Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Tsapter 1

Kaligiran ng Pag-aaral

Malaking bagay ang naibabahagi sa mga mag-aaral ang asignaturang

Filipino. Isa ito sa magiging daan upang mapabuti ng mga mag-aaral ang

galing sa pakikipag-komunikasyon at malaking tulong ito sa pagharap nila

sa bagong bukas at sa pang araw araw na pamumuhay. Sa asignaturang

Filipino matututunan ang tamang paggamit ng wika at tamang pagbigkas

nito, ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagsulat, ang pagkakaroon ng

kamalayan sa retorika, ang paggamit ng mga angkop na salita at idioma at

nagbibigay din ito ng kamalayan sa paggawa ng talata, komposisyon,

journal, blog/vlog at marami pang iba.

Ang pagtuturo sa asignaturang Filipino ay isa sa pinakakomplikadong

gawain. Ito ay nangangailangan na buong atensyon, malalim na pag-unawa

at masusing pag-iisip. Makikita sa bawat paaralan ang mga suliranin na

dapat bigyang pansin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino lalong-lalo na

kung ang mga mag-aaral ang pag-uusapan. Una, nakakawalang gana sa

mga mag-aaral ang pag-aaral ng asinaturang Filipino, sapagkat wala silang

interes na matutunan ito. Pangalawa, ipinagwawalang bahala nila ang pag-

aaral sa asignaturang ito sapagkat para sa kanila ito’y hindi na

mapapkinabangan pagkatapos ng kanilang pag-aaral lalong-lalo na sa mga

estudyanteng nais pumunta sa ibang bansa. Patungkol naman sa mga guro

ang suliranin na nakakaapekto sa kanilang pagtuturo ay ang sila ay


nagtuturo ng asignaturang Filipino kahit hindi nila ito “Field of

Specialization”, sapagkat konti lang ang kumukuha ng mayorya sa

asignaturang Filipino kaya kulang ang mga guro na nagtuturo ng nasabing

asignatura. Bilang isang guro pangunahing adhikain nito ang matuto ang

kanyang mga estudyante. Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang

buong kaalaman na ituturo sa mga mag-aaral kaya naman malaking tulong

ang mga pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upang maunawaan ng mga

mag-aaral ang nais na ibahaging impormasyon nito.

Ayon kay Maria Merlisa V. Manuel (20012) malaki ang

impluwensiya ng mga guro sa kanyang mga estudyante maging sa

personal na buhay man ito o kinabukasan. Kaya naman, nararapat na

pahalagahan ng isang guro ang kanyang propesyon hindi lamang bilang

isang trabaho kundi isa ring misyon na may kaugnayan sa kinabukasan.

Gampanin ng isang guro ang pagbabahagi ng kaalaman gayunpaman hindi

nito maibabahagi ang kanyang kaalaman kung wala itong lubusang

kaalaman. Kaya naman, pangunahing gawain nito ang pangangalap ng

mga bagong impormasyon na makakatulong sa kanyang propesyon.

Ayon sa akdang Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng

Pagtuturo upang maging mabisa at mabilis ang pagkatuto, kinakailangan

ang paggamit ng mabuting pamamaraan sa pagtuturo sapagkat nakabase sa

mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang

pagkatuto ng mag-aaral. Ibig sabihin, lubos na mauunawaan ng mga

estudyante ang kanilang leksyon kung ang pamamaraan ng pagtuturo ay


nakakaenganyo at kapantay ng lebel ng mga mag-aaral nang gayon sila ay

matuto.

Ayon kay Leticia F. Dominguez (1995) ang mga aralin sa

wika ay naglalayong luminang ng kakayahang komunikatibo at ng

kasanayang gumamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon sa pang

araw-araw na buhay. Samakatuwid, ang binibigyang diin ay ang gamit ng

wika kaysa sa istruktura nito na siyang naging kalakaran ng ilang

nagdaang panahon. May mga aralin na nagpapakita ng angkop na anyo ng

wika na gagamitin sa sitwasyon kaya importante na maituro nang maayos

ang asignaturang ito sa lahat ng mag-aaral at magamit nila ito sa pang

araw-araw na pamumuhay.

Upang maging epektibo ang mga estratehiya ng isang guro , may

mga dapat itong bigyang pansin. Ito ang bagay na dapat isaalang-alang sa

pagpili ng gagamiting pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang

mga salik na ito kapag nabigyan ng kaukulang atensyon ay magpapabilis

at magpapagaan ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at maaring

maging tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya na gagamitin ng

isang guro.

Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang mga salik sa epektibong

pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino gayundin ang epekto sa

performance ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.


Batayang Teoritikal

Ayon kina Maria Rita D. Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may

iba’t-ibang teorya tungkol sa proseso ng pagkatuto ng mga salik na

nakakaapekto dito pati na rin ang pamamaraan sa pagtuturo. Una, ay ang

likas na proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay

intensyonal na proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at

karanansan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng pagkatuto, ang tagumpay

sa pagakatuto ay nakasalalay sa maayos na representasyon ng kaalaman.

