Wika at Nasyonalismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa aking inisyal na pag-aakala, ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga pamamaraan kung paano natin

maipamamalas o maipakikita ang pagmamahal natin sa ating bayan. Subalit sa paglalawig ni Constantino
(1986), binigyan-kahulugan niya ang nasyonalismo bilang “isang tugon sa mga problema ng pagbabago
sa ilalim ng pamumuno ng mga nasyonalistikong grupo samantalang sila’s nasa kanilang mga
pormatibong yugto.” Gamit ang kahulugang inilahad ni Constantino, masasabi kong may tiyak na mukha
na ang nasyonalismo sa mga Pilipino sapagkat sa kasalukuyan ay nakapagtatag na tayo ng wikang
pambansa na ibinatay sa katutubong wika. Bagama’t malaki pa rin ang impluwensiya ng wika ng mga
nanakop sa bansa natin noon, tila nailayo natin at nakapagbuo na ng sariling aydentidad sa anyo ng
wikang Filipino sapagkat hindi ito direktang subunit ng wikang Ingles at Kastila, kundi ng wikang Tagalog
at Pilipino.

Gaya ng bansang Indonesia at Malaysia, nagsagawa rin noon ang Pilipinas ng mga pagplaplanong
pangwika dulot ng ideolohiyang nasyonalismo. Dahil nais nating magkaroon ng sariling identidad na
hiwalay sa mga nanakop sa atin, ang pagbuo ng wikang pambansa gamit ang supraetnik na estilo ay
isinagawa. Dahil wikang Tagalog ang malawakang ginagamit sa bansa, ito ang nagsilbing batayan. At ang
bunga ng pagplaplanong pangwika ay ang wikang Filipino.

Ang pagpili sa wikang Pilipino bilang nasyunal na lingua franca ng Pilipinas sa halip na Ingles ay bunga rin
ng nasyonalismo. Dahil sa impluwensiya ng Amerikano, paggamit sa wikang Ingles bilang wikang
panturo, at sa katotohanang ito ang unibersal na lenguwahe, masasabi ring gamitin rin ang wikang Ingles
ng mga Pilipino. Subalit, dahil nga sa pagsisikap na mailayo ang mga Pilipino sa impluwensiya ng
nangolonya at magkaroon ng pambansang determinasyong pansarili, mas naging matimbang na bigyan
ng pansin ang wikang Filipino bilang wikang pambansa.

Direktang naimpluwensiyahan ng nasyonalismo ang pagdetermina natin sa ating wika sapagkat naging
kritikal ang mga Pilipino sa pagpili ng wikang gagamitin sa iba’t ibang larangan – Filipino sa malaking
porsiyento ng mass media at inklusyon ng Ingles bilang wikang panturo. Epekto na rin ng pagnanais na
mapausbong ang ekonomiya ng bansa, ang paggamit ng Ingles ay di maikakailang may malaking ambag
sa pagtahak natin sa pandaigdigang saklaw. Subalit, pinapanatili pa rin natin ang pagdomina ng sarili
nating wika sapagkat nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa ating pagka-Pilipino.

Sanggunian:

Constantino, P. & Atienza M. (1996). Mga piling diskurso sa wika at lipunan. Lungsod Quezon: University
of the Philippines Press

You might also like