ABORSYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ABORSYON

Ang aborsyon ay tumutukoy sa anumang porma o paraan ng pagtapos sa pagdadalantao bago pa


man magkaroon ng kakayahan ang bata na mamuhay sa labas ng sinapupunan.Ang aborsyon ay tila ngang
nagiging bahagi na ng ating kultura sa pagdaan ng panahon.Ang iba pa ngang mga bansa, ay nagiging tradisyon na ng
kanilang tribo ang aborsyon tulad na lamang ng bansang tsina na kung saan dahil sa bilyon nilang populasyon ay
nagpatupad ang kanilang gobyerno ng one child policy na kung saan ang anak ng isang mag-asawa ay dapat na iisa
lamang at kung may susunod pa ay ipapa-aborsyon na ito.Bukod sa tsina,ay marami na ring bansa ang nagdesisyon ng
pagpapa-legal nito bilang bahagi ng kanilang kultura,mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan at maiwasan ang
pagdami ng populasyon.Sa ating bansa ay matagal na rin na usapin ng pagpapalegal nito sapagkat sa kinakaharap ng ating
bansa ang lumalaking bilang ng populasyon at aminin man natin o hindi ay may iilan na rin ang gumawa nito dahil na rin
sa dumadaming mga kabataan na at patuloy na bumibigat na problema ng ilan sa ating mga kababayan dahil sa pagdami
ng populasyon nagiging resulta ng kahirapan at pagdami ng kaso ng aborsyon.Bakit nga ba kailangan pang mag-resulta sa
aborsyon ang isang tao? una na rito ay marahil sa maagang pagbubuntis ng isang ina ngunit gayon pa man ay may iba’t
ibang dahilan kung bakit nagagawa ito ng isang babae tulad na lamang ng aking napanood na maikling palabas.

Sa maikling palabas na aking napanood, na kung saan ay pinamagatang “Lisan” halo-halong emosyon
ang aking naramdaman nagalit,natawa,nalungkot ngunit gayon pa man ay namulat ang aking isipan tungkol sa
pagaaborsyon at marami rin akong natutunan, ang higit na nakapukaw ng aking atensiyon ay ang kanilang pahiwatig sa
huli.Ang bida sa maikling palabas na ito ay pinangalanang “Calvin at Sophia” na kung saan, si Calvin ay isang
basagbulero at lasinggero kasalungat naman ni Sophia na isang matalino sa klase,masunurin,mabait at isang presidente sa
kanilang paaralan ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon, ay pinagtagpo ang kanilang tadhana dahil sa tindi ng kanilang
pagmamahalan ay nagawa nila ang hindi tama kaya pinalayas siya ng kanyang magulang dahil doon ay lagi niyang
sinasaktan ang kanyang sarili partikular na ang bata tulad ng pag-inom ng gamot,hindi pagkain at panununtok hindi siya
nagtagumpay doon ngunit sa huli ay ibinandona niya pa rin ito dahil mas gusto niyang tuparin ang kanyang mga pangarap
kaya ibinigay niya ito kay Calvin na kung saan pinalaki niyang maayos at mabaita ang bata ngunit sa hindi ulit
inaasahang pagkakataon ay pinagtagpo muli ang kanilang tadhana na kung saan ay tagumpay na si Sophia pinagsisihan
niya ito at sa huli ay naging isang masayang pamilya sila.Sa maikling palabas na ito, ay makikita natin na ang isa sa mga
rason kung bakit nagpa-aborsyon ang isang babae ay dahil sa kanyang maagang pagbubuntis at sa takot na rin na hindi
niya kayang harapin ang responsibilidad ng ppagiging isang ina.Isa sa nagustuhan ko sa maikling palabas na ito ay
punong puno ng realisasyon sa sinumang makakapanood nito lalo na sa mga kabataan tulad na lamang noong sinabi ni
Calvin na hindi niya akalain na ang magiging instrumento ng kanyang kasiyahan ay kanyang anak na kinaayawan niya
noon, ang tanging makapagbibigay nito.

