Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SPEC 108

Modyul 1- Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikang-yaman ng Pilipinas

Panimulang Pagsusulit
I.Panuto: Basahin ang mga impormasyon sa bawat bilang at sagutin ang mga
tanong ukol dito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

1. “O pagsintang labis ang kapangyarihan Sampung mag-aama’y iyong


nasasaklaw Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman Hahamakin ang lahat, masunod
ka lamang.”
a.tula
b.talumpati
c.talata
d.parabula
2. Ito ay mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap:
tauhan, lugar, balangkas, at mga pangyayari.
a.talumpati
b.epiko
c.nobela
d.awit at korido
3. Ito ay mga kwentong-bayan na ang mga tauhan ay mga hayop.
a.nobela
b.epiko
c.pabula
d.elehiya
4. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.
a.Noli Me Tangere
b.Kahapon, Ngayon, at Bukas
c.Doctrina Christiana
d.A Fly in a Glass of Milk
5. Ito ay tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga
akda.
a.sanaysay
b.alamat
c.nobela
d.parabula

II. Panuto: Tukuyin ang uri ng teksto na ginamit sa bawat pahayag. Pumili ng
sagot sa kahon na nasa ibaba.

Dula Alamat Pabula Parabula Balita Talumpati

1.Richard: Kailan ka pa dumating?


Verna: Nagulat ka ano ? hindi mo akalain magkikita pa tayo.
Richard: Ah, eh…………..
Verna: Kumusta ka na?

2.Sa isang kisap-mata , ang matandang pulubi ay biglang nag-anyong diwata.


“Simula sa araw na ito, ikaw Rosa ay magiging isang halamang tinik sa tangkay.
Mamumulaklak ka ng pula kasimula ng galit mong mukha. Ikaw Rosal ay magiging
halamang mamumulaklak ng maririkit na putting bulaklak kasimputi ng iyong busilak
na puso.”
3.“Magtago ka na!” Galit nagalit na sigaw ni aso,”Miyaw! Miyaw!” Panunudyo ni
pusa.”hindi mo ako maabutan,” naghahabulan ang dalawa sa damuhan.

4.Pinarangalan kahapon ng pangulo ang sampung pinakamahusay na mag-


aaral sa buong bansa, sa heroes hall, palasyo ng Malakanyang ang mga nahirang sa
mag-aaral ay pinangunahan ng isang mag-aaral sa pamantasang normal ng Pilipinas
na nagtatapos sa kursong edukasyon.

5.Mga kababayan , hanggang kailan tayo paalipin sa isipang kolonyal? Kung


tutuusin , maraming mga produktong Pilipino ang maipagmamalaki sa Pilipinas at sa
katunaya”y hinahangaan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ngunit bakit tayong mga
Pilipino ay patuloy na nahihirati sa mga gawang dayo?

Gawain 1.1 Pagsulat ng sanaysay sa pamamagitan ng Pagsagot sa IRF Sheet


(Bigyang-pansin ang pamantayan na nasa panina 109-113)
Tugunan ang bahaging I o Initial ng IRF Worksheet upang malaman kung
paano
nakaimpluwensiya sa daigdig ang panitikan/literatura? Maglahad ng mga
patunay.

IRF WORKSHEET
Paano nakaimpluwensiya sa daigdig ang panitikan/literatura?

Initial Answer

Revised Answer

Final Answer

Gawain 1.2 Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang
patula, patuluyan at patanghal, sa tulong ng diagram ilahad ang pagkakaiba ng
tatlo batay sa gawaing nasa ibaba.

3. PATANGHAL
2. Patuluyan -isinaula sa
entablado, mga
bahayo
Patula Binubuo ng binubuo ng mga: mga
naangkop na mga
pook.
mga: -Talata -may sangkap na
Saknong iyalogong
-Tuloy-tuloy na nasusulatna
Taludtod maaaring patula o
pangungusap
Sukat patuluyan
-may mga yugto
tugma na binubuo ng
mga tagpo
-kailangang
ipalabas upang
matawagna
Hulwarang Paghahambing at Pagtutulad patanghal.

1.) Ano-ano ang pagkakaiba ng 1 at 2? Ng 1 at 3? Ng 2 at 3?


