Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
URDANETA CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School
Urdaneta City, Pangasinan

Name : ______________________________ Grade & Section: ____________


Date : ______________________________

STUDENT ACTIVITY WORKSHEET


QUARTER 1 – 5th and 6th Weeks

Asignatura at Taong Kinabibilangan: Grade 12 Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan


Semestre: Una
Kuwarter: Unang Kuwarter/Ikaapat hanggang Ika-anim na Linggo
Kasanayang Pampagkatuto:
 Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin. (CS_F12PU-0d-f-92)
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa
napag-usapan. (CS_12PN-0j-l-92)
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_F12PU-0d-f-93)
PAKSANG-ARALIN:

 Memorandum
 Adyenda
 Katitikan ng Pulong

Punto na Tatandaan
Ano ang Adyenda?
 Ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
 Galing sa salitang latin na Agendum na nangangahulugang “to do” o mga gagawin/dapat
gawin.

Punto na Tatandaan
Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng adyenda?
 Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na
nagsasaad na magkaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa
ganitong araw, oras at lugar.
 Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo
o kung e-mail naman, kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.
 Gumawa ng balangkas ng mga paksang ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng
adyenda o paksa ay napadala o nalikom na.

Narito ang halimbawa ng adyenda.


Petsa: Disyembre 5, 2015 Oras: 9:00 n.u.-11:00 n.u
Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1. Daisy Romero (Principal)
2. Nestor Lontoc (Registrar)
3. Joselito Pascual (Finance Head)

1
4. Atty. Ez Pascual (Physical Resource Head)
5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer)
6. Vicky Gallardo (academic Coordinator)
7. Rubie Manguera (Academic Coordinator)
8. Richard Pineda (Academic Coordinator)
9. Gemma Abriza (Guro-Senior High School)
10. Joel Cenizal (Guro-Senior High School)
11. Sherlyn Fercia (Guro-Senior High School)
12. Evangeline Sipat (Guro-Senior High School)
13. Ailene Posadas (Guro-Senior High School)
14. Vivin Abundo (Guro-Senior High School)
15. Onie Ison (Guro-Senior High School)
Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras
1. Badget sa pagpapatayo ng
mga gusali para sa senior high Pasual 20 minuto
school
2. Loteng kailangan sa
Atty. Pascual 20 minuto
pagpapatayo
3. Feedback mula sa mga
Romero 10 minuto
magulang hinggil sa SHS at ASj
4. Kurikulum/Track na ibibigay
Romero 20 minuto
sa ASJ
5. Pagkuha at pagsasanay ng
Lontoc 15 minuto
mga guro para sa SHS
6.Pag-iiskedyul ng mga
Pineda 15 minuto
asignatura
7. Estratehiya para mahikayat
ang mga mag-aaral na kumuha Gallardo 10 minuto
ng SHS sa ASJ

Punto na Tatandaan
Ano ang katitikan ng pulong?
 Ito ang opisyal na tala ng isang pulong.
Ano-ano ang mga bahagi ng katitikan ng pulong?
 Heading – Ito ay naglalaman ng mga pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon,
o kagawaran. Makikita rin ditto ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.
 Mga kalahok o dumalo – dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng dumalo kasama ang mga panauhin.
Maging ang pangalan ng mga lumiban o hindi nakadalo ay nakatala rin.
 Pagbasa at pagpatitibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa
sa mga ito.

2
Punto na Tatandaan
Ano-ano ang mga bahagi ng katitikan ng pulong?
 Action Items – kasama sa bahaging ito ang hindi pa natapos o nagawang proyektong
nagging bahagi ng nagdaang pulong.
 Pabalita o patalastas – Hindi ito lagging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung
mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
 Iskedyul ng susunod na pulong – itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan
gaganapin ang susunod na pulong.
 Pagtatapos – Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
 Lagda – mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulong at kung saan ito isinumite.

GAWAIN BILANG 2
Nakikilala ang uri ng sulating inilalarawan
Kilalanin kung ang sulating tinutukoy sa bawat bilang ay isang memorandum, adyenda at katitikan ng pulong.
Isulat ang sagot sa linya sa ibaba.

_______________1. Ang pagbasa at pagpatitibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.


_______________2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
_______________3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
_______________4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______________5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
_______________6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
_______________7. Nasisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang sa simpleng
usapan.
_______________8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
_______________9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alituntunin.
_______________10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.

GAWAIN BILANG 3
Panuto:PAGHAHAMBING SA LAYUNIN NG PAGSULAT: Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
layunin ng pagsulat (Personal at Sosyal ) ayon kay Mabilin (2012) sa pamamagitan ng venn diagram.

