Pagsasalin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Ang Sayawan sa Kasalan

ni Amador Daguio

Inabot ni Awiyao ang dakong itaas na bahagi ng troso na nagsisilbing paraan upang sumampa siya
paitaas. Pagkapit sa troso, naitaas niya ang kanyang sarili ng isang lukso patungo sa makipot na pinto.
Idinaosdos niya ang panakip at tumuloy sa loob, pagkatapos ay idinaosdos niya ito pabalik. Makalipas
ang ilang sandali’y tila may inaabangan, agarang nagsambit sa dilim.

“Patawarin mo ako ngunit kailangan itong mangyari. Ikinalulungkot ko ngunit wala na tayong
magagawa.”

Ang tunog ng mga gangsa ay bumabagtas sa mga dingding ng madilim na bahay tulad ng mga
namamalaging pagngangalit ng mga bumabagsak na tubig. Ang babae ay nagulantang sa pagbukas ng
pinto na kanyang narinig ang mga gangsa, hindi alam kung kailan matatapos. Bumugso ang kanyang
damdamin. Hindi siya nagbigay ng senyales na narinig niya si Awiyao, ngunit patuloy siyang umupo sa
dilim.

Ngunit alam ni Awiyao na siya’y narinig, at nakaramdam ng awa. Siya ay lumibot sa bawat sulok ng silid;
alam niya eksakto kung saan ang apuyan. Gamit ang kanyang mga kamay, pinukaw ang baga, at inihip
ang apuyan. Nang nagsimulang lumiyab, naglagay si Awiyao ng pira-pirasong kahoy at may hagkang mga
troso sa kanyang braso. Lumiwanag ang silid.

“Bakit hindi ka lumabas at sumali sa pagdiriwang?” Nasaktan siya sa kanyang sinambit, alam
niyang hindi niya dapat ito sinabi.

“Dapat kang sumali sa kanila na para bang walang nangyari.” Tumingin siya sa babaeng nakasandal sa
sulok ng dingding. Ang ilaw at anino ng apoy ay naglalaro sa kanyang mukha na may bahid ng
kalungkutan na hindi dala-dala ng galit o pagkamuhi.

“Kung hindi mo ako kinasusuklaman sa ating paghihiwalayan, lumabas ka at makisayaw at baka


nama’y makasalamuha kang lalaki na maibigan ang iyong pagsayaw at ikaw ay pakasalan. Malay
mo, mas masuwerte ka sakanya kaysa sa akin.”

“Wala akong ibig na ibang lalaki.” Sinabi niya nang malakas. “Hindi ko ninais ang umibig ng iba.”

Siya ay natanggalan ng tinik nang magsalita ang babae. “Alam mong hindi ko rin ibig ang kahit na
sinong babae, hindi ba? Alam mo ‘yon, Lumnay, Alam mo, ‘diba?”

Wala itong imik.

“Alam mo, Lumnay, hindi ba?” Kanyang inulit.


“Oo, alam ko.” Mahinang sagot ng babae.

“Hindi ko ito kasalanan. Hindi mo ako masisisi, naging mabuting asawa ako sa iyo.” Sambit ni
Awiyao at siya ay nakaramdam ng ginhawa.

“At hindi mo rin ako masisisi,” paiyak na sagot ni Lumnay.

“Naging mabuti ka sa akin. Naging mabuting asawa ka. Wala akong masasabi laban sa iyo.” Nagpabaga
siya ng kahoy. “Kailangan lang talaga ng lalaki na magkaroon ng anak. Pitong ani ay masyadong
matagal para hintayin. Oo, naghintay tayo ng matagal. Dapat na magkaroon tayo ng panibagong
pagkakataon bago mahuli ang lahat.”

Sa sandaling ito, ang babae ay kumilos at inunat ang kanyang kanang binti palabas at kaliwang binti
papasok. Inayos niya ang kanyang sapin at iniyakap ito sakanya.

“Alam mong ginawa ko ang aking makakaya. Nanalangin ako ng mataimtim kay Kabunyan. Nag-
alay ako ng maraming manok sa aking mga dasal.” Sambit ng babae.

“Oo, alam ko.”

“Naaalala mo ba noong nagalit ka nang dahil kinatay ko ang isa sa mga baboy natin nang wala ang iyong
pahintulot, galing sa paghahanap buhay? Ginawa ko iyon para malugod si Kabunyan, dahil kagaya mo,
gusto ko magkaroon ng anak! Pero anong magagawa ko?”

“Hindi nakikitaan ni Kabunyan na nararapat tayong magkaroon ng anak.” Sagot ni Awiyao, pinukaw
ang apoy at ito ay lumiyab. Ang usok ay umabot sa kisame.

Tumingin sa sahig si Lumnay habang walang kamalayang sinimulang hatakin ang rattan na sahig.
Sa bawat paghatak niya, ay unti-unting pag-uga nito. Ang tunog ng mga gangsa’y tila ba
nangaakit sa kanya.

Lumapit si Awiyao sa sulok kung saan nakaupo si Lumnay at tumigil, tumitig sa kanyang kulay tanso na
kutis at matipunong mukha at lumingon kung saan nakalagay ang mga banga na naglalaman ng tubig.
Kumuha si Awiyao ng tasa na gawa sa niyog at saka kumuha ng tubig at uminom. Pinuno ni Lumnay ang
mga banga sa sapa ng bundok nang gabing iyon.

“Umuwi ako.” Sambit ni Awiyao. “Dahil hindi kita nasilayan sa mga mananayaw. Hindi kita pinipilit na
dumalo kung ayaw mong pumunta sa aking kasal. Umuwi ako para sabihin sayo na kahit pakakasalan ko
si Madulimay, hindi ka niya mahihigitan. Hindi siya ‘sing lakas mo sa pagtatanim, hindi ‘sing bilis sa
paglilinis ng mga banga, hindi ‘sing galing sa paglilinis ng bahay. Ikaw ay isa sa mga pinakamahusay na
asawa sa tribo.”
“Hindi ko ito ikinabuti, hindi ba?” Anya ni Lumnay. Tumingin siya kay Awiyao ng may haling, na parang
may sarkastikong ngiti.