2.) Ano-ano naman ang pagkakatulad ng 1, 2 at 3?
Gawain 1.3 (Bigyang-pansin ang pamantayan na nasa panina 109-113 )

a.Isulat ang alamat ng iyong pangalan? (15 pts)


b.Gawan ng diyalogo ang alamat ng iyong pangalan upang makabuo ng isang
maikling dula. (15 pts)

Gawain 1.4 (Bigyang-pansin ang pamantayan na nasa panina 109-113 )

A.Sumulat ng isang tula/awit , pumili ng isa sa mga sumusunod na mga paksa:


1.Ang kahulugan ng Literatuta o Panitikan sa Aking Sariling Pananaw.
2.Mga inaasahan kong kapakipakinabang ng Pag-aaral ng Sariling Literatura o
Panitikan.

B.Manood ng mga dulang pantelebisyon o pampelikula, at sa tulong ng


ANALYSIS CHART suriin ang mga kaugalian at paniniwalang Pilipino na
masasalamin sa napanood na palabas. Magbigay ng reaksyon tungkol dito.
(Gumawa ng chart at sumulat ng reaksyong papel.)

Gawain 1.5 Ulap ng Kalaman

Isulat sa mga ulap kung paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iba’t


ibang anyo ng panitikan/literatura .

Pagtataya
Pagtataya 1: Panuto : Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot.

1.Tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.


a.Epiko b.Bugtong c. Liriko d. Soneto e. Salawikain

2.Anyo ng panitikan na pasalaysay ang paglalahad o binubuo ng mga pangungusap


na tuloy- tuloy.
a.Patula b.Bugtong c. Liriko d. Soneto e. Tuluyan

3.Ang salamin ng buhay at pamumuhay ng mga tao sa isang particular na lugar.


a.Patula b.Parabula c. Panitikan d. Alamat e. Tuluyan

4.Kwento o salaysay na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao at karaniwang tungkol


sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a.Anekdota b. Alamat c. Parabula d. Pabula e. Nobela

5.Kuwento o salaysay na mahaba, maraming tauhan at tagpuan na nahahati sa


kabanata.
a.Anekdota b. Alamat c. Parabula d. Pabula e. Nobela 6.Tulang
nagpapahayag ng diwa, matinding damdamin at kaisipan.
a. Epiko b.Bugtong c. Liriko d. Soneto e. Salawikain
7.Salaysay na isinulat upang bigkasin sa harap ng maraming tao na may layuning
umakit, humikayat at magliwanag.
a.Balita b. talumpati c. Talambuhay d. Sanaysay e. Alamat
8.Kuwento o salaysay hango sa banal na kasulatan na naglalayong mailarawan ang
isang katotohanang moral o ispiritwal sa isang matalinghagang paraan.
a.Anekdota b. Alamat c. Parabula d. Pabula e. Nobela
9.Tulang liriko na binubuo ng 14 na taludtod. Naglalaman din ng damdamin at
kaisipan.
a.Epiko b.Bugtong c. Liriko d. Soneto e. Salawikain
10.Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa kapaligiran at maging sa
ibang bansa.
a.Balita b. talumpati c. Talambuhay d. Sanaysay e. Alamat

Pagtataya 2: Basahin ang mga sumusunod na halimbawa ng mga anyo ng


panitikang Filipino. Kilalanin mo ang anyo ng bawat isa. Isulat sa patlang ang
inyong sagot.

1 .Ako’y Pilipino

Ako’y Pilipino. Sa isang lupang tahimik at sagana ay kumita ako ng unang liwanag.
Ang pinagmulan ko ay matandang salin ng mga unang lipi. Ang nuno ng aking mga
nuno ay katulad ng ibang nilikhang isinilang namay taglay na sarili: may sariling
datung iginagalang sa barangay; may sariling anitong sinasamba sa
pananampalataya; may sariling lipunan, sining, kaugalian, at paniniwala. May sariling
pamumuhay at sila’y nakikipagkalakalan sa Hapon, Tsina, at sa mga pulong Malaya.
Anupa’t ako’y nagising sa kariwasaan, sa kapayapaan.

Anyo:

2. Ang Laki sa Layaw ni Francisco Baltazar

Pag-ibig anaki’y aking nakilala, Di dapat palakhin ang bata sa saya; At sa katuwaa’y
kapag namihasa,
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpis, Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib;
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis….
Ano’ng ilalaban sa dahas ng sakit?

