wxb2 (h8m' (Uylqu - T

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

KONTEKSTWALISADONG

KOMUNIKASYON SA FILIPINO
WIKA
Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika
sa buhay ng tao?

Ang bawat nilikha ay naghahangad na magkaroon


ng kahusayan sa wika.
Ito ay isang mahalagang kasangkapan upang
maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at
kaisipan.
Ang kakayahan sa paggamit nito nanasasalig sa isipan,
damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong
prosesong bunga ng kanyang karanasan-kabiguan,
tagumpay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga
pangarap at mithiin.
Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon
sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at
nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng
kabuhayanng iba. Dahil sa wika nakatatanggap
at nakikibahagi siya sa kapwa ng bisa ng
dala ng pagbabago sa kultura at
kabihasnan.
Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong
napakakomplikadoat tunay na may kapangyarihan?

Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan


ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na
nagbabago. Kailanman ito’y hindi static.
Isa sa mgapinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos
sa tao ay ang wika.
Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang
kapwa ang kanyang iniisip,
nadarama at nakikita tungkol sa
kanyang paligid
WIKANG PAMBANSA
Ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika. Ayon
sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay
"ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang
Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Ang gustong
makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric
language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende
sa lugar na kung saan ito'y ginagamit. May mga "lumilitaw
na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang
balarila ng Tagalog" sa Davao at Cebu,
na bumubuo sa tatlong pinakamalaking
metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama
ng Kalakhang Maynila.
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitangtunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama
sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan.
Ayon naman kay Dr. Jovy Peregrino Binanggit
niya na ang wika ay isa lamang manipestasyon ng
wika.Ang tao ay di kailangan turuan
ng wika para matuto
Ayon nanam kay Edward Sapir Ang wika ay isang
likas at makataong pamamaraan ng paghahatid
ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay
isangsistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.
Ayon kayTodd (1987) ang wika ay isang set o
kabuuanng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. - hindi lamangbinibigkas na tunog
kungdi ito’y sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito, ayon sa kanya, walang
dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa
ay may sariling set ng mga tuntunin.
Ayon naman kay Bram, ang wika ay
nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong
simbolo at tunog na binibigkas at sa
pamamagitannito’y nagkakaroon ng interaksyon
ang isang pangkat ng tao.

You might also like