Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

e-Lakbay-Aral

Ikalawang Bahagi
Martina Leonice D.L Ampo
Jade Joy I. Vergara
Rod Angelo C. Chan

I. Rasyunal (Layunin)
Ang MTB-MLE ay nangangahulugang Mother Tongue – Based Multilingual Education. Isa
ito sa mga programang hatid ng K-12 kurikulum na pinagtibay ng Republic Act No. 10533 na
sikat sa tawag na “Ehanced Basic Education Act of 2013”. Binibigyang halaga ng MTB-MLE
ang lenggwaheng kinamulatan ng bata sa Kindergarten hanggang ika tatlong baitang. Ang
lenggwaheng o “mother Tongue” ng estudyante ay siyang na gumagamit ng Cebuano bilang
pangunahing salita. Magsisilbi itong mapa sa paggawa ng materyales sa pagtuturo at pagkatuto
ng sinasabing salita.
Ang papel na ito ay naglalaman pagsasaliksik patungkol sa language mapping ng
lenggwaheng Cebuano sa parte ng Visayas at Mindanao. Ang pagsasaliksik na ginawa ay
makakatulong sa MTB-MLE upang bigyang kalinawan ang mga lugar na gumagamit ng
Cebuano bilang pangunahing salita. Magsisilbi itong mapa sa paggawa ng materyales sa
pagtuturo at pagkatuto ng sinasabing salita.
Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay upang malaman ang mga pangunahing salik
na siyang bumubuo sa wikang Cebuano, gayundin ang kahalagahan nito sa pagiging parte ng
MTB-MLE na programa ng sector ng edukasyon. Ang paggamit ng partikular na wika ang
siyang magpapatunay sa magiging ambag nito sa pagkatuto at pagkalinang ng mga kakayahan
ng bawat indibidwal. Dagdag pa rito, kinakailangang malaman ang lawak ng sakop ng wikang
Cebuano at ang pagtanggap ng mga paaralan sa MTB-MLE program ng gobyerno. Layunin ng
pananaliksik na ito ang mas malalim na pagtalakay sa wikang Cebuano at sa kung paano ito
ginagamit sa mga lugar sa Visayas at Mindanao, kung ano ang kagyat na posisyon ng wika sa
bawat mamamayang gumagamit nito.
Ang naging metodo sa pagkalap ng datos ng mga mananaliksik ay ang pagkalap ng
impormasyon sa Internet. Dahil sa limitadong kagamitan dulot ng Pandemya ay Internet ang
napiling midyum ng mga mananaliksik, malawak at napakalaki ng sakop na impormasyon ang
meroon sa Internet kaya’t hindi naging imposible ang pagkalap ng mga datos mula dito.
II. Kasaysayan (ebolusiyon at pag-unlad ng wika)
Ayon kay Fortunato (2012) noong 1975 ay mayroong 10 milyong mahigit na naitalang
record ng mga tao na nagsasalita ng wikang Cebuano. Repleksiyon ito ng mga pinagdaanan ng
wika sa kung paanong naabot nito ang punto na kinilala ng ganoong karaming tao. Ang
Cebuano ay mula sa salitang-ugat na “sugbo” na nangangahulugang “maglakad sa tubig”. Ito ay
dahil mababaw ang baybayin ng mga dagat sa Cebu kung kaya’t ang mga tao sa barko o
bangka na dumadaong ay kinakailangan pang lumusong sa tubig upang makarating sa
dalampasigan. Ang salitang sugbo ay mayroong karugtong na panlaping “hanon” na siyang
tumutukoy sa kultura, mga naninirahan, at wika ng Cebu, na kung pagsasamahin ay
Sugbuhanon o Suguboanon. Noong panahon ng mga Kastila tinawag na mga “Pintados” ang
mga Bisaya dahil sa pagtatattoo sa kanilang katawan. Ang mga naninirahan sa mga lugar ng
Cebu, Negros Oriental, Siquijor, parte ng Masbate, Leyte, at Norteng Mindanao ay tinatawag na
mga Bisaya, subalit hindi sila naiiba sa iba pang mga lugar na nagsasalita ng Bisaya. Mula kay
Fortunato (2012), sa pag-aaral ni Mcfarland sa mga wika ng Timog Bisaya, itinuturing na sentro
ng mga wikang Bisaya ang Cebuano, kinikilala rin itong kaluluwa ng mga wikang Bisaya.
Gaya ng ibang mga wika, ang wikang Cebuano ay dumaan din sa maraming pagbabago
dulot ng kolonyalismo at pagkakagamit ng mga tao rito. Simula noong 1521, nang opisyal na
dumating si Magellan sa isla ng Cebu at dineklara na ng mga Espanyol ang kanilang
pananakop sa ating bansa, naglatag din sila ng kanilang mga sistema hinggil sa paggamit ng
wika. Hindi nila itinuturo ang kanilang wika sa dahilang ayaw nilang malaman ang kanilang
