TV Broadcast News Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

NATIONAL NEWS 1

Sen. De Lima pinatalsik!


Gordon, itinalaga na bagong justice committee chair
MANILA, Philippines – Matapos hilingin ni Senator Manny Pacquiao na gawing “vacant” ang
Senate committee on justice and human rights, nagbotohan sa Senado sanhi ng pagkakatalsik sa
posisyon ni Senator Leila De Lima bilang chairman ng naturang komite kahapon.

Sa botong 16 senador na pabor, apat na ‘di pabor at dalawang nag-abstain, talsik sa kanyang
posisyon si De Lima bilang chair ng komite.

Si Sen. Pacquiao ang nagsulong ng mosyon na ideklarang bakante ang chairmanship at


membership ng komite matapos ang privilege speech ni Senator Alan Peter Cayetano kung saan
binanatan niya ang ginawang imbestigasyon ni De Lima sa extrajudicial killings na nakakasira
umano hindi lamang kay Pangulong Rodrigo Duterte kundi maging sa imahe ng bansa.

Sinubukang tutulan ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon ang mosyon ni Pacquiao
dahil hindi aniya maaaring basta-basta na lamang ideklarang bakante ang chairmanship ng isang
komite dahil wala ito sa kanilang rules. Hindi natinag si Pacquiao at iginiit ang kanyang mosyon
kaya sinuspinde ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang sesyon upang
magsagawa ng caucus ang mga senador.

Pagkatapos ng caucus, nagsagawa ng botohan kung saan napatalsik ng 16 na senador si De Lima.

Itinalaga namang bagong chairman ng komite si Senator Richard Gordon at vice chairman pa rin
si Senator Panfilo “Ping” Lacson habang miyembro sina De Lima, Senators Manny Pacquiao,
Juan Miguel Zubiri, Grace Poe, Kiko Pangilinan, at Cayetano.

Natanggal bilang orihinal na miyembro ng komite si Sen. Antonio Trillanes IV na unang nagsabi
kay Cayetano ng katagang “Hindi kita papopormahin”.

Nilinaw ni Sotto na ipagpapatuloy pa rin ng komite ang sinimulang imbestigasyon sa


extrajudicial killings na unang itinakda ngayong araw subalit naiurong sa Huwebes.

Leila nag-walk out


Bago ang isinagawang botohan, nag-walk out kahapon si De Lima habang nagsasagawa ng
privilege speech si Cayetano tungkol sa isyu ng extrajudicial killings na iniimbestigahan ng
kanyang komite.

Binatikos ni Cayetano ang imbestigasyon ni De Lima tungkol sa mga nangyayaring patayan sa


bansa dahil mas napagtutuunan ito ng pansin ng media at maging ng international community
kung saan nababatikos si Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Cayetano ang pagiging bias ni De Lima bilang chair ng nasabing komite matapos na
iprisinta ang surprise witness nito na si Edgar Matobato, dating miyembro ng Davao Death
Squad (DDS) na nagtuturo sa Pangulo na pasimuno ng maraming patayan sa Davao City.

“When she (De Lima) got here to the Senate and got the committee, she refused to be neutral.
Let someone else chair. In my past speeches I’m not asking that she will be removed from the
Committee on Justice, (but) only from certain hearings where we cannot expect cold neutrality,”
ani Cayetano.

Kinumpirma naman ni De Lima na nag-walk out siya dahil hindi na niya matagalan ang mga
pinagsasasabi ni Cayetano kaya magsasagawa rin siya ng sariling privilege speech ngayong
araw.

“I cannot stand it, so I will deliver my own privilege speech tomorrow instead of confronting
him now,” ani De Lima kahapon.

Iginiit ni De Lima na hindi siya ang sumisira sa reputasyon ni Duterte at ng bansa kundi ang mga
nangyayaring patayan.

Digong sinisi sa ‘kudeta’ vs De Lima


Tahasang isinisi kahapon ni Senator Leila De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang
nasa likod nang pagpapatalsik sa kanya bilang chairman ng Senate committee on justice and
human rights.

