Professional Documents
Culture Documents
Ang Akademikong Sulatin
Ang Akademikong Sulatin
Abstrak
Layunin nitong maipakita ang maikling paglalahad ng kabuoan ng isang pag-aaral. Karaniwang gamit sa
pagsulat ng akademikong papel na kalimitan ding inilalagay sa mga tesis, pananaliksik, mga pormal na
papel siyentipiko, at mga teknikal na papel, mga lektyur, at pati sa mga report. Sinusunod ng sulatin na
ito ang siyentipikong pamamaraan ng paglalahad ng mga nilalaman at datos nito.
Sintesis/ buod
Naglalayon na mabigyan ng pinaikling bersyon o buod ang mga teksto na maaaring pinanood,
napakinggan, o nakasulat na akdang tuluyan o prosa. Ginagamit ito upang ipabatid sa mga mambabasa
ang kabuoang nilalaman ng teksto sa maikling pamamaraan. Kalimitang ginagamit sa mga tekstong
naratibo. Naglalaman ng mahahalagang ideya at mga sumusupotang ideya at datos.
Bionote
Layunin nitong magbigay makatotohanang impormasyon ng isang indibidwal ukol sa mga nakamit at
nagawa bilang isang propesyunal sa napiling larangan. Ginagamit ito talaan tungkol sa kwalipikasyon at
kredibilidad ng isang taong panauhin sa isang kaganapan o kaya’y manunulat ng aklat. Maikling
deskripyon sa mga pagkakakilanlan ng isang manunulat na matatagpuan sa likod na pabalat ng aklat o
impormasyon ukol sa guest speaker.
sa proyektong nais ipatupad na naglalayong mabigyan ng resolba ang mga suliranin. Ito ay ginagamit sa
gabay sa pagpaplano at pagsasagawa nito para sa isang establisyemento o institusyon. Katangian nitong
ipakita ang kabuoang detalye sa gagawing proyekto tulad, badyet, proponent, deskripyon at bunga ng
proyekto.
Talumpati
Katitikan ng pulong
Layunin na magtala o irekord ang mga mahahalagang puntong nailahad, diskusyon at desisyon ng mga
dumalo sa isang pagpupulong. Ginagamit ito upang ipaalam sa mga kasangkot ang mga nangyari sa
pulong at magsilbing gabay upang matandaan ang mga detalye ng pinag-usapan. Katangian nitong
pagtibayin ang nilalaman ng mga usapin sa pulong sa pamamagitan ng mga lagda ng dumalo.
Posisyong papel
Layunin ng sulatin na ito na maipaglaban kung ano ang alam na katotohanan. Ito ay nagtatakwil ng
kamalian o mga kasinungalingang impormasyon. Karaniwang ginagamit ang sulatin na ito sa akademya,
politikal at batas Ito ay pormal at organisadong isinusulat ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
Replekti-bong sanaysay
Isang uri ng sanaysay na naglalayong magbabalik tanaw ang may akda at nang may pagninilay. Isang
sulatin na kinapapalooban ng mga reaksyon, damdamin at ng mga opinion ng may akda sa isang
pangyayari. Ang sanaysay na ito ay masining at malikhain ang pagkakasulat ukol sa isang kaganapan.
Agenda
Ang layunin nito ay ang ipabatid ang paksa na tatalakayin sa pagpupulong at para na rin sa kaayusan at
organisadong pagpupulong. Ito ay ginagamit sa mga pulong upang ipakita ang inaasahang paksa at
usaping tatalakayin. Isang maikling sulatin na nagpapabatid ng lalamanin ng pulong
Layunin nito ng makabuluhang at oraganisadong pagpapahayag sa mga litrato. Ginagamit ang litrato
upang magbigay ng kulay at kahulugan sa paglalahad ng isang usapin o isyu. Mas maraming litrato ang
laman ng sanaysay kaysa sa mga salita. Binubuo ng may 3-5 na pangungusap ang paliwanag sa bawat
litrato.
Lakbay-sanaysay
2. Kompleks- Paglalaan ng masusing pananaliksik at pagtuklas nang mas maging malawak ang kaalaman
at mga bokabularyo.
3. May malinaw na layunin – Ipinapakita ang mahusay at maayos na paglalahad ng kaisipan upang
maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa
4. May malinaw na pananaw –Naisasakatuparan ang mensaheng nais maunawaan ng mga mambabasa.
5. May pokus – Iwasan ang pagbibigay ng mga paksa na taliwas sa pangunahing paksa at pagbibigay ng
mga impormasyon na walang kinalaman sa paksa.
8. Responsible- Ang may akda ng sulatin ay dumaan sa tamang proseso ng pagsulat upang mas
mabigyang pansin ang nilalaman at pagbibigay pagkilala sa mga sanggunian na pinagkunan ng facts at
mahahalagang detalye.
9. Tumpak- Ang mga impormasyong nakalap ay nakabatay sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
10. Wasto- maingat na pagpuna ng manunulat sa wastong gamit ng mga salita, gramatika at mga bantas
na nasa sulatin.
AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang akademikong sulatin ay uri ng pagsulat ng mga Papel na Akademiko gamit ang intelektwal na
pamamaraan sa pagsulat, pagpoproseso at paglalathala. Layunin nitong mapataas ang kalamaan at
mapalawak ang kaisipan ng manunulat ukol sa iba’t ibang paksa at larang. Ang mga sulating ito ay
ginagamit sa akademya upang makapagpahayag ng impormasyon, edukasyon at saloobin na pinagtitibay
ng mga katiwatiwalang sangguniang materyal mula sa mga luma at bagong pananaliksik. Ayon kay Karen
Gocsik (2014), isa sa mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat ay nararapat itong maglahad ng
importanteng argumento na naglalaman ng obhetibo, may paninindigan at pananagutan na higit na
makatutulong na maihayag ng mas malinaw ang nilalaman ng paksa.
Bukod sa akademya kung saan ginagamit ang iba’t ibang akademikong sulatin, itinuturing din itong isang
paghahanda na magagamit sa trabahong papasukin ng mga mag-aaral sa hinaharap na aangkop sa
napiling larang.
a. Paghahambing at Pagkokontrast
c. Paglalarawan ng proseso,
d. Paghihinuha at paghula,
k. Pagbibigay depinisyon at