plano sa pagdating sa ating bansa, at ayun ay ang manakop at gamitin ang mga tao rito.
Kasama rin dito ang kagustuhang maipakilala ang Kristyanismo sa bansa, kung kaya’t mga
prayle ang namumuno sa pakikipagusap sa mga tao. Ayon kay Bautista (2015) ay mayroon
ding mga Espanyol na nagaral ng wikang Cebuano sa kagustuhan mas maipalaganap ang
Kristyanismo sa mga tao, kabilang na rito sina Antonio Pigafetta na nagtala ng 168 na mga
katutubong salita, at ang Heswitang si Mateo Sanchez na naglimbag ng Vocabulario de Lengua
Bisaya noong 1711. Nagsimula rin ang pagaaral ng gramatika ng mga Espanyol sa wikang
Cebuano noon ika-18 siglo na sinimulan ni Padre Francisco Encina at Padre Ramon Zueco, na
parehong mayroong pangunahing layunin sa pagaaral ng wika – para sa pagpapalaganap ng
Kristyanismo. Ginawa rin ito ng mga dayuhan upang ilapit sa kanilang mga sarili ang wika sa
halip na ang kanilang wika ay ituro sa mga tao.
Matapos ang pananakop ng mga Espanyol ay mayroon pa ring mga ilang nagpatuloy sa
pagaaral ng wikang Cebuano, maliit na lamang ang porsyento na para ito sa pagpapalaganap
ng relihiyon, dahil pumasok na rin ang impluwensiya ng mga Amerikano nang dumating sila sa
bansa. Sumibol ang mga pangakademikong pagaaral patungkol sa wika na siyang ginagawa na
mula pa noong 1880. Nagpokus sa morpolohiya at ponolohiya ang pagaaral sa wikang
Cebuano, ito ay dahil noong mga panahong iyon ay estrukturalismo ang praktis na ginagamit sa
larangan ng linggwistiks na siyang umusbong dahil kay Ferdinand de Saussure,mula sa
kanyang pangunahing mga konsepto na parole (produksiyon ng wika ng mananalita gawa ng
pagbigkas) at langue (dahilan ng kakayahang makapagsalita ng isang wika). Ang mga
Amerikanong linggwista ay nagpokus naman sa monolingual na pagaaral, na siyang may
layuning gamitin ng mga tao ang wikang Ingles sa lugar, sa lahat ng pagkakataon.
Matapos ang mga pananakop na iyon, nagkaroon ng tyansiya ang bansa na makapamili ng
wika na siyang rerepresenta sa kaisahan ng bawat Filipino. Pinagtalunan sa Kongreso kung
nararapat ba ang wikang Cebuano upang maging wikang Pambansa, subalit mas nanaig ang
Wikang Tagalog. Hindi man hinirang na wikang pambansa, naging tulay ang SWP o ang Surian
ng Wikang Pambansa (na ngayo’y Komisyon ng Wikang Filipino) sa pagkilala at pagpapaunlad
ng mga Cebuanong akda sa pangakademikong larangan.
Tunay ngang malawak ang pinagmulan at pinanggalingan ng wikang Cebuano, mula sa
mga mananakop hanggang sa mga taong mas binigyang-pansin ang wikang Tagalog bilang
basehan ng wikang pambansa. Gayunpaman, malaki ang ambag ng wikang Cebuano sa kung
ano ang kalagayan ng bawat rehiyon o probinsya na nagsasalita nito, dala at ambag ang
makulay na kultura at tradisyon, tiyak ang patuloy na pagunlad at pagpapayaman ng wika sa
bansa.
III. Kultural at Heograpikal na aspeto
Ang Pilipinas ay isang archipelago na umaabot sa mahigit kumulang 7,100 nna bumubuo
na isla. Ang bansa ay binubuo ng tatlong grupo ng mga isla nag-ngangalang Luzon, Visayas, at
Mindanao. Ito ay napapalibutan ng anyong tubig at may masaganang likas yaman kung kaya’t
pangunahing pangkabuhayan ang pangingisda at pagtatanim. Malapit din ang Pilipinas sa
Tsina, Borneo, at iba pang bansa kaya bago pa man dumating ang mga mananakop ay may
kakayahan nang makipagkalakalan at sariling paraan ng pamumuhay ang mga katutubong
Pilipino. Hindi rin maipagkakaila ang paglalakbay ng mga katutubo noon sa pamamagitan ng
bangka dahil sa impluwensiya ng mga ninunong Malay.
Ang lenggwaheng Cebuano o Sebuano ay parte ng Austronesian na lenggawahe. Minsan
ito ay tinatawag na Binisya, Bisaya, Sugbuanon, at Sugbuhanon. Pangunahin itong lenggwahe
ng mga isla ng Visayas at mga parte ng Mindanao. Ang Cebuano ay may pagkakahawig sa
Hiligaynon at Waray-Waray kung kaya’t minsa’y napagkakamalang pareho ang mga ito.
Sa Cebu nagmula ang lenggwahe na siyang pinakamatandang tahanan sa Pilipinas. Isa ito
