Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

I.

Mga Layunin:

Matapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Mesopotamia: Ang


Kabihasnang Assyrian, Ang Kabihasnang Chaldean (Ang Bagong Babylonia) at Ang
Kabihasnang Persian.
b. Naisasagawa ang pangkatang-talakayan patungkol sa mga unang kabihasnan sa
Mesopotamia: Ang Kabihasnang Assyrian, Ang Kabihasnang Chaldean (Bagong
Babylonia) at Ang Kabihasnang Persian.
c. Napapahalagahan ang mahusay na pamumuno mula sa kahanga – hangang liderato ng
mga Assyrian, Chaldean at Persian.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya – Ang mga Assyrian, Ang
Mga Chaldean (Bagong Babylonia) at Ang Mga Persian
B. Kagamitan
a. Pantulong Biswal
- Makukulay na papel - Pastel
- Cartolina/ Manila Paper - Envelop
- Kahon
- Larawan
- Multimedia (TV, Laptop, Speaker)
C. Sanggunian
a. Kasaysayan ng Daigdig: Kasaysayan at kultura mula sa Grado 9(Aralin 5) pp. 46-
48

D. Pagpapahalaga: Ang pagpapahalaga sa mahusay na pamumuno mula sa kahanga-


hangang liderato ng mga Assyrian, Chaldean at Persian.

III. Pamamaraan: Group Dynamics/Integrated Method

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin/Doksolohiya

b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban

B. Balik- Aral

- Ngayong araw na ito ay


magkakaroon tayo ng panibagong
talakayan, ngunit bago tayo dumako
sa ating panibagong talakayan, atin
munang balikan ang ating nakalipas na
aralin.
- Sa nakaraan nating talakayan, ano
nga ba ang ating tinalakay?

- Magaling!
- Ngayon magkakaroon tayo ng isang
- Sir, patungkol po sa Kabihasnang Mesopotamia
aktibidad base sa nakaraan nating
sa Kanlurang Asya.
talakayan upang makita ko kung
talagang may nalaman o naunawaan
nga kayo. Ang aktibidad na ito ay
tatawagin nating “KAHON NG
KATANUNGAN, IBIGAY ANG ANG
KASAGUTAN”
PROSESO NG GAWAIN:

1. Hahatiin ang klase sa tatlong na pangkat.

2. Bawat pangkat ay may limang representante na sasagot sa limang


katanungan.

3. Ang unang miyembro ang magbabasa ng katanungan at kinakailangan na


ipasa niya ito sa ikalawang miyembro, ang ikalawang miyembro ay ipapasa
naman sa ikatlong miyembro, ang ikatlong miyembro ay ipapasa ang
nakuhang tanong sa ikaapat na miyembro at kapag nakuha na ng ikaapat na
miyembro ang katanungan ay ibibigay naman niya ito sa ikalimang
miyembro na siyang sasagot sa katanungan.
4. Hahanapin ng ikalimang miyembro ang tamang sagot sa kahon ng kasagutan
at ididikit ito sa talaan ng kasagutan.
5. Kinakailangan na salitan ang mga miyembro sa paghanap ng sagot at sa
pagdikit sa talaan ng kasagutan.
6. Mayroon lamang limang katanungan ang nakalaan sa bawat pangkat, kung
sino man ang unang matapos ay kinailangang sumigaw ng “WERPA”
7. Ang unang pangkat na matatapos ay makakatanggap ng papremyo.

Gabay na tanong:

1. Dito umusbong ang kauna-unahang


lungsod-estado sa daigdig?
2. Ito ay isang paarkong matabang
lupaing nagsisimula sa Persian gulf
hanggang sa silangang baybayin ng
- Mesopotamia
Mediterranean Sea?
3. Ito ay estruktura na kung saan
nagsisilbing tahanan at templo ng
patron o diyos ng isang lungsod? - Fertile Crescent
4. Ito ang sistema ng pagsulat ng mga
Sumerian?
5. Kilala ito sa prinsipyong Mata sa
mata, Ngipin sa ngipin?
- Anong sa tingin mo ang stratehiya - Ziggurat
na inyong ginawa upang manalo
sa aktibidad na ito?
- Cuneiform

- Code of Hammurabi

- Maraming Salamat.