Ang pagkakaroon ng sanggol ay itinuturing na isang biyaya mula sa Diyos sapagkat hindi lahat ay may
kakayahan na magkaroon ng isang anak.Ilan sa mga natutunan ko sa palabas na pinamagatang “Lisan” ay kalimitan sa
mga kaso ng aborsyon ay nauugat sa teenage pregnancy na kung saan ang pagbubuntis ng wala sa sapat na edad.Kaya
aking nahinuha na ang pagkakaroon ng nobyo at nobya ay walang magandang maidudulot lalo na ang mga katulad ko na
kabataan na nababalot ng kuryosidad sa mga bagay, isa na dito ay ang pakikipagtalik at pagiging mapusok kaya dapat ay
makapagtapos muna ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho sapagkat ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking
responsibilidad at hind ito basta-basta.Kung ako ang tatanungin, ay hindi ako sang-ayon sa pagaaborsyon hindi lamang
dahil isinasaad ng bibliya na ang pag-aaborsyon ay hindi tama at pagpatay na rin ng tao ang paggawa nito,sapagkat sa
palabas ay natutunan ko na sadyang napakahalaga ng buhay ng isang tao,bawat sanggol sa mundo ay may karapatang
mabuhay at makita ang kagandahan ng mundo at hindi natin alam na ito pala ang magbibigay ng kaligayahan at
kaginhawaan satin.
PAGKITIL NG SARILING BUHAY
Ang karaniwang tao sa mundong ito ay may determinadong mabuhay sa mundo.Lahat ay may
kakayahan upang malagpasan ang problema subalit alam naman natin na hindi lahat ng tao ay may ganitong pananaw sa
buhay sapagkat bawat isa sa atin ay mayroong mahina at malakas na kalooban maaring ang kahinaan na ito ay maging
dahilan ng pagsuko sa buhay at pag-asa na maaaring humantong upang kitilin ang buhay.Ang pagkitil ng sariling buhay o
tinatawag ding suicide sa salitang ingles ay ang pagtatapos sa sarling buhay o pagtapos ng anumang di kanais-nais na
nagyayari sa kanyang buhay karamihan sa mga ito ay nagbibigti o di kaya’y naglalaslas at umiinom ng maraming
gamot.Karamihan sa mga tao ay pagpapatiwakal ang tanging naiisip upang takasan ang kanilang mga problema na
kinakaharap sa paaralan,pag-ibig,pamilya,maging sa pinansiyal at iba pa.Ayon kay Refield Jamison,Psychiatrist, “Ang
bawat isa ay may sariling dahilan kung bakit nagagawa ang pagpapatiwakal;siya lang ang nakakaalam,mahirap unawain
lubhang nakakabagabag.Huwag sana husgahan agad ang taong nagpapatiwakal” ngunit bilang isang kapwa at bilang isang
tao ano nga ba ang ating magagawa para sa ating sarili at kapwa na nararanasan ang ganitong sitwasyon? Sa kabila ng
mga pangyayari na ito na hindi inaasahan paano nga ba natin mapipigilan ang taong nais tapusin ang kanyang buhay?at ito
ay aking nakita sa maikling palabas na pinamagatang “Speak Life”.

