Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 Mga Hamong Panlipunan AP 10 New Format NEW VERSION PDF
Modyul 1 Mga Hamong Panlipunan AP 10 New Format NEW VERSION PDF
Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 1: MGA ISYU AT
HAMONG PANLIPUNAN
Pambungad sa Araling Panlipunan 10
Unang Markahan – Modyul 1: Isyu at Hamong Panlipunan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Para sa mag-aaral:
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng tao.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa among pangkapaligiran
tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Subukin
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin
sa modyul na ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Alamin
Larawan 1: Editorial Cartoon Tungkol sa Corruption Sanggunian: Philippine Daily Inquirer: 2012
1. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan?
2. Maituturing mo ba itong isyung panlipunan ? Bakit?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?
Tuklasin at Suriin
Ang Lipunan
Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa
bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig
sabihin ng lipunan? Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang
naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga. Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga sosyologo
tungkol sa lipunan. Ilan sa kanila ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles
Cooley. Tunghayan ito sa sumusunod na pahayag.
Ang Lipunan ayon kay G. Karl Marx
"Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil
sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na
nakabatay sa yaman at kapangyarihan."(Panopio, 2007)
Hindi lang pagbabago ang ipinapakita sa larawan, pati na ang pag-aagawan sa limitadong
pinagkukunang yaman tulad ng lupain sa isang lunsod, kung saan epekto nito ay ang
paglobo presyo ng lupain at ang tunggalian kung sino ang maunang bumili.
Ang Lipunan ayon kay G. Emile Durkheim
"Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang
lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin."(Mooney, 2011)
Ang Lipunan ayon kay G. Charles Cooley
"Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan maayos na interaksiyon ng mga
mamamayan."(Mooney, 2011)
Materyal Di-Materyal
Binubuo ito ng mga gusali, Kabilang dito ang batas, gawi, ideya,
likhang-sining, kagamitan, at iba paniniwala, at normsng isang grupo ng
pang bagay na nakikita at tao. Hindi tulad ng materyal na kultura,
nahahawakanat gawa o nilikha hindi ito nahahawakan subalit ito ay
ng tao. (Panopio, 2007) Angmga maaaringmakita o maobserbahan. Ito
bagay na ito ay may kahulugan at ay bahagi ng pang-araw-araw na
mahalaga sa pag-unawa ng pamumuhay ng tao at sistemang
kultura ng isang lipunan. panlipunan. (Mooney, 2011).
Isagawa o Pagyamanin
Basahin ang sipi sa ibaba at sagutin ang mga katanungan na susunod dito. Isulat
lamang ang sagot sa inyong papel.
Alamin
Panimulang Gawain
Gawain 1. Larawan- Suri : Ang gawaing ito ay naglalayong masuri mo ang mga
iba’t ibang isyung panlipunang kinahaharap mo o ng ibang mga indibiduwal.
Tingnang mabuti ang larawan at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Paliwanag Paliwanag
3. Ano ano sa mga suliraning nabanggit ang mahirap uriini kung ito ba ay suliraning
personal o panlipunan? Ipaliwanag.
4. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan?
5. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?
Tuklasin at Suriin
Isang pampublikong usapin ang isyung panlipunan. Samakatuwid, nakaaapekto ito
hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing
lipunan. Karaniwang ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning
kinakaharap ng lipunan. Walang maituturing na iisang depinisyon ang suliraning
panlipunan subalit lubusang maunawaan ito gamit ang Sociological Imagination.
Isaisip
Gawain 2. Gamit ang venn diagram, ay maari mong mas lantarang maipakita ang
pagkakapareho at pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan.
Isyung Isyung
Personal Panlipunan
Isagawa o Pagyamanin
Basahin ang mga situwasyon. Ipaliwanag ang sanhi at epekto ng bawat situwasiyon
gamit ang Sociological Imagination. Pagkatapos, punan ng tamang sagot ang kahon
ng paglalahat.
1. Sitwasyon: Ayon sa istatistiks, labing limang milyong Pilipino ang walang trabaho.
Paliwanag: ____________________________________________________________________
2. Sitwasyon: Isang mag-aaral ang nahihirapang gumawa ng takdang-aralin sa
Araling Panlipunan.