Anyo:

3. Tradisyon

Ang pagsang-ayon ng kanyang ama sa hangarin ng mga bagong dating ang siyang
nagbunsod sa kanya para lumaban, sa kauna-unahang pagkakataon.
“Intindihin n’yo sana ‘ko, ama, ang aking panig. Hindi nagiging matatag ang
pagsasamang sapilitan ang pagkakabuo.”
Ang mga mata ng kanyang ama ay waring nagbabaga na. “Lapastangan!” bulyaw
nito at nahagip nang makakapal na palad ang
kanyang pisngi. “Huwag mo kaming ilalagay sa kahihiyan. Ito’ng tandaan mo, hindi
mo mababali ang kaugaliang simula’t sapul ay ipinagalang na ng ating lipi. Ang
kasunduan ay kasunduan. Walang sinumang makakatinag. Tandaan mo ‘yan!”
Ang salita ng kanyang ama ay makapangyarihan, hindi bilang haligi ng tahanan,
kundi bilang isang matatag ng Datu ng Balangay. Gusto niyang ipaglaban ang
kanyang karapatan.
Subalit namagitan ang kanyang ina. Niyakap at inilayo siya.

Anyo:
4. Mirindal

Ika nga’y tumaba sa lamig at hirap,


Nakaluklok sa ilalim ng pergolang karton at yerong bulok, Pinahinog ng mga
tanghaling tapat,
Pinag-uban ng walang patawad na alikabok, Ilan taon ko na siyang dinudungaw:
Kapiling ang mga nilagang mane, papaya’t lakatang Di man makaakit sa maselang
bangaw,
Gaya niyang laging nasa kapanahunan. Iisang kimona ang bestido seremonyal
Parang sultanang buong tikas na pinamamayanihan Ang lumalatag niyang katabaan.

Anyo:

5. Karagatan

Dalaga: “Ikaw nga ang unang napili ng Diyos Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit hindi upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok.”

“Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito


At singsing kong ito ay nang maangkin mo Sa singsing na linao at walang pabato
Turan mong simula at ang dulot nito.”

Binata: “Karagatang ito’y kahit na malalim Pangangahasan kong aking lulusungin


Hustong bait ninyo ang titimbulanin
Na inaasahang sasagip sa akin.”

“Karagatan ito’y oo nga’t mababaw Mahirap lusungin nang hindi maalam Kaya kung
sakaling ako’y masawi man Kamay mong isasagip yaong hinihintay.”

Anyo:

Pagtataya 3: Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga tinutukoy sa Hanay A. Isulat


ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
1. Batayan ng pananampalatayang a. Mahabharata Kristyano.
2. Ang bibliya ng mga Muslim. b. Aklat ng mga Araw
3. Kinatotohanan ng mga mitolohiya c. Canterbury Tales at mga alamat ng Gresya.
4. Kasaysayan ng pananampalataya d. Bibliya ng mga taga-India.
5.Nagpapahayag ng moralidad, e. Aklat ng mga Patay pananampalataya at
pag-uugali ng mga Italyano.
6. Ang naging batayan ng kalinangan at f. Illiad at Odysey pananampalatayang
Intsik.
7.Kinapapalooban ng mga mitolohiya at g. Divine Comedia teolohiya ng mga
taga-Ehipto.
8. Naglalarawan ng mga ugaling Ingles h. Koran at ng kanilang
pananampalataya.
9. Nagpapahayag ng alamat , pag-uugali i. Uncle Tom’s Cabin at kasaysayan ng
mga taga- Espanya.
10. Ang nagbubukas sa mata ng mga Amerikano j. Isang Libo’t Isang Gabi sa
kaapihan ng lahing itim.
k.El Cid Campeador
Pagtataya 4: Punan ng tamang sagot ang patlang.

1. ang tawag sa paraan ng paghahalin sa pamamagitan ng dila o bibig.


2.Nang matutong magsulat ang ating mga ninuno, ang panitikan ay kanilang inukit o
iginuhit sa mga ng kahoy.
3.Ang mga ang nagdala ng imprenta sa Pilipinas.
4.Sa pamamagitan ng imprenta, napabuti ang paraan na na paghahalin.
5. ang maaaring itawag sa makabagong paraan ng pagsasalin ng panitikan tulad
ng paggamit ng tape recorder, VHS at computer.
6.Ang ay anyo ng panitikan na ang salitang ginagamit ay pangkaraniwan o pang-
araw-araw at nakasulat sa pormang patalata.
7.Ang ay anyo ng panitikan na maaaring patula o patuluyan subalit kailangang
maipalabas sa tanghalan o dulaan.
8.Ang ay isang sining sapagkat ito ay nasusulat sa isang maganda, maayos at
kalugud-lugod na pamamaraan.
Magbigay ng dalawa sa tatlong anyo ng panitikan?
9.
10.

You might also like