Pangatlo, pagbuo ng kaalaman, ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-

uugnay ang bagong impormasyon sa dating alam na mas makabuluhang

paraan. Pang-apat, pag-iisp na may estratehiya, ang matagumpay na mag-

aaral ay nakabubuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip

upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano ang

iniisip, mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng

mental na operasyon sa malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon.

Pang-anim, pagkatuto mula sa konteksto, sinasabi na ang pagkatuto ng

isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang

mga kultura, teknolohiya at mga paniniwalang intruksyonal. Sumusunod

dito ay ang motibasyon at ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto,

ito ay kung paano natututo an isang mag-aaral sa pamammagitan ng

motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at

kaugalian sa pag-iisip.
Ayon kina Acero at Javier (2000) isa sa pamamaraan na ginagamit ng mga

guro ang ay ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Ang

karaniwang gawain ng mga mag-aaral ay pagbibigay ng kahulugan,

katuturan, pagsasaulo ng alituntunin, pagbuo ng mga pangungusap sa mga

nakasulat sa aklat. Gamit ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay

natuturuan ng guro ang kanyang mga estudyante hindi lamang sa larangan

ng akademiko ay gayun na din sa tamang pag-uugali. Sapagkat hindi

lamang akademiko ang target na dapat makuha ng mga estudyante kundi

nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga mag-aaral. Dahil dito mas

napapalawak ang komunikatibong kakayahan ng mga mag-aaral.

Gayunpaman, maaring sa paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng

guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema ring kakalakip

ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na

hindi na napapalawak ng guro ang kanyang mga talakayan dahil nakabase

lamang ito sa nakalimbag sa libro. Kung minsan ay nagkakaroon din ng

pagbabahagi ng maling impormasyon dahil hindi ganun ka-ayos at wasto

ang teksbuk na basehan sa pagtuturo ng isang guro.

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay

ang mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na

umuusbong sa ating panahon ngayon. Ang paraan ng pagtuturong ito ay

nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral ang kanyang

kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa

kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang


nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Ayon kay Kornhaber (2004),

naiisakatuparan ng Multiple Intelligence ni Dr. Howard Garnier sa paraan

ng pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng

kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-kuro at

damdamin ganun na din sa mga ideyang mayroon sila base sa kanilang

mga nalalaman na naitulong ng teknolohiya. Lipas na ang panahon ng

pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang. Mula kay Vygotsky

(1987), ang mga mag-aaral na handang humarap sa hamon ng edukasyon

ay lumalaking nagagamit ang kayang mga natutunan at nakakadagdag ito

sa atas ng pagpapahalaga niya sa sarili kung sya mismo ang tutuklas ng

paraang ito para sa sarili niya. Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa

panahon natin ay naiimbento na ang iba’t ibang mga gamit na

makakatulong na maging basehan sa mas magandang kalidad ng

edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa buong mundo.

Mayroon na tayong mga personal computers, laptop, tablet iba’t ibang

klase ng mga cellular phones, projector, at madami pang iba na tunay na

nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang panturo, tulad ng

midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa

pagkatuto. Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral, nakagaganyak

ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at

napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, at nagdudulot ito ng

maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto. Bukod


sa mga mag-aaral, magkakaroon din ng benipisyaryo ang mga guro kung

paiiralin ang paggamit ng multimedia sa mga makabagong paraan ng

pagtuturo. Dagdag ni Aton(2007). Nagkakaroon din daw ang mga guro ng

kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo at mababawasan ang

pagiging dominante sa pag-sasalita o pagtalakay ng aralin sa loob ng silid-

aralan.

Ayon naman kina Bustos at Espiritu (1985), nakakaimpluwensya sa pag-

unawa ng estudyante ang paraang gamit ng guro kaya dapat lang na

mabisa ito. Samakatuwid, nakasalalay pamamaraan ng guro ang bias at

asal ng estratehiyang gagamitin ng guro upang makakamtan ang nais

niyang maunawaan ng estudyante.


Pamamaraan ng Pagtuturo Guro

* Tradisyunal/Teacher *Personal na salik ng Guro


Centered
*Profesyonal na salik ng Guro
*Makabago/ Learner
Centered

Epekto sa performans ng mga


mag-aaral sa asignaturang Filipino

Pigura 1.Iskima ng Pag-aaral


Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na matugunan ang ilan sa mga problema

na may kaugnayan sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa

asignaturang Filipino.

Upang maisakatuparan ang nasabing pag-aaral, narito ang tanong na

pagsisikapang masagot.

1. Ano-ano ang mga salik sa epektibong pamamaraan na

nakakaapekto sa pagtuturo ng asignaturang Filipino?

2. May epekto ba ang tradisyunal na pamamaraan sa pagkatuto ng

mga mag-aaral?

