Fil2 Act1 Tayutay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang, Aila Queen C.

BSN-2 FILIPINO ACTIVITY April 07, 2020

1. Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o


pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis, kapara, at
katulad.

 Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

 Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

2. Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng


mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis sapagkatito'ytiyakang paghahambing.

 Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

 Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

3. Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng


tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

 Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

 Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

 tukso, layuan mo ako!

 Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

5. Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng kalabisan na


imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

 Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

 Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng medisina.

You might also like