Nilagay ni Awiyao ang tasa na gawa sa niyog sa sahig at lumapit kay Lumnay. Hinawakan niya ang mukha
nito sa pagitan ng kanyang mga kamay at nabighani sa kanyang ganda. Ngunit nilihis ni Lumnay ang
kanyang mga mata. Hindi na niya muling mahahawakan ang kanyang mukha. Sa sumunod na araw, hindi
na siya sa kanya. Babalik na ito sa kanyang mga magulang. Binitawan nito ang kanyang mukha at si
Lumnay ay lumuhod muli sa sahig at tumingin sa kanyang mga daliri habang hinahatak niya ng
mahinahon ang rattan sa sahig.

“Sa iyo itong kubo, ginawa ko ito para sa iyo. Manirahan ka rito hanggang kailan mo ninanais. Gagawa
na lamang ako ng panibagong tahanan para kay Madulimay.” Sabi ni Awiyao.

“Hindi ko kailangan. Pupunta ako sa sarili kong tahanan. Matatanda na ang aking mga magulang.
Kailangan nila ng katulong sa pagtatanim at sa pagbabayo ng mga palay.”

“Ibibigay ko sa iyo ang bukiran na binungkal ko sa bundok noong unang taon ng ating kasal. Alam mong
ginawa ko iyon para sa iyo. Tinulungan mo akong gawin iyon para sa atin.”

“Hindi ko kailangan ng bukiran.” Sagot niya.

Tumingin si Awiyao sakanya, at lumihis. Sila ay nanahimik.

“Bumalik ka sa pagsasayaw,” sabi ng babae. “Hindi ka dapat naririto. Magtataka sila kung nasaan
ka at sasama ang loob ni Madulimay.”

“Mas mabuti kung sasama ka at sasayaw, sa huling pagkakataon. Ang mga gangsa ay tumutugtog.”

“Alam mong hindi ko kaya.”

“Lumnay,” mahinahong sambit ni Awiyao. “Lumnay, kung ginawa ko ito, ginawa ko ito upang
magkaroon ng anak. Alam mong walang halaga ang buhay kung walang supling. Kukutyain ako ng
tribo. Alam mo iyan.”

“Alam ko,” sagot niya. “Sana ay pagpalain kayo ni Kabunyan.”

Kinagat niya ang kanyang mga labi at umiling ng dahan-dahan kasabay ng paghikbi.

Kanyang naalala ang paglipas ng kanyang pitong beses na ani, mataas ang pangarap nila simula nang
kanilang pagaasawa, nang araw na siya’y namanhikan kay Lumnay tungo sa rumaragasang ilog, sa
kabilang dako ng kabundukan, kanilang tinahak ang daan, ang matarik na bangin na kanilang tinawid.
Pagkalayo-layo ng kanilang nilakbay, maingat na lumingat sa paanan ng mabatong bundok na kanilang
nilalakaran---pagkadulas ay kamatayan.

Sila ay parehong uminom ng tubig at pagkatapos ay nagpahinga bago nila ginawa ang huling paglakbay sa
kabilang panig ng bundok.
Tumingin siya sa mukha ni Awiyao habang ang mga anino ng apoy ay naglalaro dito---matipuno, malakas
at mahabagin. Siya ay may paraan ng pagsasabi ng mga bagay na kadalasang pag ginaginawa niya’y, siya
at ang ibang tao ay napapahalakhak. Ipinagmamalaki niya ang paguugaling ito ng binata. Kanyang
kalamnan ay kay igting at tatag, kay kintab at kay batak---ang tuwiran niyang mga mata. Tiningnan niya
ang kanyang katawan na nagbungkal sa mga bundok ng limang mga bukiran para sa kanya; ang pahinga
ng kanyang malapad at maliksing pigura habang hinihila ang isang tipak ng nagniningning na tabla; ang
kanyang mga bisig at binti ay dumaloy sa matatas na mga kalamnan--siya ay malakas at nawala siya sa
kanyang piling.

Niyakap niya ang kanyang mga tuhod. “Awiyao, awiyao, aking asawa.” Iyak niya. “Ginawa ko ang
lahat upang magkaroon ng anak.” Bulong ng namamamaos niyang boses. “Tingnan mo ako, tignan
mo ang katawan ko. Punong puno ito ng pangarap. Kaya nitong sumayaw, kaya nitong magtrabaho
ng mabilis sa bukiran, kaya nitong umakyat ng matulin sa bundok, hanggang ngayon, malakas ito.
Pero Awiyao, wala akong silbi. Dapat akong mamatay.”

“Hindi tama ang mamatay.” Sagot ni Awiyao, tinipon siya sa kanyang mga bisig. Ang kanyang mainit,
hubad na dibdib ay nangangatal sa dibdib ni Awiyao; siya ay kumapit sa kanyang leeg at nilagay ang
kanyang kamay sa kanang balikat ng lalaki; ang kanyang buhok ay dumaloy sa kaskada ng
namamanaag na kadiliman.

“Wala akong pakialam sa bukiran. Wala akong pakialam sa kubo. Wala akong pakialam sa anuman
kung hindi ikaw. Wala na akong ibang mamahalin pa.”

“Hindi ka magkakaanak kailanman.”

“Babalik ako sa aking ama, ako’y mamamatay.”

“Ibigsahin, kinamumuhian mo ako. Kung mamamatay ka, ibigsabihin galit ka sa akin. Na ayaw mo ako
magkaanak. Ayaw mong mabuhay ang aking pangalan sa ating tribo.”

Nanahimik si Lumnay.

“Kung hindi ko susubukang muli, mamamatay ako. Walang sinuman ang makakakuha ng bukiran
na hinukay ko sa bundok, walang sinuman ang susunod sa akin.”

“Kung ikaw ay mabigo--kung ikaw ay mabibigo sa pangalawang pagkakataon--” Nanginginig ang


kanyang tinig. “Hindi--ayaw kong mabigo ka.”
“Kung mabibigo ako,” sambit ni Awiyao, “babalik ako sayo. Mamamatay tayong magkasama. Sabay
tayong maglalaho sa ating tribo.”

