Kabayanihan NG Mga Manggagamot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabayanihan ng mga manggagamot

Importante ang papel na ginagampanan ng mga manggagamot sa ating lipunan. Ang mga medical
professional ay mga taong nagsikap at nagtiyagang mag-aral ng higit walong taon para pagaralan ang
estilo ng paggagamot. Sila ang mga taong may layuning tumulong sa kanilang kapwa sa larangan ng
medisina.

Karaniwan nating nasisilayan ang kabayanihan ng mga manggagamot sa panahon ng mga sakuna, at mga
kalamidad katulad ng bagyo, lindol at ng kinakaharap nating pandemya ngayon. Ang Covid19 ay isang
pandemya na nagmula sa bansang Tsina noong taong 2019 at kasalukuyang kinakaharap ng buong
mundo ngayon. Dahil sa pademyang ito, lalong napagtatanto ng mga tao ang kabayanihan na
ipinapamalas ng mga frontliners, lalo na ang mga manggagamot.

Marami tayong nababalitaan at naririnig na balita tungkol sa hirap na pinagdaraanan ng mga medical
professionals sa panahon ngayon. Lahat sila ay nakakaranas ng ibayong lungkot, pagod, at pagkabagabag
sa mga sakuna tulad ngayon. Marami sa kanila ang nagsasakripisyong mawalay sa kanilang mahal sa
buhay para magsilbi sa bayan. Palagi ring nasa peligro ang kanilang sariling kalusugan at buhay sapagkat
parati silang nakalantad sa harap ng virus na ayon sa mga eksperto ay nakamamatay. Nababalitaan din
natin na ang iba sa kanila ay nakakaranas ng pang-aabuso at diskriminasyon mula sa kanilang mga
kababayan na kanilang pinoprotektahan. Labis- labis ang kabayanihan na ginagagawa ng mga
manggagamot ngunit ilan lamang ang ating nasisilayan.

Ang kabayanihan ng mga frontliners, lalo na ng mga manggagamot ay dapat nating alalahanin at
kilalanin sapagkat ang kabayanihan nila ang siyang nagliligtas sa atin sa mga panahon ng sakuna. Sila ay
dapat nating pasalamatan ng buong puso sapagkat sila ang ating natatanging kalasag mula sa
nakamamatay na sakit. Huwag sana nating pandirihan, abusuhin, at idiskrimina ang mga manggagamot
na ito dahil lamang sa pinaghihinalaan natin silang nahawaan na ng sakit, sa halip ay ipagdasal na
lamang ang kanilang kaligtasan at tulungan sila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protocol na
pinapatupad ng gobyerno upang mabawasan ang kaso ng covid19 sa ating bansa.

You might also like