Chapter 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PANIMULA

1
2
Ang Kaligiran ng Pag-aaral
1
2
Napasasabi na lamang ng “sana all” ang mga millenials kapag nakakikita ng mga

taong nagtagumpay na sa kanilang buhay. Tila isang panaginip na nagkatotoo, kung

sabihin ng karamihan, kaya at halos bawat bumubuo na ng mga pangarap ang tao

ngayon , sa kanilang isipan , ng mga gusto nilang makamit pagdating ng panahon. Isang

pangarap na mahirap abutin ngunit hindi imposible.

Ayon sa kasabihan nating mga Pilipino, “Kapag may tiyaga, may nilaga”, kaya’t

kung gusto mong magtagumpay sa buhay, dapat na magsipag ka. Ngunit sapat ba ang

sipag upang maging matagumpay? Dapat may diskarte ka rin sa buhay sab inga ng

karamihan. Ngunit sapat ba ang sipag at diskarte? Ilan lamang ito sa mga argumentong

pilit na sinasagot ng mga taong mayroong gustong marating. Mga katanungang

sumasalungat sa inaasam ng mga nangangarap.

“Tagumpay”, isang katagang kay sarap pakinggan at nakahahalinang banggitin. Ayon

kay Nikos Kazantzakis , “Upang magtagumpay, kailangan muna nating paniwalaan na

kaya nating magtagumpay”. Sa mga nangangarap, pagtitiwala sa sariling kakayahan

upang maabot ang inaasam ay isang pamamaraan upang maging matagumpay. Mahaba at

dahan-dahang proseso and paghubog ng sariling kakayahan, mahirap at nangangailangan

ng matinding dedikasyon. Tulad ng mga atletang gumawa ng pangalan sa kanilang

industriya. Araw-araw na ehersisyo at pag-eensayo upang gumaling at maging bihasa ang

kailangan upang makamit ang rurok ng tagumpay.


2
1 space
2 space
Dumanas din ng pighati at pagsubok ang ilan sa mga hinahangaang personalidad

ngayon sa larangan ng pag-arte, palaro, pagkanta, pagsayaw at iba pa. Ayon nga sa

pambansang kamao ng Pilipinas na si Sen. Manny Pacquiao, huwag gawing madali ang

pagsasanay, bagkus gawin itong mahirap upang maging mas magaling at laging handa sa

anumang pagsubok. Magpakatatag at panghawakan ang pangarap na iyong binuo upang

makamit ito ng taas noo. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng pagpupunyagi na

nakahihikayat kaya lubos na lamang ang pagtatanong ng mga estudyanteng nangangarap

din kung paano malampasan ang mga pagsubok ng buhay.

Ayon sa listahan na nilabas ng CHED (Commission on Higher Education) noong

taong 2014 hanggang 2018 ukol sa mas pinipiling kurso sa kolehiyo, pumangalawa ang

kursong inhinyerya. Umabot sa labinlimang porsiyento ng kabuuan ang kumukuha ng

kursong may kinalaman sa Inhinyeryo. Ganoon na lamangang dami ng mga estudyanteng

nangangarap na maging isang inhinyeryo/inhinyerya. Isang pangarap na mahirap pasukin

at mahirap tapusin sapagkat isa ito sa mga pinakmahihirap na kurso sa buong mundo.

Kabilang sa mga nangangarap maging inhinyero’t inhinyerya ang mga mag-aaral ng

Koleniyo ng Inhinyerya sa Central Luzon State University. Mga estudyanteng sumugod

sa mundong puno ng pighati at paghihirap, na may iisang layunin at iisang pangarap at

yaon ay ang maging isang matagumpay na Inhinyeryo o Inhinyerya. Isang

napakagandang pangarap na kay hirap abutin. Kaya’t napbubulong nalang ng ”sana all”

ang mga mag-aaral sa mga nagtapos at nakapasa sa board exam.

Sina Engr. Michael Cosiquien at Engr. Edgar Saaavedra ng SM Development Center,

ilan sa mga hinahangang personalidad sa larangan ng inhinyerya, na naging matagumpay


3
1 space
2 space
sa murang edad. Sa dami ng pagsubok na kanilang nilampasan at mga problemang

hinarap, maituturing na halimbawa ang dalawang batang boss na ito sa tagumpay.

Karamihan sa mga estudyante ay humahanga na sa mga paghihirap na pinagdaanan ng

mga nagtapos sa kanilang unibersidad, kung paano nila nalampasan ito at ano ang mga

pamamaraan na kanilang ginawa.