Ang maikling palabas na pinamagatang “Speak Life”ay tilang napaka-ikli nga ngunit nandun na ang
lahat ng dapat natin matutunan at layunin din nitong magkaroon ng awareness tungkol sa suicide ipinapakita di nito na
kalimitan sa kaso ng suicide ay nauugat sa depresyon.Ang bida sa maikling palabas na ito ay pinangalanang “Mitch” sa
una ay ipinapakita doon na mayroon siyang isang masayang pamilya,mga kaibigan at kasintahan tila nga masasabi natin
na sadyang napakaganda at masay ang kanyang buhay minsan pa nga ay siya pa ang nagbibigay ng payo sa mga taong
nakakaranas ng depresyon.Pero kabaliktaran lang pala lahat ng ito hindi masaya ang kanyang pamilya sapagkat
kinaiinggitan siya ng kanyang mga kapatid,pinaplastik siya ng kanyang mga kaibigan,at nawalan ng atensiyon ang
kanyang nobyo sapagkat naadik sa sugal ito dito ay aking nahinuha na wala pala talagang perpekto na buhay sapagkat
bawat isa sa atin ay may hindi magandang karanansan sa parte ng palabas na ito ako ay nabigla sapagkat representasyon
lang pala ang lahat pati ang kanyang mga ngiti kaya pumasok sa akin ang isang realisasyon na paano kung ang ibang tao
ay ganito? Na peke lang pala ang kanilang mga ngiti kung sino pa ang nagbibigay ng payo ay yun din pala ay nakakaranas
ng depresyon.Habang si Mitch ay naglalakad sa isang tulay, bumalik sa kanyang mga alaala kung gaanon kapait ang
kanyang buhay kaya hindi niya namalayan na malapit na pala siyang tumalon buti na lamang ay pumasok sa kanyang
isipan ang nakasalubong niya noong araw na iyo na kung saan ay nakakaranas din ng pait sa buhay na mas malala pa sa
kanya at hindi ito sumusuko at dahil doon ay hindi niya itinuloy ngunit naging postibo sa pananaw sa buhay ang palabas
na ito ay talagang sumampal sa aking pagkatao sapagkat minsan ko na rin tinangkang wakasan ang aking buhay aking
nahinuha na napaka-swerte ko pala dahil may pamilya ako na laging nakasuporta sa akin at kaibigan na totoo sakin.Ang
maikling palabas na ito ay tilang representasyon ng taong nakakaranas ng depresyon at dahilan ng pagkitil ng buhay.

Sa pamagat pa lang ng maikling palabas na “Speak Life” ay may natutunan na kaagad ako na ang
buhay ay mahalaga hindi dapat ito basta balewalain sabi nga wala tayong karapatan ng kitilin ang ating buhay sapagkat
hiram lamang natin ito sa Panginoon at siya lamang ang may karapatan na kunin ito.Natutunan ko din sa maikling palabas
na ito bilang isang kapwa,ay magsilbi tayo bilang tulay patungo sa liwanag sa mga taong alam natin na nakakaranas nito
kilala mo man o hindi sapagkat sa puntong ito iyon ang kailangan ng taong nakakaranas nito,ang karamay.Natutunan ko
din na kung makakaranas ka ng ganito ay mahalaga ang huwag sumuko,panatilihin ang pagiging positibo sa buhay at higit
sa lahat ay magdasal at lumapit sa Panginoon sapagkat isa siya sa makakatulong sa inyo gawin din nating instrumento sa
mga problema sa buhay bilang tulay ng pag-abot ng pangarp.Ika nga sa maikling palabas, “Words kill,words give
life;they’re either poison or fruit-you choose.” –Proverbs 18:21(MSG)
PAMBUBULAS

Ang pambubulas o bullying sa ingles ay tumutukoy sa aksyon na isinasagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao sa isang mas mahinang indibidwal na kung saan minamaliit,sinasaktan,o hinihiya ang kanyang pagkatao
kadalasan ang biktima ay sinasabihan ng masasamang salita,nilalait,tinatawag sa iba’t-ibang katawan o di kaya ay ang
pagpapakalat ng mga tsismis na hindi naman totoo tungkol sa kanya.Libo-libong mga bata ang nakakaranas nito maging
sa sosyal medya ay mayroon ding pambubulas ngunit karamihan sa mga ito ay nangyayari sa paaralan.Dahil sa
pambubulas ay maaaring maapektuhan nito ang pisikal,emosyonal,sosyal at moral na aspeto ng isang tao na kung saan ay
maaring humantong sa matinding depresyon at pag-kitil ng buhay tulad na lamang ng aking maikling palabas na napanood
na pinamagatang “Bully”.

