Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Malikhaing Pagtatanghal na Ginagamitan ng Pagsasalita

1. Pagtatalo o Debate. Ito ay palitan ng katuwiran ng dalawa o higit pang pangkat na magkasalungat
tungkol sa isyu o paksa na pinagkasunduan. Kailangan ay may sapat na katibayan o patunay upang
maging kapani-paniwala.

2. Talumpati. Ang anyo ng panitikan na inihanda upang basahin o bigkasin sa harap ng mga nakikinig.
Layunin nito na mahikayat at mapaniwala ang mga tagapakinig sa malinaw at maayos na paglalahad ng
katuwiran.

3. Pagtatalakayan. Nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at


pangangatwiran.

A. Gulong o Wheel Discussion. May isang tagapangulo na nakikipagtalakayan sa lahat ng kalahok ngunit
ang mga kalahok ay hindi nakikipagtalakayan sa kapwa kalahok.

B. Tanikala o Chain Discussion. Ang kalahok sa gitna ay malayang nakikipagtalakayan sa dalawang


kalahok na malapit sa kanya ngunit ang dalawang kalahok na ito ay hindi nakikipagtalakayan sa isa't isa.

C. Pahugis (Y) Kahawig ito ng paraang gulong, may pinuno na malayang nakikipagtalakayan sa lahat ng
mga kalahok, ngunit ang kaibahan nito sa paraang gulong o wheel discussion at ang ibang kalahok ay
nakikipagtalakayan sa katabing kalahok lamang.

D. Pabilog na Talakayan. Ito ay higit na aktibo dahil ang mga kalahok ay malayang nakikipagtalakayan sa
dalawang magkabilang katabing kalahok.

E. Panlahat na Talakayan. Lahat ng kalahok dito ay aktibong nakapagtatalakayan sa bawat isa.

Sagot: Mahalaga ang proseso ng pagsasalita sa pagkatuto sapagkat araw-araw natin itong ginagamit
bilang pangkomunikasyon, sa pakikipagkapwa tao at sa pagkikipagpalitan ng impormasyon. Ang
pagkakaroon ng proseso ng pagsasalita ay magagamit din natin bilang mga propesyonal balang araw, at
sa mga okasyon na kailangang maging pormal. Pinagagaan din nitl ang daluyan ng impormasyon at mas
nauunawaan natin ang pahiwatig ng mga salita.

Sagot: Layunin na magkaroon ng kumpyansa sa sarili sa pagsasalita sa harap ng maraming makikinig.


Layunin na matutunan at magamit ng wasto ang mga bahagi ng pagsasalita. Layunin na makagawa ng
iba't ibang uri ng pangungusap sa mga pagsasalaysay. Layunin na matutunan at mapahalagahan ang
pagpapahayag ng damdamim sa iba't ibang uri ng pangungusap.

Sagot: 1. Pagsasalaysay
 Piliin ang kwento.
 Paghandaan ang paraan ng pagsasalaysay na gagawin.
 Gumamit ng props.
 Isalaysay ang kuwento.
 Gumawa ng ebalwasyon.

2. Readers Theater
 Pumili ng iskrip.
 Sanayin ang pagtatanghal.
 Itanghal sa teatro.
 Bigyan ng ebalwasyon ang itinanghal.

3. Mga Istrayehiya sa Pagtatanong


 Magtanong ng mga inihandang katanungan upang mabigyan ng direksyon ang aralin.
 Gawing malinaw ang mga tanong.
 Ayusin ang tanong mula sa humihingi ng aktwal na impormasyon hanggang sa nangangailangan ng
mapanuring pag-iisip.
 Muling magtanong upang bigyang elaborasyon ang sagot ng mga mag-aaral.

4. KWL na Tsart
Ihanda sa pisara ang tsart na may nakasulat na K-W-L ( Known, Want to Know, Learned). Sa ilalim ng
kolum na K, isulat ang mga kaalamang batid na ng mga mag-aaral, W sa ilalim ng mga nais malaman, at
mga natutuhan sa ilalim ng L.

5. Talakayan
Higit na angkop sa mas mataas na lebel tulad ng intermedya at sekondarya ang kawili-wiling paksang
tatalakayin ng mga mag-aaral sa isang panel na diskusyon o maramihang panayam.

You might also like