sa mga pinaka historikal na lugar sapagkat kadikit na ng kultura ng mga Cebuano ang
impluwensiya ng mgamananakop. Ito rin ang nagsilbing kapital na kolonya ng Espanya sa
bansa. Nagunguna sa mga impluwensyang di mahihiwalay ay ang relihiyong Katoliko na siyang
makakapagpaliwanag bakit inaabangan ang mga pistahan taon-taon. Isa sa mga ito ang
Sinulog kung saan ipinagdiriwang ang sto. Niño de Cebu. (istatwa na binigay ni magellan).
Isa sa diyalekto nito ay matatagpuan sa katabing islang, Bohol. Tinuturing ito na diyalekto
ng Sebuano dahil sa baryasyon nito sa salita at ponema. Isa dito ang pagpapalit ng Boholano
ng “r” sa “d” ng Cebuano, “j” sa “y” at ang mga salitang polysyllabic sa Cebuano ay
monosyllabic sa na katapat sa Boholano.
Laganap din ang Cebuano sa Leyte Partikular sa kabuoan ng kanluran at timog na parte.
Tinatawag itong Kana o Leyteño Cebuano. May ilan din na gumagamit ng Boholano sa lugar.
Ang anyong tubig at lupa ng Leyte ay likas na mayaman. Pangingisda, pagsasaka, pananim,
etc ay tunay na sagana kung kaya’t ang iba ay ginagawang minatamis at kakanin katulad ng
binagol (galing sa rootcrop na Talyan). Sa panahon ng pagsasaka, ang mga ito ay
nagsasagawa ng ritwal sa mga espiritu at mga namayapang ninuno para magkaroon ng
masaganang ani. Ito naman ay sinesegundahan naman ng mga tradisyong kristyano katulad ng
siyam na araw na pagnonobena na siyang impluwensiya ng espanyol. Samantalang ang mga
mangingisda naman ay humihingi ng permiso at kaligatasan mula sa espiritu ng tubig. Sa
kabilang banda, ang Leyte ay may sikat din na kapistahan na ginaganap tuwing ika-31 st ng
Marso. Ang pista ay tinaguriang Sinugduan Festival na nangangahulugang “simula” dahil
inaalala nito ang unang misa na ginanap sa Limasawa Island noong 1521.
Ang mga negrito, malay, at chinese ay matagal nang naninirahan sa isla ng Negros bago pa
man dumating sina Miguel Lopez de Legaspi. Ito ay tinawag na buglas dahil sa mga Tambo
(reeds) na siyang marami noon at naging negros naman noong dumating ang mga espanyol at
nakitang maraming maiitim ang naninirahan. Tanging Tañon Strait lamang ang naghihiwalay sa
Cebu at Negros at ang Siquijor naman ay siyang nasa silangan nito. Noong panahon na iyon
din ay tinuturing na parte ng Cebu ang Negros. Ang mga katutubo ng lahing malay at negrito ay
okupado ng ilang agrikultural na gawain at barter sa mga Chino at iba pang asyanong
komersyante. Sa oriental ay kalat ang nagsasalita ng Cebuano habang ang Negros Occidental
naman ay baluarte ng mga nagsasalita ng Hiligaynon.
Siquijor ay ang pinaka maliit na probinsya sa Gitnang Visayas at may layo lamang ng 30 na
kilometro timogsilangan ng Negros, timog ng Cebu, at timog kanluran ng Bohol. Ito ay
hinihiwalay ng Mindanao sea galing sa hilangang dagat ng Mindanao. Ang lumang pangalan
nito ay Katugasan na nanggaling sa “tugas” mga puno ng Molave na tumatakip sa mga burol.
Ito rin ay tinawag ng mga espanyol na “isla del fuego” o “island of fire” dahil sa dami ng mga
tutubi na naninirahan noon sa isla. Siquijor ay siyang pinangangasiwaan ng Cebu hanggang
katapusan ng pananakop ng Espanyol. Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga magsasaka
at mangingisda sa Cebu, Bohol, at iba pang kalapit na isla.
Sa bandang Norte naman ay ang nakapwesto ang Masbate. Sa dulong timog at timog
kanlurang partenito ay pangunahing ginagamit na salita ang Cebuano. Karamihan sa Burias ay
tubong nagsasalita ng Cebuano na nanggaling sa rehiyon ng Cebu. Magkahalo sa Masbate ang
kultura ng Bisaya at Bikolano, pati na rin sa Lenggwahe. Ang Masbateño ay magkahalong
Capiznon, Hiligaynon, Bikol, Waray-waray, Cebuano, Romblomanon, at Tagalog. Karamihan sa
taga Masbate Island ay gumagamit ng Masbateño ngunit ang peninsula na nakaturo sa Cebu
ay nagsasalita ng Cebuano habang ang naka turo naman sa Panay ay nagsasalita ng
Hiligaynon. Maipagmamalaki ng Masbate ang and mga burol at kapatagan na sumasakop sa