Upang magkaroon ng basehan sa mga pamamaraan na dapat gawin upang matapos

ang kursong Inhinyerya, nilalayon ng pag-aaral na ito na kumuha ng mga datos mula sa

mga Inhinyeryong matagumpay na nagtapos sa Central Luzon State University. Upang

mabigyan rin ng inspirasyon ang mga estudyanteng tila pasuko na sa kanilang kurso,

bigyan sila ng pag-asa at makapagtapos. Gayundin, mabibigyan ng ideya ang karamihan

ng mga estudyante sa mga diskarte at pamamaraan. Halina’t tuklasin natin ang buhay at

tagumpay ng ilan sa mga estudyanteng nakapagtapos at ganap nang matagumpay na

Inhinyeryo.
4
1 space
2 space
Layunin ng Pag-aaral
1
2
Pinapakita ng bahaging ito ng pananaliksik ang layuning nais makamit ng mga

mananaliksik hanggang matapos ang kanilang pag-aaral. Nais matukoy ng pag-aaral na

ito ang buhay at tagumpay ng Inhinyeryong nag- aral at nagtapos sa Central Luzon State

University sa kursong Inhinyerya. Gayundin, layunin ng pag-aaral na ito ang sumusunod:

1. Matukoy ang mga dahilan at inaasahan ng mga Inhinyeryong nagtapos sa

Central Luzon State University bago pumasok sa kursong Inhinyerya.

2. Mailahad ang mga suliraning kinaharap ng mga Inhinyeryong nagtapos sa

Central Luzon State University habang nag-aaral sa kursong Inhinyerya.

3. Matuklasan ang mga pamamaraang ginamit upang malutas ang mga

suliraning nabanggit.

4. Mabatid ang tunay na tagumapay bilang isang Inhinyeryong nagtapos sa

Central Luzon State University.

5. Matukoy ang mga nais pang marating bilang isang ganap na Inhinyeryo.
5
1 space
2 space
Konseptwal na Balangkas
``

Pananaw
(Buhay at Tagumpay
ng mga Inhinyerong
Nagtapos sa CLSU)

Bilang Mag-aaral Bilang Propesyunal

Layunin Hinaharap
Karanasan Tagumpay
(Motibasyon at (Mga Layunin
(Mga Suliraning (Pananaw sa Pag-abot
Ekspektasyon sa Pag- Pagkatapos Maging
Kinaharap) ng Pangarap)
aaral) Inhinyeryo)

Solusyon
(Mga Ginawang Pag-
angkop)

Pangongolekta ng Datos
(Pakikipanayam sa mga Inhinyero)

Paglalagom
(Patnubay at Gabay Para sa mga Mag-aaral ng Kursong Inhinyerya)

Pigura 1. Konseptwal na

balangkas ng pag-aaral
6
1 space
2 space

1
2
Paradigma ng Pag-aaral
1

Mangongolekta ang mananaliksik ng mga inpormasyon sa mga nakaraang pag-

aaral sa buhay at tagumpay ng inhinyeryo. Gayundin, bubuo ang mannaliksik ng mga

tanong para sa pakikipanayam sa mga kalahok na nakalap para sa pag-aaral. Isasalin at

ititipon ang datos na nakuha sa panayam. Dagdag pa rito, paghahambingin at ikukumpara

ang mga impormasyon at bibigyan ng kahulugan ang mga datos. Gamit ang mga

prosesong ito, inaasahan na makakakuha ang mga mananaliksik ng konklusyon batay sa

interprtasyon at analisasyon ng mga impormasyon. Ilalagom ang lahat ng mga natuklasan

at nalaman sap ag-aaral na isinagawa. Makakabuo ang mga mananaliksik ng mga

rekomendasyon para sa mga hinaharap nap ag-aaral upang mapalawak at mapalalim ang

pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral
1
2
Nais malaman ng pag- aaral na ito ang mga buhay at tagumpay ng mga Inhinyero

sa pamamagitan ng pag-unawa sa karanasang natamo ng ilan sa Inhinyerong

nakapagtapos sa Central Luzon State University mula sa kanilang pag- aaral sa

unibersidad hanggang sa makapagtapos at makapagtrabaho bilang ganap na propesyonal.

Malaking tulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng malinaw na depinisyon

kung ano nga ba ang isang Inhinyeryo.


