Breastfeeding Tagalog

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Karaniwang mga posisyon sa

pagpapasuso
mga posisyon sa pagpapasuso
Pumili ng posisyon sa pagpapasuso na kumportable para sa iyo.

1. Cradle hold

Ang cradle hold o ang paghawak sa bata na


parang nakaduyan ay ang unang paraan ng
paghawak na ginagawa ng mga ina sa kanilang
mga bagong silang na sanggol.

Paano ba ito ginagawa?

Una, ilagay ang ulo ng iyong anak sa


nakabaluktot na parte ng iyong braso na
kasalungat ang kanyang ilong sa iyong utong.
Ang iyong kamay ang magsisilbing suporta ng
kanyang likuran. Pangalawa, itagilid papunta
sa iyo ang iyong sanggol upang magkalapat
ang inyong mga tiyan. I-angat mo siya ng
dahan-dahan patungo sa iyong dibdib. Maaari
mong gamitin ang kabilang kamay upang
suportahan ang iyong suso. At pang huli,
hayaang nakakanlong sa iyong braso si baby,
mas magandang nakatagilid siya kaysa sa
nakalapat ang kanyang likuran.

2. Reverse Cradle Hold (Cross-Cradle)

Ang cross-cradle ay isa sa mga posisyon sa


pagpapasuso na kabaligtaran ng cradle hold. Sa
posisyong ito, malaya mong nakikita ang iyong
anak habang ikaw ay nagpapasuso at may
kakayahan kang kontrolin ang posisyon ng kanyang
ulo. Ito ay magandang alternatibong paghawak sa
sanggol lalo na kung kinakailangan mo ng dagdag
na suporta sa pagpapasuso. Sa ganitong posisyon,
damang-dama mo ang pagiging isang Ina. Gamitin
ang posisyong ito kung:

•Ang sanggol ay nahihirapang sumuso.

•Kung madalas nabibitawan ng sanggol ang iyong


utong habang ikaw ay nagpapasuso.

•Mga sanggol na maliit o kulang sa buwan


3. Side-lying hold

Maaari mong hawakan ang iyong sanggol


sa pamamagitan ng iyong braso habang
ang kanyang likod ay nasa iyong bisig. At
dahil nakabaluktot ang kanyang balakang
at nasa isang posisyon ang kanyang tenga
at balikat, malaya siyang nakakakuha ng
gatas. May ilang ina ang nagsasabing
malaking tulong ang posisyong ito sa
kanila lalo na sa umaga.

4. Football hold

Pagpatung-patungin ang ilang pirasong unan


sa ilalim ng iyong bisig, ilapag si baby sa iyong
braso habang hawak ng kamay mo ang
kanyang ulo. Siguraduhin na ang iyong
sanggol ay malapit sa iyong katawan katulad
ng paglalaro ng football upang madali niyang
maabot ang iyong utong. Isa ito sa mga
posisyon sa pagpapasuso na nakakapagod
kaya naman kinakailangan ng maraming unan
upang may suporta ang iyong braso.

You might also like