at natakot c. natigil sa pag-iyak
b. Patuloy na tumangis d. nanalangin sa Diyos
2. Ipinagdadasal ni Florante na sana ang mga mamamayan ng Albanya ay huwag ____.
a. Kumampi kay Adolfo c. mawalan ng lakas na lumaban
b. Matulad sa kanya d. susunod sa kagustuhan ni Adolfo
3. Ayon kay Epifanio Delos Santos, kailan nailimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura?
a. 1838 b. 1906 c. 1910 d. 1945
B. Hanapin sa HANAY B ang mga katangian ng mga tauhan sa HANAY A.

HANAY A HANAY B

4. Florante a. Isang prinsipe ng Persya na nagligtas kay Florante sa leon


5. Menandro b. ama ni Florante at tagapayo ng hari ng Albanya
6. Flerida c. anak ni Haring Linseo at katipan ni Florante
7. Adolfo d. ang ama ni Aladin na umagaw sa pagmamahal ni Flerida
8. Laura e. ang guro ni Florante sa Atenas
9. Heneral Osmalik f. anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
10.Sultan Ali-adab g. ang mahal ni Aladin at pumana kay Adolfo
11.Antenor h. ang buhong sa kasaysayan
12.Aladin i. ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona
13.Duke Briseo j. ang tapat na kaibigan ni Florante
k. ang heneral ng Turko na lumusob sa Albanya
C. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.
Para sa bilang 14 – 17:
“Iniligtas niya ako sa kuko ng leon. Kinalag niya ang gapos ng makamandag na
baging na nakapulupot sa aking katawan. Pinalakas niya ang nalulupaypay kong
katawan. Pinatutunayan niya na ang relihiyon ay hindi hadlang sa paggawa ng
kabutihan. Ngayon, malakas na ako. Ako naman.”