Paliwanag: ____________________________________________________________________
3. Sitwasyon: Dahil sa biglang paglakas ng ulan, malaking bahagi ng komunidad
ang bumaha.
Paliwanag: ____________________________________________________________________
4. Sitwasyon: Ayon sa pinakahuling tala, umaabot na ang kaso ng COVID-19 sa
Pilipinas sa mahigit 70, 000.
Paliwanag: ____________________________________________________________________
Paglalahat:
Kung gayon masasabi ko na ang isyung panlipunan ay _________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Tayahin
II. Identification Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong
tinutukoy ng bawat pahayag.
_________________1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
_________________2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na
katangian ng nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atn bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan.
_________________3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan.
_________________4. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-
kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isanglipunan
sa kabuuan
_________________5. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos, o gawi ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
_________________6. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo atnagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan.
_________________7. Tumutukoy sa isang pampublikong bagay na karaniwang
kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan.
_________________8. Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong
gumagamit dito.
_________________9. Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan.
_________________10. Tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa
pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
III. Multiple Choice. Ibigay ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
1. “Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.” Ano ang binabanggit
ng pahayag?
A. Kultura B. Lipunan C. Pagpapahalaga D. Paniniwala
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gampanin ng isang indibiduwal sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Ipagsawalang-bahala ang mga isyung hindi ka apektado.
B. Iasa sa gobyerno ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Maging mulat sa lipunang ginagalawan.
D. Maghanap ng lipunang walang isyung kinahaharap.
3. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo
o sa isang lipunan sa kabuuan.
A. Mores B. Norms C. Folkways D. Social Group
Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung
panlipunan.
“Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang
halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at
isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na
may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang
trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang
lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho,
maaari itong ituring na isyung panlipunan.”
4. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung
personal ay hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan
samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng
isang lipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning
kinahaharap ng indibiduwal.
Para sa bilang na ito, basahin ang bahagi ng blog na isinulat ni Michaela Macan
(2015)
Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan
tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa
ating sarili na gusto nating makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit
n n gating pagkasilang. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan ang
kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa
atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay
nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng
mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para
sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng
hinaharap, magsikap tayo hbang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka
simulan mo na. Huwag matakot haramin ang hamon sa buhay dahil ang
kahirapan ay di mawawakasan kung mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng
paraan.
5. Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at
hamong panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa
mamamayan
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling
komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong
panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
Karagdagang Gawain
Isyu/Hamong Panlipunan
______________________________________________________
1. TAMA
2. NORMS
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
II. Identification
1. LIPUNAN 6. NORMS
2. SOCIAL GROUP 7. ISYUNG PANLIPUNAN
3. STATUS 8. SIMBOLO
4. KULTURA 9. SOCIOLOGICAL IMAGINATION
5. PAGPAPAHALAGA 10. PANINIWALA
6. NORMS
1. B. LIPUNAN
2. C. Maging mulat sa lipunang ginagalawan.
3. B. NORMS
4. B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang
ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
5. C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
Sanggunian
• http://wpcontent.answcdn.com/wikipedia/en/thumb/1/1c/Charles_Cooley.png/220px Charles_Cooley.png
• https://www.officialgazette.gov.ph/1945/08/19/speech-of-president-osmena-on-the-occasion-of-president-quezons-birthday-
august-19-1945/
• http://www.philosophybasics.com/photos/marx.jpg
• Sanggunian: Salaverria, 2017. TheJakartaPost.com. Retrieved
• Learners’ Module – Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu
• Teacher’s Guide – Araling Panlipunan 10, Mga Kontemporaryong Isyu
• https://media.philstar.com/photos/2020/02/11/psntoon_2020-02-11_21-39-33.jpg
• https://www.sunstar.com.ph/uploads/images/2020/05/20/228407.jpg
• https://media.philstar.com/photos/2019/07/18/psntoon_2019-07-18_22-00-01.jpg
• https://media.philstar.com/photos/2020/04/04/oped_2020-04-04_19-25-30.jpg