Ang tunog ng mga gangsa ay abot sa nilang kubo.

“Itatago ko ang aking kuwintas. Awiyao, hayaan mo ito sa akin.”

“Sayo ang kuwintas na iyan. Sabi ng aking lola, galing ‘yan sa Norte, sa mga taong singkit ang mata sa
kabila ng karagatan. Sayo yan, Lumnay. Nagkakahalaga iyan ng dalawampu’t na bukiran.”

Umalis si Lumnay sa kanyang pagkakakapit nang may marinig silang sigaw galing sa labas. “Awiyao!
Awiyao! O Awiyao! Hinahanap ka nila!”

“Hindi ako nagmamadali.”


“Magagalit sila sayo. Umalis ka na.”

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin na okay lang sa’yo.”

“Okay lang sa akin.”

Hinawakan niya ang kamay ng babae. “Gagawin ko ‘to para sa tribo,” anya niya.

“Alam ko,” sagot ni Lumnay.

Naglakad si Awiyao papunta sa pintuan.

“Awiyao!”

Napatigil siya na para bang siya ay sinaksak gamit ng sibat. Sa sakit, lumingon siya rito. Ang mukha ng
babae ay nababalot ng lungkot. Hindi siya makaalis. Naging mabuti ito sakanya. Ano bang mayroon at
humiling ang lalaki ng isang anak? Ano iyon sa buhay, sa gawain sa bukiran, sa pagtatanim at pag-aani, sa
katahimikan ng gabi, sa pagsasamahan ng magasawa, sa buong buhay sa tribo, na humiling ang lalaki ng
isang bata? Sakaling magbago man ang kanyang isip? Bakit nakasaad na ang isang lalaki, upang maging
tunay na lalaki, dapat siyang magkaroon ng anak? Ipagpalagay na nagbago ang kanyang isip---minahal
niya si Lumnay. Para bang babawian siya ng hininga kung iiwanan niya ang babae.

“Awiyao,” sambit ni Lumnay, ang kanyang mga mata ay parang ngiti sa liwanag. “Ang kuwintas!”
Lumingon siya sa pinakasulok ng kanilang kuwarto, kung saan nakatago ang kanilang pag-aari--ang
kanyang palakol at sibat, ang kanyang lagayan ng NGA NGA at kuwintas. Kinuha niya ang kuwintas na
bigay ng kanyang lola at sinuot ito kay Lumnay. Ang puti, berde at kahel nitong kulay ay lumiwanag sa
apuyan. Yumakap si Lumnay ng mahigpit na para bang hindi niya ito pakakawalan.

“Awiyao! Awiyao, ang hirap!” Siya’y humagkan, pumikit at binaon ang ulo sa kanyang leeg. Umulit ang

pagtawag kay Awiyao mula sa labas; bumitaw siya sa kanyang mahigpit na pagkakahawak at tuluyang

lumisan ang lalaki. Naupo si Lumnay sa dilim. Bigla siyang tumungo sa pintuan at binuksan ito. Ang

liwanag ng buwan ay tumama sa kanyang mukha; ang liwanag ng buwan ay nakikita sa buong nayon.

Naririnig niya ang tunog ng mga gangsa. Alam niyang walang laman ang mga kubo, na ang lahat ay
nagtungo selebrasyon ng kasal. Siya lang ang wala roon. Hindi ba’t, siya ang pinakamagaling na
mananayaw sa kanilang tribo? Hindi ba’t, siya ang napupuno ng dangal? Hindi ba siya ang nag-iisa sa
lahat ng kababaihan, sumasayaw tulad ng isang ibon na nakasakay sa mga butil sa lupa, sumasabay sa
kumpas ng mga gangsa? Hindi ba pinupuri ng mga lalaki ang kanyang malambot na katawan, at ang mga
babae ay naiinggit sa kanyang pagdipa ng kanyang mga kamay na para bang pakpak ng mga agila sa
bundok ngayon at pagkatapos ng kanyang pagsayaw? Gaano katagal ang nagraan noong siya ay
sumayaw sa kanyang kasal? Ngayong gabi, lahat ng babaeng dumalo sa kanyang kasal, na minsan ay
sumayaw sa kanyang karangalan, sumasayaw sa karangalan ng ibang babae sa kadahilanan na marahil
ay maaaring mabigyan ang kanyang asawa ng anak.

“Hindi ito tama! Hindi tama!” Iyak niya. “Paano niya alam? Paano nila alam? Mali ito!”

Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob. Dadalo siya. Dadalo siya at sasabihan ang lahat na hindi ito
tama. Na sakanya si Awiyao at walang makakakuha nito sakanya. Hayaan na siya ang unang babaeng
lalaban, na hindi angkop ang kumuha ng ibang babae at magpakasal ulit. Sasabihan niya si Awiyao na
bumalik ito sakanya. Siya ay tiyak na papayag dito. Hindi ba’t singlakas ng ilog ang kanilang
pagmamahalan?

Nakarating siya sa kabilang dako ng nayon kung saan sila nagsasayawan. Nagniningas sa liwanag ang buong
lugar; isang malaking siga ang nasusunog. Ang tunog ng mga gangsa ay mas malakas, at tila ito ay
tumatawag sa kanya. Siya ay nalalapit na. Natatanaw niya na ang mga manananayaw. Ang lalaki ay
lumukso nang husto kasama ang kanilang mga gangsa habang pinapalibutan nila ang mga babaeng
sumasayaw na may suot-suot ng matitingkad na pananamit at kuwintas, lumulukso sa lupa gaya ng mga
maririkit na ibon, sumusunod sa kalalakihan. Bumugso ang kanyang damdamin sa naglalagablab na tawag
ng sayaw; ang kakaibang init sa kanyang dugo ay sumihol, at nagsimula siyang tumakbo. Ngunit ang
nagniningas na liwanag ng siga ay pinipigilan siya. May nakakakita ba sakanya?