- Ano ang natutunan mo sa ginawa


nating laro?
- Sir, sa ginawa po naming aktibidad ang
istratehiya na aming ginamit ay ang pagiging
maliksi at pakikinig ng maayos sa nagsasalita
upang makuha mo ang kaniyang nais sabihin.
- Magaling!

- Ako ay natutuwa at nalaman ko na


lubos ninyong naunawaan ang
nakaraan nating talakayan.

- Ngayon bigyan ninyo ang inyong - Sir, ang natutunan ko po sa ginawa nating laro
mga sarili ng “Petmalu Clap”. ay ang mga unang kabihasnan sa Mesopotamia.

C. Pagganyak/Motibasyon
- Ngayong araw na ito ay
magkakaroon tayo ng panibagong
talakayan. Ngunit bago tayo tumungo
sa ating bagong talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng isang laro
na tatawagin nating “PANGKAT KO,
PAMUMUNUAN KO”

PROSES
O NG GAWAIN:

1. Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.


2. Bawat pangkat ay may anim na representante.
3. Ang bawat pangkat ay may isang lider na mamumuno sa
gagawing aktibidad.
4. Ang bawat pangkat ay may tatlong istasyon na magsisilbing daan
upang makuha ang tamang kasagutan.
5. Bawat istasyon ay may dalawang representante.
6. Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat gawin sa bawat istasyon.
7. Ang magwawaging pangkat ay ang makakatanggap ng
papremyo.
Gabay na Tanong:
1. Sa inyong palagay, bakit
matagumpay na naitatag ng Assyria,
Chaldean at Persian ang kanilang
imperyo?
- Ano sa tingin mo ang ginawa ng
iyong mga kagrupo upang manalo sa
ginawa nating aktibidad?

- Dahil ang kanilang mga pinuno ay matalino sa


paggawa ng desisyon, istratehiya at may
kakayahang mamuno ng isang pangkat.

- Magaling! Maraming Salamat.

- Mayroon na ba kayong ideya kung


ano ang tatalakayin natin ngayong
araw na ito?

- Sir, ang nakita ko pong ginawa ng aking mga

ANG MGA ASSYRIAN, ANG MGA


kagrupo upang manalo sa ginawa nating
aktibidad ay kung paano sila magisip ng
stratehiya upang mapabilis ang laro at magwagi
CHALDEAN (Ang Bagong sa ginawa nating aktibidad.

Babylonia)
D. Paglinang na Gawain
a. Paglalahad
at ANG MGA PERSIAN
Talasalitaan:

Asia Minor – ito ang kasalukuyang


Turkey.

Ahura Mazda – diyos ng kabutihan.

Ashur – ang unang kabisera ng


Assyria.

Chaldean – ang bagong Babylonia.

Hanging Garden – kinikilala ng mga


greek bilang isa sa seven wonders of
the world.

Royal Road – kabilang dito ang mga


mangangalakal, opisyal at
tagapaghatid ng balita.

Satrapy – mga lalawigan sa


imperyong persian.
Zoroastrianism – isa itong
paniniwala ukol sa labanan ng mabuti
at masama.

b. Pagtatalakay
- Ang aktibidad na inyong ginawa ay
may kinalaman sa ating bagong
talakayan. Ngayong umaga na ito ang
ating tatalakayin ay patungkol sa mga
Unang Kabihasnan sa Mesopotamia:
Ang Assyria, Ang Chaldean (Ang
Bagong Babylonia) at Ang Mga
Persian.
- Ang Mesopotamia ay nagging tirahan
ng iba’t ibang pangkat ng mga tao
tulad ng Sumerian, Akkadian,
Babylonia, Assyria, Chaldean at
Persian.
- Ngayon araw na ito tatalakayin natin
ang tatlong huling imperyo ng
kabihasnang Mesopotamia: Ang mga
Assyrian, Chaldean (Ang Bagong
Babylonia) at Persian.
- Upang lubos ninyong maunawaan
ang ating bagong talakayan ay
magkakaroon kayo ng isang gawain.

PROSESO NG GAWAIN:

1. Hahatiin ang klase sa apat (4) na pangkat.

2. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng kanya – kanyang gawain.

3. Kinakailangan na ang bawat miyembro ng bawat pangkat ay tutulong sa


gawain.