two-thrids ng isla. Agrikultura katulad ng mais, palay, at panananim ang pangunahing
pinagkakakitaan.
Ang Cebuano ay di lamang sa Visayas ginagamit. Ang mga nagsasalita nito ay laganap din
sa Mindanao, ang pangalawa sa pinakamalaking isla sa Bansa ayon sa lawak ng lupa. Sa
Hilagang rehiyon ng Mindanao (Camiguin, Misamis Oriental at Occidental), Timog na bahagi
(Davao del norte, sur, at oriental, at South Cotabato), Gitnang Mindanao (Lanao del Norte,
Cotabato, Sultan Kudarat) ay ang mga pangunahing probinsya na dominante ang paggamit ng
cebuano. Kalapit lamang ng Mindanao ang Indonesia at Malaysia kaya’t ang migrasyon ng tao
at kalakalan ay madali. Kumpara sa Visayas, ang islam na nandito at mga etnikong paniniwala
ay mdominanteng nanatili dahil sa pagtanggi sa pagimpluwensyia ng mga Espanyol.
Ang mga mamayanan ng Camiguin ay sinasabing nagmula ang mga ninuno sa Bohol at
Cebu kung kaya’t ang kultura nito ay resulta ng magkahalong Boholano at Cebuano.
Kadalasang yari ng bahay ng mga ito ay nasa ibabaw ng tubig yari sa kawayan. Dahil sa
heograpikal na katayuan nito na pangalawa sa pinaka maliit na probinsya sa bansa at
napapalibutan ng anyong tubig, pangingisda at patatanim rin ang unang kinabubuhay nila.
Mahigit 10 kilometro lamang ang layo nito sa dalamapasigan ng hilagang Mindanao at kasama
sarehiyon ng Hilagang mindanao. Kopra ay ang pinaka unang pinagmumulan ng kita kasama
na rin ang mga mga abaca, kamote, cassava, saging, buko, at Lanzones na siyang dinarayo ng
mga turista tuwing oktubre dahil sa pagdiriwang para dito. Samantala ang Bukidnon at Misamis
Oriental at Occidental naman na siyang nasa lob ng isla ng Mindanao ay pagtrotroso,
pagtatanim katulad ng pinya, pag aabaka, at yamang dagat ang pinagkakabuhayan ng mga
mamamayan. Ang lugar na ito ay bulubundukin, malagubat, at malapit di sa iba’t ibang anyong
tubig.
Mataba ang lupa sa gitnang Gitnang Mindanao at iba ibang anyong lupa katulad ng bulkan,
bulubudukin, ilog, talampas, at sapa ang matatagpuan. Maranaw ang orihinal na naninirahan sa
Gitnang Mindanao ngunit dahil sa migrasyon ay napunta ang iba’t ibang tao mula sa kalapit na
probinsya.
Timog na bahagi na pinapalooban ng South Cotabato, Davao del norte, Davao del Sur, at
Davao del Oriental ay Davaoeño ay diyalekto ng Cebuano na may impluwensyia ng Tagalog.
Katulad ng katabing rehiyon, agrikultura rin ang pinagkukuhanan ng ikabubuhay. Sa Davao at
del sur at Cotabato matatagpuan ang Mt. Apo ang pinakamataas na bundok ngunit higit pa
doon ay iba’t iba pang klase ng anyong lupa ang matatagpuan. Sa Davao ay dinadayo ang
Kadayawan Festival na tumatagal ang selebrasyon nang isang linggo simula ng pangatlong
linggo ng agosto. Ang pistang ito ay pagpapasalamat sa masaganang ani sa mga espiritu o
anito at anita. Ang pangalan nito ay nagmula sa Davaoeñong salita ay nanggaling sa
“mandaya” o “Madayaw” na nangangahulagang maganda, mahalaga, mataas, o marikit. Ang
Davao ay naging sento rin ng mga tsino kung kaya’t inaabangan din ang pagdiriwang ng mga
ito ng Chinese New Year.
Bagama’t ang mga probinsya’y pinaghihiwalay ng dagat, ngunit kapansin-pansin na kalat
ang may pangunahing lenggwahe ng Cebuano. Ngangahulugang simula pa lamang ay may
tunay na sariling sistema na ang arkipelago. Hindi naging hadlang ang distansya at sa halip ay
naging daan pa ng pagpapayaman ng lenggwahe sa bansa. Ang pagkalat ng lenggawaheng
Cebuano ay resulta rin ng pagpapalipat ng mananakop o kaya ng gyerra na naganap noong
unang panahon.
IV. Kabuuang dami ng nagsasalita
Ang wikang Cebuano ay kasalukuyang meroong kabuuang bilang na Dalawampu’t Isang
Milyong (21,000,000) tagapagsalita batay sa datos na nakalap sa website ng Ethnic group of
the Phiilippines. Ang Cebuano ay itinuturing na major na wika sa Pilipinas pagkat ang bilang ng
nagsasalita nito ay lumagpas sa bilang na Isang Milyon (1,000,000).
V. Language Mapping
(Tignan ang larawan sa susunod na pahina, Aytem bilang Isa)