Huminto siya. Paano kung may nakakita sakanya? Ang apoy ng siga ay umigta sa di mabilang na
tilamsik na kumalat at tumindig na para bang mga dilaw na tuldok sa hangin at naglaho sa gabi. Ang
alab ay sumapit sakanya tulad ng isang kumikislap na liwanag. Wala siyang lakas ng loob na pumasok
sa piging ng kasal.
Lumayo si Lumnay mula sa sayawan, malayo sa nayon. Kanyang naalala ang pag-aani nila ni Awiyao ng
mga munggo pagraan ng apat na gabi. Sinundan niya ang landas sa itaas ng nayon.

Nang siya ay nakarating sa batis ng bundok, maingat niya itong itinawid. Walang humawak ng kanyang
kamay at ang tubig ng batis ay malamig. Patuloy siyang naglakbay at siya ay nasa mga anino ng mga puno
at palumpong sa ilalim ng ilaw ng buwan. Dahan-dahan siyang umakyat sa bundok.

Noong nakaabot si Lumnay sa tuktok, kanyang natatanaw ang nagliliyab na siga sa dulo ng nayon, kung
nasaan ang kasalan. Kanyang naririnig ang tunog ng mga gansa sa malayo, malakas pa rin ang ugong,
umaalingawngaw sa kabundukan. Hindi siya kinukutya ng tunog; sa halip ay parang tinatawag siya nito,
kinakausap siya sa wika ng walang saysay na pag-ibig. Naramdaman niya ang kanilang pasasalamat sa
kanyang sakripisyo. Ang kanyang tibok ng puso ay nagsimulang tumunog gaya ng tunog ng mga gangsa.

Naisip niya si Awiyao bilang Awiyao na kilala niya noon--malakas, matipunong lalaki na may buhat buhat
na mabibigat na mga troso pababa ng bundok patungo sa kanyang kubo. Nakilala niya ito isang araw
noong siya ay papunta upang punuin ang mga banga ng tubig. Huminto ang binata upang magpahinga at
uminom ng tubig; pinainom niya ito ng malamig na tubig sa bundok gamit ang kanyang bao. Di nagtagal,
napagisipan niyang pakasalan si Lumnay at ibinato ang kanyang sibat sa hagdan ng bahay ng ama ng
babae, tanda ng kanyang pagnanais na pakasalan ang dalaga.
Ang tuktok ng bundok ay malamig sa gabi. Ang hangin ay nagsimulang pukawin ang mga halaman.
Naghanap si Lumnay ng malaking bato upang maupuan. Ang mga halaman ay napalibutan na ngayon, at
siya ay nawala sa kanila.

Ang ilang mga linggo, ng ilang buwan pa, ng ilang mga pag-ani---ano ang halaga nito? Siya ay hawak na
mga bulaklak, malambot ang kayarian, medyo makinis ngunit mamasa-masa, kulay-pilak kung titignan,
pilak sa mapusyaw na asul, namumulaklak na kaputian, sa pag-sapit ng umaga. Ang pistil ng bulaklak ay
patuloy na gumagapang sa pagitan ng mga nalalantang talulot.

Ang mga daliri ni Lumnay ay gumagalaw sa mahabang panahon sa gitna ng lumalagong binhi.
Ang Mangkukulam
Ni Edilberto K. Tiempo

Noong ako’y labing-dalawang taong gulang, pumupunta ako sa Libas, mga siyam na
kilometro ang layo mula sa bayan para bisitahin ang paborito kong tio, si Tio Sabelo,
and punongguro sa paaralan sa baryo roon. Mahilig akong pumunta sa Libas dahil
maraming makakain sa bahay ng aking tio: arnibal ng tubo, minatamis na karne ng
niyog, mais at kakanin, hinog na langka, bayabas na galing sa tumutubong puno sa
isang burol hindi nalalayo sa bahay nila Tio Sabelo. Sa pagdalaw ko rito, ang dami kong
naririnig na kakaibang kuwento tungkol kay Minggay Awok. Awok ang tawag sa
mangkukulam sa timog Leyte. Kilala si Minggay bilang isang mangkukulam kahit sa
ibayo ng Libas, sa limang malalayong mga sitio, isaangalang-ala na hindi karaniwan ang
pinakamalapit na kapitbahay ay dalawa o tatlong burol ang layo, malawak ang kanyang
katanyagan. Nakatira si Minggay sa maliit at mababang kubo sa likod ng sapa na
naghihiwalay sa baryo ng Libas at Sinit-an. Ito ay para bang nakatingkayad na basang
inahin sa matarik na dalisdis at sa ibaba nito, mga anim o pitong kilometro ang layo,
dalawang daanan ang magkahiwalay, isa patungong Libas at ang isa ay pa-Mahangin,
isang bundok na sitio. Ang kubo ay delikadong nakasandal sa gilid ng sapa kung saan
ang mga malalaking piraso ng lupa ay kinakain ng tubig sa tuwing tag-ulan. Mayroon
itong dalawang maliit na puwang, isang maliit na pinto na kung saan si Minggay ay
malamang na ginagamit ito upang makapasok, at isang bintana na may dalawang
talampakang parisukat na nakaharap sa sapa. Ang bintana ay tinakpan ng isang nisnis
na sako ng dyut na tahimik na wumawagayway kahit sa araw.

Walang nakakaalam kung anong mayroon sa loob ng kanyang kubo. Ipinagmamalaki ng


isang matapang na lalaki na nakapasok na siya sa loob noong nagtungo si Minggay sa
gulod ng burol malapit rito, nakita niya ang maruruming mga bote na nakabitin sa mga
patpat ng kawayan sa pang-atip na kugon. Ang ilan sa mga bote ay naglalaman ng mga
alakdan, alupihan, salagubang, bubuyog at iba pang mga insekto; ang iba ay napupuno
ng kulay-abo na pulbos at maitim na likido. Ang mga boteng ito ay may laman na
sangkap para sa kanyang pangkukulam. May dalawa o tatlong maliliit na bote na laging
nakasabit sa kanyang paha na mayroong mga bakal na susi, kahit na siya’y magpunta
sa sapa upang maglinis o manghuli ng mga hipon, o kumuha sa sariwang tubig ng mga
kabibi, o kahit sa pagtulog.

