Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BOBBY AND KATES ACADEMY INC.

San Diego St, Valenzuela City

FILIPINO 8

Bilang sa Klase: _____ Modyul 3 – Ikalawang Markahan- SY2020-2021


Pangalan:_____________________________________________Petsa:_________________
Antas at Seksyon:______________________________________Guro: __________________

I. Paksa: ANG SARSWELA BILANG ISANG ANYO NG DULA

II. Mga Layunin

Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

1. Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan;


2. Naipapahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon
sa suliraning inilahad sa tekstong binasa;
3. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa akda;
4. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa sarswela

III. Mga Kagamitan:

1. Batayang aklat: BUKAL NG LAHI

IV. Petsa: October 26-30, 2020

V. Konsepto:
Mula sa katutubong dula tulad ng karagatan, duplo, senakulo, tibag,at moro-moro noong
panahon ng Espanyol, nagbihis sa bagong anyo ang dula noong panahon ng mga Amerikano.
Nahilig ang mga Pilipino sa sarswela, isang dulang may kantahan at sayawan na mayroong
isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyong may kwento ng pag-ibig at
iba pang mga isyung kontemporaryo.

Mahalaga ba ang paglingon kung ikaw ay nabubuay nang masaya ngayon? At naging masaya
ka ba kung lagi mong itinatanong sa iyong sarili ang iyong magiging bukas? Napakalalim ng
dalawang katanungang ito. Pag-isipan mo ang sagot sa pamamagitan ng dulang babasahin
mo ngayon

1
PAGKILALA SA SARSWELA BILANG ISANG DULA

Unang naipakilala ang sarswela sa Pilipinas noong ikaw-17 siglo noong panahon ng mga
Espanyol, bagamat naging popular lamang ito noong panahon ng Himagsikan hanggang nong
panahon ng mga amerikano. Itinatag ito ni Alejandro Cubero noong 1880, at kasama si Elisa
Raquero, itinatag nila ang teatro Fernandez na siyang unang grupo ng mga Pilipinong
sarswelista sa Pilipinas

ELEMENTO ng TULA
May kasabihan para sa uring ito ng panitikan na walang duda kung walang iskrip, at wala ring
dula kung walang director. Kung kaya, upang maitanghal ito sa entablado, kakailanganin ang
mga sumusunod.
1. Isang tagasulat ng iskrip
2. Mga artistang gaganap
3. Isang director na magdidirihe ng dulang itatanghal
4. Iba pang mga taong katulong sa paghahanda ng dula-
a. Tagaayos ng mga kagamitang gagamitin (props) ng mga tauhan
b. Tagadisenyo at tagagawa ng mga costume
c. Tagadisenyo ng telon o backdrop
d. Tagaayos ng mga ilaw at mikropono
e. At iba pa

MGA URI NG DULA


May iba’t ibang uri ng dula ayon sa tema ng kuwento.

1. Komedya – ito ang tipo ng dula na may masayang tema, walang iyakan, magaan sa
kalooban panoorin, at nagtatagumpay ang bida.
2. Trahedya – ipinapakikita naman nito ang kalungkutan na kung minsan ay nauuwi sa
kabiguan o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
3. Melodrama – ito ang uri ng dula na may magkahalong saya at lungkot, na kadalasang
may mga eksenang humahaplos sa damdamin at diyalogong tumatatak sa kaisipan ng
manunuod
4. Parsa – tinutukoy naman nito ang uri ng mga kuwentong walang katuturan, at
naghahatid lamang ng simpleng katuwaan at tawanan. Ito iyong mga karaniwang
dulang napapanood na madalas ay may hampasan kapag nagbibirua
5. Parodya – isang uri ito ng komentaryo o pambabatikos habang ginagaya ang
kakatwang kilos ng isang tao, tulad ng halimbawa ng kanyang pagsasalita, kilos na
nakagawian o ilang nakakatuwang mga pag-uugali
6. Proberyo – Hango ito sa tanyag na mga salawikain, na kadalasang nagiging
bukambibig ng marami. Dito umiikot ang kuwento upang magsilbing modelo ang tauhan

MGA BAHAGI NG DULA


1. Yugto – maihahalintulad ito sa kabanata ng isang nobela. May mga dulang iisahing
yugto at mayroon din naming binubuo ng dalawa o higit pang yugto.
2. Tanghal-eksena – ang yugto ay binubuo ng tanghal-eksena. Ibinabadya ng eksena ang
pagbabago sa tagpuan. Kapag itinatanghal, maaaring mangahulugan ito ng paggalaw o
pagbabago
3. Tagpo – ang tanghal-eksena ay binubuo naman ng tagpo, o paglabas pasok ng kung
sino mang tauhang gumaganap sa eksena

MGA URI NG DIYALOGONG GINAGAMIT SA DULA


1. DIYALOGO – ito ang karaniwang usapang isinasagawa ng mga tauhan sa dula.
2. MONOLOGO – Ito ang mahabang pananalita ng isang karakter habang kausap niya
ang iba pang mga karakter.
3. SOLILOQUY – ito ay isa ring mahabang pananalita ng isang karakter tungkol sa
kanyang iniisip.
4. ASIDE – Ito ay maikling pahayag lamang, pero katulad din ng soliloquy na
ipinatutungkol sa sariling naiisip o nadarama. Kunwari ay hindi siya naririnig ng iba pang
mga tauhang kasama niya sa entablado

2
MGA ASPEKTO NG PANDIWA

A. Aspektong Naganap o Perpektibo


Tinutukoy nito ang kilos na nasimulan at natapos na.
HAL:
Pumirma ng bagong batas ang Pangulo

B. Aspektong Katatapos
Ito ay kilos na hindi pa natatagalang natapos o naganap. Kaiba ito sa perpektibo
sapagkat saglit pa lamang na natapos ang kilos na ginawa. Gumagamit ito ng panlaping
ka-
HAL:
Kagagaling pa lamang ng Pangulo sa Amerika

C. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo


Isinasaad nito ang kilos na kasalukuyang nangyari o patuloy na naganap. Hindi pa
natatapos ang kilos.
HAL:
Umaawit ang mga delegado ng Indonesia habang tinutugto ang kanilang pambansang
awit

D. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo


Nagpapahayag ito ng kilos na gagawin pa lamang.
HAL:
Magsasampa ng kaso ang Pilipinas laban sa mga umaangkin sa teritoryo nito.

You might also like