Guinto, Julius Michael B - Week 3-Module 3 (Paglalahat)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Roman Catholic Bishop of Novaliches

Educational System (RCBN-ES, Inc.)


ACTIVITYSHEET
School: Blessed Sacrament Catholic School
Name: Julius Michael B. Guinto Date: Ika-9 ng Nobyembre 2020
Level & Section: 10- Our Lady of Blessed Sacrament Subject: Araling Panlipunan
Type of Activity: Gawain sa Module
Activity Title: Kawalan ng Trabaho (Unemployment) Module No.2 (Ika-2 Markahan)

Sagutan ang mga sumusunod na pahayag:

1. Paano mo mailalarawan ang sitwasyon ng lakas paggawa sa Pilipinas sa kasalukuyan?

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 10 porsyento ang mga taong
walang trabaho ngayong may pandemya. Ito ay kalunos-lunos sapagkat karamihan sa ating mga
kababayan ay wala talagang perang pangsuporta sa kanilang pamilya. Sila ay naghihirap dagdag pa
sa pahirap ng pandemyang ating kinakaharap ngayon. Kung ikukumpara ito noong nakaraang taon,
lubhang nakagugulat talaga ang mga nararanasan ng mga taong nawalan ng trabaho ngayon.
Halimbawa, ang mga tsuper na nawalan ng trabaho noon, karamihan sa kanila ay tumitira na lamang
sa kanilang dyip sapagkat wala nang pangbayad sa upa ng bahay. Ang mga masahista sa Boracay na
ang iilan ay namalimos na lamang dahil sa kawalan ng kita at pera. Kung tutuusin, mas mas pinagpala
pa tayo dahil sa kabila ng pandemya, meron tayong pangkain sa araw-araw. Ang iilan nating
kababayan ay kumakain na lamang ng mga tira-tira sa basurahan at umaasa sa ayuda ng gobyerno
na minsan ay hindi pa nabibigay.

2. Bakit kinakailangang tignan ang implikasyon ng kawalan ng trabaho? Paano ito


makakatulong?

Kung ako ang tatanungin, makatutulong ang ating kalaman sa mga implikasyon sa pag-
isip ng mga solusyong makatutulong sa mga manggagawa. Kung alam natin ang mga implikasyon,
maaaring makontrol natin ang porsyento nito. Maraming trabaho na nauuso ngayon. May food
delivery, online shopping, plant selling, at mga barter. Ang implikasyon ay nasosolusyonan. Sabi nga
“Late is better than never”. Kung kaya pa nating masolusyonan ang mga implikasyon, gawin natin.
Kung hindi tayo kikilos, walang mangyayari sa atin.

3. Bilang mag-aaral, paano mo ginagamit na inspirasyon ang iyong pangarap sa pagkamit ng


iyong dream job?

Maaaring hindi ako isa sa pinakamahuhusay na mag-aaral sa Pilipinas ngunit ako ay may
determinasyon. Ang tanging pangarap ko lang ay bumangon sa hirap at mabigyan ng maayos na tirahan
ang aking mga magulang. Ito ang nagbibigay sa akin ng motibasyon araw-araw na kahit gaano kadami
ang gawain o gaano kahirap ang mga gawain, mayroon akong lakas para kaharapin ito. Noong nasa
elementarya, tulad ng mga manggagawa, nabigo rin akong maabot ang aking pangarap na
makatuntong sa paaralang kilala. Noong una, nalungkot ako ngunit ginawa ko itong inspirasyon para
paghusayin ang aking pag-aaral. Gusto ko maging isang news reporter o inhenyero sa hinaharap at
alam kong makakamit ko ito gamit ang sipag, determinasyon, malawak na pag-iisip at diskarte. Ang
paalala ng manunulat na si Ernest Hemingway ay “Ang pangarap ay hindi imposibloeng makamit kung
may determinasyon.” Kung kaya ng iba, kaya ko rin!
PANGHULING GAWAIN:

SAGUTIN NANG BUONG HUSAY ANG KATANUNGAN. Gumamit ng blue font sa pagsagot.

Kung ikaw ay isang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala na makatulong upang maibsan
ang suliranin sa kawalan ng trabaho sa ating bansa sa kasalukuyan? Ibigay ang pangalan ng batas
at mga probisyong nakapaloob dito.

“3P’s Program”
(Puhunan para sa Pamilyang Pilipino)

Sino-sino ang target ng batas na ito?

Ang target ng batas na ito ay ang mga pamilyang gustong magtayo ng maliit at
legal na negosyo. Ang mga pamilyang ito ay may ipapasang dokumento na dadaan sa proseso upang
mapatunayang gagamitin sa legal ang ibibigay na puhunan ng gobyerno. Ang makakukuha ng
puhunan ay nasa edad 21- 65.

Ano ang layunin ng aking programa?

Ang layunin ng aking batas na ipanunukala ay mabigyan ang mga Pilipino ng


puhunan para sa kanilang itatayong maliit na negosyo. Sila ay mabibigyan ng 8,000 piso para
makapag-umpisa ng negosyo at sila na ang magpapaunlad nito. Ang isang miyembro ng pamilya ay
bibigyan ng pagkakataong pumasok sa TESDA upang mag-aral ng mga gawaing bokasyonal. Huwag
nating maliitin ang mga bokasyonal na hanapbuhay dahil maging ang mga ito ay may ambag sa ating
ekonomiya. Ang tanging hangarin ng batas na ito ay matulungan ang mahihirap na Pilipino sa
pamamagitan ng diskarte at determinasyon sa negosyo. Ang negosyong kanilang itatayo ay maaaring
lumago kung sila ay nagsusumikap at humahanap ng paraan. Kapag kanilang napalago ang negosyo,
maaari rin silang makatulong sa kapwa nilang negosyante. Sa pamamagitan nito, walang napag-
iiwanang manggagawa sa Pilipinas. Maaaring bumaba ang unemployment rate at umunlad ang ating
ekonomiya. Ang daloy ng ekonomiya ay hindi iikot kung walang tao. Kung tutulungan ng pamahalaan
ang mga nangangarap na magtayo ng negosyo at naghahanap ng trabaho, maaaring masolusyunan
pa natin ang problemang kinakaharap ng ating bansa, ang kahirapan.

Ayun lang po ang aking batas na ipapanukala. Nawa’y magustuhan niyo ito,
Maraming Salamat po!

You might also like