Ang mga mananaliksik ay naglalayong masagutan ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang antas ng kasanayan ng mga guro sa Filipino sa paggamit ng
wikang Filipino ang maiintindihan ng lubusan ng taga-pakinig? 2. Abong pagsasanay o Gawain ang maaaring gamitin ng isang guro sa paglalawak ng kanyang kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino? KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na itong pag-aaral ay
mapakikinabangan ng sumusunod:
MGA ESTUDYANTE: Ito ay makakatulong sa mga estudyante para mas
madaling maunawaaan at maintindihan ang sinasabi ng isang guro at mas mapahalagahan ang paggamit ng wikang Filipino
MGA GURO: Ito ay makakatulong sa mga guro na maintindihan ng lubusan o
maayos ang mga mahihirap na salita at magamit bilang gabay para mas lalong mahasa ang kanilang nalalaman.
MGA PILIPINO: Ito ay makaktulong sa bawat isa sa pang-araw-araw na
pagkikipagunawaan gamit ang wikang Filipino.
SA MGA MANANALIKSIK: Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging isang
batayan o reprensiya para sa mga susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa naturang paksa. METODOLOHIYA
Disenyo ng pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay may disteribtib-analitik na
disenyo. Ito ay may layunin na alamin ang mga pananaw at opinion ng mga repondente tungkol sa mga nabanggit na layunin, suliranin, at pokus ng pananaliksik na ito.
Lugar ng Pananaliksik
Ang nasabing Pananaliksik ay isinagawa sa paaralan ng Dr.
Cecilio Putong National High school na matatagpuan sa CPG North Avenue Tagbilaran City, Bohol. Ito ay nasa sentro ng siyudad.
Respondente ng pananaliksik
Ang repondente ng pananaliksik ay ang lahat ng guro sa
Filipino ng mataas na paaralan ng Dr. Cecilio Putong National High School. Ang lahat ng guro sa Filipino ay labing lima.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang
kasangkapan sa pagkuha ng datos. KONKULUSYON
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na konklusyon.
Ang kasanayan ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino sa
mga aktibidad sa paaralan ay nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa wikang Filipino REKOMENDASYON
Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang
inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Para sa mga guro, mas mainam na gamitin ang wikang Filipino
sapagkat may malaki itong impluwensya sa mga mag-aaral at mas mapahalagahan ang wikang Filipino. 2. Para naman sa mga mag-aaral, making sa guro at gamitin ang wikang Filipino upang mas masanay sa pagsasalita nito sapagkat nakatutulong ito sa pag-unlad ng ating wika. Depinisyon ng mga Temino
Wika- Ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan
ang mga bawat tao sa mundo.
Lenggwahe- Ito ang tawag sa pangunahing pananalita sa isang particular
na lugar o bansa.
Kasanayan- Ito ay ang kahusayan ng indibidwal sa anumang larangan.
Language Acquisition Device(LAB)- Ito ang tumatanggap ng mga