Ayon kay De Lima, wala siyang duda na si Duterte ang nasa likod ng mga nangyayari sa kanya
at maging ng gagawing imbestigasyon ng House of Representatives ngayong araw tungkol sa
diumano’y pagtanggap niya ng pera mula sa ilegal na droga.

Pero nilinaw ni De Lima na inirerespeto niya ang naging desisyon ng kanyang mga kasamahang
senador.
NATIONAL NEWS 2

‘Di kaya sa 6 months


Bitin ang 6 na buwan para masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad sa bansa.
Dahil dito, humirit ng 6 na buwan pang extension si Pangulong Rodrigo Duterte, kasabay ng
pagtiyak na gagawin ng gobyerno ang lahat para masugpo ang krimen at droga.

Magugunita na noong kampanya, tatlo hanggang anim na buwan ang pangako ng Pangulo para
tapusin ang problema.
Kamakalawa ng gabi, humihingi pa ng kaunting panahon ang Pangulo.
“We are wracked with so many problems— kidnapping in the south, terrorism, drugs which is
really pulling us down, and I can say that we would need time to put everything in order,” ayon
sa Pangulo.
“That self imposed time of three to six months, well I did not realize how severe and how serious
the problem of drug menace in this Republic until I became President,” dagdag pa nito.
Sinabi ng Pangulo na mistulang uod na naglitawan ang 700,000 drug addicts at libong opisyal ng
pamahalaan ang sangkot sa illegal drug trade.
Sa hanay lang ng barangay captains, sinabi ng Pangulo na “even if I wanted to, I cannot kill them
all,” dahil masyado umanong marami ang mga ito. (Elena L. Aben at Beth Camia)
Binigyan din katuwiran ito ng tatlong kongresista ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na
palawagin pa ng anim na buwan ang ‘self-imposed’ deadline nito para mahinto ang talamak na
droga sa bansa.

Suportado nina Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Deputy speakers Ferdinand Hernandez at
Frederick Abueg ang kahilingan ni Duterte na bigyan pa siya ng panahon para tuparin ang
kanyang pangako noong tumatakbo siyang pangulo ng bansa na susupilin ng kanyang
administrasyon ang talamak na krimen at droga sa loob ng tatlo-anim na buwan.

Samantala, ikinagalak kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General
Ronald dela Rosa  ang karagdagang anim na buwan na ibinigay ng Pangulo sa anti-drug
operatives upang tuldukan ang malalang problema sa droga ng bansa. Aniya, makakabuti ito
upang mapalakas pa ang all-out war kontra droga.

Sa tala ng PNP mula Hulyo 1- Setyembre 19, may 1,152 pushers ang napapatay, 18,616
operasyon ang naisagawa, 17, 759 drug pushers ang naaresto habang 715, 393 drug users at
pushers na ang sumuko sa ilalim ng PNP Oplan Tokhang.
NATIONAL NEWS 3

May araw din po kayo! – De Lima

MANILA, Philippines – Bagaman at emosyonal, naging matapang kahapon si Senator Leila De


Lima sa kanyang privilege speech kung saan binanatan niya ang nasa likod ng aniya’y mga
imbentong ebidensiya laban sa kanya.

Ayon kay De Lima, pinapatawad niya ang mga testigong  humarap kahapon sa pagdinig ng
House of Representatives dahil alam niyang napilitan at napuwersa lamang ang mga ito pero ang
hindi umano niya mapapatawad ay ang nasa likod ng mga imbentong ebidensiya.

 “Sa puntong ito, gusto kong iparating ang aking pagpapatawad sa lahat ng tumatayo at tatayong
witness laban sa akin sa House hearing. Alam ko na kayo ay napilitan at napuwersa lamang para
idawit ako sa kung anumang anomalya sa Bilibid, gamit ang panggigipit, blackmail, o marahil
pati torture. Ang hindi ko mapapatawad ay ang mga nasa likod nitong pag-imbento ng
ebidensiya laban sa akin. May araw din po kayo,” pahayag ni De Lima.

Sa simula ng talumpati nagpahatid ng pagbati si De Lima kay Senator Alan Peter Cayetano dahil
nagtagumpay ito para matanggal siya bilang chairman ng Senate committee on justice and
human rights na nag-iimbestiga sa extrajudicial killings sa bansa.

