Amang Diyos, Panginoong Banal, ako po ay taos-pusong nagpupuri, naghahandog ng isang
panalangin at sumasamba sa iyo. Kami po’y taos-pusong nagpapasalamat sa iyong mga
kabutihan at pang-unawa. Salamat Panginoon sa mga biyayang aming natatanggapa sa araw- araw, sa aming mga pamilya, kaibigan at katrabaho.
Tulungan mo po kami upang makintal sa amin a` ng inyong pag-ibig at makakuha ng sapat
na kaalaman at ng karunungan. Magsilbi nawa kaming mabuting halimbawa sa aming mga kapwa guro at mga estudyante na gumagawa at sumusunod sa lahat ng inyong mga aral at kautusan. Iligtas mo po ang aming pamilya sa anumang kapahamakan at nawa’y bigyan mo kami ng sapat na lakas ng loob at katawan upang mapaglabanan namin ang mga pagsubok na aming makakasalubong.Hinihingi NAMIn ang iyong patnubay at interbensyon sa iyong perpektong paraan at sa ilalim ng yong biyaya.
Magkaroon po sana kami ng pagkakaisa at ng pagtutulungan upang magampanan ang mga
tungkulin sa aming kapwa, sa aming eskwelahan at sa mundong aming kinabibilangan.
Kayo po ang aming sandigan at lubos po kaming nananampalataya sa iyong kapangyarihan.
Ito po ang aming samu't dalangin sa pangalan ng iyong anak na si Hesus, Amen