3. May malaking kaibahan ba ang makabagong pamamaraan sa

tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa mas

malawak napag-unawa at makapagdudulot ng pakinabang at kahalagahan

sa mga susunod:

Sa mga Mag-aaral. Upang umunlad pa ang kanilang kaalaman at

kakayahan sa asignaturang Filipino.

Sa mga Guro. Upang mas madadagdagan pa ang mga estratehiya nila sa

pagtuturo at mababawasan ang pag-aalala ng guro sa kung papaano ituturo


ang isang aralin sa asignaturang Filipino. Gayunpaman, mapapagaan at

mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing asignatura. Mula sa pag-

aaral na ito ay magkakaroon ng mas maunlad at malawak na pag-uunawa

sa pagtuturo ng nasabing asignatura.

Sa mga susunod na mga mananaliksik. Ang aming pananaliksik ay

magsisilbing gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri

nitong pag-aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura

at karagdagang kaalaman.

Metodolohiya sa Pag-aaral

Ang tsapter na ito ay naglalaman ng disenyo ng pag-aaral, lugar

kung saan gaganapin ang pag-aaral, mga taong pagkukunan ng datos at

mga kagamitang gagamitin sa pag-aaral. Upang magtagumpay ang pag-

aaral na isasagawa.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa kwalitatibong pag-aaral

gagamitan ito ng mga mananaliksik ng “survey questionnaire” para

malikom ang datos.


Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isasagawa sa Governor Alfonso D. Tan College,

Lungsod ng Tangub, Lalawigan ng Misamis Occidental na makikita sa

hilagang bahagi ng Mindanao.

Mga Taong Pagkukunan ng mga Datos

Ang mga taong pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral na ito ay

ang mga piling mag-aaral sa asignaturang Filipino ng Governor Alfonso

D. Tan College sa Lungsod ng Tangub, Lalawigan ng Misamis

Occidental, Rehiyon X na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Mindanao.

Kagamitan sa Pag-aaral

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay obserbasyon at

interview o pakikipanayam gamit ang talatanungan na sasagutan ng mga

mag-aaral.

Pagwawasto ng mga Kagamitan.

Ang mga mananaliksik ay susunod sa tamang patakaran. Una, ang

mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa mga guro na nagtuturo ng

asignaturang Filipino. Pangalawa ipapaliwanag sa mga guro ang

talatanungang ibibigay sa kanila. Pangatlo pasasagutan sa mga guro ang

talatanungan. At panghuli, pagkatapos masagutan ang mga talatanungan

ay kukunin ito upang pag-aralang mabuti.


Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Nagmula sa Governor Alfonso D. Tan College ang mga mag-aaral

na pagkukunan ng mga datos sa pag-aaral. Pag-aaralang mabuti ang

sinagutang talatanungan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Mga Hakbang sa Pangangalap ng mga Datos

Para matiyak ang mga ideya at impormasyon na malilikom ay

magbibigay ng mga talatanungan sa mga guro na nagtuturo ng

asignaturang Filipino sa Governor Alfonso D. Tan College. Ibibigay ang

tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon.

Saklaw at Limitasyon

Nakatuon ang gagawing pag-aaral sa mga piling mag-aaral na nag-

aaral sa asignaturang Filipino sa Governor Alfonso D. Tan College sa

Lungsod ng Tangub Lalawigan ng Misamis Occidental Rehiyon X.

Sinaklaw ng pag-aaral na ito ang mga salik sa epektibong pamamaraan sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino at kung paano nito naapektuhan ang

performans ng mga mag-aaral.

Depinisyon ng mga Termino

Para sa higit na ikauunawa sa pag-aaral na ito, binigyang

kahulugan ang mga sumusunod na terminong ginagamit.


Asignaturang Filipino. Ito’y isang asignatura na tumutukoy sa mg bagay-

bagay na may kaugnayan sa balarila, panitikan, retorika, at ang mga

mahahalagang pangyayari sa ating bansa gamit ang wikang pambansa

bilang midyum sa pagtuturo.

Tradisyunal na Pamamaraan. Ito’y pamamaraan ng pagtuturo sa

pamamagitan ng paglelektyur. Ang pamamaraang ito ay ginamit sa

pagtuturo ng kontroladong grupo. Ang guro dito ay siyang palaging

naglelektyur habang ang gawain ng mga mag-aaral ay siyang tumanggap

lamang kung ano ang lahat na sinabi ng guro.

Makabagong Pamamaraan. Kabaligtaran ito sa tradisyunal dahil ang

pagkatuto ng mag-aaralay malaya at hindi lang puro sa guro kundi

binibigyan ng kalayaan ang mga mag-aaralna mangalap ng impormasyon

gamit ang sariling kakayahan (kognitib) at gamitin ito sa lahat ng gawain

sa kanikanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Pakikipanayam.Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa

isang taong nais niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat o

maipalilimbag. Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad

ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa paksa.

You might also like