“Congratulations to Senator Alan Peter Cayetano for his triumphant victory yesterday,” pahayag
ni De Lima.

Sinabi pa ni De Lima na kung hindi lamang niya binanatan si Pangulong Rodrigo Duterte sa
sunud-sunod na patayang nangyayari sa giyera nito laban sa droga at nanahimik na lamang siya
katulad ng isang maamong tupa, marahil ay hindi niya daranasin ang pinagdaraanan niya ngayon
at marahil ay hindi siya tinanggal bilang chairman ng komite.

Muling binanggit ni De Lima na hindi siya ang nagbibigay ng masamang imahe sa bansa lalo na
sa international media kung hindi ang extra-judicial killings ng mahigit na 3,000 katao sa
nakaraang tatlong buwan.

Matapang ding sinabi ni De Lima na kasama sa nagbibigay ng masamang imahe sa bansa ang
bunganga ni Pangulong Duterte.

“Sinabayan pa ito ng bunganga ng Pangulo na walang patumangging magmura.

 Inisa-isa rin ni De Lima ang diumano’y core group ng Davao Death Squad base sa testimonya sa
kanya ni Edgar Matobato, ang testigong iniharap sa hearing sa Senado.
Samantala, binati rin ni De Lima si Senator Richard Gordon na bagong chairman ng committee
on justice and human rights pero binalaan din niya ito tungkol sa  “unparliamentary antics” ni
Cayetano.

“You can have the Justice Committee as well as the offensive and unparliamentary antics of
Senator Cayetano. Package deal po yan,” pahayag ni De Lima.

Inihayag din ni De Lima na hindi dapat ikinukumpara ni Cayetano ang Pilipinas sa Singapore na
isang matahimik na bansa pero walang nangyayaring patayan araw-araw.

“Kasing-tahimik at kasing-ligtas na raw tayo katulad ng Singapore. Hindi pa po ako nakapunta


sa Singapore. Pero kung kasing-tahimik ng Singapore ang Pilipinas, kailangan din bang may
bumubulagta na mahigit 30 tao kada araw sa Singapore para sila ay maging ligtas?” tanong ni De
Lima.

Ayon pa kay De Lima, sa kasalukuyan, ang mga hindi umano sumasamba kay “Poong
Duterte”,  tinatawag at ikinokonsiderang adik, drug coddler o pusher ng mga bayarang trolls sa
social media.
FOREIGN NEWS 1

Pagsabog sa New York, 29 sugatan

NEW YORK (Reuters/AP) – Ginulantang ng pagsabog ang pamayanan ng Chelsea sa Manhattan


nitong Sabado ng gabi, na ikinasugat ng 29 na katao. Iniimbestigahan na ito ng mga awtoridad
bilang kasong kriminal.

Sinabi ni Mayor Bill de Blasio na batay sa inisyal na pagsisiyasat ay sinadya ang pangyayari.
“Tonight, New York City experienced a very bad incident,” inihayag ni De Blasio sa news
conference malapit sa lugar ng pagsabog. “Early indications are that this was an intentional act.
There is no evidence at this point of a terror connection.”
Lumalabas na nagmula ang pagsabog sa isang construction toolbox sa harap ng isang gusali sa
West 23rd Street dakong 8:30 ng gabi. Hindi pa malinaw kung ano ang sumabog.
Natagpuan ng mga imbestigador ang posibleng “secondary device” ‘di kalayuan sa lugar ng
pagsabog sa West 27th Street. Ito ay isang pressure cooker na mayroong mga kawad at kinabitan
ng cellphone na nakalagay sa loob ng plastic bag.
Hindi naniniwala ang mga imbestigador na may kaugnayan ang pagsabog sa New York sa pipe
bomb na unang sumambulat ng araw ding iyon sa New Jersey. Walang iniulat na nasaktan sa
pagsabog sa isang basurahan, na ayon sa mga awtoridad ay sinadya rin.
FOREIGN NEWS 2

Nagbayad ng P30-M ransom; Norwegian hostage pinalaya na ng Abu

MANILA, Philippines – Matapos ang halos isang taong pagkakabihag, pinalaya na ng mga
teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang Norwegian national na kasama ng mga dayuhang
hinostage at pinugutan sa Sulu matapos na makapagbayad umano ng P30 milyong ransom.

