Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JOURNAL ENTRY 1

Bilang isang lipunan nalulubog tayo sa isang kultura ng pagkokonsumo. “Consumerism” ito’y

naglalabas ng hilig sa mga tao na magkaroon ng mga bagay o serbisyo na ikakaganda nila. Ang

pagkahilig na ito ay nagiging isang malakas na puwersa na gumagawa ang mga tao ng hindi

matalinong desisyon sa buhay. Mula sa aking karanasan, noon gustong-gusto ko nang mga

mamahaling gamit. Mula sa aking mga bag na Herschel, lalagyan ng tubig na Hydro Flask, at

mga perfume na may mamahaling tatak. Lagi akong nagpapabili ng mga bagay na mayroon pa

ako o mga bagay na hindi ko naman talaga kailangan. Nagkakaroon ako ng mga parehong gamit

dahil akala ko na ubos na ito pero mayroon pa pala ako at hindi pa ito nabubuksan. Noon, hindi

ko alam na may kahihinatnan itong mga ginagawa ko sa mundo at maging sa pangangailangan

ng iba. Hanggang sa napagtanto ko na hindi ko dapat iyon ginawa dahil inaaksaya ko ang mga

produkto na sana’y nagamit pa ng iba. Naisip ko na ang paraan ng pagkonsumo natin ay isang

problema sapagkat mayroon lamang tayong isang planeta na may mga limitadong

mapagkukunan. Bawat isa sa atin ay umaasa sa mundo para sa pangunahing mga

pangangailangan. Kung hindi natin magawa ang wastong pagkonsumo, darating ang araw na

wala na tayong mapagkukunan upang matupad ang ating walang limitasyong kagustuhan. Bilang

anak at mag-aaral, mahalaga ang wastong pagkonsumo dahil ito’y kailangan nating lahat at dapat

gawin nating lahat. Sa “sustainable consumption” ipinapakita na nalilimitahan ang paggamit ng

pinagkukunang-yaman. Nagbibigay ito ng konsepto sa wastong paggamit at pagkonsumo ng mga

pinagukunan para maiwasan ang pag-aaksaya. Isa sa layunin ng Sustainable Development Goals

(SDGs) sa United Nations ay tiyakin ang mga napapanatiling pagkonsumo at produksyon.

Nangangahulugan itong pagiging maingat tungkol sa kung ano, paano, at kung magkano ang
pag-produce at pagkonsumo natin nang sa gayon ang mga mapagkukunan sa mundo ay ginamit

nang matuwid at napapanatli para sa mga susunod na henerasyon.

You might also like