Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SHANE L.

BESINGGA
FIL 213

Ang barayti at baryasyon ng wika sa Pilipinas ay naaayon sa heograpikong

lokasyon ng bawat pangkat na nagsasalita ng kanilang wika at ng kanilang

sosyalisasyon. Maaaring ito ay Etnolek kung saan ang kanilang sinasalitang wika ay

nakabase at nadedebelop mula sa mga etnolinggwistikang grupo o mga pangkat etniko,

hal. Ivatan, Bagobo, B-laan at iba pa. Maaari ring Sosyolek, kinabibilangan ng mga

lengguwaheng nadebelop sa kasalukuyang panahon; Conyo, Jejemon, Bekimon at

Jargon. Ang Idyolek ay mga salitang nabubuo sa isang pangkat o isang tao na nais

magkaroon ng sarili nilang pagkakakilanlan katulad na lamang ni Noli de Castro na

kilala bilang si "Kabayan". Marami pang iba't-ibang Barayti ng wika na matatagpuan dito

sa Pilipinas. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng Barayti sa Baryasyon ng wika. Ang

Barayti ay ang pagkakaiba ng bawat wika sa isa't-isa habang ang Baryasyon naman ay

tumutukoy sa pagkakatulad ng isang wika sa isa pang wika ngunit binibigyang pansin

ang mga pagkakaiba nito. Halimbawa ang salitang "pumanaw" sa Tagalog ay

nangangahulugang namatay na habang sa Surigaonon, ang ibig nitong ipahiwatig ay

umalis lamang ngunit babalik rin. Marami pang salita galing sa iba't-ibang lugar ang

pareho ng bigkas at baybay ngunit magkakaiba ang kahulugan. Kaya minsan, may mga

taong hindi nagkakaunawaan dahil hindi tayo magka-uri ng wika. Mahalagang pag-

aralan ang Barayti at baryasyon ng wika lalung-lalo na rito sa Pilipinas, ito ay upang

magkaroon tayo ng malawak na pag-unawa sa iba't-ibang lengguwahe na maghahatid

sa atin tungo sa pagkaka-unawaan at pagkakaisa.

Link:https://drive.google.com/file/d/1itGmGoOxhas86pU4OmwQNCG248mfKBnp/view?

usp=sharing

You might also like