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command


Spokesman Major Felimon Tan ang pagpapalaya kay Kjartan Sekkingstad, 56 anyos. Siya ay
pinakawalan limang araw bago ang isang taon nitong pagkakabihag.

“It’s confirmed, Norwegian hostage was freed by the abductors,” ayon kay Tan matapos na
maihatid si Sekkingstad sa himpilan ng AFP Joint Task Force Sulu bandang alas-4 ng hapon
nitong Sabado.

Nauna rito, sinabi ng intelligence units ng militar na pinakawalan ng ASG si Sekkingstad dakong
alas-8:30 ng gabi sa bisinidad ng Brgy. Buanza, Indanan, Sulu.

Ang pagpapalaya kay Sekkingstad ay sa pamamagitan ng pakikipag-negosasyon ng Moro


National Liberation Front (MNLF) sa pamumuno ni commander Tahil Sali.

Ang nasabing Norwegian ay kabilang sa apat na hostages na binihag ng ASG sa Island Garden
City ng Samal sa Davao del Norte noong Setyembre 21, 2015. Dalawa sa kanila na sina John
Ridsdel at Robert Hall, pawang Canadian national ay kapwa pinugutan ng ulo noong Abril 25 at
Hunyo 13, 2016, ayon sa pagkakasunod matapos na mabigong magbayad ng P300 milyon at
P600 milyon mula sa naibabang P1 bilyong ransom demand bawat isang hostages. Samantalang
ang kasama nilang Pinay na si Maritess Flor ay pinakawalan naman ng ASG noong Hunyo.

Ang nasabing pinakalawang bihag na si Sekkingstad ay dinala umano sa bahay ni Gov.


Abdusakur Tan II ng Brgy. Asturias, Jolo, Sulu na sinabayan pa umano ng brown out o
pagkawala ng kuryente bago siya ipinasa sa militar.

Nabatid sa militar na nananatiling hawak ng Abu Sayyaf ang iba pang hostages na kinabibila-
ngan ng isang Dutch national, pitong Indonesians, limang Malaysians at pitong Pinoy.

Nagpapatuloy ang opensiba ng tropa ng militar sa Sulu upang durugin ang nalalabi pang mga
bandido na sangkot sa paghahasik ng terorismo.

Pinalaya na din ng bandigong Abu Sayyaf ang tatlong hostages nitong Indonesian nationals,
isang araw matapos palayain din ang isa pang bihag na Norweigan.
Bandang ala-1:00 ng hating-gabi ng palayain ang tatlo na dumaan sa negosasyon sa pamumuno
ni Moro National Liberation Front (MNLF) chair Nur Misuari.

Si Misuari rin ang umalalay sa pagpapalaya sa isang Norweigan na si Kjartan Sekkingstad na


dinukot din ng grupo ng halos isang taon sa Samal Island. Pinalaya ito kapalit ng ransom nitong
Sabado ganap na alas-4:00 ng hapon. Ang ransom ay nagkakahalagang $630,000 o aabot sa P30
milyon, ayon sa ulat.

Ang tatlong Indonesians kabilang ang isang Norweigan ay nakatakdang humarap kay Pangulong
Rodrigo Duterte itong Linggo ng umaga sa Jolo Airport.

Matapos nito, si Sekkingstad ay ididiretso sa Davao City habang ang tatlong Indonesians ay ay
dadalhin sa Zamboanga City at sasailalim sa kustodya ni retired General Kivlan Zen ng
Indonesian military.
FOREIGN NEWS 3

Jund al-Aqsa, bagong terrorist group

Opisyal nang kinilala ng Estados Unidos bilang ‘specially designated global terrorist’
organization ang Syrian jihadist rebel group na Jund al-Aqsa.

Ayon sa ulat ng AFP, sinabi ng US State Department na ang nasabing apat na taong gulang na
grupo ay unang naging unit ng al-Nusra Front na sangay ng Al-Qaeda sa Syria bago ito nagsarili
at nagsagawa ng kanilang mga operasyon.