VI. Varayti o diyalekto ng Cebuano na nagsisilbing regional lingua franca ng mga


probinsya:

Probinsya Varayti/Diyalekto
Negros Oriental Negrense Cebuano/ Negrensing Binisaya
Cebu Cebuano
Siquijor Siquijor Cebuano/ Binisayang Siquijor
Bohol Boholano Cebuano/ Bol-anong Binisaya
Biliran Leyteño Cebuano
Katimugang Masbate Masbate Cebuano/ Masbatenyong Binisaya
Leyte Leyteño Cebuano
Southern Leyte Leyteño Cebuano
Dinagat Island Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Surigao Del Norte Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Augsan Del Norte Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Surigao Del Sur Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Agusan del Sur Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Davao Oriental Davaoeño Cebuano
Compostela Valley Davaoeño Cebuano
Davao del Norte Davaoeño Cebuano
Camiguin Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Misamis Oriental Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Bukidnon Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanao
Davao Del Sur Davaoeño Cebuano
Davao Occidental Davaoeño Cebuano
Sarangani Davaoeño Cebuano
Lanao del Norte Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanaw
Misamis Occidental Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanaw
Zamboanga del Sur Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanaw
Zamboanga del Norte Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanaw
Zamboanga Sibugay Mindanao Cebuano/Binisayang Mindanaw
Aytem #1
s
VII. Nawawala

VIII. Akda na naisulat tungkol sa balarila/grammar ng mga Cebuano:


Pamagat: A Dictionary of Cebuano Visayan
Pangunahing Awtor: John U. Wolff, Cornell University Southeast Asia Program, at Linguistic
Society of the Philippines
Taong nailimbag: 1972
Tungkol sa Akda:
Ito ay isang diksyunaryo ng Cebuano Visayan, wika sa parteng central ng Pilipinas at
ilang parte ng Mindanao. Bagamat nasa wikang Ingles ang mga tala ng mga salita, layunin ng
akdang ito na magpaliwanag ng mga salitang Cebuano at hindi magbigay ng Ingles na katapat
ng mga salitang ito. Ito ay binuo upang makatulong sa mga tagapagsalita ng Cebuano at sa
mga estudyanteng nagaaral ng wika. Mayroong kabuoang 25,000 na mga tala at 700 na
addendum (dagdag) na mga ang inihanda bago pa man mabuo mailimbag ang akda.
Bibliographic entries:
Cebuano Dictionaries
Cabonce, Rudolfo,Visayan-English Dictionary. (Mimeographed.)

