Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Good day, mga kapatid! Welcome pong muli sa ating online devotion.

Gusto kong magpasalamat sa


pagsubaybay niyo sa online devotion na ito, sana po ay nakakatulong kami ng malaki sa paglago ng
inyong pananampalataya, sa bawat araw. Ngayon ay panibagong araw na naman upang mangusap sa
atin ang Panginoon, sa pamamagitan ng mga talata sa Biblia. Ngayon po ay makibukas po kayo sa
akin sa Exodo 20:8-11. Sana po ay may Biblia kayo ngayon . Mas maigi po ang mag-aral ng salita ng
Panginoon kung may Bible po tayo mismo, at maganda rin kung sinusulat natin yung mga natututunan
natin sa salita ng Diyos. Ngayon, proceed po tayo sa verse:

Exodo 20:8-11
“Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kang
magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na
iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito’y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo;
kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga
dayuhang nakikipamayan sa inyo. Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at
ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya’t ito’y aking pinagpala at
inilaan para sa akin.”

Kalooban ng Diyos na gawing espesyal sa lahat ng mga araw ang “Sabbath”, o ang ikapitong araw ng
sanlinggo. Kung matatandaan natin sa kwento ng paglikha, sa loob ng anim na araw nilikha ng Diyos
ang buong daigdig, at sa ikapitong araw, siya ay nagpahinga. Kung kaya’t ito’y itinangi ng Diyos, at
isinama sa Sampung Utos. Hindi basta-basta nag-uutos ang Diyos ng mga bagay na walang
pakinabang sa tao. Ang mga kautusan ng Diyos ay hindi lang basta kautusan, lahat ito ay kapaki-
pakinabang rin sa atin. Ano ba ang mga benepisyo ng Sabbath sa atin?
1. Ang Sabbath ay makakatulong sa ating pisikal na katawan.
Sa loob ng anim na araw, pinagtrabaho tayo ng Diyos. Sapagkat hindi kalooban ng Diyos na
ang mga anak niya ay maging mga tamad. Siyempre, kailangan nating gumawa at magtrabaho
para sa personal nating mga buhay. Para sa pamilya, para sa school, at iba pa. Lahat ng mga
gawaing ito ay sobrang napakahalaga, at batid ito ng Diyos. Kaya’t binigay niya ang anim na
araw upang tapusin ang lahat ng mga pinagkakaabalahan nating ito. Subalit balanse ang Diyos.
Dahil bagamat itinuturo sa Bible ang pagiging masipag, itinuturo rin niya ang pagpapahinga.
Alam niya na kailangan din ng ating katawan ang pahinga, dahil bilang tao, napapagod tayo. Sa
pamamagitan ng ating katawang pisikal, napapapurihan natin ang Diyos. At makikita natin na
nagmamalasakit talaga ang Diyos sa atin maski sa mga ganitong bagay.
2. Ang Sabbath ay makakatulong sa atin mental at sikolohikal.
Sa mga gawain natin sa loob ng anim na araw, hindi lang ang mga katawang pisikal natin ang
nangangailangan ng pahinga, dahil maski ang ating mga isipan at emosyon ay
nangangailangan rin ng pahinga. Sa panahon ngayon ay sobrang pinapahalagahan na ang
mental health. Pero noon pa man, nandiyan na ang Sabbath para maging para hindi lang tayo
makapagpahinga pisikal, pero magkaroon rin ng rest day ang mga pagod na kaisipan. Ang iba,
ginagamit ang araw ng linggo para makasama ang pamilya. Healthy rin ito sa relasyon ng
bawat isa sa pamilya, dahil nagkakasama-sama ang bawat isa, at bumubuo ng magagandang
alaala, nakakapagkwentuhan, nakakapaglabas ng mga sama ng loob nila sa mga naranasan sa
labas, o yung iba nakakapag-ayos pa sa mga hindi pagkakaunawaan sa loob ng pamilya.
3. Ang Sabbath ay makakatulong sa atin espiritwal.
Higit sa pisikal, emosyonal, mental, sikolohikal, o kung ano mang may ~al sa dulo, ang pinaka-
main purpose ng Sabbath ay para magkaroon tayo ng communion sa Diyos na lumikha sa atin.
Baka naman ang gawin natin sa Sabbath eh puro pahinga lang. Hindi tayo ang focus ng
Sabbath—ang Sabbath ay sa Diyos. Sa atin, every Sunday ay nagkakatipon tayong
magkakapatid para katagpuin ang Diyos sa isang sama-samang pananambahan, at para
makapagpalakasan ng espiritu, para matulungan yung iba na nanghihina na mapalakas ang
kanilang pananampalataya. Bagamat hindi ito basehan ng kaligtasan, pero nakakatulong ito sa
ating espiritu. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, dahil kailangan natin ang
mga kapatiran sa Panginoon. Pero take note rin naman na hindi lang tuwing linggo ang
opportunity natin para umugnay sa ating Manlilikha, araw-araw ang opportunidad natin. Araw
araw dapat natin binabasa ang Bible, araw-araw nananalangin, hindi tuwing Sabbath lang. Sa
panahon natin ngayon, may service naman na nagaganap sa church, limitado nga lang dahil sa
COVID. Pero meron tayong online service every Sunday. Pansamantala lang naman po iyon,
patuloy nating ipanalangin na maging okay na ang lahat upang muli tayong sama-samang
makapanambahan ng sama-sama na walang pinangangambahang banta ng COVID. Ine-
encourage ko rin kayo na patuloy na manood ng ating service online, o kung puwede at able
naman tayong maka-attend ay sana, maka-attend din tayo.
Ito ay kautusan, hindi lang isang health tip mula sa Panginoon. Kaya’t hindi natin ito dapat balewalain.
Sapagkat anumang bagay na dapat gawin, subalit hindi ginagawa, ay kasalanan. Ibigay na natin ang
araw na para sa Panginoon, total mas marami pa rin naman yung araw na pwede nating gawin yung
mga personal nating mga gawain. Pangitiin natin ang Diyos sa bagay na iyon.

You might also like

  • Mga Awit 18
    Mga Awit 18
    Document3 pages
    Mga Awit 18
    Dexter Gerald Lorzano Gingo
    No ratings yet
  • Filipos 4 - 6-7
    Filipos 4 - 6-7
    Document1 page
    Filipos 4 - 6-7
    Dexter Gerald Lorzano Gingo
    No ratings yet
  • Awit 23
    Awit 23
    Document2 pages
    Awit 23
    Dexter Gerald Lorzano Gingo
    100% (1)
  • EVANGELISM
    EVANGELISM
    Document2 pages
    EVANGELISM
    Dexter Gerald Lorzano Gingo
    No ratings yet
  • 1O Yahweh
    1O Yahweh
    Document1 page
    1O Yahweh
    Dexter Gerald Lorzano Gingo
    No ratings yet