RENAISSANCE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RENAISSANCE

Ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14 hanngang ika-16 na
dantaon. Ang muling pagkamulat sa kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbibigay
sa kahalagahan ng TAO. Isang pagbabalik-sigla sa mga makalumang interes mula sa mga
pangangailangang espiritwal noong Panahong Medieval. Jerome John D. Gutierrez BSED 2-F (SS)

METAFISIKA

Isang sangay ng pilosopiya ang Metapisika, at may kaugnayan ito sa mga agham-pangkalikasan, tulad ng
pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak; at sa mistisismo, relihiyon at mga paksang espirituwal.
Napakahirap tukuyin ang kahulugan ng metapisika, ngunit bilang pagpapakilala ng paksang ito sa mga di-
pilosopo, maaari nating sabihin na pag-aaral ito tungkol sa mga pinakabuod at pinagbabatayang mga
kaisipan at paniniwala tungkol sa pinakapuso ng kalikasan ng tunay na nandito at umiiral, na nagsisilbi
namang pinakasahig ng iba pang mga kaisipan at paniniwala—tulad ng pagmemeron, pag-iral,
pangsanlahat, kakanyahan, kaugnayan, kasanhian, kalunanan, kapanahunan, pangyayari at maraming
iba pa.

Isang dahilan na nakakapagpahirap sa pagpapaliwanag kung ano ang metapisika ang napakalaking
pagbabago na pinagdaanan ng sangay na ito mula nang pangalanan ng mga patnugot ni Aristoteles ang
sangay ng ito maraming daantaon na ang nakakalipas. Maraming problemang hindi dati-rating
ibinibilang na pangmetapisika ang naidagdag sa metapisika. Meron namang dating itinuturing na mga
problemang pangmetapisika ang nakaugalian nang ilipat sa ibang nakahiwalay na sangay ng pilosopiya,
tulad ng pilosopiya ng relihiyon, pilosopiya ng pag-iisip, pilosopiya ng pagdama, pilosopiya ng wika at
pilosopiya ng agham. Napakahabang oras ang maaaksaya kung babanggitin ang lahat ng problemang
tinataglay, o dati-rating naging bahagi, ng metapisika.

Ang maaari nating tawagin na "pinakasentrong" mga problema sa metapisika ay ang mga problemang
lagi nang itinuturing na pangmetapisika at di-kailanman itinuring na di-pangmetapisika. May
pagkakahawig ang mga problemang pangmetapisika sa mga ibinibilang na mga problema ng ontolohiya,
"ang agham ng pag-iral sa katalagahan ng pag-iral" (basahin ang ontolohiya).

You might also like