Sa maikling palabas na pinamagatang “Bully” ay marami akong natutunan at lungkot din ang aking
naramdaman sapagkat sa katotohanang talamak pa rin ang kaso ng pambubulas sa mundo partikular na nga sa paaralan.Sa
maikling palabas na ito ang dalawang bida ay pinangalanang “Jana at Althea” si Jana ang nambubulas samantalang si
Althea naman ang biktima.Sa palabas na ito si Althea isang mabait na bata at tahimik samantalang si Jana na ay
masungit, at laging binubulas si Althea at ang knyang ginagawa ay kinukuha ang baon nito,pinagbabantaan sa
pagsumbong at sinasaktan tulad ng pananampal at base sa kanyang ate ay paulit-ulit itong ginagawa ni Jana at mahigit
sampung taon na ito nangyayari dahil dito ay naapektuhan na ang kanyang emosyonal na aspeto madalas na niyang
nasasagot ang kanyang ate dito sa parte ng palabas na ito ako ay nalungkot sapagkat ganito papla ang nagyayari sa mga
biktima ng pambubulas sa isang tao.Umabot ang panahon na kung saan ay natutung lumaban si Althea kay Jana ngunit
tila nabaliktad ang pangyayari dahil nahuli si Althea na siya ang gumagawa ng pambubulas kung kaya’t nagpatawag ang
guro sa mga magulang nito ngunit mas pinili pa rin niyang huwag sabihin ang totoo sapagkat natatakot siya dito sa parte
na ito ako ay nagulat sapagkat sa realisasyon na ang bawat biktima nito takot na magsumbong sa guro o sa magulang
sapagkat wala silang lakas ng loob hanggang sa humantong na nagtangkang magpakamatay si Althea dahil sa pambubulas
na naranasan niya at dahil doon ay nagbago si Jana sapagkat alam niyang kasalanan niya ito inamin niya na ang dahilan
ng kanyang pambubulas ay dahil sa inggit kay Althea ngunit sa huli ay naging magkaibigan sila.Sa palabas na ito ay ako
ay namangha at nalungkot dahil karamihan nga sa mga kaso ng pambubulas ay nahahantong sa pagtangkang pagkitil sa
buhay.

Sa palabas na pinamagatang “Bully” ay marami akong natutunan tungkol sa pambubulas, di lamang sa


biktima kundi sa nagsasagawa nito.Natutunan ko na bilang isang kapwa kung mayroon man akong nakita na binubully ay
dapat bilang isang kapwa gumawa rin ng aksyon tulad ng pag-sumbong sa guro at sa mga magulang at ang pagdamay sa
biktima.Kung ako man ang makakaranas nito ay mas mabuting mag-sumbong at maturuan sila ng leksiyon kesa sa paulit-
ulit itong gawin sayo at matuto ding lumaban sa makakabuti sa iyo natutunan ko din na huwag gumanti sapagkat mas
mabuti na lamang na manahimik kesa gumanti sapagkat maaaring lumalala iyon.Natutunan ko din na kung na
napakahalaga talaga na mapalago ang komikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya sapagkat sa pamilya nagsimula ang
paghubog ng bata at kung ano nakikita niya sa kanyang pamilya ay isinasabuhay niya rin ito bilang isang magulang ay
turuan na natin ng magandang asal at alamin ang mga nagyayari sa mga anak sa loob o maging sa labas ng paaralan
sapagkat ito rin ang isa sa mga paraan na maaring gawin upang hindi lumalala ang kaso ng pambubulas.Natutunan ko din
na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at huwag basta bastang hahayaang tapakan ng ibang tao ika nga, “COURAGE is
fire,and BULLYING is smoke”.

You might also like