Sinasabi na ang mga nakagawa sa kanya ng kasalanan ay hindi nakaligtas sa kanyang


paghihiganti, sa anyo ng mga nagnananang karbunkul, mga talamak na sakit na sanhi
ng pagtuyo ng mga balat, o isang sakit sa ilong na sa huli ay kinakain ang mismong
ilong. Gamit ang isang inkantasyon na siya lamang ang nakakaalam, kumukuha si
Minggay ng isang insekto sa bote, binababad ito sa may kulay na likido at pinapagulong
sa pulbo, at isang sumpa ang pupunta sa katawan ng kanyang biktima; maaaring alisin
ang insekto at ang sakit ngunit bihira lamang ito sa pamamagitan ng masalimuot na
ritwal ng isang mahal na tambalan.

Kaya nga kinakatakutan si Minggay sa Libas at sa mga nakapaligid na baryo. Nagkaroon


ng mga pangtatangkang pagpatay kay Minggay ngunit sa ilang mga mahiwagang
paraan ay lagi siyang na liligtas dito. Isang lalaki ang nag-sunog sa kanyang kubo ng
isang gabi, kasama siyang susunugin dito. Mabilis na nasunog ang kubo, ngunit hindi
napahamak si Minggay. Sa ibang okasyon, isang lalaki ang lantaran na naghayag ng
kanyang pagpatay kay Minggay, ipinakita duguang bolo na kanyang ginamit sa
pagsaksak nito; pagkalipas ng isang linggo ay nakita siyang iika-ikang naglilinis. Ang
lalaking ito ay naniniwalang si Minggay ang dahilan ng pantal na dala ng kanyang nag-
iisang anak sa mahigit isang taon. Isang araw, pagtuloy ng kuwento, nakasalubong ni
Minggay ang asawa nito, hiniling na mahawakan ang kanyang anak. Ayaw niyang
yamutin si Minggay. Nang ibinalik ng mangkukulam ang bata, kanyang sinambit,
“Napakaganda ng kanyang balat.” Pagkalipas ng ilang araw, ang batang lalaki ay
nagkaroon ng mga singaw sa balat sa kanyang buong katawan na hindi kailanman
umalis sa kanya.

Ang mga kasama lamang ni Minggay ay isang mataba at baog na inahing baboy, at
ilang mga manok, lahat ng mga ito ay kulay uling na itim. Hinahayaan ang inahing
baboy at mga manok na magpagala-gala sa bukiran, at kahit na ay hinuhukay nito ang
mga kamote at ang mga manok ay tinutuka ang mga butil ng palay at mais na pinatuyo
sa araw, hindi ito pinalalayas ng mga kapitbahay dahil natatakot silang pukawin ang
galit ni Minggay.

Maliban sa inahing baboy at mga manok, kilala si Minggay na nagmamay-ari ng


wakwak at sigbin. Sa mga nagsabing nakita na nila ang sigbin, inilarawan nila ito bilang
isang kakaibang hayop na kahawig ng isang kangaroo: ang dalawang binti nito sa harap
ay mas maliit kaysa sa dalawang nasa likod: ang mga tainga nitong gaya ng pamaypay
ay pumapagaspas kapag naglalakad. Ang wakwak ay isang ibon na gising lamang sa
gabi, sing-laki at sing-itim ng uwak. Nagbibigay ito ng maragalgal na iyak kapag may
namatay sa kapitbahayan. Ang ibon ay tagapagmensahe ni Minggay, at ang sigbin ang
nagdadala sakanya sa libingan; pagkatapos ay hinuhukay ito ng mangkukulam at
kinakain. Noong mga panahong napa-dako ako sa kubo at nakikita ang kanyang payat
na inahing baboy at ang kanyang mga itim na manok, napapaisip ako kung sila ba’y
nagbabagong-anyo sa mga kamangha-manghang nilalang sa gabi. Kahit sa umaga ay
kinatatakutan kong makasalubong siya at bigla akong batiin sa daan malapit sa
kanyang kubo, may masabi tungkol sa aking mukha o sa anumang parte nito, at
pagkatapos ay maaaring magkaroon ako ng bingot, lubog na ilong, o maging duling.
Pero di ko pa nakikita si Minggay sa kanyang bahay o malapit dito. Minsan ay
napapaisip ako kung isa lamang siyang alamat, isang pangalan upang takutin ang mga
bata mula sa paggawa ng kalokohan. Ngunit halos lagi kong nakikit ang kanyang
inahing baboy na binubungkal ang puno ng saging o padapa dapa malapit sa daanan sa
kanyang kubo at ang mga itim niyang manok na kinakayod ang mga uod o tinutuka ang
mga butil sa kanyang bakuran, at ang mangkukulam ay napaka-totoong talaga.

Isang beses nautusan akong pumunta ng Libas dala ang gamot para sa asawa ni Tio
Sabelo na may sakit. Nagpunta ako sa bayan ng paglipas ng kalahati ng alasingko at sa
oras na nakita ko ang puno ng balete sa kabila ng sapa mula sa kubo ni Minggay, halos
hindi ko na nakikita ang dinaanan ko. Ang balete ay tinatawag na puno ni Minggay
dahil kilala siyang umuupo sa isa sa mga nakapilipit na mga baging na bumubuo sa
kakaibang puno upang mahintay sa mga dadaan. Ang balete napupuno ng mga
kasindak-sindak na anino; alitaptap na lumilitaw sa gitna ng mga baging ay isang
natanggal na kakila-kilabot na mata hinahanap ang saket nito. Gusto kong tumakbo
pabalik, ngunit kailangan kong maibigay ang gamot sa asawa ni Tio Sabelo nang gabing
‘yon. Gusto kong dumaan sa makakapal na palumpong patungo sa tuyo na bahagi ng
sapa upang makaiwas sa balete, ngunit takot ako sa ahas. Hindi ko na tinuloy ang ideya
na gamitin ang sulo gawa sa dahon ng niyog dahil mapupukaw ng liwanag ang
atensyon ng mangkukulam, at makikita niyang isa lamang itong batang lalake…
Pampalakas ng loob, sinubukan kong sumipol nang nilampasan ko ang anino ng balete,
ang mga nakalawit nitong baging ay parang mabubuhok na braso na handang iangat
ako at sakalin ako kasama ng mga sanga.