7
1 space
2 space
Nagbibigay ng positibong epekto ang pag-aaral ng gagwin ng mga mananaliksik

sa mga sumusunod:

Sa mag-aaral sa kursong Inhinyerya, Mababatid nila ang hirap at pagod para

maabot ang kanilang mga pangarap. Gayundin, malalaman nila kung paano kahaharapin

ang mga problemang maari nilang kaharapin habang nag- aaral sa kursong Inhinyerya at

nagtratrabaho bilang isa Inhinyeryo. Samakatuwid, ang mga datos at informasyon na

makaklapa ng mga mananliksik mula sa kanilang repondante ay maaaring maging

kanilang motibasyon at inspirasyon upang patuloy na kuhanin ang kursong Inhinyerya.

Sa Inhinyeryo, Bibigyan ng pansin ang mga Inhinyeryong dumaan sa maraming

pagsubok hanggang sa makamit ang mithing nais nilang maabot.

Sa mambabasa, Mabibigyan ng linaw ang kanilang mga isip kung ano nga ba

ang isang Inhinyeryo. Maipapakita ng pag- aaral na ito sa mga mambabasa ang buhay ng

isang Inhinyeryo. Kaya naman, maari nila itong maging batayan kung paano nila

kaharapin ang kanilang buhay kahit na magkaiba ang tinatahak na landas sa buhay.

Sa guro, Maunawang mabuti buhay, hirap at tagumpay ng kapwa

propesyonal at maibahagi ang mga inpormasyong nakalap mula sa pannaaliksik na ito sa

mga estudyanteng tinuturuan na maging dahilan at motibasyon nila upang tahakin din ang

kursong Inhinyerya sa hinaharap.

Sa susunod na mananaliksik, Maging batayan ang pananaliksik na ito ng

mga susunod mananaliksik na may kaugnay na pag-aaral. Magamit ang metolohiyang

ginamit ng mananaliksik ng pag-aaral na ito sa mga sususnod na pananaliksik.


8
1 space
2 space
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
1
2
Nakatuon ang kasalukuyang pag-aaral sa pagtukoy ng mga dahilan, nakaraan,

kasalukuyan at nais pang maging buhay at tagumpay ng mga nakapagtapos sa

pamantasan ng Central Luzon State University sa kursong Inhinyerya. Saklaw ng pag-

aaral na ito ang mga inhinyerong nakapagtapos noong lima o higit pang taon na ang

nakararaan.

Pipili ang mga mananaliksik ng sampung (10) respondanteng natugunan ang mga

nasabing pamantayan. Hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga inhinyero ang

sagot ng mga respondante. Ngunit anuman ang maging kalabasan ng pag-aaral ay hindi

malalayo sa saloobin ng mga mag-aaral at mga nakapagtapos ng kursong Inhinyerya sa

Central Luzon State University.2

Depinisyon ng mga Termino


1
2
Sa bahaging ito ng pananaliksik, binigyan ng kahulugan ng mananaliksik ang ilan

sa mga salitang kadalasang magagamit sa rito. Ito ay ang mga sumusunod:

Buhay. Tumutukoy ito sa katuturan ng buhay o pag-iral ng mga Inhinyerryong

nakakapagtapos sa Central Luzon State University bilang estudyante at bilang isang

propesyonal na Inhinyeryo.

Inhinyerya o Inhenyerya. Ito ay kursong pinag-aaral bilang maging ganap na

propesyonal o maging isang Inhinyeryo. Isa ito sa kursong pinag-aaralan sa Central


9
1 space
2 space
Luzon State University. Pinagtutuunan ditto ang Matematika, kaalaman at praktikal na

karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o proseso.

Inhinyero o Inhenyeryo. Ginamit ang salitang ito bilang pagpapakilala sa mga

taong kalipikado o lisensiyado sa sangay ng Inhinyerya. Inhinyeryo ang ginagamit kapag

lalaki at Inhinyerya naman kapag babae.

Tagumpay. Ginamit ang salitang tagumpay ng mga mananaliksik bilang isang

bagay na makakamit kapag nalagpasan ang pagsubok, pagkatapos solusyunan ang

problema o kaya naman nakatiis sa lahat ng paghihirap.

Suliranin. Tumutukoy naman ito sa mga problema, pagsubok at paghihirap na

dapat lampasan at solusyunan ng mga estudanateng nag-aaral sa kursong Inhinyerya.

You might also like