Sa kasalukuyan ay mas laganap ang operasyon ng Jund al-Aqsa sa mga probinsya ng Idlib at
Hama subalit nananatiling kakampi ng al-Nusra.

Sinasabing ang Jund al-Aqsa ang nasa likod ng dalawang suicide bombings sa Idlib noong taong
Marso 2015 at noong Pebrero 2014 kung saan pinatay ang may 40 sibilyan sa Maan, central
Hama.

Lumabas ang desisyong ito matapos magpulong sina US Secretary of State John Kerry at
Russian Foreign Minister Sergei Lavrov sa New York, sa paglalayong mapanatili ang ceasefire
sa Syria.
SHOWBIZ 1

Pagiging no. 1 loveteam ng KathNiel, naibalik dahil sa Barcelona

MUKHANG nakatulog lang naman sandali ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
habang wala sila sa showbusiness at naging abala sa pagkakampanya noong nakaraang
eleksiyon. Iyon ang dahilan kung bakit nasasabi noon na nalampasan na ng AlDub at maging ng
JaDine ang kanilang popularidad. In fact naging accepted fact iyan na number one ang AlDub at
number two naman ang JaDine. Hindi man sinasabi, number three na lang ang KathNiel.

Pero may nangyari sa first day ng pelikula nilang Barcelona. Kumita  umano iyon ng P23-M.
Tinalo niyon ang umano ay record naman ng pelikula ng AlDub na kumita ng P21.5-M sa first
day. Pero ang pinag-uusapan diyan ay first day gross lamang. Hindi pa natin alam kung
hanggang kailan ipalalabas iyang Barcelona, kung ilang sinehan at kung magkano ang kikitain sa
mga susunod na araw.

Pero ang nakita namin, habang umiinom kami ng kape sa isang coffee shop ay ang nagtitiliang
fans pa nina Daniel at Kathryn na hanggang sa paglabas ng sinehan ay kinikilig pa sa kissing
scene ng dalawa. Mukhang tatagal pa iyang kilig na iyan.

Sa pagdaan ng mga araw, mapatutunayan din natin kung talaga ngang mapangangatawanan ng
KathNiel ang kanilang supremacy.

Hindi pa namin napapanood ang pelikula. Honestly, hindi kami makikipagsiksikan sa sinehan.
Pero may isang kaibigan naming ang nagsabi na maganda ang pelikula. Nag-enjoy naman daw
siya sa kanyang panonood, kahit na hindi niya masyadong maintindihan dahil sa tilian ng fans.

Sinabi niyang hindi naman siguro mananalong best actor si Daniel, pero nagulat siya sa nakita
niyang mahusay na pag-arte niyon. Wala siyang comment sa acting ni Kathryn.

Kung maganda nga, kikita ang pelikulang iyan talaga, pero hintayin natin kung ilan nga ang
kikitain nila hanggang sa katapusan ng screening ng pelikula. Pero nakatutuwa dahil iyang
ganyang mga pelikula ang pag-asa ng industriya ng pelikulang Filipino. Kumikita sila. Hindi
iyong nananalo nga ng award, kamote naman ang nakukuha sa takilya.
SHOWBIZ 2

Alden, maaksyon bilang LAKAN


Maine, hiwalay muna kay Tisoy

GAYON ang lipad ni Maine Mendoza pa-Amerika para manood ng concert ng Coldplay.
Ito ‘yung pasabog na regalo kay Maine, na nu’ng matanggap niya ay naiyak siya dahil matagal
na niyang pangarap mapanood nang live ang paborito niyang British rock band.

Ang dinig namin ay marami silang lilipad pa-US kasama sina Mr. T (Tony Tuviera), Direk Mike
Tuviera, Ms. Jenny Ferre at pati si Direk Poochie Rivera ng Eat Bulaga.

Parang treat na rin yata ito ng APT Productions dahil sa big success ng AlDub mo
vie na Imagine You & Me, pero hindi kasama si Alden Richards.

August 20 & 21 ay sa Rose Bowl Stadium sa Pasadena, California ang concert tour ng Coldplay.
Isa sa mga petsang ‘yon manonood si Maine and company.