Pagusbong sa mabatong kama ng sapa, nakita ko ang kubo ni Minggay. Ang takip ng
bintana ay wumawagayway sa mahinang ilaw ng kwarto, at para bang nakita ko ang
aninag ng mangkukulam. Nang sinimulan kong umaykat patungo sa kubo, nag bawat
galaw ng kumpol at anino ay isang pasukot-sukot na matandang babae. Narinig ko ang
mga kuwento ng mga pagtatangka ni Minggay na harangin ang mga manlalakbay sa
dilim at sipsipin at dugo nito. Tumakbo ako sa burol habang nakasara ang aking mga
mata dalawampung yarda mula sa kubo ng mangkukulam. Natisod ako sa iang
mababang tuod ilang metro ang layo sa kubo. Agad agad akong tumayo at tumakbo
muli. Pagod at nanginginig akong nakarating sa bahay ni Tio Sabelo.

Kahit papaano, napahina ang takot sa balete at sa kubo ng mangkukulam, kahit na lagi
akong kinikilabutan kapag ako ay dumadaan sa kanila pagkaraan ng dapit-hapon. Isang
gabi sa maliwanag na buwan, may narinig akong tunog ng wisik ng tubig sa ilalim ng
kubo ni Minggay noong ako’y papauwi. Akala ko ang tunog ay gawa ng mangkukulam
dahil nakikita siyang naliligo sa gabi sa sapa, ang kanyang buhaghag na buhok ay
nakabagsak sa kanyang mukha. Hindi ‘to si Minggay. Isa itong malaking hayop. Patakbo
na ako nang bigla kong naisip na baka ito ang sigbin ng mangkukulam, pero noong
ako’y tumingin ulit, nakita ko na isa itong kalabaw na lumulublob sa sapa.

Isang araw, naisip kong maguwi ng mga hipon para sa kay nanay, kaya nama’y
pumunta ako sa sapa mga isang daang yarda ang layo sa bahay ni Tio Sabelo. Dala ko
ang pana ng aking pinsan, gawa sa mahabang bakal na baton matulis sa dulo at may
hawi sa kabila at kinuha sa pamamagitan ng guwang ng kawayan pinagsamang ang laki
ng isang daliri sa pamamagitan ng isang goma na naka-kabit sa isang dulo ng
magkadugtong na. Pagkatapos kong maghintay ng dalawang oras sa sapa na may
tatlong hipon lamang na lumulundag-lundag sa dahon ng niyog na nakasabit sa aking
sinturon, napunta ako kung saan may isang matandang babae na naliligo sa lilim ng
puno ng katmon. Isang kulay-kape na tapis ang nakabalot sakanya sa tatlong daliri
lapad sa itaas ng kanyang manipis na dibdib. Ang kanyang nasa kaliwa ay isang
malawak na malaking bato kung saan nakalagay ang kanyang palanggana na yari sa
kahoy na basa at hindi ba nalalabhan na mga damit.

Sa harap niya ay mayroong nakatumpok na mga bato na ang nasa ibabaw ay isang bato
na singsukat ng isang pinggan; may nakalagay dito na kimpal na pira-piraso ng karne ng
niyog, isang maliit na kupas na palanggana, iilang balat ng lemon, at mga piraso ng
dinurog na balat ng gogo. Binababad ng babae sa bula ng gogo ang kanyang buhaghag
na kulay-abong buhok. Tiyak na nakita niya na ‘kong dumating dahil hindi siya nagulat.

Nakatingin sa tatlo kong nahuli na maliliit na hipon sa aking tabi, sinabi niya, “Ang onti
ng huli mo.”

Mukha siyang mabait. Singtanda niya siguro ang aking lola, mas maliit ng dalawa o
tatlong pulgada ang matandang babae. Kagulat-gulat na mukhang bata ang kanyang
mga mata, pero ang kanyang labi na manipis na linya sa ibabaw ng maliit na baba ay
para bang nakaranas ng maraming mapait na taon.

“Bakit hindi mo sila paalisin sa kanilang taguan? Kunin mo ang ilan sa mga ito.”
Binigyan niya ko ng pira-pirasong karne ng niyog na ang katas nito’y piniga na at ng
gogo na ginamit niya sa kanyang buhok.

Nagbigay siya ng matamis na amoy ng kahoy ng gogo at ng katas ng mga lemon.


“Lampas sa unang liko,” sabi niya habang tumuturo, “kalmado ang tubig. Ikalat mo ang
karne ng niyog. Doon ako kumukuha ng mga hipon. May makikita kang mga patibong.
Pag may nakita kang mga hipon, sa iyo na iyon.”
Nagpasalamat ako at dumako sa tinutukoy niyang lugar. Ang parte ng sapang iyon ay
parang maliit na ilog. Sa isang gilid, may nakahilerang malalaking bato na nagpapakita
ng malalim na bitak kung saan tumatagos ang mga ugat ng puno ng dapdap. Sa
kabilang gilid ay mabuhangin, may mga kawayan at puno ng katmon ang nakatabingi,
ang mga ugat nito ay nakakapit sa tubig. Mayroon itong mabuting lilim at ang hangin
ay may lamig ng takip-silim. Ang tubig ay mababaw kaysa sa mabatong gilid na malalim
at madilim.

Kinalat ko ang karne ng niyog sa paligid at hindi nagtagal, ang mga hipon ay gumapang
sa ilalim ng mga kawayan at ugat ng katmon hanggang sa siwang ng mga malalaking
bato. Hindi ako inabot ng isang oras kumuha ng mauga, ung iba ay mabuhok at
matanda, ung iba mabibigay at may mga itlog, at tuldok tuldok na kulay-dahon sa
hipon.

Nakita ko ang tatlong patibong na gawa sa balat ng habi ng kawayan, nakaikot at


dalawang talampakan ang haba, nakatago sa likod ng ugat ng katmon. Hindi ko na ito
ginalaw dahil mayroon na akong sapat na hipon para sa akin.

