Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WIKA’Y PANGALAGAHAN PARA SA

MAGANDANG KOMUNIKASYON
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan, ito ay ginagamit na paraan upang maipaabot
ang kaisipan at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Ito ay paraan
ng mga tao sa isang bansa upang magkaroon tayo ng pagkakaintindihan sa anumang ating
sinasambit at sinusulat Ang wika ba ay mahalaga? Ang wika ay mahalaga dahil ito ang
ginagamit na instrumento ng isang tao para sa mabisang pakikipagtalastasan, mabuting
pakikipagkapwa tao at kapayapaan sa isang bansa.
Ang wika ang pinakaangkop na paraan o instrumento sa mabisang pakikipagtalastasan dahil
ang wika ang nagbibigay buhay sa isang talastasan, at kung wala ang wika walang silbi o walang
buhay ang isang pakikipagusap dahil sa hindi nagkakaintindihan ang mga nagtatalastasan.
Mabisa rin ang wika sa pagkakaroon ng mabuting pakikipagkapwa tao dahil sa pagbibigay nito
ng kahulugan sa mga salita na lumalabas sa ating bibig na nagbubunga ng pagkakaroon ng
pagkakaintindihan at magandang komunikasyon sa isa’t-isa lalong-lalo na kapag ang isang tao ay
pumunta sa isang bansa na hindi niya kinalakihan, magagamit niya ang wika upang
makisalamuha sa ibang taong hindi niya pa kilala na pwede niyang maging isang kaibigan. Ang
wika rin ang isang dahilan sa pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa o sa buong mundo pa
man. Dahil ang wika nagsisilbing daan tungo sa magandang komunikasyon na nagdudulot ng
magandang samahan at pagkakalapit-lapit sa ibang bansa at sa buong mundo. Ito ang
nagsisilbing tulay sa magandang komunikasyon na ginagamit ng tao upang matamasa ang
kapayapaan na ating hinahangad.
Masayang mabuhay sa mundo sapagkat lahat ng tao ay nagkakaintindihan dahil sa tulong ng
ating wika. Ngunit marami parin tayong nababalitaan na hindi maganda sa ating lipunan dahil sa
hindi pagkakasunduan at malabong pag-uusap ng ating mga kapwa tao. Kaya ngayon palang
dapat maslalo pa nating pagtibayin ang ating wika upang magkaroon tayo ng magandang
relasyon sa ating mga kappa tao.

You might also like