4. May limang (5) minuto lamang ang nakalaan na oras para sa paggawa ng
presentasyon o gawain.
Siping Gagamitin:

Unang Pangkat: PAG-UULAT


(1813-1781 B.C.E.) ang Ashur, ang unang kabisera ng Assyria. Isang imperyo ang kanyang
ANG MGA ASSYRIAN
itinatatag sa hilaga ng Mesopotamia. Sa pagpanaw (1813-605 B.C.E.) I nagsimulang bumagsak
ni Shamshi-Adad
Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking
ang imperyo habang ang Ashur at ang bahaging hilaga ay naging rehiyon sa hilaga
bukas ng sa Babylon.
pagsalakaySakop
mulangsa
rehiyong
katimugan. Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga HittiteSaat
ito ang hilagang bahagi ng tigris hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
pagtatapos
naabot ngng ika-19 na
puwersa niyasiglo
angB.C.E., napasakamay
baybayin ng sundalong
ng Mediterranean. si Shamshi-Adid
Siya ang itinuturing naI tagapagtatag
ng Imperyong Assyrian.
Sa pagbagsak ng Mitanni, muling lumaya ang Assyria. Nagging-daan ito sa pagkakaisa at
pagsasama-sam ng teritoryo ng Assyria upang makabuo ng isang malawak na imperyo noong
unang milenyo B.C.E. Sa mga panahong ito, maraning pagbabagong political ang naganap sa
rehiyon malapit sa mediterrnean. Sa baybayin malapit sa hilagang Egypt namalagi ang mga
Philistine, habang ang mga Hebrew ay nanirahan sa maburol na bahagi paloob ng lupain. Sa
Mesopotamia, patuloy na naglaban ang mga tribo ng Armean at Chaldean sa layong
mapasailalim ang Babylonia. Samantala, matatag naming kinontrol ng mga Assyrian ang
kanilang lupain. Sa pagtuntong ng ikasiyam na siglo B.C.E. nagpadala ng ekspidisyong militar
ang pinuno ng Assyria upang mapasakamay ang mga mahahalagang rutang pangkalakalan at
Isinulong ng United Nations angmga
karapatan ng mga kababaihan noong idineklara nito
maatanggap ng mga tribute mula sa mahihinanh estado. Si Ashurbanipal II (1049-1031
ang 1975 bilang international Women’s Year. Dagdag ditto, idineklara rin ng General
B.C.E.) ang isang mahalagang pinuno ng Assyria sa panahong ito.
Assembly ng United Nations ang United Nations Decade for Women: Equality, Development
and PeaceNoong
mula 745
1976 B.C.E.,
– 1985. Sanapasakamay ni Tiglath
loob ng dekadang ito isangPileser III (745-728
Convention B.C.E) ang
on the Elimination
kapangyarihan at isinailam angAgainst
of All Forms of Discrimination iba pang estado
Women sa inilabas.
ang isang imperyo. Sa loob
Nakapaloob sa ng sumunod naitosiglo,
dokumentong
pinalawig
ang ilang karapatan
pa ng mgang haring
kababaihan.
Assyrian ang imperyo na umabot mula Iran hanggang Egypt. Isa si
Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa
1. Ang
kanyang pagbibigay – diin o pagpapahalaga sa diwa ng pagkakapantay – pantay ng
panahon.
kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan ng paglalagay nito sa konstitusyon.
2. Ang pag – alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa pagsasakatuparan niya ng
karapatang bumoto at makilahok sa isang posisyong pulitikal.
3. Ang pag – alis sa diskriminasyon sa kababaihan upang makatamasa ng edukasyon.
4. Ang pag – alis ng diskriminasyon sa kababaihan upang makapaghnapbuhay.
5. Ang pag – alis ng diskriminasyon sa kababaihan sa larangan ng kalusugan.
Gabay na Tanong:

1. Saan matatagpuan ang Assyria?

2. Sa inyong palagay, bakit matagumpay na


naitatag ng Assyria ang kanyang imperyo?

3. Sino si Tiglath-Pileser I? Ano ang mahalaga


niyang ginawa?

4. Paano mo ilalarawan ang mga hari ng


Assyria?

Ikalawang Pangkat: POSTER MAKING

ANG MGA CHALDEAN (Ang Bagong Babylonia) (612-539 B.C.E.)


Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at silangan pampang
ng Euphrates River. Noong 612 B.C.E., ang panibagong imperyo ng Babylonia ay itinatag at
pinamunuan ng isang hari mula sa Chaldea, si Nabopolassar (612-605 B.C.E.). pinamunuan
niya ang isang pag-aalsa noong 625 B.C.E. laban sa imperyo ng Assyria na siyang kumontrol sa
Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
Dalawampung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal noong 626 B.C.E., ang
Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak. Noong 614 B.C.E., isang hukbo sa
ilalim ni Cyaxeres ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng
Ashur. Ang imperyo ng Medes ay nasa bahaging silangan ng Assyria.
Noong 612 B.C.E., nagawang masakop ng magkatuwang na puwersa nina Cyaxeres at
Nabopolassar ang lungsod ng Nineveh. Ang lupain ay naiwan sa mga kamay ni Nabopolossar.
Tuluyang nagupo ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. ni Nebuchadnezzar II
(605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar. Si Nabopolassar ay nakipagtunggali rin sa Egypt mula
610 B.C.E hanggang 605 B.C.E. Sa pagbabalik ng mga Medes sa Silangan upang patatagin ang
kanilang control, tuluyang napasamay ng mga hari ng Babylon ang Imperyong Assyrian.
Natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan sa ilalim ng pamumuno ni
Nebuchadnezzar II. Ang Babylon ay naging isa sa pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig
sa kanyang panahon. Bukod pa rito, ang Hanging Garden of Babylons na pinagawa niya para
sa kanyan asawa ay kinilala ng mga greek bilang isa sa mga Seven Wonders of the
Ancient World. Ang 60 taon na pamamayani ng Babylonia a muling nasadlak sa panganib sa
panahon ni Nabonidus (555-539 B.C.E.) Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo
ni Cyrus the Great ng Persia. Napasailalim ng kanyang kapangyarihan ang lungsod kabialng
na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay naging bahagi ng isang malawak na imperyo ng
mga Persian na umabot mula Egypt hanggang India. Ang Persia ay bumagsak sa kamay ni
Alexander the Great, ang hari ng Macedonia.

Gabay na Tanong:

1. Gumawa ng isang Poster patungkol sa


mga naging kontribusyon ng Imperyong
Chaldean (Ang Bagong Babylonia).
ANG MGA PERSIAN (539-330 B.C.E.)
Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang Persian na tinawag na Imperypng
Ikatlong Pangkat: BALITAAN
Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito. Nagsimulang
manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyus the Great (559-530 B.C.E.) at napasailalim sa
kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at ang Asia Minor (Kasalukuyang Turkey). Sa
panahon ni Darius the Great (521-486 B.C.E.) umabot ang sakop ng imperyo hanggang
India.
Naging epektibo ang pangangasiwa ng mga pinuno ng Persia sa kanilang imperyo.
Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamamahalaang ng gobernador o
satrap. Nagpagawa din ditto ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1,677 milya
mula sardis hanggang susa. Kabilang sa mga naglalakbay sa Royal Road ang mga
mangangalakal, opisyal at mga tagapaghatid ng balita. Napatanyag din ang mga Persian sa
pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism sa itinatag ni Zarathustra o Zoroaster. Isa itong
paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at masama at ang pagtatagumpay ni Ahura Mazda ang
diyos ng kabutihan.
Gabay na Tanong:

1. Gumawa ng isang balitaan patungkol sa mga


Imperyon Persian at ipaliwanag ang mga
mahahalagang ambag ng imperyo.

Ikaapat na Pangkat: PAG-UULAT

ANG MGA CHALDEAN (Ang Bagong Babylonia) (612-539 B.C.E.)


Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at silangan pampang
ng Euphrates River. Noong 612 B.C.E., ang panibagong imperyo ng Babylonia ay itinatag at
pinamunuan ng isang hari mula sa Chaldea, si Nabopolassar (612-605 B.C.E.). pinamunuan
niya ang isang pag-aalsa noong 625 B.C.E. laban sa imperyo ng Assyria na siyang kumontrol sa
Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
Dalawampung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal noong 626 B.C.E., ang
Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak. Noong 614 B.C.E., isang hukbo sa
ilalim ni Cyaxeres ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng
Ashur. Ang imperyo ng Medes ay nasa bahaging silangan ng Assyria.
Noong 612 B.C.E., nagawang masakop ng magkatuwang na puwersa nina Cyaxeres at
Nabopolassar ang lungsod ng Nineveh. Ang lupain ay naiwan sa mga kamay ni Nabopolossar.
Tuluyang nagupo ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E. ni Nebuchadnezzar II
(605-562 B.C.E.), anak ni Nabopolassar. Si Nabopolassar ay nakipagtunggali rin sa Egypt mula
610 B.C.E hanggang 605 B.C.E. Sa pagbabalik ng mga Medes sa Silangan upang patatagin ang
kanilang control, tuluyang napasakamay ng mga hari ng Babylon ang Imperyong Assyrian.

Natamo ng Babylonia ang rurok ng kadakilaan sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II.


Ang Babylon ay naging isa sa pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang
panahon. Bukod pa rito, ang Hanging Garden of Babylons na pinagawa niya para sa kanyan
asawa ay kinilala ng mga greek bilang isa sa mga Seven Wonders of the Ancient World . Ang
60 taon na pamamayani ng Babylonia a muling nasadlak sa panganib sa panahon ni
Nabonidus (555-539 B.C.E.) Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the
Great ng Persia. Napasailalim ng kanyang kapangyarihan ang lungsod kabilang na ang buong
imperyo. Ang Mesopotamia ay naging bahagi ng isang malawak na imperyo ng mga Persian
na umabot mula Egypt hanggang India. Ang Persia ay bumagsak sa kamay ni Alexander the
Great, ang hari ng Macedonia.

Gabay na Tanong:

1. Saan matatagpuan ang Chaldea? Saan


itinatag ang bagong imperyo ng Babylonia?

2. Sino si Haring Nabopolassar? Ano ang


naganap sa ilalim ng kanyang pamumuno?

3. Ano ang mahalagang kaganapan sa


paghahari ni Nebuchadnezzar II?
d. Paglalahat/Paglalapat

ASSYRIAN CHALDEAN PERSIAN


Mga taong
namuhay at
nanirahan sa
mataas na pook
Kilala bilang “Ang
sa may ilog ng Cyrus the Great
Bagong
tigris. (559-530 B.C.E.)
Babylonia.
Naimbento ang Darius the Great
Nabopolassar
helmet, itak at (521-486 B.C.E.)
(612-605 B.C.E.)
bakal. Achaemenid
“Hanging
Shamshi-Adid I Lalawigan o
Garden of
(1813-1781 Satrapy
Babylon” bilang
B.C.E.) Royal Road
isa sa Seven
Tiglath Pileser I Zoroastrianism
Wonders
- Ngayon, ano ang natutunan ninyo sa atingof the
(1114-1076 Ahur Mazda
World.
B.C.E.)
talakayan ngayong umaga na ito?
Ashurbanipal
(circa 669-627
B.C.E.)

- Sir, ang natutunan ko po ngayong umaga na


- Magaling. ito ay kung paano naging matatag ang mga
- Ako’y natutuwa sapagkat aking nalaman na pinuno sa iba’t ibang imperyo sa kabihasnang
marami kayong natutunan mula sa ating Mesopotamia at kung paano nila protektahan at
tinalakay. pahalagahan ang kanilang nasasakupan. Ito ay
- Ngayon bigyan muli ninyo ang inyong mga kinabibilangan ng mga Assyrian, Chaldean o
sarili ng Petmalu Clap! kilala bilang ang bagong Babylonia at Persian.
Natutunan ko din po ang mga mahahalagang
d. Pagpapahalaga naiambag ng mga sinaunang imperyo ng
- Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang uri ng Mesopotamia katulad ng Hanging Garden ng
pamumuhay. May mahirap at may Babylonia na kinikilala bilang isa sa mga Seven
mayaman, may mga sagana sa Wonders of the World.
kapangyarihan at may mga sagana rin sa
pangaalipin.

- Para sa inyo, ano ba ang ibig sabihin ng


salitang Pinuno?