“Hindi, hindi, bata. Kakailanganin ito ng nanay mo. Hindi pa ‘yan sapat. Mayroon
naman akong sariwang alimasag sa bahay.” Tumingin siya sa akin gamit ang kanyang
kakaibang mukhang batang mga mata at tinanong, “mayroon ka pa bang nanay?”

Sinabi ko na mayroon ako, pati na rin isang lola.

“Hindi ka taga-Libas, sa tingin ko. Ngayon pa lang kita nakita.”

Sinabi ko na galing ako sa bayan at ang tio ko ang punong-guro ng paaralang baryo ng
Libas.

“Naaalala ko ang anak kong lalake sa’yo noong siyang nasa edaran mo. Gaya mo,
mayroon siyang maliwanag na mga mata at ang kanyang boses ay kasingbaba ng iyo.
Sa tingin ko’y isa kang mabuting lalake.”

“Nasaan na po ang anak mo ngayon?”

“Wala na ‘kong balita sakanya simula noong umalis siya noong siya’y labing-pitong
taong gulang. Umalis siya dahil sa galit, dahil ayaw kong magpakasal siya sa murang
edad. Hindi ko alam kung saan siya pumunta, kung nasaan siya ngayon.”

Nilatag niya ang kimona sa tubig para sa huling banlaw. Ang laman na nakalawit sa
kanyang payat na mga braso ay nakalaylay at malambot.
“Kung siya’y buhay pa,” tuloy niya, “singtanda niya na siguro ang iyong tatay.
Maraming beses nararamdaman ko sa aking mga buto na siya’y buhay at babalik siya
bago ako mamatay.”

“Buhay pa po ang iyong asawa?”

“Matagal na ang lumipas noong siya’y namatay, ang anak ko’y labing-isa.”

Piniga niya ang kimona na parang tali para lumabas ang tubig.

“Mabuti nang namatay siya ng maaga. Napakalupit niya.”

Tumingin ako sakanya, sa manipis na bibig, nagtataka tungkol sa kalupitan ng kanyang


asawa, nabalisa sa pagsambit niya rito.

“May ka po bang ibang anak?”

“Gusto ko sana. Para hindi ako nabubuhay mag-isa.”

Sa babaeng nasa edad niya, sa tingin ko, dapat na namumuhay bilang isang lola at
nakatira kasama ang maraming bata.

“Saan ka po nakatira?”

Hindi siya nagsalita, ngunit ang kanyang mga kakaibang mata ay nanunuri at mukhang
nangilabot ang mukha ng matandang babae. “Hindi malayo rito--sa kubo sa ibayo ng
balete.”

Nakita niya siguro ang takot na biglang lumitaw sa aking mukha, nang dahil sa akala
ko’y tumingin siya sa akin ng kakaiba.

“Aalis na po ako,” sambit ko.

Naramdaman ko ang pagsunod ng kanyang mga mata sa akin; talaga ngang para itong
nagbubukas ng mainit na butas sa pagitan ng aking mga balikat. Hindi ako tumingin
pabalik. H’wag kang tumakbo, sabi ko sa sarili ko. Ngunit pagliko ko sa sapa, nung sa
tingin ko’y di niya na ko nakikita, tumakbo ako. Pagkatapos ng sandali ay tumigil ako,
nakaramdam ng pagkahangal. Ang ganoong kaawa-awang maliit na matandang babae
ay hindi si Minggay, hindi maaaring mangkukulam. Naaalala ko ang mabait niyang
boses at amoy niyang kahoy. Maaari siyang maging aking lola.
Habang naglalakad ako, ang mga hipon ay sumasaga sa gilid ng aking binti. Tinanggal
ko ito sa aking sinturon at tumingin dito. Maliban sa tatlong maliliit, ang lahat ng ito ay
galing sa matandang babae. Ang karne ng niyog ay mapanukso sa pamamagitan ng
mahika upang sila’y lumabas sa kanilang taguan. Ang malalaking mata ng pinakamalaki
na buhay pa, ay para bang nakatitig sa akin--at pagkatapos ay biglang naging mata ng
mangkukulam. Itinapon ko pabalik ang mga hipon sa sapa ng may galit.

Mga Madalas Na Katanungan


Paano gumagana ang utak?

Ang utak natin ay kung ano gumagawa sa atin bilang tao. Ang masikot na pangkat ng
mga neurons at mga kemikal ang nagbubukod sa atin sa iba pang mga hayop. Ang utak natin
ang namamahala sa lahat ng aktibidad ng ating katawan, mula sa pagtulog, pagkain, at sa araw
araw na gawain pati sa pag-aaral at mga ala-ala. Ang mga siyentipiko ngayon ay naiisip na
pinamamahalaan na rin ng utak kung paano tayo tumugon sa gamot. Ang pangunahing
nagtratrabahong yunit sa utak ay ang neuron. Ang neuron ay nagdadala ng impormasyon sa at
galing sa utak, tulad ng isang wire na nagdadala at electric circuit. Ang mga neuron ang
naguudyok nga neurotransmitters ng utak, ang mga mensaheng kemikal ng utak. Ang
koneksyon sa pagitan ng mga neuron at ng mga reseptor ay tinatawag na mga sinapse. Ang
impormasyon ay naproproseso sa pamamagitan ng mga sinapse. Ang isang tumpak na balanse
nbg kemikal at interaksyon nagbibigay-daan sa synaptic transmisyon at kinakailangan upang
lubos na magamit ang mga pandama —kung paano nahihiwatigan ng utak ang ating nakikita,
naririnig, naaamoy, nalalasahan at nahahawakan. Ang isang abnormal na pagbabago ng anumang uri
(pinsala sa utak, bayrus, reaksyon sa droga, alterasyon ng mga mga kromosoma) ay maaaring maging
sanhi ng isang na maghalusinasyon, na magkaroon ng mga delusyon, o pakiramdam ng paniwala o
pagkaramdam ng sobrang tuwa. Para sa isang komprehensibong pangkalahatang-ideya, basahin ang
Brain Facts. I-download ang buklet na ito mula sa website ng Society for Neuroscience Internet sa
http://web.sfn.org.

Paano gumagana ang gamot?

