Modyul 2-Filipino 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MODYUL 2

FILIPINO 3
YUNIT I- Aralin 3, 4

PAGBASA: Sa Aming Lalawigan (tula)

WIKA: Kailanan ng Pangngalan


Kasarian ng Pangngalan

BILANG NG ARAW NG PAGASASAGAWA: 2 araw


MGA LAYUNIN:

 Natutukoy kung tama o mali ang mga pahayag sa binasang tula;


 Naibibigay ang kasalungat ng salita sa batay sa pagkakagamit;
 Nakikilala ang katangian o ugali ng tauhan batay sa sinabi o ginawa;
 Natutukoy ang kailanan at kasarian ng pangngalan;
 Nagagamit ng wasto ang kailanan at kasarian ng pangngalan.

PANUTO SA MAG-AARAL:

Sa araling ito ay babasahin mo ang isang maikling tula tungkol sa karanasan ng


buhay sa probinsya. Habang binabasa mo ang tula, ay magandang balikan mo ang
iyong masayang karanasan sa probinsya at ang pananabik mong
makapagbakasyong muli.

Gawin nang buong husay ang mga pagsasanay tungkol sa kailanan at kasarian ng
pangngalan.

Kung may katanungan o paglilinaw , ay maaaring tumawag sa oras na


inilaan ng inyong guro sa Filipino 3.

PAGBASA-

Sa Aming Lalawigan

Sariwang hangin, mga puno, at kabukiran,


Magagandang tanawin sa lalawigan,

Ito ang mga yamang wala sa kalunsuran,

Tanging sa nayon lamang matatagpuan.

Nasasabik na akong muling balikan,

Ang batis at ilog na aming paliguan.

Saka sa gubat na laging puntahan,

Doon kami naglalaro, nagtataguan.

Sa hapon si Lolo kami ay sasamahan,

Para sa isang masayang kwentuhan,

Habang si Lola mag-aaya ng awitan,

Matapos maluto masarap na ginataan.

PAGSASANAY 1: Bilugan sa loob ng pangungusap ang kasalungat ng


salitang nasa kahon.

sasamahan 1. Hindi kita iiwan hanggang sa magkita kayo ng


iyong ina.
masaya
2. Malungkot si Aida dahil namatay ang kanyang aso.

lagi 3. Dahil matanda na ay minsan na lamang siyang

mamasyal sa parke.

sariwa 4. Ang mga tindang isda ni Aling Sonia ay bilasa na.

maganda 5. Pangit tingnan ang kapaligirang puno ng basura.

PAGSASANAY 2: Isulat ang tama kung ang sumusunod na


pahayag ay nangyari sa tula at mali naman
kung hindi.

____________6. Sa swimming pool kami madalas maligo.

____________7. Sasamahan kami ni kuya para magkwentuhan.

____________8. Magaganda ang tanawin sa lalawigan.

____________9.Si Lola ay nag-aya ng awitan.

___________10. Masarap na ginatan ang kanilang meryenda.

PAGSASANAY 3: Piliin sa kahon ang ugali/katangian ng tauhan


batay sa kaniyang kilos o pahayag. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.

masunurin magalang maaalalahanin


mapagkumbaba masipag

_______________1. “Lolo, huwag ninyong kalimutang inumin ang


inyong gamot at lagi kayong kakain sa tamang
oras”.

_______________2. “Lola, ako na po ang kukuha ng pagkain para sa


inyo.”
_______________3. Pagsasabi ng po at opo sa mga nakatatanda.

_______________4. “Opo, gagawin ko na po ang iniuutos ninyo”.

______________ 5. “Hayaan mo, simula ngayon magbabago na


ako”.

KARAGDAGANG PAGSASANAY :

Basahin at sagutan sa iyong aklat :

-p.38-40 - pagsasanay 1, 2, 3,

-p. 42-43 - pagsasanay 8

-p. 46 - pagsasanay 13

WIKA

-basahin ang pahina 48-49

KAILANAN NG PANGNGALAN

Isahan- iisang pangngalan ang pinag-uusapan.

