Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pasasalamat

Nagpasalamat ang mga mananaliksik sa pagbibigay ng pagkakataon na makagawa

ng ganitong pananaliksik tungkol sa epekto ng k-12 sa mga estudyante. Sa pagiging

matagumpay ang pananaliksik na ito, ninanais ng mga mananaliksik na gamitin ang

pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga sumusunod:

Sa kanilang minamahal na mga magulang, kapatid na palaging nariyan upang sila

ay gabayan, ipagdasal at suportahan habang ginagawa ang pananaliksik na ito;

Sa kanilang mga kaibigan na palaging nariyan upang sila ay pakinggan, bigyan ng

payo, mga ideya at lakas ng loob na ang pananaliksik na ito ay kanilang

mapagtatagumpayan;

Sa kanilang guro sa Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa

Pananaliksik na si G. Harnnil T. Geonzon, na nagbigay sa kanila ng pagkakataon upang

makagawa ng ganitong pananaliksik, sa pagbibigay ng suporta at pag-gabay, hindi

lamang sa kanilang grupo ngunit pati na rin sa kanilang buong seksyon (Pope Francis);

Sa kanilang mga kamag-aral na palaging nariyan upang sumuporta sa hirap man o

ginhawa; a mga piling mga mag-aaral ng Sacred Heart Diocesan School, Inc. na bulak na

sumagot sa kanilang serbey;

Huli sa lahat sa Silid aklatan ng nasabing paaralan at komunidad na nagbigay ng

pagkakataon na magamit ang mga aklat at iba pang materyales upang maisakatuparan ang

pananaliksik na ito;

i
Higit sa lahat sa Panginoon, na nakinig at tumupad sa mga panalangin, nagbigay

ng talas ng isipan at malakas na pangangatawan. Dahil kung wala Siya ang pananaliksik

na ito ay hindi mapagtatagumpayan.

ii
Dedikasyon

Inihahandog ng mga mananaliksik ang aksyon reserks na ito sa kanilang mga

magulang, kamag-aral, kapwa mananaliksik, guro sa mga mamamayan, sa darating pang

mga henerasyon at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos. Ito ay ginawa ng may buong puso

at dedikasyon, maari sanang mabigyan ito ng pansin ng kahit sinuman at malaanan ng

maikling oras upang basahin.

iii

You might also like