Five days yatang mawawala si Maine, kaya sa kalyeserye ay ibinilin niya kay Alden na alagaan
at pagsilbihan sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) habang nasa
ibang bansa siya.

Ang sabi ni Meng kay Alden ay dadalawin niya si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa Amerika
pati na ang ibang mga kamag-anak nila roon.

Mukhang sa barangay muna si Tisoy kasama ng mga lola habang wala si Menggay.

Bago umalis ay nag-advance birthday celebration muna si Ms. Jenny (headwriter ng kalyeserye)
at nakita namin sa Snapchat ni Maine na sa awit-awitan portion ng party ay nag-duet sila ni
Alden.
***
May ibang mga lakad si Alden kaya hindi siya ka-join sa Amerika para manood ng Coldplay
concert.

Next week ay magti-taping na raw ang Pambansang Bae para sa guesting nito sa Encantadia
bilang isang Mulawin.

Lakan ang pangalan ng taong-ibon na karakter ni Alden.


Ang sabi ni Alden ay makikipaglaban si Lakan para sa mga diwata.

Mapapasabak siya sa action scenes at nag-costume fitting na rin siya para rito.

Inaasahang lilipad pataas ang ratings ng Encantadia kasabay ng paglipad ng guest character ni
Alden na si Lakan.

Si Miguel Tanfelix bilang Pagaspas ang unang karakter na nagmula sa telefantasyang Mulawin
na nag-guest sa requel ng Encantadia.

Mukhang after Enca ay ibabalik din ng GMA ang hit fantasy series na pinagbidahan noon nina
Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Sino kaya ang mapipiling bagong Aguiluz at Alwina sa bagong version ng Mulawin?
SHOWBIZ 3

‘Ma'Rosa’ ni Brillante Mendoza, pambato ng bansa sa 2017 Oscars

Ang pelikulang "Ma'Rosa" na kaya na hinangaan sa nakaraang Cannes Film Festival ang maging
kauna-unahang Pinoy film na makapapasa sa maselang panlasa ng mga hurado sa Best Foreign
Language film category ng 2017 Oscars?

Nitong Miyerkules, inanunsyo ng selection committee ng Film Academy of the Philippines


(FAP) na ang "Ma'Rosa," na pinagbidahan ni Jaclyn Jose at pinamahalaan ni Direk Brillante
"Dante" Mendoza ang napiling isabak sa darating na 89th Academy Awards o Oscars.

Maliban sa "Ma'Rosa," pinagpilian din ng komite ang mga pelikulang "Felix Manalo" ni Joel
Lamangan; "Anino sa Likod ng Buwan" ni Jun Lana; "Honor Thy Father" ni Erik Matti; "Hele
Sa Hiwagang Hapis" ni Lav Diaz; "Dukot" ni Paul Soriano;  "Pamilya Ordinaryo" ni Eduardo
Roy Jr.; "Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli" ni Gil Portes; at "Tuos" ni Roderick Cabrido.

Sa nagdaang 69th Cannes Film Festival, nakamit ni Jaclyn ang pagkilala bilang Best Actress
para sa pagganap niya sa "Ma'Rosa," na tumalakay sa usapin ng pamilya, kahirapan, katiwalian,
at iligal na droga.

Bagaman marami nang parangal na nakamit si Direk Brillante mula sa iba't ibang international
film festival na sinalihan ng kaniyang mga pelikula, ito ang unang pagkakataon na ilalaban sa
Oscars ang kaniyang obra.

Pero mula nang sumabak at magpadala ng entry ang Pilipinas sa Best Foreign Language film
category noong 1953, kahit minsan ay hindi pa napipili ang ating pambato na makapasok sa short
list at opisyal na maging "nominado" sa nabanggit na kategorya.

Nitong nagdaang Oscars, ang pelikulang "Heneral Luna" na pinagbidahan ni John Arcilla at
pinamahalaan ni Direk Jerrold Tarog ang naging pambato ng Pilipinas.

Gaganapin ang 89th Academy Awards sa Dolby Theatre sa Hollywood, Los Angeles sa February
2017.

You might also like