14. Sinong Moro ang nagligtas kay Florante sa kuko ng leong tinutukoy sa
pahayag?
A. Aladin B. Menandro C. Heneral Osmalik D. Sultan Ali-Adab
15. Ano ang sumasagisag sa salitang makamandag mula sa pahayag?
A. ahas B. kapangyarihan C. kamatayan D. lason
16. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?
A. Gumawa ka ng mabuti sa kapwa.
B. Gumanti ka sa taong gumawa ng kabutihan.
C. Ang paggawa ng kabutihan ay walang pinipili.
D. Ang relihiyon ay sandata sa paggawa ng mabuti.
17. Ano ang implikasyon ng kabuuan ng pangyayari?
A. pag-aalsa B. pagkakasundo C. pagkakaibigan D. pagtitiwalag
18. Alin ang HINDI kabilang sa wakas ng Florante at Laura?
A. Nakulong si Sultan Ali-Adab.
B. Naging hari si Florante at reyna si Laura sa Albanya.
C. Bumalik sina Aladin at Flerida sa kaharian ng Persya.
D. Nakabangon ang nalulugami at nangatuwa ang nagpipighati.
D. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Lagyan ng bilang mula
1-10.
19. Matagumpay na nailigtas si Florante ng gererong si Aladin.
20. Naglakad ang gerero sa isang panig ng kagubatan.
21. Natunton ng gererong si Aladin ang kinaroroonan ni Florante.
22. Nagdusa ang kalooban ni Aladin nang marinig ang panaghoy ni Florante.
23. Patuloy ang panangis ni Florante habang siya’y nakatali sa puno.
24. Pinagtangkaang gahasain ni Adolfo si Laura.
25. Kamuntik dagitin ng buwitre si Floante at iniligtas siya ni Menalipo.
26. Namatay ang kanyang mahal na inang si Prinsesa Floresca.
27. Ipinadala si Florante ng kanyang ama na si Duke Briseo sa bansang Athenas.
28. Nagtagpo-tagpo ang apat (Florante, Laura, Aladin at Flerida) sa kagubatan ng Albanya.
E. Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag.
29. Sa anong uri ng tula nabibilang ang Florante at Laura?
a. Awit b. oda c. korido d. elehiya
30. Bakit isinulat ang Florante at Laura?
a. Dahil sa karanasan at kasawian nang mapagbintangan siya ni Mariano Kapule
b. Upang mapawi ang kanyang kalungkutan
c. Bilang handog sa kanyang iniibig
d. Upang linangin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng tula
31. Hindi mawawala sa isip at puso ni Florante si Laura maliban na lamang kung _____.
a. Umibig siya sa iba c. mamatay si Laura
b. Magtaksil sa kanya d. mamatay na siya
32. Bakit nasabi ni Baltazar ang “mabuti pang putulin mo ang mga daliri ng ating mga anak
kaysa maging bokasyon ang paggawa ng tula”?
a. Nabibilanggo ang isang manunulat dahil sa pagsusulat ng katotohanan
b. Walang kaginhawaan sa buhay ang pagiging manunulat
c. Nalalagay sa kapahamakan ang buhay
d. Mahirap maging manunulat
33. Batay sa mga pangyayari sa Florante at Laura, makakamit ang tunay na kalayaan ng isang
bansa kung______________________________.
a. Lahat ng kabataan ay mag-aaral
b. May sapat na kaalaman sa doktrina ng simbahan
c. Ang mga pinuno ay matatalino
d. Ang namumuno ay matalino, tapat sa tungkulin at may pagkakaisa
34. Si Florante ay inihalintulad sa isang halamang lumaki sa tubig na daho’y nalalanta
munting di-madilig. Anong tayutay ang tinatalakay sa pahayag na ito?
a. Metapora b. Simile c. Apostrope d. pagmamalabis
E. Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga ito. Isulat sa
patlang ang titik ng iyong sagot.
A. Simili D. Personipikasyon G. Pagmamalabis J. Sinekdoke M. Paghihimig
B. Metapora E. Pagtawag (Apostrope) H. Pag-uyam K. Metonimya N. Pag-uulit
C.Pangitain F.Alusyon I. Asonans L. Oksimoron
_____ 36. Napakabilis talaga niya. Daig pa niya ang pagong kung kumilos.
_____ 37. Nabuhay muli ang mga dahon ng halaman pagkatapos umulan.
_____ 38. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.
_____ 39. Sabi nila na ang lungsod ng New York ay ang lungsod na kailanman ay hindi natutulog.
_____ 40. Kagat lang ng langgam ang turok ng indyiksiyon.
_____ 41. Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
_____ 42. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
_____ 44. Napatulog ako ng apoy na sumasayaw sa siga.
_____ 45. Kumakatok ang oportunidad sa pinto mo.
_____ 46. O, maawaing langit! Bakit ang buhay ko ay puno ng sakit?
_____ 47. Tuwing eleksiyon, tila umuulan ng salapi.
_____ 48. Ipakilala natin sa buong mundo na tayo ay may pagkakaisa.
_____ 49. Noon ko nakitang ang malulungkot ay sumaya dahil sa pagdating ng kanilang magulang.
_____ 50. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
_____ 51. Palabiro na palaboy sa pamayanan ni Pino kaya pinili siyang pinuno ng grupo.
_____ 52. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kabiguan.
_____ 53. Narinig ko ang himutok ng umaalingawngaw sa buong gubot.
_____ 54. Ang agos nitong batis, alitiit ng kawayan, halumigmig ng hangin ay bulong ng kalikasan.
_____ 55. Hiningi ni Jun ang kamay ni Neri sa magulang nito.
_____ 56. Ubod siya ng gara kung lumabas! Napakadumi naman ng bahay.
_____ 57. Kailan nagiging tama ang mali?
_____ 58. Isang bagong mukha an gaming nasilayan sa bahay ni Ben.
_____ 59. Kahit anong puri ka sa sarili mo, hinding-hindi ka magiging Aphrodite sa aking paningin.
_____ 60. Si Pipoy ang nag-ala San Pedro sa aming klase dahil siya ang taga-hawak ng susi.
_____ 61. Maraming kamay ang nagtulung-tulong upang matapos an gaming proyekto.
_____ 62. O aking salamin, salamat sa pagdamay sa akin.
_____ 63. Umiyak si Betty ng dugo nang malaman niyang hindi siya nakapasa sa pagsusulit.
_____ 64. Sa aking gunita ay natanaw ko ang aking sinisinta.
_____ 65. Binilang ko ang mga tala, salamat sa aki’y walang umabala.

You might also like