Professional Documents
Culture Documents
Modyul 2 - Aralin 2 AGENDA, MEMORANDUM AT POSISYONG PAPEL
Modyul 2 - Aralin 2 AGENDA, MEMORANDUM AT POSISYONG PAPEL
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang at sagutin ang mga tanong.
1. Kung ikaw ay isa sa napiling pangulo sa inyong paaralan, ano ano ang mga plano mo na gusto
mong ipapatupad bilang isang pangulo? (5PTS)
2. Ang pagiging isang mabuting samahan ay nakasalalay sa desisyon ng isang leader, kung ikaw
ay napabilang sa HUMSS o STEM na organisasyon, ano ang maiaambag mo sa iyong mga
kasamahan? (5PTS)
3. Bilang isang mag-aaral, ano ano ang mga pagkukulang sa iyong paaralan na gusto mong
matupad? (5PTS)
ARALIN 2
AGENDA, MEMORANDUM AT POSISYONG PAPEL
TUTOK
Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.
AGENDA
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na
pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago
isagawa ang pulong.
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong
1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:
a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad
na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-
mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa
mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at
oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang
maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng
pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang
paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.
Halimbawa ng Adyenda
Adyenda ng Pagpupulong
MEMORANDUM
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3
(2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing
pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo
nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga
dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa
memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya
o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o
suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao
sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring
maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa
mga polisiya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga
kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored
stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa
layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng
sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni
Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin
ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman
ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng
pinaguukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong
kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba
pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang
buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang
pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong
ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat
ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob.
Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan
ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita
ng paggalang .
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula kay …
Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o pagbibigay ng kabatiran
POSISYONG PAPEL
Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat.
Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu
patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang
posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito
ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa.
1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes -Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang
pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng
pagiging mahirap ng pagsulat ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto
mo ang iyong paksa. Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon,
estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa dahil
nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya.
2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik - Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang
matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.
Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga
mapagkakatiwalaang web site, tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong
akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga
propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at
gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa.
3. Hamunin ang lyong Sariling Paksa - Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang
pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong
kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng
mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at
kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga
kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga
ito. Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga kasalungat
na posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at tukuyin kung
bakit hindi tumpak ang mga ito.
Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel, ilista
ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na
punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang
mas mahusay.
1. Lumikha ng Balangkas (Outline) - Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang
isang posisyong papel:
A. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang
impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit
ang iyong posisyon.
B. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
C. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong
posisyon.
D. Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng
mga inilahad na mga kontra-argumento.
E. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng
posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging
magalang. Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga
ebidensiya.
18 ng Mayo, 2014
Dr. Patricia Licuanan
Chairperson Commission on Higher Education (CHED)
HEDC Building, C.P. Garcia Avenue
UP Diliman, Quezon City
Bilang karagdagan, naniniwala pa rin kami na mabisang gamit ang Filipino sa mabilis
at mabuting pagkatuto ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga na mapaunlad sa kanilang
sarili ang nasyonalismo kung gagamitin ang Filipino sa mga asignatura tulad ng Agham
Panlipunan, Edukasyong Pagpapakatao, Panitikan, Humanidades, at iba pa. Ang pag-aalis ng
Filipino sa akademikong konteksto ay magbubunga ng pagkakawatak-watak sa kaisipan na
lalong maging kolonyalismo ang mentalidad ng mga mamamayang Pilipino at sisira sa mga
kulturang panrehiyon at paglabag sa itinadhana ng Konstitusyon na binigyang-halaga ni
dating Pangulo Manuel L. Quezon.
Panuto: Isulat sa kahon ang mga katangian ng bawat uri ng paglalagom na tinalakay. (20PTS)