Week-11 Ang Kahulugan NG Tula at Ang Mga Elemento Nito

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ANG KAHULUGAN NG

TULA AT ANG
MGA ELEMENTO NITO
 Ito ay maituturing na pinakamatandang sining ng tula sa kulturang
Pilipino.
 Tula ang pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng awit, sayaw, at
dula.
 Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang
magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos
sa isang maanyong paraan kaya kinakitaan ng sukat at tugma.
 Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno.
 ayon kay Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may
ibig sabihin at may Katuturan.” Sa madaling salita, bawat
sambit nila ay matalinghaga at makatuturan.

 ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo


ang tinatawag natin ngayong mga kasabihan, kawikaan, at
salawikaing nakasulat sa anyong patula.
MGA ELEMENTO
NG TULA
Sukat
 isang mahalagang elemento ng tula ay ang sukat o
ang bilang ng mga pantig sa bawat saknong.
Karaniwang ginagamit ang labindalawa, labing-anim,
at labingwalong pantig.
Halimbawa:
I/ pa/ han/ -dog/ han/ -dog ang/ bu/ ong/ pag/ -i/ big/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
At/ hang/ gang/ may/ du/ go’y/ u/ bu/ sing/ i/ ti/ gis/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Kung/ sa/ pag/ ta/ tang/ gol/ bu/ hay/ ay ma/ pa/ tid/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
i/ to’y/ ka/ pa/ la/ ran/ at/ tu/ nay/ na la/ ngit/.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Tugma
isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay ang
pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling
salita tulad ng taludtod. Ang panghuling pantig sa dulo ng taludtod
ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang
mabilis, malumay, o may impit sa lalamunan.
Talinghaga
 ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pang-karaniwang salita upang maging kaakit-
akit at mabisa ang pagpapahayag. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga pangungusap
na nagtataglay ng mga matatalinghagang pahayag o salita.
Halimbawa:
 Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
 Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya.
 Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
Larawang-diwa (Imagery)
ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
 Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib at siya ay dapat na
ipagtangkilik, ang anak, asawa, magulang, kapatid, isang tawag niya’y
tatalikdang pilit.
Simbolismo (Symbolism)
ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
Halimbawa:
 puno – buhay
 ilaw – pag-asa
 tinik – pagsubok/hirap
 Bathala – Panginoon
Kariktan
ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang
isang hanay-hanay ng mga talatang tugma-tugma ang mga
dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa
rin matatawag na tula kung hindi nagtataglay ng kariktan.

You might also like