Encarnacion, Juan Felix de la, R. P. Fr.,Diccionario Bisaya-Español. Third Edition. Manila,


1885.

Estorco, Avelino,Basic Cebuano-English Dictionary. (Manuscript.)

Hermosisima, Tomas V.,Bisayan-English-Tagalog Dictionary. Manila: Pedro B. Ayuda and Co.,


1966.

Ruijter, Juan, M. S. C.,Cebuano-English Dictionary. Lawa-an, Talisay, Cebu: Sacred Heart


Seminary, 1967.

Cebuano Grammar
Wolff, John U.,Beginning Cebuano, Parts I and II. New Haven: Yale University Press, 1966,
1967.

Wolff, John U., ‘The Classification of Cebuano Verbs’,Philippine Journal of Linguistics, Vol. I,
No. 1, 1970.

Flora and Fauna


 Birds
Delacour, Jean T., and Ernst Mayr,Birds of the Philippine Islands. New York: The Macmillan
Co., 1946.

Hachisuka, The Hon. Masaiya,The Birds of the Philippine Islands. London: H. F. Witherby,
1931–1935.

Thomson, A. Landsborough,A New Dictionary of Birds. New York: McGraw-Hill, 1964.

 Fisheries and shellfishes

Abbott, R. Tucker,Sea Shells of the World. New York: Golden Press, 1962.

Herre, Albert W.,Checklist of Philippine Fishes. United States Department of Interior, Fish
and WildlifeService, Research Report No. 20. Washington: Government Printing Office,
1953.

Herre, Albert W., and Agustin F. Umali,English and Local Names of Philippine Fishes.
United StatesDepartment of Interior, Circular No. 140. Washington: United States
Government Printing Office, 1948.

Hvass, Hans,Fishes of the World. London: Methuen and Co., Ltd., 1965.Munro, Ian S.
R.,The Marine and Fresh Water Fishes of Ceylon. Canberra: Department of External
Affairs,1955.

Nichols, John T., and Paul Bartsch,Fishes and Shells of the World. New York: The
MacMillan Co., 1945.

Scott, J. S.,Sea Fishes of Malaya. Kuala Lumpur: Ministry of Agriculture, 1959.

Tinker, Spencer Wilkie,Pacific Sea Shells. Tokyo: Charles E. Tuttle Co., 1958.

Umali, Agustin F.,Edible Fishes of Manila. Commonwealth of the Philippines, Department of


Agriculture andCommerce, Popular Bulletin No. 6.

Zim, Herbert S., and Lester Ingle,Seashores. New York: Golden Press, 1955.

 Insects

Curran, C. M.,Insects of the Pacific World. New York: The Macmillan Co., 1946.

Fichter, George S.,Insect Pests. New York: Golden Press, 1966.

 Mammals

Carter, T. D., J. E. Hill, and G. H. H. Tate,Mammals of the Pacific World. New York: The
Macmillan Co., 1946.

 Plants

Brown, William,Useful Plants of the Philippines. Republic of the Philippines, Department of


Agriculture andCommerce, Technical Bulletin No. 10. Manila, 1946.

Merrill, Elmer D.,Plant Life of the Pacific World. New York: The Macmillan Co., 1945.
Merrill, Elmer D.,Flora of Manila. (Mimeographed).

Quisumbing, Eduardo,Medicinal Plants of the Philippines. Republic of the Philippines,


Department ofAgriculture and Natural Resources, Technical Bulletin No. 16, Manila, 1951

Salvosa, Felipe M.,Lexicon of Philippine Trees. College, Laguna, Philippines: Forest Products
Institute, 1963.

Steiner, Mona Lisa,Philippine Ornamental Plants and their Care. Second Edition. Manila:
Carmelo andBauermann, Inc., 1960

Anthropological Studies

Baduel, Concesa M.,A Study of the Cebuano Dayegon. Unpublished Master’s Thesis, University
of the Visayas,Cebu City, 1959.

Demetrio, Francisco R., S. J.,Dictionary of Philippine Folk Beliefs and Customs. Cagayan de
Oro City: XavierUniversity Press, 1970.

Hart, Donn V.,The Cebuano Filipino Dwelling in Caticugan: Its Construction and Cultural
Aspects. YaleUniversity, Southeast Asia Studies Cultural Report Series. New Haven, 1958.

Lieban, Richard W.,Cebuano Sorcery. Berkeley: University of California Press, 1967.

