Lesson Exemplar in Filipino WK 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kwarter 1

LESSON EXEMPLAR IN FILIPINO

Baitang at Pangkat: Guro:


Petsa: Paaralan:
Week 1
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
Pangnilalalman

Naipahahayag ang ideya /kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala at intonasyon
F2TA-0a-j-2
B. Pamantayan sa Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon
Pagganap F2TA-0a-j-3

C. Mga Kasanayan sa Natutukoy ang pangunahing ideya sa napakinggan/binasang teksto


Pagkatuto Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggan/binasang teksto

D. Pinakamahalagang Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pagunawa ng napakinggang teksto


Kasanayan sa F2PN-Ia-2 F2PN-IIb-2 F2PN-IIIa-2
Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat ang
Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto o
MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan (Kung
mayron, Isulat ang
pagpapaganang
kasanayan))

F. Pagpapayamang
Kasanayan
(Kung mayroon, Isulat
ang pagpapayamang
kasanayan)

II. NILALAMAN Kalusugan ng Pamilya ay Dapat Pangalagaan


Pagtukoy sa mga Pangunahing Ideya

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian MELC p.200 CG.p 22

1. Mga Pahina sa Gabay


ng Guro P. 4-5
2. Mga Pahina sa P.8-16
Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource

litavinzon@gmail.com
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo , Modyul
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULA

Alamin Sa araling ito, matutukoy mo ang pangunahing ideya o kaisipan sa napakinggan/binasang


teksto

Subukin Isulat kung Tama o Mali


___________ 1. Makikita ang pangunahing ideya sa unahan, gitna, o huling
pangungusap ng teksto.
___________2. Maiuugnay ang sariling karanasan kung nauunawaan ang tekstong
napakinggan o nabasa.
___________3. Ang mga salitang bata at bato ay magkasintunog.
___________4. Ang bulaklak at halaman ay magkasintunog..
___________5. Matutukoy ang kahulugan ng di-kilalang salita sa pamamagitan ng
paggamit nito sa pangungusap.

Balikan Tumutulong ka ba sa pangangalaga ng ating kapaligiran?


Ibahagi ang iyong karanasan kaugnay ng pagsama sa paglilinis ng kapaligiran o kaya ay ng
sariling bahay.

B. Pagpapaunlad
Basahin ang tula.
Tuklasin
Magtulungan Tayo

Tayo nang maglinis ng ating bakuran


Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay laging nagtutulungan.

Kaya nga, kumilos bata man matanda


Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa

Kanino ipinatutungkol ang tula?


Bakit kailangang maglinis ng paligid?
Ano ang nais gawin ng sumulat ng tula?
Ano ang pangunahing ideya ng tula?
Saang bahagi ng tula makikita ang pangunahing ideya?
Batay sa iyong karanasan, ano ang maaaring gawin upang makatulong sa kalinisan ng

litavinzon@gmail.com
paligid?

C. Pakikipagpalihan Gawain 1
Pagyamanin . Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Kumilos at Magkaisa

Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo ng bote, plastik na
nakatambak sa mga basurahan at looban ng ilang kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at
maruruming damit ay nagkalat din kung minsan. Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang.
Patapon at wala nang silbi kaya naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng mga
kalat.Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at insekto.

Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng
pagbaha. Nakasasama din ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho ng
hanging ating nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na idudulot ng mga basura.
Panahon na para tayo ay kumilos at magkaisa.

1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?


2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?
3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa ating paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?

Gawain 2

Basahin ang teksto at ibigay ang pangunahing ideya. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Sina Rina at Roy

Magkaiba ang kambal na sina Rina at Roy. Palaaral si Rina. Lagi niyang
binabasa ang kaniyang mga aralin. Palagi tuloy matataas ang kaniyang mga marka
sa paaralan. Taliwas naman sa kanya si Roy. Mahilig siyang maglaro. Madalas ay
lumiliban pa siya sa klase para lang makapaglaro. Kaya naman marami sa kaniyang
marka ang bagsak. Palagi tuloy siyang napapagalitan ng kaniyang ina.

Gawain 3
Basahin ang talata at ibigay ang pangunahing diwa o ideya nito

Likas sa mga Pilipino ang pagiging Magalang.


Naipakikita natin ito sa pamamagitan ng pagmamano. Gumagamit rin tayo
ng Po at Opo kapag tayo ay nakikipag-usap sa mas nakatatanda sa atin. .

1. a.. Ang mga Pilipino ay mababait c. Ang mga Pilipino ay masisipag.


b. Ang mga Pilipino ay masayahin. d. Ang mga Pilipino ay magagalang

2. Ang pagkain ng gulay ay mainam sa katawan. Mayaman ito sa protina at bitamina


na nagpapalakas ng ating katawan at nagpapatibay ng buto. Maiiwasan rin natin ang
pagkakasakit kung tayo ay kakain ng gulay.

litavinzon@gmail.com
a. Ang gulay ay mainam sa ating katawan c. Masarap ang gulay kaya dapat kainin.
b. Mura lang ang gulay. d. Madaling itanim ang gulay.

D. Paglalapat A. Isulat ang tsek (/) sa sagutang papel kung naranasan mo na ang pahayag at ekis (X) naman
kung hindi.
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.
2. Iniuuwi ko ang aking basura.
3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay.
4. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa di-nabubulok na basura.
5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.

Ang teksto ay may pinahahayag na ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng pangunahing


Paglalahat
ideya upang maintindihan ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang pangunahing ideya ay
matatagpuan sa pamagat, unahan,gitna at huling bahagi ng teksto. Nakatutulong sa pag-unawa
ng pinakinggan ang pag-uugnay nang narinig sa sariling karanasan.
E. Pagtataya
Basahin at piliin ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto. Isulat ang wastong letra sa
sagutang papel.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pagiingat ay isasaalang-alang. Palitan nang
madalas ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang sakit.
b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong
kapag umuubo o bumabahin nang hindi makahawa ng iba.Uminom ng maraming tubig
at magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon.
b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay maraming bitamina.
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa
mabilis na pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng
katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig.
b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na
hindi mabuti sa katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa junk food at nakalatang inumin.

V. PAGNINILAY Kumpletuhin ang bawat pangungusap.


(Reflection on the type of
Formative or Assessment 1. Ang natutuhan ko ngayon ay________________________________________________
Used for the Particular _______________________________________________________________________
Lesson)
2. Nalaman kong__________________________________________________________
3. Gusto ko pang malaman___________________________________________________

litavinzon@gmail.com

You might also like