Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nakalbo ang Datu (Kuwentong-bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Muslim. Ilalahad nito ang ilang paniniwala ng mga Muslim tungkol sa
pag-aasawa. Sa kanilang paniniwala, ang isang lalaki ay maaaring magasawa nang higit sa isa kung may
kakayahang sustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila. Alam mo ba na… ang
kuwentong-bayan ay mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa
iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila (paraan na pagkukuwentong pasalita). Isa sa
mahalagang elemento ng kuwentong-bayan ang tauhan. Sila ang gumaganap ng mahahalagang karakter. May
dalawang uri ang tauhan: Ang tauhang lapad (flat character), na hindi nagbabago ang katauhan mula simula
hanggang sa magwakas ang kuwento at ang tauhang bilog (round character) naman na nagbabago ang
katauhan mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento. Nauuri rin ang tauhan sa katangiang protagonista
at antagonista. Ang protagonista ang pangunahing tauhan sa isang akda. Sa kaniya nakasentro ang mga
pangyayari. Antagonista naman ang lumilikha ng hakbang upang hindi magtagumpay ang pangunahing
tauhan.
May isang datu na tumandang binata dahil sapaglilingkod sa kaniyang mga nasasakupan. Sadyang
lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag-asawa. Dahil dito,
pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay. Totoong naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang
dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala
siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batangbata at totoong napakalambing.
Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya
ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si
Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan, magmumukhang kasinggulang
ko lamang siya.”
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting
buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay na maganda at mabait din si
Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng
datu.Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na
buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu.
Tunay na naging maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kaniyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at
Farida.
Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories).
Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.

Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang suliranin ng Datu?
2. Bakit naging suliranin niya ito?
3. Paano natutong umibig ang Datu?
4. Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal sa Datu?
5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang asawa ng datu?

You might also like