Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Maikling Kwento Panahon ng Kastila

Batay sa kasaysayan, dalawa ang naging paraan ng mga kastila sa pananakop.

1. Ang paggamit ng Krus

2. Ang paggamit ng Espada

Mayroon nang mga salaysay tungkol sa mga anito, laman-lupa o anumang di kapanipaniwalang salaysay
na bunga ng guni-guni

Kanana- Sumibol noong dumating ang mga Kastila dito sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga alamat at
engkanto.

Kwento tungkol sa buhay ng mga Santo at Santa

Layunin nila ay mailaganap ang Kristiyanismo

Ito ay ang panitikang pansimbahan na kinabibilangan ng mga dalit, nobena, buhay-buhay ng mga Santo’t
santa, mga sulang pansimbahan, sermon at mga nauukol sa kagandahang-asal

Dalit

• Iba’t ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan. May dalit kay Maria na naging kaugalian na sa
mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque at Mindoro.
Ginaganap ito tuwing Mayo. Nag-aalay ng mga bulaklak ang mga bata hanggang dinadalit ang pagpuri sa
Mahal na Birhen. Sa mga lalawigang nabanggit nasasaulo na ng mga bata ang isasagot sa mga
namumuno. Marami- rami pa ring matatanda ang nakakasaila ng mga sinasabi ng namumuno bagama’t
hango sa buong aklat ang kanilang dinadalit.

Mga nobena

• Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katubo’y isa ring uro ng pangnonobena sapagkat may mga
pagdiriwang na maykaugnayan halimbawa sa kanilang pagpapasalamat sa magandang ani, o paghingi ng
ulan, o pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang tribu, o pagpapa-alis ng sakit ng kabilang sa
pamilya, o paglilibing sa mga yumao na.

• Ang nobena’y mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganap sa loob ng 9 na araw.
Maaaring sunod- sunod na araw o tuwing Martes (halimbawa ng isang araw sa loob ng isang linggo).
Batay na ito sa santo’t santa ng namiminitakasi.

You might also like