- Maraming Salamat. Paggalang at


pamumuno ng tapat na walang bahid ng
kasamaan at kasakiman. Iyon ba ang iyong
nais sabihin?
- Maraming Salamat.
- Ngayon may ipapanood akong isang Video
Clip sa inyo. Sana panoorin ninyo ito ng - Sir, para sa akin ang salitang pinuno ay ang
maayos. pagiging matapat, responsable at higit sa lahat
ay ang mapagmahal at magalang sa kapwa
- Maaari mo bang sabihin kung ano ang dahil kung mahal mo at ginagalang mo ang
iyong napanood? iyong kapwa madali mo silang pamumunuan.

- Maraming Salamat. Sa panahon natin


ngayon, sino sa tingin ninyo ang kinikilalang
lider ng ating bansa? - Opo sir.

- Maraming Salamat! Ngayon mayroon


akong inihandang salita na inyong sasagutin.
Pipili ako ng isang miyembro sa bawat
pangkat na sasagot sa aking inihandang
salita.
- Sir, sa pinanood ko pong video ipinapakita po
- Sadyang ang mundong ito ay mapaglaro, dito ang mga katangian ng isang pagiging
may mga taong nahihirapan at may mga huwarang lider.
problemang kinakailangang harapin, ngunit
mahaharap natin ito sa tulong ng isang
matatag, maasahan at higit sa lahat ay ang
kaya tayong ipaglaban at walang iba kung
hindi ang ating mga lider. Sa ating bansa ang - Sir, ang kinikilalang lider po sa ating bansa ay
ating lider ay ang ating pangulo, sa ating ang ating pangulo sapagkat siya po ang bukod
komunidad ang ating lider ay ang mga tanging namumuno sa ating lahat.
pinuno ng bayan, sa ating paaralan ang ating
lider ay ang ating Guro at sa ating tahanan
ang ating lider ay walang iba kung hindi ang
ating mga magulang.
- Kaya mo bang pamunuan ang iyong
nasasakupan?

- Magaling! Maraming Salamat.


- Bawat isa sa atin ay may kakayahang
pamunuan ang kanyang nasasakupan. Ang
kinakailangan lang nating gawin ay ang
maging mapagmasid sa ating paligid at
kinakailangan nating harapin at tapusin ang
ating mga responsibilidad na ating sisimulan
at huwag nating kakalimutan na kasama
natin ang mga taong nakapaligid sa atin sa
ating pamumuno na siyang gagabay sa
pagtahak sa ating mga mithiin.

- Sir, kung bibigyan po ako ng pagkakataon na


pamunuan ang aking nasasakupan ang isasagot
ko po ay Oo. Dahil alam ko pos a sarili ko na
may kakayahan ako na pamunuan ang mga
taong nakapaligid sa akin. Pamumunuan ko po
sila sa paraan na alam kong akoy makakatulong
at higit sa lahat ay makakabuti sa kanila.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON

A. PANUTO: Isulat sa patlang ang salitang tinutukoy ng bawat aytem sa ibaba. Piliin
ang mga sagot na nasa loob ng kahon. (Isulat lamang ang letra)

_________1. Ito ang tawag sa mga lalawigan sa Imperyong Roman?

_________2. Ito ay kinikilala ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the World?

_________3. Siya ay kinikilala bilang Diyos ng Kabutihan?

_________4. Ito ang unang kabisera ng Assyria?

_________5. Ito ay kinikilala bilang “Ang Bagong Babylonia”?

B. Pagpapaliwanag/Sanaysay (5 puntos)

1. Paano mo mapapahalagahan ang mahusay na pamumuno mula sa kahanga-hangang


liderato ng mga Assyrian, Chaldean at Persian? Ipaliwanag.

V. TAKDANG ARALIN

A. PANUTO: Ibigay ang mga kasagutan na tinatanong.

Isa – isahin.

1) Ibigay ang tatlong (3) kagamitang pandigma na naimbento ng mga Assyrian.


a)
b)
c)
2) Magbigay ng dalawang (2) kilalang pinuno na nagmula sa Mesopotamia.
a)
a. Ashur d. Satrapy g. Asia Minor
b)
b. Chaldean e. Royal Road h. Zoroastrianism

c. Hanging Garden f. Ahur Mazda


B. Pagpapaliwanag (5 puntos)
1. Paano naging matagumpay na naitatag ng Assyria, Chaldean at Persian ang kanilang
imperyo? Ipaliwanag.

You might also like