Halimbawa: isang guro

Si Vhong

Ang ina

Dalawahan – dalawang pangngalan ang pinag-uusapan.

Halimbawa: dalawang guro

ang mag-ina

Maramihan – mahigit sa dalawang pangngalan ang pinag-


uusapan.

Halimbawa: ang mga guro

sina Vhong, Billy at Vice.


ang mag-iina

PAGSASANAY 1: Tukuyin ang kailanan ng pangngalang may


salungguhit sa pangungusap. Isulat ang I kung
isahan , D kung dalawahan at M kung maramihan.

_____1. Ang sampung kotse ay pag-aari ni Sherwin.

_____2. Ang magkapatid ay nagbabalak magbaksayon sa Taiwan.

_____3. Laging magkasama sin Jolina, Melai at Pinty.

_____4. Ang mag-ate at masayang kumakain.

_____5. Tanging anak ang batang nailigtas ng mga pulis.

_____6. Tinahi ni Aling Dely ang aking palda.

_____7. Si G. Ferancullo ay isang huwarang ama.

_____8. Ang magkakaibigan at maagang dumating sa Manila.

_____9. Mababango ang nilabhang damit ng magkumare.

_____10. Paborito kong aso si Capuch.

PAGSASANAY 2: Bilugan ang pangngalan /mga pangngalang


tumutugo sa kailanang nasa loob ng panaklong.

(dalawahan) 1. Ang magkalaro ay magkatulong na nagligpit ng


mga laruan.

(isahan) 2. May mga nakakatawang kwento si Lola Bebang.

(maramihan) 3. Ang lalaki ay bumili ng mga prutas sa palengke.

(dalawahan) 4. Sasama sa ating grupo ang magkaibigan.

(isahan) 5. Si Aniel ang pinakamabait sa buong klase.


KARAGDAGANG PAGSASANAY:

Sagutan sa iyong aklat:

p. 49-50 – pagsasanay 15, 16, 17

ANG KASARIAN NG PANGANGALAN

Ang Pangangalan ay may apat na kasarian:

 Panlalaki - ito ay nauukol sa lalaki lamang.

Hal: abogado ,ama, doktor, ginoo

 Pambabae - nauukol sa babae lamang.

Hal: abogada, ,nanay,ninang

 Di-tiyak – nauukol sa lalaki at babae.


Hal: kaibigan ,tagapagsalita, pinsan, kalaro

 Walang kasarian – nauukol sa mga bagay at mga


pangngalang walang kasarian.
Hal: ulap, suklay, papel, aklat

PAGSASANAY 3: Tukuyin sa patlang ang kasarian ng Pangangalang nakasulat nang


madiin sa pangungusap. Iguhit ang :
- kung Panlalaki - kung Di-Tiyak

- kung Pambabae - kung Walang Kasarian

______1. Nagluto si Manang Betty ng masarap na Lechong -Paksiw.

______2. Pag -aralan mo ang mga tala sa kwaderno.

______3. Mangangampanya kami para kay Cardo.

______4. Ihulog mo ang perang ito sa bangko.

______5. Isang binatilyo ang tumulong sa matanda.


______6. Dahil sa kumakalat na sakit, ay nanatili na lamang kami sa
aming bahay.

______7. Si Leni Robredo ang Bise -Presidente ng ating bansa.

______8. Darating na sa Lunes ang apo ni Lolo Ben.

______9. May dalang sari-saring paninda si Aling Agnes.

______10. Pinuri ng Ginoong David ang proyekto ni Hanna.

PAGSASANAY 4: Ikahon (□) ang naiiba sa bawat hanay ng mga


pangngalan

11. tatay ninong kuya doktora

12. madre guro tindera kusinera

13. bato palda damit sisiw

14. pari panadero ginoo pusa

15. hangin tubig puno ate

KARAGDAGANG PAGSASANAY:

Sagutan p. 62 – pagsasanay 10, 11, 12, 13

You might also like