Ang mga pag-andar ng utak kinokontrol ng isang komplikadong sistema ng mga


neurochemicals, na hindi lamang nakaiimpluwensya ng ating pagiisip, kundi pati na rin sa ating
pakiramdam. Ang saykayatrikong paggamot ang bumabalanse sa mga epekto ng mga neurochemical
upang mas maging mabuti ang ating nararamdaman at mas malinaw ang pag-iisip. Maaaring
mangailangan ng gamot upang maibalik ang kalusugan. Tandaan: Ang mga pasyente na nagsisimulang
makaramdam ng mas masama sa iniresetang gamot ay na tumawag sa kanilang tagapagbigay ng
pangangalagang pangkalusugan, na maaaring magreseta ng ibang gamot o ayusin ang iniresetang dosis.

Paano gumagana ang psychotherapy?

Kahit na ang karamihan sa atin ay iniisip ang psychotherapy bilang “pakikipag-usap tungkol sa
ating mga problema,” talagang nasasangkot dito ang pagkatuto at pagtatatag ng mga bagong huwaran
ng pag-uugali. Ang proseso ay gumagana tulad nito: Ang mga nerbong sinapse (nerve “firing”) ay hindi
lamang nangangailangan ng mga espesipikong kemikal, ang bawat sinapse ay lumilikha ng
electromagnetic “pathway” na maaaring paulit-ulit. Ang hindi pabagu-bagong paggamit ng pathway ay
hina-hardwire ng utak. Mula sa kapanganakan, ang ating mga utak ay nililinang ang mga kahanga-
hangang aksyon, halimbawa, kailangan nating matuto maglakad at makipag-usap hanggang sa
awtomatiko ang mga aksyon na ito. Kaya ito ay “cognitive” o mga punsyon ng “pag-iisip”. Kung paano
natin iniisip ang isang sitwasyon ay tumutukoy kung paano tayo kikilos. Halimbawa, ang paggaling ay
nakadepende hindi lamang sa pamamahala ng mga sintomas na may gamot, kundi pati na rin sa
pakikiayon ng mga tugon sa mga espesipikong sitwasyon sa buhay. Tulad ng pagwawasto ng paghagis
ng isang manlalaro ng softball, ang terapewtika ang gumagawa ng banayad na pagbabago upang
humusay ang paggana.

Namamana ba ang diperensya sa utak?


Ang ilang mga katangian, tulad ng kulay ng mata, ay namamana. Sa kadahilanan na ito, ang
baryasyon sa istraktura ng utak at kimika ay maaaring maapektuhan ang ilang mga tao na bumuo ng
schizophrenia, mood disorder, personality disorder, pagkabalisa o alkoholismo. Ang mga siyentipiko ay
nakakakuha ng higit na kaalaman tungkol sa papel ng mga gene sa sakit sa isip. Sinasabi ng pananaliksik
na kapag at kung saan sa utak ang isang gene "pumukaw" habang lumalaki ay maaaring makaapekto sa
pagpapaunlad ng sakit sa isip (NIMH). Kahit na nailahad ng mga siyentipiko ang mga sanhi ng henetiko
sa mga karamdaman na ito at iba pa, itinuturo din nila na ang mga sakit sa isip ay madalas na resulta
hindi lamang ng genetika, kundi pati na rin ng mga bagay sa kapaligiran at panlipunan. Ang
Posttraumatic Stress Disorder
(PTSD) ang madalas na konektado sa mga stressor sa kapaligiran. Ang stress sa kapaligiran ay may
kinalaman din sa papel ng pagtubo ng pagkabalisa at depresyon. Habang ang mga mananaliksik ay
patuloy na sinisiwalat ang mga sikreto ng papel na ginagampanan ng mga gene sa mga sakit sa kaisipan,
pinupuna rin nila ang henetikong abnormalities ay isang sanhi na maaaring umambag sa pagsisimula ng
sakit sa isip.

Ang mga diperensya ba sa utak ay may kaugnayan sa kasarian?

Iminumungkahi ng ilang mananaliksik na ang pagkakaiba sa kasarian sa diagnosis ng sa sakit sa


kaisipan ay may kaugnayan sa stigma na naguugnay sa ilang mga karamdamam at pati na rin sa mga
pagkakaiba sa kultura. Ang panitikang pananaliksik sa mga sakit sa isip ay nagpapahiwatig na ang mga
panlipunang stress at tungkulin ng mga babae ay nag-aambag sa mas maraming kaso ng diagnosis ng
depressive disorder sa kababaihan. Ang depresyon sa kababaihan ay nag-uugnay sa parehong
pisyolohikal at sosyal na kadahilanan na kasama ang impluwensya ng reproductive hormone, pati na rin
ang kahirapan at karahasan sa tahanan. (NIMH) Ang kasalukuyang statistiko ay nagpapa-hiwatig na ang
mga lalaki ay mas may posibilidad na masurian ng autism at ADHD. Ang kababaihan ay mas may
posibilidad na magdebelop ng diperesenya sa pagkain, PTSD at despresyon.

Gumagaling ba ang mga tao mula sa diperensya sa utak?


Kung ang mga taong may diyabetis ay magkakaroon ng normal na buhay, ang taong may
talamak na diperensya sa utak ay maaaring mapamahalaan ang mga sintomas ng sakit at tamasahin ang
buhay. Ang mga rate ng pag-galing sa pagka-balisa at diperensya sa pagkain ay mataas. Sa mga bagong
gamot, 80 porsiyento ang mga taong mayroong medyor na depresyon at 60 porsiyento ang taong
mayroong schizophrenia, ay manunumbalik ang makabuluhang pamumuhay.

Paano ako gagaling?

Alamin ng maigi ang iyong karamdaman. Lumahok sa isang sumusuportang grupo, gaya ng
National Alliance for the Mentally Ill (NAMI). I-ehersisyo ang iyong mga karapatan sa pangangalagang
pangkalusugan. Gumawa ng pagbabago sa estilo ng buhay: ehersisyo, sapat na tulog at masustansyang
diyeta ay mahalaga upang mapabuti ang iyong kalidad ng buhay.

Saan ako hihingi ng tulong?

You might also like