Quisumbing, Lourdes R.,Marriage Customs in Rural Cebu. University of San Carlos, San Carlos
Publications,Series A: Humanities No. 3. Cebu City, 1965.

Sodusta, Jesucita.A Study of the Marriage and Family Practices of the Inhabitants of Siargao
Island.Unpublished Master’s Thesis, University of San Carlos, Cebu City, 1964.

Tago-Gonzales, Lourdes,A Study of the Superstitious Beliefs, Practices, Pastimes of the People
of the Provinceof Bohol. Unpublished Master’s Thesis, University of the Visayas, Cebu City,
1959.

Umali, Agustin F.,Guide to the Classification of Fishing Gear in the Philippines. United States
Department ofInterior, Fish and Wildlife Service, Research Report No. 17. Washington: United
States Government PrintingOffice, 1950

References:
Bautista, F.B. (2015). Direksiyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggrammar ng mga Wikang
Timog Bisaya. Daluyan: Journal ng Wikang Filipino
Fortunato, T. (2012). Mga Pangunahing Etnolinggwistikong Grupo sa Pilipinas. Anvil Publishing,
Inc. Dela Salle University-Manila

Pamagat: Change of the Selected Cebuano Words


Pangunahing Awtor: Rowanne Marie Maxilom
Taong nailimbag: 2008
Tungkol sa Akda:
Isa itong pag-aaral patungkol sa pag-alam ng mga klase ng semantic change sa mga
piling salitang Cebuano. Gamit ang Campbell’s and Crowley’s classification of semantic change
(1997), 20 na salita piang-aralan. Ang mga salitang ginamit sa pagsasaliksik ay nagmula sa
mga nakasulat na akda katulad sa Bisaya magazine at mga pang araw araw na salitang
ginagamit ng mga Cebuanong may edad na 15 hanggang 40 na taong gulang na kasalukuyang
naninirahan sa Cebu.
Bibliographic entries:
Adeva, F. M. 2005. Mga semantic koreleyt ng pagkatransitibo sa mga kwentong Sebwano.
Philippine Journal of Linguistics, 36, 101- 156.
Bloomfield, L. 1933. Language. New York: Holt, Rinehart, and Winston.
Campbell, L. 1998. Historical linguistics: An introduction. London: Edinburgh University Press.
Crowley, T. 1997. An introduction to historical linguistics. Oxford: Oxford University Press.
Flores, O. 2005. Ulahing panag-uban. Bisaya, February 2: 17 & 23.
Gallardo, A. 2004. Pres. GMA, gipalabi ang usa ka kinabuhi kaysa mga pagsaway ug kaakohan
sa America ug ubang nasod. Bisaya September 1:10.
Gonzalez, A. 2004. Applied linguistics and language teaching in the Philippines: Theory and
implications. Philippine Journal of Linguistics, 35, 69-74.
Lape, E. 2004a. Ang biyahi sa kasingkasing nga nangita sa matuod nga kalipay. Bisaya
December 22:3-15.
_________. 2004). Unsay purohan karong eleksiyon sa mga artistang kandidato. Bisaya
February 4:10.
Lising, L. 2004. A comparative analysis of enclitic adverbs in Cebuano and Hiligaynon. Tanglaw,
10, 77- 98.
Monternel, F. 2004a. Nganong dunay mga tinagoan sa kinabuhi nga dili mapasabot sa
tawhanong kaalam? Unsa ba gayoy misteryo sa kamatayon sa usa ka tawo? Bisaya November
3:11-17.
__________. 2004b. Pagduaw. Bisaya, November 3: 11.
Trask, R. 1994. Language change. London: Routledge.
Reyes, G. 2004a. Ang iring u gang kagabhion. Bisaya December 1:3.
__________. 2004b. May baybayon ang pikas bahin sa lawod. Bisaya February 11:3.
Vaño, R. 2004. Hinulamang kadaogan. Bisaya December 15:4-5.
Ward, J. 1971. Philippine linguistic studies: A bibliographic survey of the coverage in the
literature. Philippine Journal of Linguistics, 2, 91-115. 288
Wolff, J. 2001. Cebuano. In Jane Gary and Carl Rubino. (Eds.). Facts about he world’s
languages. New York City: New England Publishing Associates, Inc.
Ybañez, J. 2004. Pinaskohan. Bisaya, December 29: 11.