SOSYAL
PERSONAL (Pagkakaiba)
(Pagkakaiba)

PAGKATUTULAD

3
https://thestageandthestudio.wordpress.com/2013/10/11/on-kundiman-and-courtship
https://inkwentro.files.wordpress.com/2010/09/45-copy.jpg

Karagdagang Gawain

Panuto: PAGTATALATA: Bumuo ng tig-isang talata tungkol sa bawat larawan. Ang mga pangungusap
ay maaaring nagtatanong, nagbibigay opinyon, naglalahad o nagbibigay ng obserbasyon at
pagpapahalaga. Bigyan ng pamagat ang larawan. Pagkatapos, gumawa ng sariling paglalarawan sa
pamamagitan ng pagsulat o pagguhit. Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at pagkamapanuri.
A B

Mungkahing Pamagat
________________

A.

B. Mungkahing Pamagat
________________

4
Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis.
(CS_12PN-0j-l-92)
Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng pulong sapagkat ikaw ay naatasang
kumuha ng katitikan ng isang pulong na magaganap sa inyong silid-aralan. (Ang pulong na ito ay iparirinig o ipanonood sa
inyo ng inyong guro.) Pagkatapos ay bumuo ng sintesis batay sa pulong na napanood o narinig. Isaalang-alang sa paggawa
ang lahat ng bagay na natutuhan sa araling ito gayundin ang pamantayang makikita sa ibaba.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng pulong
5
at sintesis. (CS_12PU-0d-f-92).
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at nakapagbigay ng
5
komprehensibong sintesis tungkol ditto.
Nakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingat, wasto, at angkop ang
5
paggamit ng wika (CS_12WG-0p-r-93).
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop ang
5
sintesis na nabuo.
Kabuoang Puntos 20

PAGSULAT NG DYORNAL BILANG 1

Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito.


1. Bakit mahalagang, matutuhan ang pagsulat ng adyenda at katitikan ng pulong?
2. Ano ang iba’t ibang uri ng pagpupulong? Bakit isinasagawa ang gawaing ito?

5
GAWAING MAG-AARAL
IKAPITO HANGGANG IKASAMPUNG LINGGO
Asignatura at Taong Kinabibilangan: Grade 12 Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Semestre: Una
Kuwarter: Unang Kuwarter/Ikapito hanggang Ikasampong Linggo
Kasanayang Pampagkatuto:
 Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa. (CS_12PN-0g-i-91)
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa
napag-usapan. (CS_12PN-0j-l-92)
PAKSANG-ARALIN:
 Talumpati
 Sintesis
Sanggunian

Phoenix Publishing House; Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

Punto na Tatandaan

Ano ang Pagtatalumpati?

 Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang


tumatalakay sa isang partikular na paksa.

GAWAIN BILANG 1
Simulan natin
Ano-ano ang inyong nalalaman tungkol sa talumpati? Ibahagi ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagpuno
sa graphic organizer sa ibaba.

Kahulugan at Katangian Isa Pang Bagay na Alam


Ko Tungkol Dito

Pamagat o Halimbawa ng Talumpating Alam Ko

Punto na Tatandaan
Ano ang mga Uri ng Talumpati?
 Biglaang Talumpati (Impromptu) – ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
 Maluwag (Extemporaneous) – nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag
na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ihayag.
 Manuskrito – ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o
programa sa pananaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
 Isinaulong Talumpati – kagaya rin ito ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

6
GAWAIN BILANG 2
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademikong may kaugnayan sa pagsulat ng talumpati
(CS_12PT-0m-o-90).
Ibigay ang mga kahulugan ng mga terminong nakatala sa bawat bilang tungkol sa pagsulat ng
talumpati.
1. Biglaan o Dagli:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________
2. Maluwag na Talumpati:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________
3. Tesis:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
4. Kronolohikal na Hulwaran:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
5. Topikal na Hulwaran:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
6. Introduksiyon:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
7. Kawastuhan:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
8. Kalinawan:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
9. Kongklusiyon:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________
10. Pangunahing Punto:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________

7
GAWAIN BILANG 3

Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng napakinggan/binasang


halimbawa (CS_12PN-0g-i-91).
Isulat ang mga hakbang na dapat gawin o isaalang-alang sa pagsulat ng isang talumnpati ayon sa paksa o temang
tatalakayin. Magbigay ng maikling paliwanag sa bawat hakbang. Isulaty ito sa lader organizer.
Sa kahon isulat sa ibaba ay ipaliwanag kung paano napagtibay ang iyong kaalaman sa pagsulat ng talumpati ng
pagsunod sa mga hakbang na isinulat at sa mga talumpating binasa o napakinggan sa araling ito.

3.

2.

1.

PAGSULAT NG DYORNAL BILANG 1

Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito.


1. Bakit mahalagang, matutuhan ang pagsulat ng talumpati?
2. Paano ka makasusulat ng isang epektibong talumpati? Ano-ano ang mga dapat ikonsidera o bigyang-pansin sa
pagsulat nito?

You might also like