Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin ginagamit

sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa format at teknik.
Pinakamahalagang Kasanayang Nabibigyang-kahulugan ang akademikong sulatin.
Pampagkatuto (MELC)

BASAHIN

Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat


PAGSULAT- Ito ay isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.- pisikal dahil
gumagamit tayo ng kamay sa pagsulat o pagtipa sa key board ng mga kompyuter at gayondin mental dahil
dito nagmumula an gating isusulat na ideya. Nangangahulugan na hindi tayo makasusulat kung walang sapat
na kakayahang mental.
Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.”
Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nag-
sasagawa nito.”
Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A
good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The
writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.
Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang eksplorasyonpagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma
at ang manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat
panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag
nang mahusay.” Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay ekstensyon
ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

GAWAIN 1
Kapanayamin ang mga kasama mo sa bahay, punan ang mga datos sa ibaba.

Kahulugan ng Pagsulat

Bilang nanay….

Bialang tatay

Bilang kapatid

Bilang lolo/lola

Sa pagtatrabaho

Unang Linggo ( Filipino sa Piling Larangan –Akademik) Unang Semestre I SY 2020-2021 1


BASAHIN

Akademikong Pagsulat - ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral
kaya ito tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa.
Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Layunin nito namaipakita ang
resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan.Kailangang
malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya.
Ayon kay KARENGOCSIK (2004)1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga
iskolar.
Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong
komunidad. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.

GAWAIN 2

Lagumin ang kahulugan ng akademikong sulatin. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

AKADEMIKONG SULATIN

GAWAIN 3
Suriin kung ang mga sumusunod ay umaayon sa kahulugan at konsepto ng akademikong pagsulat.
Isulat ang U kung umaayon at DU kung di umaayon.
_____1. Ang akademikong pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan at retorika.
_____2. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa karanasang pan-
lipunan.
_____3. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan.
_____4. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at
pagtataya sa akademikong pagsulat.
_____5. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.

Unang Linggo ( Filipino sa Piling Larangan –Akademik) Unang Semestre I SY 2020-2021 2


GAWAIN 4

Itala ang kahalagahang matatamo sa pagkakaroon ng kasanayan sa akademikong


pagsulat

Unang Linggo ( Filipino sa Piling Larangan –Akademik) Unang Semestre I SY 2020-2021 3


BASAHIN :

Unang Linggo ( Filipino sa Piling Larangan –Akademik) Unang Semestre I SY 2020-2021 4

You might also like