Sitio Kaimito, Miranda, Babak District, Igacos: Name

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Sitio Kaimito, Miranda, Babak District, IGaCoS

Name: _______________________________________

Teacher: ____________________________________

1
Ang PANGNGALAN ay salitang tumutukoy sa ngalan ng hayop, bagay, lugar, at
pangyayari.

MGA HALIBAWA

tao :kapatid, lola, ninang, pamangkin

hayop :pusa, kalabaw, kuneho, ibon

bagay :tsinelas, sabon, pantalon, papel

lugar :bundok, Davao, kapilya, Pilipinas

pangyayari :digmaan, Pasko, binyagan, Araw ng mga Puso

Pagsasanay 1: Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa
frame.

Browne bus Pasko ng Pagkabuhay


Araw ng mga Patay

Bagong Taon Baguio pari

gatas kapatid Malabon Zoo

1. Uminom kami ng sariwang _________________.


2. Nagbakasyon kami sa _______________ noong nakaraang Mayo.
3. Nanonood kami ng Salubong tuwing ______________.
4. Madalas kaming sumkay ng ______________ kapag may field trip.
5. Malakas tumahol si ______________.
6. Masunurin at mabait ang __________ ko.
7. Maraming hayop sa _____________.
8. Ginugunita ng mga Pilipino ang ___________ tuwing Nobyembre 1.
9. Nagmimisa ang ____________ tuwing Linggo.
10. Maraming bumibili ng prutas na boilog kapag ____________________.

2
Pagsasanay 2: Isulat sa wastong kolum ang mga pangngalang nasa loob ng frame.

paaralan parke plasa tamaraw

binyagan tiya pinsan dagat

langgam bulaklak kasalan bunso

magulang baka unggoy kaarawan

radio bag lapis pista

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

3
Ang PANTIG ay isang tunog na mabubuo mula sa pagbigkas ng isang patinig o kaya
ay mula sa pagsasama ng isang patinig at isa o higit pang katinig. Laging isa lamang ang
patinig sa bawat pantig.

Mga halimbawa:

a e i o u

ka ge ni so pu

ab de il ong uy

PAGPAPANTIGANG tawag sa paghahati-hati ng salita. Ang salita ay binubuo ng isa,


dalawa, tatlo, o higit pang pantig.

Mga halimbawa:

nars - isang pantig

sa-got - dalwang pantig

ma-si-pag - tatlong pantig

pa-ngu-ngu-sap - apat na pantig

Pagsasanay 3: Basahin nang wasto ang ilang salitang binubuo ng tatlo o higit pang
pantig.

kanila kapatid minahal

humabi lalaki karayom

Bathala humihingi pamburda

magulang tulungan kamiseta

marahan gagamba pakitaan

4
1. Ano- anong salita ang may tatlong pantig? Isulat ang mga ito sa ibaba.

2. Ano- anong salita naman ang mayroong higit sa tatlong pantig? Isulat ang mga ito sa
inilaang espayo.

5
MAGKASALUNGAT ang dalawang salita kapag magkaiba o magkabaligtad ang ibig
sabihin ng mga ito.

Mga halimbawa:

mababaw - malalim

mataas - mapurol

Pagsasanay 4: Hanapin sa hanay B ang salitang kasalungat ng mga salitang nasa


hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A B

________ 1. mabango
a. mahina
________ 2. malakas
b. pangit
________ 3. bata c. malayo

________ 4. maganda d. mabaho


e. mapagkumbaba
________ 5. malapit
f. matanda
________ 6. maingay
g. gastador
________ 7. mainit h. duwag

________ 8. mapagmataas i. malamig


j. tahimik
________ 9. matipid

________10. matapang

Pagsasanay 5: Ibigay ang kasalungat na salita ng mga sumusunod. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

_____________1. maputi __________4. mabagal

_____________2. sobra __________5. mayaman

_____________3. malinis

You might also like