Zorc, R. D. (2004). Semantic reconstruction in Austronesian linguistics. Philippine Journal of
Linguistics, 35, 1-21.
Pamagat: Klasipikasyon ng mga Salitang Ugat sa Sebwano: Isang Proposal
Pangunahing Awtor: Jessie Grace U. Rubrico
Taong nailimbag: Hindi nakatala
Tungkol sa Akda:
Sinuri sa papel na ito ang klasipikasyon ng mga Salitang Ugat sa Sebwano.
Pinagtuunan ng may akda ng pansin kung paano tinitignan ang mga ito ng mga piling linggwista
at iskolar. Ipinakita rin sa akda ang klasipikasyon na may kaunting kaibahan sa nakasanayang
gamit sa pag-aaral ng wikang Sebwano.
Bibliographic Entries:
Bas, Nazario D. 1971. 1971. Cebuano pronouncing dictionary with meanings in Pilipino and
English. In.p.1 462, 9 pp.
Baura, Betty, et. al. 1967. Cebuano Para sa mga Peace Corps Volunteers, Vol. 1. Peace
Corps Philippines
Bermejo, Julian 1894. Arte compendiado de la lengua cebuana; por el r.p. fr. Francisco
Encina... 2 ed...Tambobong. Pequefia Tipo. lit. del Asilo deHuerfanos. 180 and 3 pp.
Blake, Frank. 1907. Contributions to comparative Philippine grammar II. Journal Of American
Oriental Society 28 (2): 199-253.
Bunye, Maria Victoria at Elsa Paula Vap (1971 b). Cebuano grammar notes. Honolulu:
University of Hawaii Press. 109pp. (Pall language texts: Philippines).
Constantino, Ernesto A. 1998. Current Topics in Philippine Linguistics. Paper Read at the
meeting of the Linguistic Society Of Japan held in Yamaguchi University, Yamaguchi, Japan on
October 31, 1998.
Encina, Francisco; OESA . 1885. Gramatica Bisayn•Cebuana, reformnda por el Fr. Nicolas
Gonzalez. Manila: Imprenta de Amigos del Pais. 160, 44 pp.
Foley, William A. 1998. Symmetrical Voice Systems and Precategoriality in Philippine
Languages. http:// www.sultry.arts.usyd.edu.au/LFG98/foley5.htmn
Flores, Imelda Y. 1970. A contrastive analysis of the Cebuano and English nominal system.
Thesis (M.A.English), Silliman University, Durnaguete City. viii and 122 pp.
Guillen de san Jose Felix; ORSA. 1898. GUILLEN DE SAN JOSE, FELIX; O.R.S.A. (1846-
1899). 1898. Gramatica Bisaya para facilitar el estudio del dialecto Bisaya Cebuano. Malabon:
Estab.Tipo. Lit.del Asilo de Huerfanos.157 pp.
Jimenez de Ia Soledad, Pedro; ORSA. 1904. English-Bisaya grammar in twenty-eight lessons.
Cebu: Imprenta de "El Pais". 158, 2 pp.
Kroeger, Paul. 1998. Nouns and Verbs in Tagalog: A reply to Foley.
http://www.sultry.arts.usyd.edu.au/LFG98/austro/kroeger/frames/ktitle.htm
Martin, Julian, OSA. 1842. Diccionario bisaya-espanol. Manila: Imprenta de D. Manuel y D.
Felis
Dayot por D. Tomas Oliva
Morelos, Francisco Morelos. 1960. Visayan Fundamentals. CEbu City: nap.
Nelson, Andrew M. 1955. A grammar of the Cebuano dialect. Cebu City: Ago Mimeograph
Service. xiv, 248 pp.
Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. 1991.Makabagong BalarilangFi1ipino. Manila:
Rex Bookstore
Trienekens, G. MSC. 1962. Bisaya Lessons. Cebu City: Cebu Star Press.
Trosdal, Mimi. 1992. Formal-functional grammar of the Cebuano language with a
functionally labelled English-Cebuano vocabulary. Cebu City: Salvador and Pilar
Sala Foundation.
Vilches de Ia Concepcion, Manuel (1820-1880)-1877. Gramatica Viusaya-Cebuana. Breve
apuntes. Manila: Imprenta de Ramirez y Giraudier. 183 pp.
Zueco de sam Joaquin, Ramon; O.RS.A. (1828-1889). 1884. Metodo de Dr. Oilendorf
para aprender a leer, hablar y escribir un idioma qualquiera adaptado al Visaya. Manila:
Imprenta Amigos del Pais. 2 parts -Part 1, grammar, 314 pp.; Part 2, texts, xviii and 120 pp.
(First ed. , 1871), Manila: Imprenta de Ramirez y Giraudier 314, 120 pp).

You might also like